You are on page 1of 22

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon V
Sangay ng Masbate
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALANG
KOMPREHENSIBO NG MASBATE
Lungsod ng Masbate

Pananaw ng mga Estudyante ng Senior High ng Pambansang Mataas na Paaralang

Komprehensibo ng Masbate (MNCHS) T.P. 2019-2020 sa Konseptong

Mañana Habit

Tesis na iniharap sa Faculti ng

Pambansang Mataas na Paaralang Komprehensibo ng Masbate

Para sa parsyal na pagtalima sa mga rekwaryment ng asignaturang “Pagbasa at

Pagsusuri ng Ibat-ibang Teksto tungo sa Pananaliksik”

Mananaliksik:

JESS RENZO B. AREVALO

SARANGGANI J. BANTAYAO, JR.

BENEDICT D. BURDEOS

SHANE DWELAN B. CAMPOS

IAN O. DELA SALA

JIMWIL S. MACADAT
KABANATA I
Ang Suliranin at Kaligiran

Kaligiran ng Pag-aaral

Importante sa bawat tao ang oras, kailangan nating magamit ang 24 oras ng

maayos upang hindi ito masayang. Kailangan itong mapakinabangan upang maging

produktibo tayo sa araw-araw.

Ayon kina Nasrullah at Khan (2015),

Ang pamamahala ng oras ay may mahalagang papel sa pagpapabuti ng

akademikong pagganap ng mag-aaral. Ang bawat mag-aaral ay dapat magkaroon

ng kakayahan sa pamamahala ng oras kasabay na ang pagtatakda ng mga layunin

at prayoridad, gamit ang mekanismo ng pamamahala ng oras at ang pagiging

organisado sa paggamit nito. Dito magiging posible ang pamamahala ng oras sa

pamamagitan ng pagganyak sa sarili; pagganap, abilidad at motibasyon.

Ngunit dahil sa pag-unlad ng bansang Pilipinas at pag-usbong ng teknolohiya

dito, masasabi na unti-unting nababago ang paraan ng paggamit ng mga Pilipino sa oras.

Sa katunayan, ang hindi wastong paggamit ng mga Pilipino sa oras ay nagsimula pa

noong panahon ng mga Kastila kung saan tinawag ang mga Pilipino na “tamad na

manggagawa”. Sa kasalukuyan, mas lalong naging tamad ang mga Pilipino dahil sa

makabagong teknolohiya.

Habang ang pagiging produktibo at ang maayos na pamamahala ng oras ay ang

susi sa pagtamo ng maayos na pagganap sa akademiko, ang Mañana Habit ang

pinakakaraniwang problema ng mga estudyante. Naantala nito ang pagiging produktibo

ng mga estudyante, nasasayang ang oras, at kadalasang sanhi sa pagbaba ng grado at


nakaaapekto sa akademikong pagganap ng mga estudyante. Ang mañana habit ay isang

pag-uugali na nag-aantala sa paggawa ng isang tiyak na gawain at pinipiling gawin ito sa

ibang pagkakataon, kadalasan sa huling minuto, isang halimbawa nito ay ang pag-cram

ng mga estudyante dahil sa katamaran. Gayunpaman, ang pagpapaliban ng nga gawain ay

isang hindi kasiya-siyang pag-uugali ng mga Pilipino (Amante et al., 2018).

Ang Mañana Habit ay pag-uugali ng mga Pilipino na kung saan pinagpapaliban

ang mga gawin at namana natin ito sa mga dayuhang Español. May mga konsepto

kailangang ng nahahawig sa konsepto ng Mañana Habit. Isa na dito ang konsepto ng

Ningas Kugon, galing sa salitang kugon na isang uri ng damo. Dito naman ay

nagkakaroon ang tao ng mataimtim na interes sa ginagawa at iiwan ito ng hindi tapos. Isa

pang konsepto ang katamaran ng mga Pilipino, dahil sa kakulangan sa sipag. Ang

dalawang konseptong ito ay talagang magkatulad sa konsepto ng Mañana Habit (Pilarte,

n.d.).

