You are on page 1of 32

UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES

Iriga City

GRADUATE SCHOOL

KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN

I. INTRODUKSIYON

Ang henerasyon ngayon ay tinaguriang mga “21st Century

Learners”. Ang mga mag-aaral ngayon ay nasa ilalim ng K to 12

kurikulum kung kaya’t mas mahirap at komplikado ang mga

itinuturo. Habang tumatagal, parami nang parami ang mga mag-

aaral na nagrereklamo at humaharap sa mga problemang dulot ng

iba’t ibang salik. Ang mga salik na ito ay nakakaapekto sa

akademikong perpormans ng isang mag-aaral tulad na lang ng

kawalan ng pokus dulot ng hindi maayos na bentilasyon sa bawat

silid-aralan ng Senior High School.

Ang bentilasyon sa bahay man o sa paaralan ay napakahalaga.

Hindi lamang ito nakakaapekto sa pokus ng mga mag-aaral maging

sa kalusugan na rin ng isang indibidwal. Ang kawalan ng maayos

na bentilasyon ay nagdudulot ng sakit ng ulo at stress. Bunga

nito, naaapektuhan ang perpormans ng bawat mag-aaral. Upang

mabawasan ang mga sagabal sa pag-aaral, kahit ang simpleng

pagdagdag ng mga bentilador ay makakatulong.

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa hinaing ng mga mag-

aaral ukol sa kawalan ng maayos na bentilasyon na isa sa

1
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

nagiging sanhi ng mababang perpormans ng bawat mag-aaral ng

Senior High School. Ang pananaliksik rin na ito ay isang paraan

upang mapagtanto ng mga tao na hindi lamang pagliban sa klase,

pagtulog, at katamaran ang rason kung bakit mababa ang

akademikong perpormans ng mga mag-aaral kundi pati na rin ang

kawalan ng pokus sa klase. Higit sa lahat, ang pananaliksik na

ito ay para masolusyonan ang mga problema ng mga mag-aaral sa

Senior High School.

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa iba pang mga

bagay. Mabibigyan ng kaalaman ang mga guro at ang administrasyon

ukol sa kawalan ng maayos na bentilasyon, maiiwasan ang mga

sakit na dulot ng init, at makakasabay na rin ang mga mag-aaral

sa diskusyon sa klase at marami pang iba. Ito rin ay magiging

kapaki-pakinabang para sa susunod na mga mananaliksik at mga

estudyanteng makakaranas ng parehong sitwasyon.

Sa patuloy na pagtaas ng populasyon ng mga mag-aaral, ang

pagdagdag ng bentilador sa bawat silid-aralan ay kinakailangan.

Kinakailangan ng sapat na bilang ng mga bentilasyon na masasakop

ang bawat sulok ng silid-aralan upang hindi na mahirapan ang

mga estudyante at guro sa init na dulot ng panahon. Sa ganitong

paraan, mas magiging maayos ang akademikong perpormans ng mga

2
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

mag-aaral. Mas lalo ring magiging maayos ang daloy ng leksyon

ng mga guro.

II. LAYUNIN NG PANANALIKSIK

PANGKALAHATANG LAYUNIN

 Matukoy ang kahalagahan ng maayos na bentilasyon sa

aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral sa klase.

TIYAK NA LAYUNIN

 Matukoy ang bilang ng mga silid-aralan na mayroong

maayos na bentilasyon.

 Layuning magkaroon ng sapat at maayos na bentilasyon sa

bawat silid-aralan ng SHS.

 Matukoy kung paano nakakaapekto ang kawalan ng maayos

na bentilasyon sa pag-aaral at kalusugan ng mga mag-

aaral.

III. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang hinaing ng mga mag-

aaral ukol sa kawalan ng maayos na bentilasyon sa loob ng bawat

silid-aralan pati na rin ang epekto nito sa akademikong

perpormans ng mga mag-aaral ng Senior High School sa University

of Saint Anthony.

3
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

IV. KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa:

 Pamahalaan. Malalaman ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga

problemang kinakaharap ng mga mag-aaral na nagiging sanhi

ng mababang perpormans sa kanilang klase habang ang

Kagawaran ng Kalusugan naman ay mabibigyan ng sapat na

kaalaman sa epekto ng di-maayos na bentilasyon sa pokus ng

isang mag-aaral.

