You are on page 1of 4

FONT SIZE – ARIAL, 12, DOUBLE SPACING, NORMAL MARGIN

Mga Bahagi ng Pananaliksik


1. Mga Pahinang Preliminari o Front Matters
i. Fly Leaf 1 – Pinakaunang pahina ng pananaliksik na papel
ii. Pahinang Pamagat ang tawag sa pahinang nagpapakilala sa pamagat ng
pananaliksik. Nakasaad din dito kung kanino iniharap o ipinasa ang papel, kung
saang asignatura o kurso ito kailangan, kung sino ang gumawa at panahon ng
komplesyon. Kung titingnan sa malayuan kailangang magmukhang inverted
pyramid ang pagkakaayos ng mga impormasyon.

Halimbawa:

STI College Caloocan

Isang Pananaliksik sa Epekto ng Wikang Bekinese sa mga Mag-aaral ng


Ikasampung Baitang sa Tinajeros National High School

Isang Pananaliksik na Iniharap sa mga


Dalubguro ng STI College Caloocan

Bilang Bahagi ng mga Gawaing Kailangan sa Pagtatamo ng Pampinal


na Marka sa Asignaturang
Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina
Jennifer C. Abad
Dianne B. Bautista
Lloyd L. de Castro

STEM 205

Ipinasa kay
Bb. Emerlinda A. Sangco

Enero 2018
iii. Dahon ng Pagpapatibay (Bagong Pahina)
Halimbawa:
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Pagbasa at
Pagsuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito ay
pinamagatang “Epekto ng Wikang Jejenese at Bekinese sa mga Mag-aaral ng
Ikasampung Baitang sa Tinajeros National High School”. Inihanda at iniharap nina
Jennifer C. Abad, Dianne B. Bautista, at Lloyd L. de Castro.

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, STI College Caloocan, bilang isa


sa mga pangangailangan sa asignaturang Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t Ibang
Teksto tungo sa Pananaliksik.

Bb. Emerlinda A. Sangco


Guro

iv. Pasasalamat (Bagong Pahina) - tinutukoy ng mananaliksik ang mga


indibidwal, pangkat, tanggapan o institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat
ng pananaliksik at sa gayo’y nararapat na pasalamatan at kilalanin.
v. Talaan ng Nilalaman (Bagong Pahina) –
Halimbawa

TALAAN NG NILALAMAN
Pahinang
Pamagat …………………………………………………………………….. i
Dahon ng Pagpapatibay ………………………………………………..… ii
….……………………………………………………………………………… iii
KABANATA I: Ang Suliranin at Kaligiran
Pangkasaysayan…………………..……………………………….….. …… 1
1.Panimula……………………………………………………… 2
2.Kaligirang Pangkasaysayan …….………………....……… 3
3.Balangkas Teoretikal …………………………………….… 4
4.Balangkas Konseptuwal ……………………………………..5
5.Paglalahad ng Suliranin ………….………………………… 6
6. Haypotesis ………….………………………………………. 7
7. Kahalagahan ng Pag-aaral . . …………………………….. 7
8. Saklaw at Limitasyon ………………………………………. 8
9. Depinisyon ng mga Terminolohiya ……………………….. 9
KABANATA II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura…. …………. 10
1. Mga Lokal na Pag-aaral ………………..………………… 10
2. Mga Banyagang Pag-aaral....…………………………….. 15
3. Mga Lokal na Literatura ………………………………….. 19
4. Mga Banyagang Literatura ……………………………….. 25
KABANATA III: Metodolohiya ng Pagsasaliksik ……………………… 26
1. Pamamaraang Ginamit ……………………………. …. 27
2. Populasyon ……………………………………………… 28
3. Paraan ng Pagpili ng mga Kalahok …………………… 30
4. Deskripsyon ng mga Kalahok /Respondante ………... 31
5. Instrumento …………………………………..……….…. 33
6. Paraan ng Pangangalap ng Datos …………………….. 35
7. Uri ng Gagamiting Istatistika …………………………… 37
KABANATA IV: Ulat at Pagtatalakay ………………………………….… 40
1. Resulta ……………………………………………………. 41
2. Pagtatalakay………………………………………………. 50
KABANATA V: Buod, Kongklusyon at Rekomendasyon ……………. 56
1. Buod …………………………………………………….. 56
2. Kongklusyon ……………………………………………… 60
3. Rekomendasyon …………………………………………. 63