Ang salitang “mañana” ay galing sa salitang tagalog na “bukas” o “sa tiyak na

darating na panahon” at kilala rin bilang “procrastination” sa Ingles o “mamaya na” sa

Filipino. Ito ay maituturing din bilang “procrastination virus” dulot ng daming

negatibong epekto nito sa atin. Sa ugaling ito, ang mga Pilipino ay mas nagiging tamad at

nababawasan ang kakayahang makapagtapos ng gawain. Ito din ang isang dahilan kung

bakit sila ay hindi gaanong umaasenso at bakit nahuhuli sila sa pagbibigay ng kanilang

gawa, kung saan ito ang sanhi ng pagpigil ng pag-unlad nila bilang tao.

Pangkaraniwan na itong kaugalian ng mga Pilipino. Hindi na ito maiaalis pa dahil

ito ay nakatatak na sa kanila noong panahon pa ng kastila. Ito rin ang kadalasang

kinakaharap na problema ng mga estudyante. Napipigilan na maabot ng mga estudyante


ang kanilang layunin na makatapos sa pag-aaral dahil sa Mañana Habit. Nagbibigay ito

ng mga aksiyon sa estudyante na hindi mag-aral at hindi gawin ang mga akademikong

atas. Ang kadalasang dahilan kung bakit naaantala ang mga gawaing tatapusin ay dahil sa

pagkahumaling ng tao sa ibang bagay gaya ng paggamit ng mga teknolohiya o iba pang

gawaing mas nakakaaliw.

Kahit na likas na sa mga Pilipino ang kaugaliang ito, may iba paring mga tao na

kahit ganito ang kanilang pag-uugali ay kaya parin nilang matapos ang mga gawain kahit

sa huling mga minute na lamang. Nasa tao parin ang desisyon kung pipiliin nilang

pairalin ang kaugaliang Mañana Habit.

Ang Mañana habit ay matagal nang problema ng mga Pilipino. Naging mas

malala ito sa kasalukuyan dahil sa makabagong teknolohiya katulad ng gadgets. Napili

itong pag-aralan ng mga mananaliksik upang makabuo ng panibagong solusyon para sa

problemang ito. Sabi nga ng karamihan, “ang modernong problema ay nangangailangan

ng modernong solusyon”. Kaya ito napili ng mga mananaliksik dahil isa rin sila san

nakararanas nito at upang mabigyan din ng tulong ang mga estudyanteng o Pilipinong

nakararanas nito.

Sa pag-aaral na ito, nais ng mga mananaliksik na malaman ang pananaw ng mga

estudyante ng Senior High ng Pambansang Mataas na Paaralang Komprehensibo ng

Masbate (MNCHS) T.P. 2019-2020 sa konseptong Mañana Habit. Layunin din ng pag-

aaral na ito na malaman at masagutan ang mga tanong na nabanggit. Nais ng pag-aaral na

ito na kumalap ng impormasyon tungkol sa kaugalian o konseptong Mañana Habit, kung

ano ang mga sanhi nito at kung paano ito nakaaapekto sa bawat mamamayang Pilipino

partikular na sa mga estudyante.


Paglalahad ng Suliranin

Nais masagot ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan;

1. Ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa estudyante na naghahantong sa ugaling

Mañana Habit?;

2. Ano-ano ang mga epekto nito sa mga estudyante?;

3. Bakit patuloy itong nakikita o naoobserbahan sa mga estudyante?;

4. ?;

5. Ano-ano ang mga estratehiya upang maiwasan ang kaugaliang ito?

Saklaw ng Limitasyon ng Pag-aaral

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay ang mga estudyante ng Pambansang Mataas na

Paaralang Komprehensibo ng Masbate (MNCHS) T.P. 2019-2020. Sila ang magiging

respondente at ang pagkukunan ng mga datos ng pag-aaral na ito. Gaganapin ang pag-

aaral na ito sa Annex Campus ng MNCHS at gumamit ang mga mananaliksik ng

Convenience Sampling sa pagpili ng mga respondente. Pumili ang mga mananaliksik ng

dalawampu’t limang (25) respondente na makakasagot sa mga katanungan. Hindi

magiging saklaw ang mga guro at iba pang sibilyan sapagkat sa naobserbahan ng mga

mananaliksik ay mas nakikita ang kaugaliang ito sa mga estudyante dahil sa modernong

panahon. Ilalahad lamang ng pag-aaral na ito ang persepsyon ng mga estudyante ng

MNCHS. Hindi dito saklaw ang buong populasyon ng MNCHS at higit na hindi rin ng

Masabate.