 Paaralan. Mabibigyang solusyon ng administrasyon ang

kakulangan sa mga ceiling fan at iba pang bentilador sa

bawat silid-aralan.

 Mag-aaral. Maiiwasan ang pagtulog ng mga mag-aaral sa klase

at magiging aktibo na rin sila sa pakikilahok sa diskusyon

ng kanilang mga guro.

 Guro. Tulad ng mga mag-aaral, hindi na rin sila

magkakaproblema sa init na dulot ng kakulangan ng mga

bentilador sa silid-aralan at mababawasan na ang mga rason

ng mga mag-aaral kung bakit mababa ang kanilang akademikong

perpormans.

 Magulang. Mapapanatag ang loob nila dahil alam nilang

mayroong maayos na bentilasyon sa loob ng silid-aralan ng

kanilang mga anak at makakasiguro sila na hindi na

4
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

makakakaapekto ang kawalan ng maayos na bentilasyon sa

perpormans ng kanilang mga anak.

 Sa mga susunod na mananaliksik. Maaari itong maging basehan

o gabay ng mga sususnod na mananaliksik.

5
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

V. DEPINISYON/KAHULUGAN NG MGA TERMINO

 Bentilasyon- labasan at pasukan ng hangin sa gusali o

silid.

 21st Century Learners- karaniwang ginagamit upang tumukoy

sa ilang pangunahing kakayahan tulad ng pakikipagtulungan

digital literacy, kritikal na pag-iisip at paglutas ng

problema na itinataguyod ng mga paaralan na kailangang

magturo upang matulungan ang mga mag-aaral na umunlad sa

mundo ngayon.

 Akademikong perpormans- sumusukat sa kakayahan at abilidad

ng bawat mag-aaral sa loob ng silid aralan.

 K to 12- isang katawagan para sa kabuuang edukasyong

elementarya at mataas na paaralan.

 Kalusugan- isang kalagayan ng buong pangkatawan,

pangkaisipan, panglipunang kagalingan, at hindi lamang

binubuo ng pagkawala ng sakit o kahinaan.

 Bentilador- kasangkapang de-kuryente na nagbubuga ng

hangin.

 Kagawaran- isang hiwalay na seksyon ng administrasyon.

6
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

VI. BALANGKAS KONSEPTWAL

INPUT

PANGKALAHATANG LAYUNIN
 Matukoy ang kahalagahan ng maayos na
bentilasyon sa aktibong partisipasyon ng mga
mag-aaral sa klase.
TIYAK NA LAYUNIN
 Matukoy ang bilang ng mga silid-aralan na
mayroong maayos na bentilasyon.
 Layuning magkaroon ng sapat at maayos na
bentilasyon sa bawat silid-aralan ng SHS.
 Matukoy kung paano nakaaapekto ang
kawalan ng maayos na bentilasyon sa pag-
aaral at kalusugan ng mga mag-aaral.
TUGON

PROSESO

Interpretasyon ng mga Datos

AWTPUT

Rekomendasyon sa mga nasabing Suliranin

7
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

BIBLIYOGRAPIYA:

BIBLIYOGRAPIYA

 “Bentilador, magbentilador”. “English, Leo James.

“Tagalog-English Dictionary” (Talahulugang Tagalog-

Ingles)”. 1990., pahina 186.

 https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Bentilador

 http://www.googler.com.ph/url?q=https://www.tagaloglang.c

om/kagawaran/&sa=U&ved=0ahUKEwi6vozSNfWAhWGNJQKHZSVBUgQFg

gpMAA&usg=AOvVaw3StwNo1QQaVbpTk5NI_rAE

 http://www.googler.com.ph/url?q=https://johnkenfrancisco.