Mga Sanggunian .…………………………………………………………… 65


Apendiks … ……………. ……………………………………..…………… 70

2. Panimula – nagbibigay paglalarawan sa pananaliksik na gagawin


BAGONG PAHINA
a. Rasyonale – maikling pagpapaliwanag kung bakit mahalaga ang paksa ng
pananaliksik
b. Layunin – tumutukoy sa tunguhin o obhektibo ng pananaliksik; ang layuning
ipapahayag ay kailangang tumugon sa mga sumusunod na katanungan:
(Pangkalahatang Layunin at Mga Tiyak na Layunin)
 Ano-ano ang obhektibo ng aking pananaliksik?
 Ano ang inaasahan kong matuklasan o matututuhan sa gagawing
pagsasaliksik?
3. Kaligirang Pangkasaysayan – tumutugon sa tanong na “Ano ang ginawa ng ibang
mananaliksik hinggil sa paksa?” Ang bahaging ito ay kailangang maglaman ng
impormasyon tungkol sa paksa na pinag-aralan at kung bakit ito ay laganap, seryoso at
mahalaga. Historikal na pagbabago
4. Balangkas Teoretikal – tinatalakay ang mga nagawa ng iba’t ibang manunulat at
siyentipiko o eksperto sa isang partikular na larangan. Binibigyang halaga sa bahaging
ito ang ilang mga batas, prinsipyo, mga konsepto, pagpapakahulugan at mga teorya na
maaaring iangkop sa ginagawang pananaliksik.
5. Balangkas Konseptuwal – nagpapakita kung ano ang nais na patunayan o panubalian
ng ginagawang pag-aaral. Ang ugnayan sa pagitan ng malayang baryabol at di-
malayang baryabol ay malinaw na naipakikita sa pamamagitan ng balangkas
konseptuwal, graph.
6. Paglalahad ng Suliranin – buhat sa pangkalahatang suliranin na ilalahad sa bahaging
ito, mag-uugat ang mga kaugnay o kasangay na suliranin upang lalong matiyak na
mabibigyan ng tugon ang suliraning nakaugnay sa paksa ng pananaliksik.
7. Haypotesis – pagbibigay ng prediksyon sa maaaring tugon o resulta ng mga
katanungan na nakapaloob sa pananaliksik.
8. Kahalagahan ng Pag-aaral - Tinutukoy rito ang maaaring maging kapakinabangan o
halaga ng pag-aaral sa mga estudyante, komunidad, paaralan, at bansa.
9. Saklaw at Limitasyon – tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik.
10. Depinisyon ng mga Terminolohiya – sa pahinang ito bibigyan ng kahulugan ang mga
salita na may malalalim o malalawak na konteksto na matatalakay sa kabanata 1-3.
11. Pamamaraang Ginamit – gagamit ng Deskriptibong Pananaliksik (Descriptive-survey
Research). May apat pang uri ng pananaliksik, Pangkasaysayang Pananaliksik,
Pananaliksik na Eksperimental, Case Studies at Project Feasibility Studies
12. Populasyon - kabuuang bilang ng inaasahang respondente o kalahok sa napiling lugar
ng pagsasagawaan ng pananaliksik
13. Paraan ng Pagpili ng Kalahok – halimbawa ay ang random sampling, cluster sampling,
stratified sampling, at multistage sampling.
14. Deskripsiyon ng mga Respondente – maaaring ilarawan batay sa aspektong pisikal,
sosyal, ekonomikal, o edukasyunal na katangian gaya ng edad, kasarian, kalagayang
sibil (civil status), propesyon, hanapbuhay.
15. Instrumento – pamamaraan ng pangangalap ng datos

Mga Sanggunian:
Averion, Gisella Mari A. et.al (2015). Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik. nakuha
noong Enero 8, 2018, mula sa http://lpulaguna.edu.ph/wp-
content/uploads/2016/10/KARANASAN-NG-ISANG-BATANG-INA-ISANG-PANANALIKSIK.pdf
Escobar, Jamie (2014). Ang Pananaliksik at mga Bahagi Nito. Nakuha noong Enero 8, 2018,
mula sa https://www.scribd.com/doc/25208855/Ang-Pananaliksik-at-Mga-Bahagi-Nito.
Galvez, Amee (2014). Mga Bahagi ng Pananaliksik. Nakuha noong Enero 8, 2018, mula sa
https://prezi.com/ofg7_caebpsh/copy-of-mga-bahagi-ng-pananaliksik/.
Obina, Mike Angelo (2013). Filipino 1, Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik. Nakuha noong
Enero 8, 2018, mula sa http://pananaliksik-sa-filipino-2.blogspot.com/2013/04/persepsyon-
ng-mga-mag- aaral-ng-ranggas.html

You might also like