Konseptwal na Balangkas
Ang pananaliksik na ito na may paksang “Pananaw ng mga Estudyante ng Senior

High ng Pambansang Mataas na Paaralang Komprehensibo ng Masbate (MNCHS) T.P.

2019-2020 sa Konseptong Mañana Habit” ay binigyan ng konseptuwal na balangkas

upang mas lubos na maintindihan.

Batayang Konseptuwal

Kaibigan

Teknolohiya

Pampaaralang Gawain Mañana Habit

Katamaran

Pamilya

Ginamit ng mga mananaliksik ang IV-DV Model sa pagbuo ng konseptwal na

balangkas upang lubos na maintindihan ang pag-aaral. Base sa balangkas sa itaas, ang

mga independent variables na nabanggit ay may relasyon o nakaaapekto sa pag-uugali ng

mga estudyante.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang pag-aaral na ito upang matukoy ang mga salik na nakaaapekto sa

isang indibidwal na nagdudulot ng pagiging tamad at upang mabigyan ng solusyon ang

matagal nang negatibong pag-uugali at problemang ito ng mga Pilipino. Makakatulong

ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod:

Mga Estudyante – matutukoy ng mga estudyante ang mga salik na nakaaapekto sa pag-

aaral nila na naghahantong sa Mañana Habit at magkakaroon sila ng sapat na

kaalaman patungkol dito. Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga estudyante upang
maunawaan nila ng maayos kung ano nga ba ang Mañana Habit at ano ang

madudulot nito sa kanila.

Mga Guro – dahil sila ang gumagabay sa mga estudyante sa paaralan, magkaroon sila ng

kaalaman tungkol sa konseptong Mañana Habit at mabigyan ng solusyon ang

problema nito o magabayan ang mga estudyante patungkol dito.

Mamayang Pilipino – makatutulong din ito sa mga Pilipino sapagkat matutukoy ng pag-

aaral na ito kung bakit nagkakaroon ang mga Pilipino ng kaugaliang Mañana

Habit, higit na mauunawaan nila ito at maiaangkop na nila ito sa kanilang mga

sarili upang maiwasan ang negatibong pag-uugaling ito.

Mga Susunod na Mananaliksik – magsisilbing gabay ang pag-aaral na ito sa mga

susunod pang mananaliksik na may kaparehong paksa sa amin. Mabibigyan sila

ng mga ideya at pwede ring magsilbi ang pag-aaral na ito bilang kaugnay na

literatura/pag-aaral sa kanilang pag-aaral.


Depinisyon ng mga Termino

Kaugalian – mga gawing nakasanayan ng isang grupo na maaring naipasa mula sa mga

unang henerasyon.

Mañana Habit – ang ugali na pagpapabukas ng mga gawain kahit kaya namang gawin sa

mismong oras.

Pananaw – kamalayan ng isang tao sa isang bagay.

Produktibo – kakayahan ng isang tao na makagawa ng mga bagay na may kabuluhan.


Sanggunian

Amante, J., Balaga, J., Miting, H. & Lataga, E. (2018). Impacts of mañana habit on the

academic performance of grade 12 HUMSS students at kasiglahan village senior

high school: Basis for students empowerment program.

https://www.academia.edu/37945692/Kasiglahan_Village_Senior_High_School_I

MPACTS_OF_MA

%C3%91ANA_HABIT_ON_THE_ACADEMIC_PERFORMANCE_OF_GRAD

E_12_HUMSS_STUDENTS_AT_KASIGLAHAN_VILLAGE_SENIOR_HIGH

_SCHOOL_BASIS_FOR_STUDENTS_EMPOWERMENT_PROGRAM

Nasrullah, S. & Khan, S. (2014). The impact of time management on student’s academic

achievement. https://www.researchgate.net/publication/313768789

_The_Impact_of_Time_Management_on_the_Students'_Academic_Achievement

Pilarte, L. (n.d.). Konseptong pagtatasa ukol sa panglipunang pag- uugali: Mañana habit

o pagliliban. https://www.termpaperwarehouse.com/essay-on/Konseptong-

Pagtatasa-Ukol-Sa-Panglipunang-Pag-Uugali-Manana-Habit-O-Pagliliban/93668
KABANATA II
Rebyu ng Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Inilalahad ng kabanatang ito ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral sa loob at

labas ng bansa tungkol sa “Pananaw ng mga Estudyante ng Senior High ng Pambansang

Mataas na Paaralang Komprehensibo ng Masbate (MNCHS) sa Konseptong Mañana

Habit” na may kinalaman sa kasalukuyang isinasakatuparan ng saliksik.