blogspot.com/2016/04/pananaliksik-akademiko-performans-

ng-mga.html%3Fm%3D1&sa=U%ved=0ahUKEwjwu-

PudfWAhUIGpQKHfbnCp8QFggmjMAA&usg=AOvVaw0U7ICfBVQz9cwjcW_

P3Gf0

 http://www.googler.com.ph/url?q=https://www.edweek.org/ts

b/articles/2010/10/12/01panel.h04.html&sa=U&ved=0ahUKEwjI

oIDP_tfWAhWBm5QKHTbBCv4QFggvMAE&usg+AOvVaw3NuXJOr7snFkzjO

b_6LdNt

 RichardShaughnessy,www.healthyfacilitiesinnstitute.com/a_

47Study_Classroom_Ventilation_Affects_Student_Performance

 https://tl.m.wikipedia.org/wiki/K%E2%80%9312

 https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Kalusugan

8
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

 Shaughnessy-Haverinen,

http://journals.plos.org/plosone/article?id=10.1371/journ

al.pone.0136165

 John F. Kennedy, Classroom Climate and Academic

Performance of Education Students

 Leonard Hill, Ventilation Rates in Schools and Learning

Performance

 Norback and Nordstorm, www.elsevier.com/locate/buildenv

 https://www.achrnews.com/articles/96733-the-importance-

of-ventilation-in-schools/

 https://www.strooming.nl/english/blog/the-importance-

good-school-ventilation/

KABANATA II

9
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Katamaran, problemang pinansiyal o problema sa pamilya,

gutom, peer pressure, at pagliban sa klase ay ilan lamang sa

mga salik na nakakaapekto sa akademikong perpormans ng isang

mag-aaral. Gaano pa man karami ang mga salik na ito, hindi pa

rin natin maaring isawalang bahala and bentilasyon na isa rin

sa mga dahilan kung bakit mababa ang marka ng ibang mag-aaral.

Sa kabanatang ito, ilalahad ang iba’t ibang pag-aaral at

literaturang kaugnay ng kasalukuyang pananaliksik. Ang mga

datos, pag-aaral at mga literaturang ito ay hango sa iba’t ibang

sanggunian tulad ng mga aklat, dyaryo, balita, at internet.

BANYAGANG LITERATURA

Ayon kay Richard Shaughnessy, isang program director sa

Indoor Air Quality Research, maraming mga paaralan ang

nagkukulang sa pagbibigay ng magandang kapaligiran para sa mga

mag-aaral. Sa simpleng pamamaraan, ang pagpasok ng higit pang

sariwang hangin sa silid-aralan ay makakatulong sa bawat mag-

aaral patungo sa mas mataas na antas. Ang pag-aaral na ito ay

nagmumungkahi na taasan ang bilang ng bentilasyon sa silid-

aralan upang mapabuti ang akademikong pag-aaral ng mga

estudyante. Sa pag-abot sa mga alituntunin na ito ay siya namang

10
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

pagsasakatuparan ng mas mahusay at produktibong kapaligiran ng

paaralan hindi lamang sa mga mag-aaral kundi sa buong populasyon

ng paaralan.

Sa artikulo naman ni Shaughnessy kasama si Haverinen,

inilahad na sa pagbaba ng temperatura sa loob ng isang silid-

aralan ay may kaakibat itong pagtaas sa iskor ng isang mag-

aaral. Sa artikulong ito, makikita na kung gaano kahalaga ang

sirkulasyon ng hangin sa pokus at marka ng mga mag-aaral.

Makikita na malaking tulong rin ito sa paghikayat sa mga mag-

aaral na makilahok sa klase o diskusyon.

Ayon naman kay John F. Kennedy, ang pag-unlad ng isang

bansa ay hindi maaaring maging mas mabilis sa pag-unlad ng ating

edukasyon. Sa katunayan, ang pag-unlad ng bansa ay nakadepende

sa uri ng edukasyon na nanggaling sa isang bansa.

Dahil kinakailangan ng maayos at mataas na sistema ng

edukasyon bago umunlad ang isang bansa, nararapat bigyang pansin

ang mga problemang kinakaharap ng mga mag-aaral. Hindi maaaring

umunlad ang isang bansa kung ang simpleng problema sa sistema

ng edukasyon ay hindi mabibigyang solusyon.

Ipinakita naman ni Leonard Hill na ang masasamang epekto

ng polusyon sa hangin ay hindi dahil sa masamang hangin, bagkus

11
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

ay dahil sa hindi sapat na sirkulasyon ng hangin na nasa paligid

ng bawat tao na naninirahan sa isang gusali o silid. Sa

katunayan, ang pagpapawis ng katawan ng isang tao ay nababawasan

dahil sa epekto ng hangin na nakakatulong sa pagiging aktibo ng

isang tao.

Kaugnay nito, inilahad din nila Norback at Nordstrom ang

lumalaking ebidensiya na nagpapakita ng kawalang gana ng mga

mag-aaral na dulot ng hindi sapat na bentilasyon at hindi angkop

na kondisyon dahil sa init ng bawat silid-aralan. Ipinakita

nila ang malaking epekto ng di-maayos na bentilasyon sa pokus

ng isang indibidwal.

