You are on page 1of 5

Antas ng Kasikatan 1

Methodology

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa kwantiteytib na research methodology.

Mayroon itong mahalagang gagampanan sap ag-aaral. Ang mga detalye ng methodology ay

ipapaliwanag sa ibaba.

Research Study Design

Sa pag-aaral na ito, kwantiteytib na research study design ang gagamitin bilang

pamamaraan sa paghahanap ng mga tiyak na mga paksa. Bagaman, mayroon itong konting

alalahanin tungkol sa statistical validity, hanggat ang limitasyon ay maiintindihan ng mga

mananaliksik. Ang mga resulta ay palaging bukas para sa mga tanong sa iba’t-ibang

interpretasyon(Shuttleworth), 2018). Sa kwantiteytib na pananliksik, ang mga mananaliksik ay

gagamit ng close-ended na questionnaire para makuha ang nais na datos mula sa mga tagatugon.

Locale of the Study

Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng kanilang pag-aaral sa St. Anthony’s College,

San Jose de Buenavista, Antique particular sa Omen Building, sa unang palapag at pangalawang

palapag.

Respondents of the Study

Ang mga tagatugon ng pag-aaral na ito ay ang mgma napiling mag-aaral ng Accountancy

at Business Management ng St. Anthony’s College na kaalaman tungkol sa milk tea. Para sa

kwantiteytib na pananaliksik, ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng paunang sarbey sa mga


Antas ng Kasikatan 2

mag-aaral ng Baitang 11 at 12 na Accountancy at Business Management na may kabuuang

populasyon na isang-daan walompu (180) na mag-aaral para makuha ang nais na tagatugon na

may kaalaman tungkol sa milk tea. Dahil sa pakikibahagi ng mga napiling tagatugon, ang

pananaliksik ay makakakalap ng sapat na datos tungkol sa kasikatan ng milk tea.

Sampling Procedure

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng purposive sampling procedure para makakuha ng

datos mula sa mga napiling tagatugon. Ang purposive sampling procedure ay isang non-

probability sample na pumipili ayon sa katangian ng populasyon at layunin ng pag-aaral. Ang uri

ng sampling na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa pananliksik lalong-lalo na sa mga

sitwasyon kung saan kailangan ng mga mananaliksik makuha agad ang nais na sample. Para

matukoy ang sample size, ang sumusunod na pormula ang gagamitin (Lynch at iba pa, 2002);

N Z 2 xP (1− p)
n=
N d 2 + Z2 p(1− p)

Kung saan,

Z=value of normal variable

P=the largest possible proportion

d=sampling error

N=population

n=sample size

Ang sample size ay nakalkula sa ibaba:


Antas ng Kasikatan 3

N Z 2 xP (1− p)
n=
N d 2 + Z2 p(1− p)

180 ( 2.58 )2 x 0.20(1−0.20)


n=
(180)0.20 2+ ( 2.58 )2 ( 0.20 ) (1−0.20)

180(6.6564) x 0.20(0.80)
n=
(180)(0.0004)+(6.6564 )( 0.20 ) ( 0.80)

1198.152 x 0.16
n=
0.72+1.065024

191.70432
n=
1.137024

n=168.6018237

n=169 ay ang sample ¿ ¿

Research Instruments

Angmga mananliksik ay gagamit ng mga sumusunod na instrument upang mangalap ng

datos para sa kwantiteytib na pananaliksik:

Oo o Hindi na Tanong. Ito ay gagamitin sa talatanungan upang matukoy ng mga

tagatugon kung sila ba sang=ayon o hindi sa isang particular na tanong.

Close-ended na Talatanungan. Ito ay gagamitin upang makjalap ang nais na datos na

kailangan ng mga mananaliksik sa pag-aaral.

Content validity. Isang uri ng validity na gagamitin upang mapatunayan ang sarbey

questionnaire na ginawa ng mga mananaliksik.


Antas ng Kasikatan 4

Data Gathering Procedure

Ang Ilustrasyon na ipinakita sa ibaba ayy magiging gabay na susundin ng mga

mananaliksik sa pangangalap ng mga datos na kailangan ng pag-aaral.

Desinyo, Paggawa at Pamamahagi ng mga


Paunang
Pagbalido ng Sarbey Sarbey na
Sarbey
na Talatanungan Talatanungan

Pagkuha ng
Interpretasyon
Pagbilang mga Sarbey na
ng Datos
Talatanungan

Ilustrasyon 2. Data gathering procedure ng antas ng kasikatan ng milk tea sa mga mag-aaral ng
Accountancy at Business Management sa St. Anthony’s College.

Statistical Treatment of Data

Ang mga nakuhang datos mula sa pag-aaral ay ipapasailalim ng mga mananaliksik sa

mga sumusunod na statistical treatments: 1) Mean – upang matukoy ang mga average profiles ng

mga napilimg tagatugon at gagamitin ito sa pagkuha ng central tendency ng datos sa isang

tanong. 2) Frequency at Porsyento – upang matukoy ang bilang, proporsyon, o porsyento ng mga

items sa isang particular na kategorya sa isang hanay na mga datos sap ag-aaral.

Human Subjects

Ang pag-aaral na ito ay aaprobahan ng Ethics Committee ng St. Anthony’s College na

Departamento ng Senior High School. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ipapaliwanag sa mga
Antas ng Kasikatan 5

mag-aaral nan aka-enrol sa paaralan. Ang written consent ang ay makukuha mula sa principal,

magulang, tagapag-alaga, and kasunduan mula sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng paglagda

ng consent form at agreement form sa pag-aaral, ipinahihiwatig nito na ang mga kalahok at ang

kanilang mga magulang o tagapag-alaga ay sang-ayon na lumahok. Walang mga insentibo na

ibibigay sa mga kalahok. Ang pakikilahok sap ag-aaral na ito ay boluntaryo at para sa mga mag-

aaral na hindi pa labing-walo (18) anyos ay hahanapan ng pahintulot mula sa kanilang mga

magulang at gayundin ang pagpayag mula sa mag-aaral. Para sa mga mag-aaral na labing-walo

(18) anyos pataas ay hahanapan ng direktang written consent mula sa mag-aaral.

You might also like