Mga Kaugnay na Literatura (Loob at Labas ng Bansa)

Madalas nating ipagpabukas ang mga bagay na magagawa natin ngayon. Ito ang

nagiging dahilan kung bakit hindi natin natatapos ang ating gawain sa tamang oras.

Maraming oras ang ating nasasayang, dahil sa distraksyon, lalo na’t nasa modernong

panahon na tayo kung saan maraming makabagong teknolohiya nagdudulot pa sa

kasalukuyan na maging mas tamad pa. Ito rin ang nagiging sanhi kung bakit nawawalan

tayo ng dedikasyon at konsentrasyon sa kahit ano mang mga bagay na ating gingawa.

Bumababa ang tiwala mo sa iyong sarili at sa iyong kakayahan. Bakit ba kailangan nating

ipagpabukas pa ang isang bagay na kaya mo namang gawin bago pa ang itinakdang oras.

Hindi ba’t mas masarap naman sa pakiramdam kung natapos mo ang isang gawin o

proyekto ng mas maaga. Yung tipong wala ka ng alalahanin at mapapabilis mo pang

magagawa ang iba mong gawain, magkakaroon ka pa ng bakanteng oras. Mas nagiging

produktibo ang tao kung masipag ito at agad agad nitong ginagawa ang mga gawain

(‘Mañana Habit!’, 2015).

Ang Mañana Habit o pagpapaliban ay isang uri ng pag- uugali ng mga pilipno na

kung saan pinagpapaliban ang mga nakatakdang gawain sa pamamagitan ng paggawa ng

ibang bagay at gagawin lamang ang mga tungkuling pinagpaliban sa ibang panahon.
Namana ng mga Pilipino ang ganitong pag- uugali sa mga kastilang sumakop sa ating

bansa. Ang Mañana ay salitang espanyol na ibig sabihin ay “mamaya” sa ating wika.

“Mamaya na “sa Pilipino at “procrastination” naman sa wikang ingles. Itinuturing ng

maraming tao ang konseptong ningas kugon bilang isang katulad na konsepto sa paksang

Mañana Habit dahil sa relatibong kahulugan na meron ito. Ang isa pang konseptong

katulad sa Mañana Habit ay ang katamaran ng mga pilipino. Hindi na ito maiaalis sa ating

mga Pilipino dahil sa ito ay nakatatak na sa atin kahit noong panahon pa ng mga

kastila (Arylle, n.d.).

Ang Mañana habit ay maituturing din bilang “procastination virus” dulot nito ay

madaming negatibong epekto sa atin. Sa ugaling ito, tayo ay mas nagiging tamad at

nababawasan ang ating kakayahang makapagtapos ng gawain. Ito din ay isa sa mga higit

na dahilan kung bakit tayo ay hindi gaanong umaasenso at bakit nahuhuli tayo sa

pagbibigay ng ating gawa, kung saan ito ang sanhi ng pagpigil ng ating pag-unlad bilang

tao. Bunga ng ating katamaran, nagging dahilan ito sa atin na hindi gaanong ninanais na

magtamo kaysa magtamo ng mas mataas na hangarin, sa makatuwid nawawalan tayo ng

mga oportunidad (Biala, 2014).

Ang oras ay isang napakahalaga at seryosong bagay, kaya dapat itong

pahalagahan at hindi sayangin. Marami tayong mga gawain na gusto nating gawin at

matapos, ngunit nauuwi lamang ito sa pagpapabukas, kaya ang nagiging resulta ay ang

pagkasayang ng maraming oras na nauwi lang sa wala. Kawalan ng motibasyon at

disiplina sa sarili ay ilan sa mga dahilan kung bakit hindi natin natatapos ang mga gawain

sa itinakdang oras (Tan, 2019).


Kailangan ng wastong study habits na babagay sa isang estudyante. Una, ito ay

ang pagpaplano at tamang paglaan ng oras, kung ano ba ang dapat na unahin at kung ano

ang hindi dapat. Unahin ang mga asignatura kung saan ka mahina at ihuli kung saan ka

magaling. Bigyan ng mas malaking panahon ang mga may mababang grado sa asignatura

at mga exams at ihuli ang mga madaling aralin. Sabi pa nga “Remember, good study

habits include how you plan and manage your time efficiently (Sabroso, 2013).