Sa balita naman ukol sa kahalagahan ng bentilasyon sa bawat

paaralan, sinabing kinakailangan ng sapat na bentilador sa bawat

silid o pasilidad upang matugunan ang pangangailangan ng bawat

indibidwal. Nais nitong iparating na sa bawat silid ay dapat

mayroong tama at sapat na kantidad ng hangin sa loob at labas

upang hindi maapektuhan ang kalusugan pati na rin ang perpormans

ng bawat mag-aaral.

Ayon rin sa isang artikulong tumatalakay sa kahalagahan ng

maayos na bentilasyon sa bawat silid-aralan, sinabing ang di-

maayos na bentilasyon ay magdudulot ng hindi magandang epekto

12
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

sa pisikal at sikolohikal na kalusugan ng isang mag-aaral.

Inilahad din dito na mahalaga ang bentilasyon sa pakikisabay sa

pagbabago ng temperatura.

13
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

KABANATA III

METODO NG PANANALIKSIK

I. PAMAMARAANG GAGAMITIN

Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng sarbey na isang

uri ng deskriptibong metodo ng pananaliksik. Ang sarbey ay isang

paraan ng pangangalap ng datos sa pamamagitan ng pagbibigay ng

talatanungan sa ilang bahagi ng kabuuang populasyon. Sa

pamamaraang ito, mas mapapadali ang pangangalap ng mga datos.

II. POPULASYON

Ang mga respondenteng kabilang sa pag-aaral na ito ay may

kabuuang 173 na mag-aaral. Halos lahat ng seksyon sa ika-11

baitang at ika-12 baitang ay mayroong 6 na piling mag-aaral na

sasagot sa sarbey maliban nalang sa ABM-F na may 5 respondente

lamang.

III. PARAAN NG PAGPILI NG KALAHOK

𝑵
N = Total population 𝒏=
𝟏 + 𝑵𝒆𝟐

N = 1100
e = Margin of error
e = 0.07

𝒏 = Sample size 𝟏𝟏𝟎𝟎


𝒏=
𝟏 + (𝟏𝟏𝟎𝟎)(𝟎. 𝟎𝟕)𝟐

𝒏 = 172.143975 o 173 na piling mag-aaral

14
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

IV. DESKRIPSYON NG MGA RESPONDENTE

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga piling

mag-aaral sa Departamento ng Senior High School sa University

of Saint Anthony. Ang mga piling respondente ay mayroong sapat

na kaalaman ukol sa paksang sinasaliksik at siyang magbibigay

ng kasagutan sa inilaan na sarbey.

V. PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS

Talatanungan ang pamamaraang ginamit upang makakalap ng

datos para sa pag-aaral na ito. Inilahad at siniguro sa sarbey

na magiging kompidensyal ang lahat ng impormasyong inilagay.

Nangalap rin kami ng impormasyon sa pamamagitan ng pagbasa ng

mga kaugnay na pag-aaral at literatura sa internet at sa mga

aklat.

15
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

Kabanata IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito ilalahad ang resulta ng isinagawang sarbey at

ang interpretasyon nito.

Mga Respondente Kalimitan Bahagdan (%)

Ika-labing isang
83 47.98%
baitang

Ika-labing dalawang
90 52.02%
baitang

Kabuuan 173 100%

Suliranin 1: Sapat ba ang mga bentilador sa inyong silid-aralan?

1
70

60

50

40

30

20

10

0
Gr.11 Gr.12
Oo Hindi

16
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

Pigura 1. Distribusyon ng mga Respondente ayon sa kanilang

opinyon ukol sa Epekto ng Bentilasyon sa Akademikong Perpormans

ng Mag-aaral

Makikita na sa kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa ika-11

baitang, 30 mag-aaral ang sumasang-ayon na sapat ang mga

bentilador sa kanilang silid-aralan habang 53 sa kanila ang

nagsasabing kulang ang bentilador sa kanilang silid-aralan sa

SGO Building. Sa 90 namang mag-aaral ng ika-12 baitang, 25 ang

sumagot ng oo habang 65 naman ang sumagot ng hindi tungkol sa

sapat na bentilador sa kani-kanilang silid-aralan sa SHS

Building.

Suliranin 2: Lahat ba ng bentilador sa inyong silid-aralan ay


maayos na gumagana?