Marami sa kabataan ang may pag-uugaling “Mañana Habit” o ang hindi pagsimula

kaagad ng dapat gawin. Mas gusto na laging naghahabol. Ayon sa iba, may mga kabataan

na lumalabas daw ang kanilang galing kapag may “pressure” o kaya kapag maghahapit na

ngunit kakaunti lang sila. Kung di mo rin matatapos ang mga mo gaawin kaagad sana ay

siguraduhin na ang kalidad ng iyong gawa ay hindi mababa at bara-bara. Hindi na

maibabalik ang oras. Kapag sinabi ng guro o propesor mo natapusin agn isang “term

paper” o proyekto, isipin kaagad at i-panahon ang iyong paggawa ng mga dapat gawin. Sa

gayon, walang magaganap na paghahabol sa oras (Martinez et al., n.d.).

May ilang bagay na kailangang isaisip kung ayaw maging biktima ng

“procrastination”. Kalimitan, hindi ang bigat at hirap ng proyekto ang problema kung hindi

ang atityud sa trabaho. Una, hikayatin ang sarili na gawin kaagad ang gawain at isaisip na

dapat kaagad ito masimulan at matapos. Hindi natin alam ang mga pwedeng mangyari

bukas, gawin na ngayon ang trabaho at piliting tapusin iyon ngayon. Wala nang pabukas-

bukas pa. Pangalawa, ilista at unahin ang mga pinaka-importanteng gawain. Iwasin ang

sobrang gala kapag may takda. Tigilan ang masyadong panonood ng TV o paglalaro ng

“video games”. Sabi nga nila, “pressure first before pleasure”. Mas magandang mag-mall
at gumimik kasama ang mga kaibigan kapag wala ka nang iniisip na trabaho o “deadline”

(Cobbarubias, 2010).

Likas sa mga estudyante ang pagkakaroon ng ugaling pagpapaliban o

procrastination. Ito ay pag-una sa mga bagay na hindi gaano importante at paggawa ng

mga obligasyon sa oras na malapit sa itinakdang oras o huling minuto. Maaaring

magdulot ng masamang epekto sa mga estudyante ang procrastination, ngunit mayroon

namang mga paraan o hakbang upang maiwasan ang pagpapaliban. Ang unti-unting

pagsunod dito ay hakbang patungo sa pagkawala ng ugaling ito. Nararapat na iwasan ang

salitang “Mamaya na” upang matagumpay na magawa ang mga gawain (Capinig, 2016).

Ang prokarstinasyon ay galing sa salitang Latin na procrastinare kung saan

nangangahulugang pinagpapabukas ang mga gawain. Isang ay isang uri ng paguugali

kung saan pinagpapaliban mong gawin ang isang bagay. Ang pagpapaliban ay maaring

gawin batay sa sitawayson, ito isang uri ng stratehiya na kung saan pwedeng planuhin o

hindi. Ayon sa isang pagaaral ito ay ang kawalan ng impulse control. Ang

prokarstinasyon ay isa sa mga seryosong problema noon pa man. Ito ay may negatibong

epekto sa sa pagkatao nakapagoababa ito sa kakayahan at sa mga kalalabasan ng mga

gawain (‘Procrastination’, n.d.).

Maraming Pilipino ang namomoroblema dahil sa Manana Habit. Ito ay dahil sa

maikling oras na nailalaan nila sa kanilang mga gawain na dapat ay maraming oras ang

nakalaan dito. Kaya’t napipilitan silang magtrabaho sa ilalim ng presyur na nagreresulta

ng mga walang kwentang ideya’t solusyon. Nagpapakita lamang ito na ang kultura natin

ay walang pagpapahalaga sa oras na karaniwang nakikita sa mga estudyante ngayon

(Joaquin, 2015).
Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ang prokrastinasyon ay isang nakababahalang pag-uugali ng mga Pilipino. Ito ay

ang pagpapabukas ng mga gawain na kaya naman gawin sa kasalukuyan. Ang Manana

Habit ay isang halimbawa ng prokrastinasyon na nagpapababa ng performance ng mga

Pilipino. Isa itong problema na kinakaarap ng mga estudyante, dahil sa pagpapaliban ng

mga gawain, hindi na naipapasa ng mga esudyante ang gawain sa takdang panahon, ang

resulta ay ang pagbaba ng mga grado ng mga estudyante (Padua, 2017).

Masasabing sakit ang Mañana habit o tinatawag na “procrastination virus” dulot

sa madali lamang itong gawin ngunit maraming magiging negatibong epekto sa atin. Sa

ugaling ito ay magiging tamad tayo, hindi tayo magiging produktibo at magsasanhi rin ito

ng “stress” at “anxiety” sa atin sa pagmadali sa mga gawain sa huling minuto. Ang

pagiging tamad o pagpapaliban ang dahilan kung bakit karamihan ng mga Pilipino ay

hindi umaasenso, umaasa na lamang tayo sa Diyos at hinihintay na lamang natin ang

tulong na maaring dumating galing sa kanya. Dulot pa nito ay hindi natin matatamo ang

ating mga pangarap, at nawawalan ng oportunidad na makatulong sa pag unlad ng ating

lipunan/bansa (Banagan, 2016).

Noong sinakop ng mga Español ang mga Pilipino, nag-iwan ito ng pamanang

kaugalian, ang Mañana Habit o procrastination. Ang prokrastinasyon ay isang malaking

balakid ng mga estudyante sa kanilang mga pangarap. Ang kasipagan ang susi sa maayos

na akademikong pagpapahayag. Ang Mañana Habit ay isang sakit na mayroong gamot,

nakabase na lamang sa tao kung siya ay magbago o hindi (Bercal et al., n.d.).
Ang Manana Habit o prokastinayson ay isang kaugaliang nakuha ng mga Pilipino

mula sa mga Kastila. Ito ay ang pagpapaliban ng mga gawain at saka lamang ito gagawin

kapag nalalapit nang dumating ang takdang panahon. Kung kaya’t nagdudulot lamang ito

para hindi matapos ng isang tao ang kanyang dapat tapusin sa tamang oras at magkaroon

ng dahilan kung bakit hindi ito natapos sa huli (Eumague, 2012).

Sinasabing ang katamaran ng mga Pilipino sa pag-aaral ay dahil sa kawalan ng

interes at sapat na edukasyon. Dahil dito ay nababawasan ang kanilang nais na matapos

ang isang gawain. Habang palapit na palapit ang deadline ay tumatambak ang mga

gawain. Dito papasok ang pag-uugaling “Bahala na” na kung saan wala ka nang pakialam

sa iyong gawain kaya tatapusin mo nalang ito ng mabilisan (‘Pag-uugaling bahala na’,

n.d.).

Ang Manana Habit ay isang seryosong bagay. Isa itong negatibong pag-uugali na

nagdudulot ng maraming negatibong epekto sa mga Pilipino. Ang Manana Habit ay isang

problemang kinakaharap ng mga estudyante ngayon, dahil sa negatibong pag-uugaling

ito, maraming oras ang nasasayang ng mga estudyante. Sobrang kalahati ng estudyante ay

nagsasabing nagtataglay sila ng ganitong pag-uugali. Dahil sa pag-uugaling ito,

nagdudulot ang Manana Habit ng pagkakaroon ng stress sa mga estudyante dahil

pinapababa nito ang performance ng mga estudyante na nagreresulta sa mababang grado,

ang resulta ay pagbaba ng tiwala sa sarili at kawalan ng gana sa mga gawain na gawin

(Amante et al., 2019).

Ang prokrastinasyon ay ang paggawa ng mga gawain sa pinakamahirap na

paraan. Ito ay ang pagtalon mula sa isang ideya papunta sa ibang ideya. Sa halip na

simulan ang mga gawain, ikaw ay nagpapaliban. Ikaw ay nakatitig sa bintana, tinititigan
ang inyong kapitbahay, ika'y nanonood sa telebisyon at sinasayang mo ang iyong oras sa

halip na tapusin mo ang iyong ginagawa (Elloso et al., 2015).

Ang oras ay mahalaga, ang paggamit ng oras ay dapat wasto at tama upang maging

maganda ang kinalabasan kahit ano pamang ipagawa sa atin. Maiiwasan din ang

pagkataranta sa paggawa ng mga gawain sa tamang oras. Ngunit marami sa mga kabataan

ngayon ang hinahayaang masayang ang oras dahil sa pag-uugaling Mañana Habit. Ang

paggawa ng isang gawain ay pinaglalaanan ng panahon upang ito ay maging maganda at

mabisa (Fabrizio, 2014).