2
70
60

50

40

30

20

10

0
Gr. 11 Gr. 12
Oo Hindi

17
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

Pigura 2. Distribusyon ng mga Respondente ayon sa kanilang

opinyon ukol sa Epekto ng Bentilasyon sa Akademikong Perpormans

ng Mag-aaral

Sa 83 respondante mula sa ika-11 baitang, 51 ang sumang-

ayon at 32 ang hindi sumang-ayon na maayos na gumagana ang mga

bentilador sa kanilang silid-aralan. Sa 90 respondante naman

mula sa ika-12 baitang, 65 ang sumang-ayon habang mayroon pa

ring 25 na hindi sumang-ayon sa nakasaad na katanungan.

Suliranin 3: Nakakaapekto ba ang di-maayos na bentilasyon sa

inyong kalusugan at pag-aaral?

3
90
80
70
60
50
40
30
20
10
0
Gr. 11 Gr. 12
Oo Hindi

18
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

Pigura 3. Distribusyon ng mga Respondente ayon sa kanilang

opinyon ukol sa Epekto ng Bentilasyon sa Akademikong Perpormans

ng Mag-aaral

Sa 173 kabuuang bilang ng mga respondante, 78 mula sa ika-

11 baitang at 83 mula sa ika-12 baitang ang nagsabing

nakakaapekto ang bentilasyon sa pag-aaral at kalusugan ng mag-

aaral habang 5 mula sa ika-11 baitang at 7 naman mula sa ika-

12 baitang ang hindi sumasang-ayon na nakakaapekto ang nasabing

problema sa perpormans at kalusugan ng mga mag-aaral.

Suliranin 4: Kung oo, sa paanong paraan?

19
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

Pigura 4.a

Pigura 4.b

20
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

Pigura 4.c

Pigura 4.d

Pigura 4.a, 4.b, 4.c, 4.d. Distribusyon ng mga Respondente ayon

sa kanilang opinyon ukol sa Epekto ng Bentilasyon sa Akademikong

Perpormans ng Mag-aaral

Sa buong bilang ng mga respondent, mula sa ika-11 baitang,

57 ang nagsabing nagdudulot ng antok ang kakulangan ng

bentilasyon, 42 ang nagsabing nagdudulot ito ng sakit ng ulo,

50 ang nagsabing nagdudulot ito ng kawalan ng gana at 50 rin

ang nagsabing nagdudulot ito ng pagbaling ng atensyon sa ibang

bagay. Sa ika-12 baitang naman ay 52 ang nagsabing nagdudulot

ng antok ang kakulangan ng bentilasyon, 47 ang nagsabing

nagdudulot ito ng sakit ng ulo, 61 ang nagsabing nagdudulot ito

21
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

ng kawalan ng gana at 51 rin ang nagsabing nagdudulot ito ng

pagbaling ng atensyon sa ibang bagay.

Suliranin 5: Mayroon bang sapat na kaalaman ang mga namamahala

ukol sa problemang ito?

5
60

50

40

30

20

10

0
Gr. 11 Gr. 12
Oo Hindi

Pigura 5. Distribusyon ng mga Respondente ayon sa kanilang

opinyon ukol sa Epekto ng Bentilasyon sa Akademikong Perpormans

ng Mag-aaral

Sa 173 mga respondent, 43 mula sa ika-11 baitang at 56

mula sa ika-12 baitang ang nagsabing may sapat na kaalaman ang

administrasyon sa paaralan ukol sa kawalan ng maayos na

bentilasyon sa bawat silid-aralan habang 40 sa ika-11 baitang

at 34 mula sa ika-12 baitang ang nagsabing walang sapat na

kaalaman ang paaralan.

22
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

Suliranin 6: Sang-ayon ka ba na dapat dagdagan o palitan ang

mga bentilador sa inyong silid-aralan?

100
90
80
70
60
50
40
30
20
10
0
Gr. 11 Gr. 12
Oo Hindi

Pigura 6. Distribusyon ng mga Respondente ayon sa kanilang

opinyon ukol sa Epekto ng Bentilasyon sa Akademikong Perpormans

ng Mag-aaral

73 mula sa ika-11 baitang at 86 mula sa ika-12 baitang ang

sang-ayon na dapat dagdagan ang maga bentilador sa kani-kanilang

silid-aralan habang 10 mula sa ika-11 baitang at 4 mula sa ika-

12 baitang ang hindi sang-ayon sa nasabing mungkahi.