Base sa mga resulta ng pag-aaral, karamihan sa mga respondente ay mahilig

patagalin ang pagtapos ng mga academikong mga gawain at ang kanilang rason ay ang

hindi kaaya-ayang pakiramdam sa tuwing ginagawa nila ito, kaya mas pipiliin nilang

gawin ang ibang mga gawain habang mahaba pa deadline. Sa oras na mapagtanto nila na

kailangan na nilang simulant ang pagtatrabaho, doon palang sila gagawa at nagreresulta

ito sa mali at hindi magandang trabaho (Ona, 2012).

Ang prokrastinasyon tulad ng manana habit ay ang paglalapat ng mga dahilan

upang maipagpaliban ang isang gawain. Ito ang nagsisilbing pader at hadlang sa

magandang kinabukasan ng mga estudyante. Base sa Statistics, 70% ng mga estudyante

ang nagtataglay ng pag-uugaling prokrastinasyon at 20% sa kanila ay paminsan lang

itong ginagawa at 50% naman sa kanila ay halos araw-araw itong ginagawa (Morales,

2010).
Sanggunian

Evans, P. (2018). The manana habit and its effect: Story Attitude Philippines Steemph.

https://steemit.com/story/@prince-evans/the-manana-habit-and-its-effect

Herrero, K. (2009). Mañana habit.

https://kwingherrero.wordpress.com/2008/08/24/manana-habit/

Mañana Habit!. (2015). https://definitelyfilipino.com/blog/manana-habit/

Remulla, Y. (2009). Mañana habit.

https://productivepinoy.blogspot.com/2009/01/maana-habit-and-nike.html

Padua, J. (2017). Procrastination in filipino college students.

https://scholar.google.com/scholar?

hl=en&as_sdt=0%2C5&q=Procrastination+in+Filipino+College+Students&btnG

=#d=gs_qabs&u=%23p%3DSIsdy7kmqJ4J

Biala, C. (2014). Konseptong Pilipino. Halaw mula sa


https://www.scribd.com/doc/238644033/Konseptong-Pilipino
Farran, B. (2009). Predictors of academic procrastination in college students.

https://search.proquest.com/openview/3316ab1718ae8db53fd26fd0380ad3af/1?

pq-origsite=gscholar&cbl=2026366&diss=y

Morales, R. (2010). Development of an academic procrastination scale.

https://scholar.google.com/scholar?

hl=en&as_sdt=0%2C5&q=Development+of+an+Academic+Procrastination+Scal

e&btnG=#d=gs_qabs&u=%23p%3D2VUIJrLEraIJ
Fabrizio, M. (2014). Time management. https://www.termpaperwarehouse.com/essay-

on/Time-Management/516039

Elloso, P. & Yan, R. (2015). Procrastination.

https://www.termpaperwarehouse.com/essay-on/Procrastination/193350

Abby (n.d.). Mañana Habit. https://www.termpaperwarehouse.com/essay-on/Manana-

Habit/63884

Capinig, N. (2016). Ang ugaling “mamaya na”. http://srnhsfilipino.blogs

pot.com/2016/11/ang-ugaling-mamaya-na_18.html?m=1

A meta-analytically derived nomological network of procrastination. (n.d.).

https://scholar.google.com/scholar?

hl=en&as_sdt=0%2C5&q=procrastination+studies+psychology&oq=procrastinati

on+stu#d=gs_qabs&u=%23p%3DLZNEJnBvKn0J

Ona, J. (2012). Don’t say lazy: Academic procrastination between male and female
college students. dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/156
Amante, J., Balaga, J., Miting, H., & Latoga, E. Jr. (n.d.). Kasiglahan village senior high
school impacts of mañana habit on the academic performance of grade 12 humss
students at kasiglahan village senior high school: Basis for students’
empowerment program.
https://www.academia.edu/37945692/Kasiglahan_Village_Senior_High_School_I
MPACTS_OF_MAÑANA_HABIT_ON_THE_ACADEMIC_PERFORMANCE_
OF_GRADE_12_HUMSS_STUDENTS_AT_KASIGLAHAN_VILLAGE_SENI
OR_HIGH_SCHOOL_BASIS_FOR_STUDENTS_EMPOWERMENT_PROGR
AM
Joaquin, H. (2015). Mañana Habit is a Disease. Halaw mula sa