23
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Sa kabanatang ito ilalahad ang mga solusyon na natuklasan

batay sa mga nakalap na impormasyon na nagiging saligan sa

paglahad ng rekomendasyon.

I. LAGOM

Ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ay

malaman at mabigyang-pansin ang mga problema ng mga mag-

aaral ukol sa kawalan ng maayos na bentilasyon sa

pamamagitan ng pagkalap ng mga impormasyon na magbibigay

solusyon sa nasabing suliranin.

Sa pamamagitan ng pagkalap ng mga datos, iba’t ibang

bagay ang natuklasan na siyang magiging pundasyon ng

solusyon, konklusyon, at rekomendasyon ng pag-aaral na

ito.

II. MGA NATUKLASAN

Batay sa mga datos at impormasyon na nakalap mula sa pag-

aaral ng mga mananaliksik, natukoy ang mga bagay na

naidududlot ng di-maayos na bentilasyon sa mga mag-aaral

ng Senior High School.

24
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

1. Mas maayos ba ang mga bentilador sa silid-aralan ng

SHS Building?

- Ayon sa mga datos na nakalap, mas marami sa mga mag-

aaral ng ika-12 baitang ang nagsasabing hindi sapat

ang mga bentilador sa kanilang silid-aralan. Kung

ikukumpara ito sa bilang ng mga mag-aaral na

nagsabing hindi sapat ang mga bentilador sa kanilang

silid-aralan sa SGO Building, mas marami ang mga

mag-aaral na naaapektuhan ng di-maayos na

bentilasyon sa SHS Building.

2. Nararapat bang palitan o dagdagan ang mga bentilador

sa bawat silid-aralan?

- Dahil sa laki ng porsiyento ng mga mag-aaral na

nagsasabing kulang at di-maayos na gumagana ang mga

bentilador sa kani-kanilang silid-aralan, natuklasan

ng mga mananaliksik na nararapat bigyan ang mga mag-

aaral ng sapat na bilang ng bentilador upang matugunan

ang pangangailangan ng bawat mag-aaral.

3. Ano-ano ang mga bagay na naidudulot ng di-maayos na

bentilasyon sa mga mag-aaral?

25
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

- Maliban sa pagkaantok, pagsakit ng ulo, pagkawala ng

gana at pagkabaling ng atensyon sa ibang bagay, may iba

pang bagay na naidudulot ang di-maayos na bentilasyon sa

bawat silid-aralan. Kabilang na nga dito ang pagbaba ng

marka ng mga mag-aaral at ang masamang epektong dulot

nito sa kalusugan ng bawat indibidwal.

4. Maaari bang malampasan ng mga mag-aaral ang problemang

dulot ng di-maayos na bentilasyon sa kanilang mga

simpleng pamamaraan?

- Batay sa mga impormasyong ibinahagi ng mga respondente,

kahit sa simpleng pagdadala ng mga pamaypay at mga

maliliit na electric fan ay maaaring maibsan ang init at

iba pang epektong dulot ng di-maayos na bentilasyon sa

mga silid-aralan.

III. KONKLUSYON

Batay sa aming pangkalahatang obserbasyon, halos lahat

ng mag-aaral ng SHS ay naapektuhan ang akademikong

perpormans dahil sa iba’t ibang salik gaya nalang ng

kawalan ng maayos na bentilasyon. Napagtanto rin ng mga

mananaliksik na isa ito sa mga salik kung bakit inaantok,

26
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

sumasakit ang ulo, nawawalan ng gana, at nababaling ang

atensyon ng mga mag-aaral tuwing nagtuturo ang mga guro.

Napagtanto rin ng mga mananaliksik na kahit gaano pa

man kalaki ang epekto ng di-maayos na bentilasyon sa

pag-aaral ng mga estudyante, sa simpleng mga pamamaraan

ay maiibsan at matutugunan ito. Kung hindi man ito

agarang mabigyang-pansin at solusyon, kung nanaisin ng

bawat mag-aaral na magpokus o makinig ng maayos sa guro

kahit na naapektuhan ito ng labis na init, sila na mismo

ang gagawa ng paraan upang matugunan ang kani-kanilang

mga pangangailangan. Isa pa ay kung mabibigyang aksyon

agad ito ng paaralan, mababawasan ang mga problemang

kinakaharap ng mga mag-aaral at maiiwasan na rin ang mga

problemang dulot nito sa mga susunod na mag-aaral.