https://www.google.com/amp/s/ayajoaquin09.wordpress.com/2014/10/20/manana

-habit-is-a-disease/amp/
Banagan, C. (2016). Kadahilanan at epekto ng “Manana habit” sa mag-aaral. Halaw

mula sa https://www.scribd.com/document/324277132/Thesis

Emague, A. (2012). Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino. Halaw mula sa

https://www.google.com/amp/s/dokumen.tips/amp/documents/isang-pagsusuri-sa-

kaugaliang-pilipino.html

Pag-uugaling “bahala na” ng isang senior high school student sa politeknikong

unibersidad ng pilipinas. (n.d.). Halaw mula sa

https://www.studocu.com/en/document/polytechnic-university-of-the-

philippines/senior-high-school-stem/practical/pananaliksik-tungkol-sa-

paguugaling-bahala-na/3167831/view
KABANATA III
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Sa kabanatang ito, makikita ang maikling paliwanag sa mga paraan o istratehiya

ng pagsulat o paggawa ng pag-aaral na ito. Tinatalakay sa bahaging ito ang mga konsepto

at mga yunit ng matalinong pagpili ng angkop na metodong gagamitin, populasyon,

respondent at pamamaraan sa pangangalap ng mga datos, kaakibat rin nito ang pagsukat

sa usapin ng balidad at relayabilidad at ang mga pamamaraang ginamit upang makita ang

kahusayan ng pananaliksik.

Disenyo ng Pananaklliksik

Ang pag-aaral na ito ay isang kuwalitatibong uri ng pananaliksik. Layon nitong

mangalap ng mga di-numerong datos at bigyang kahulugan ang pananaw ng mga

estudyante ng Pambansang Mataas na Paaralang Komprehensibo ng Masbate (MNCHS).

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya dahil layon nitong

mangolekta, ilarawan, at suriin ang iba-ibang inpormasyon sa pamamagitan ng paggamit

ng talatanungan bilang datos.

Respondente

Ang mga napiling tumugon sa pag-aaral na ito ay ang mga estudyante ng

Pambansang Mataas na Paaralang Komprehensibo ng Masbate (MNCHS). Gumamit ang

pag-aaral na ito ng Convenience Sampling na pamamaraan upang mas mapabilis ang

pagkalap ng mga datos. Pumili ang mga mananaliksik ng dalawampu’t limang (25)

respondente na pagkukunan ng datos para makumpleto ang pag-aaral na ito.


Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng mga hakbang upang masigurado na ang

mga datos ay makukuha ng maayos at naaayon sa pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay

gagamit ng talatanungan bilang instrumento sa pagkalap ng datos. Ang pananaliksik na

ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pamimigay ng talatanungan sa mga napiling

respondente. Ang mga mananaliksik ay hihingi muna ng pahintulot sa mga respondente

upang masigurong hindi labag sa kanilang kalooban ang magpartisipa. Ang talatanungan

ay personal na ipamimigay at sasagutan ng dalawampu’t limang (25) napiling

respondente upang matugon ang mga datos na kailangan sa pag-aaral na ito. Ang bawat

respondente ay bibigyan ng sapat na oras upang masagutan ang mga katanungan. Ang

mga nakalap na datos ay lilikumin ng mga mananaliksik at iaanalisa.

Prosidyur ng Pagkalap ng Datos

Tukuyin ang Problema

Pagkalap ng mga Kaugnay na mga Literatura at Pag-


aaral

Linawin ang Problema

Tukuyin ang Population at Sample

Pagbuo ng Instrumento ng Pananaliksik

Alamin ang mga hakbang gagamitin

Pagkalap ng datos at paginterprita


Unang tinukoy ng mga mananaliksik ang problemang kailangang pag-aralan.

Sumunod dito ang pagbasa at pagkalap ng mga kaugnay na mga literatura at pag-aaral.

Pagkatapos nito ay nilinaw ng mga mananaliksik ang problema at tinukoy ang

Population at Sample. Sunod ay inalam na ang mga hakbang gagamitin sa pagkalap ng

datos at binuo ang Instrumento ng Pananaliksik. Pagkatapos ng mga ito ay nagkalap na

ng datos ang mga mananaliksik at ininterprita ito.

You might also like