IV. REKOMENDASYON

Alinsunod sa mga natuklasan at nabuong konklusyon sa

suliranin, nakabuo ng mga rekomendasyon na maaaring

maging kasagutan sa nasabing suliranin. Ang mga

sumusunod ay naglalahad ng rekomendasyon.

27
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

- Ipaalam sa mga namamahala ang suliraning kinakaharap

ng mga estudyante upang mabigyang bahala ang mga

namamahala sa paaralang ito.

- Pagkakaroon ng mga alternatibong solusyon ukol sa

kawalan ng maayos na bentilasyon.

- Pagsasaayos o pagpapalit ng mga hindi gumaganang

bentilador sa mas maayos na paraan at gawin itong

epektibo.

- Upang masolusyonan ang suliraning ito, kailangang

magkaroon ng pag-uusap ang lahat ng mga namamahala.

- Pagpapalit ng static fan sa orbit fan upang mas maging

epektibo at masakop ang bawat sulok ng silid-aralan.

- Magdagdag ng mga bentilador sa bawat silid-aralan.

- Kung maaari ay maglagay ng stand fan sa bawat silid-

aralan

- Ayon sa ibang respondante mas mabisang solusyon dito

ay ang pagpapalit ng mga electric fan sa aircon.

- Magsagawa ng interbyu kabilang ang punong guro at

pagusapan ang suliraning ito.

- Siguraduhing sapat ang mga bintana upang kung hindi

man makapagbigay ng karagdagang bentilador ay may

maayos pa rin na daloy ng hangin sa mga silid-aralan.

28
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

APENDIKS

APENDIKS A

Mahal naming Respondante,

Magandang araw!

Ako po si Charlene G. Botor na nagsasagawa ng pananaliksik

na may paksang EPEKTO NG MAAYOS NA BENTILASYON SA AKADEMIKONG

PERPORMANS NG MAG-AARAL.

Nais ko pong humingi ng kaunting tulong para sa aking

isinasagawang sarbey. Maaari po sanang sagutan nang buong

katapatan ang mga sumusunod na aytem. Tinitiyak ko pong magiging

kompidensyal na impormasyon ang inyong mga kasagutan.

Maraming salamat sa iyong oras at kooperasyon.

-Mananaliksik

29
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

APENDIKS B

Pangalan (opsyonal): ____________________________ Pangkat:


______________

Kasarian: _______________ Edad:


_____________

Panuto: Lagyan ng tsek ang napiling sagot.

Sapat ba ang mga bentilador sa inyong silid-aralan?

Oo Hindi

Lahat ba ng bentilador sa inyong silid-aralan ay maayos na


gumagana?

Oo Hindi

Nakakaapekto ba ang di-maayos na bentilasyon sa inyong kalusugan


at pag-aaral? Oo
Hindi
Kung oo, sa paanong paraan? (Lagyan ng tsek ang napiling
dahilan/mga dahilan)
Inaantok sa oras ng klase
Nakakaramdam ng sakit sa ulo
Nawawalan ng ganang making sa guro
Nababaling ang atensyon sa ibang bagay
Pakilahad ang iba pang dahilan
______________________________________
Mayroon bang sapat na kaalaman ang mga namamahala ukol sa
problemang ito?
Oo Hindi

30
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

Sang-ayon ka ba na dapat dagdagan o palitan ang mga bentilador


sa inyong silid-aralan?

Oo Hindi

Komento/Mungkahi:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____.

31
UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES
Iriga City

GRADUATE SCHOOL

APENDIKS C

Upang malimitahan ang mga respondenteng bibigyan ng mga


talatanungan ginamit ng mga mananaliksik ang Slovin’s Formula.

𝑵 Bilang ng mga respondent sa bawat


𝒏=
𝟏 + 𝑵𝒆𝟐 seksyon:
N = 1100
14- bilang ng seksyon sa ika-11 baitang
e = 0.07
15- bilang ng seksyon sa ika-12 baitang
𝟏𝟏𝟎𝟎
𝒏= =173÷(14+15)
𝟏 + (𝟏𝟏𝟎𝟎)(𝟎. 𝟎𝟕)𝟐
=173÷29
𝒏 = 172.143975 o 173 na piling mag-aaral
=5.97 o 6 bawat seksyon

Kung saan:

N = Total population

e = Margin of error

𝒏 = Sample size

32

You might also like