You are on page 1of 10

KABANATA 2II

METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pagsusuri na ginamit ng mga mananaliksikuri ng pananaliksik na ginamit ay

kwalitatibong pananaliksik. Ang kwalitatibong pananaliksik ay nakatuon sa pag-unawa ng isang

katanungan sa pananaliksik sa pamamaraang makatao o kauliranan at binubuo ito ng datos na

hindi pang-numero. Ginagamit ito upang maunawaan ang mga paniniwala, karanasan, saloobin,

pag-uugali, at pakikipag-ugnayan ng mga tao (Pathak et .al., n.d.). Kabilang sa mga pamamaraan

ng kwalitatibong pananaliksik ay ang maliit na pangkat na talakayan o ‘small-group discussions’

para sa pagsisiyasat ng mga paniniwala, saloobin at konsepto ng pag-uugali sa kaugalian; hindi

ganap na nakabalangkas na pakikipanayam o ‘semi-structured interviews’, upang maghanap ng

mga pananaw sa isang nakatuon na paksa o, kasama ang mga pangunahing impormante, para sa

impormasyon sa background o isang pananaw sa institusyonal; malalim na pakikipanayam o ‘in-

depth interviews’ upang maunawaan ang isang kondisyon, karanasan, o kaganapan mula sa isang

personal na pananaw; at pagsusuri ng mga teksto at dokumento o ‘analysis of texts and

documents’, tulad ng mga ulat ng gobyerno, mga artikulo ng media, mga website o diary, upang

malaman ang tungkol sa ipinamamahagi o pribadong kaalaman. Ang pag-iintindi ng

pangyayaring naganap ay makakatulong sa paghahalungkat ng mga iba’t ibang detalye tungkol

rito (Hammarberg et al., 2016). Kaya ang mga katanungan ng mga mananaliksik ay nakahanda

upang mas lalong maunawaan ng karamihan ang mga pangyayaring napagdaanan ng mga taong

kasangkot sa suliraning pinag-aaralan at matuto sa mga ito. Sa pamamaraang ito, mas lalong

maihahatid o maipapaliwanag ang mga karanasang napagdaanan ng mga napiling respondante sa

pag-inom ng kape at iba pang may kaugnayan sa paksa.


Ang gagamiting uri ng kwalitatibong pananaliksik ay pananaliksik na penomenolohikal

o phenomenological researchapproach. Ayon kay Giorgi, ang salitang umaandar sa pananaliksik

na penomenolohikal ay 'ilarawan'. Ang layunin ng mananaliksik ay upang ilarawan nang tumpak

hangga't maaari ang kababalaghan, pag-iwas mula sa anumang paunang natukoy na balangkas,

pinananatiling naaayon ito sa katotohanan. Ayon kay Welman at Kruger (1999) “ang mga

phenomenologist ay nag-aalala sa pag-unawa sa mga sosyal at sikolohikal na mga penekula mula

sa mga pananaw ng mga taong kasangkot”. Gayunpaman, ang pagbuo ng isang pagpapahalaga sa

mga pilosopikong pinagmulang ito ay maaaring mapahusay at mapalakas ang disenyo ng

pananaliksik (Wilson, 2014). Sa pamamaraang ito, isasaliksik ang mga karanasan ng mga

respondante at ginagamit rin ang pandamang pang-unawa upang makuha ang nais nilang ipahatid

at mailagay ng wasto sa pananaliksik. Gamit ang karagdagang kaalaman na makakalap ng mga

mananaliksik, maaaring magbahagi rin ang mga mananaliksik mismo ng kanilang pansariling

karanasan o ang kanilang mga opinyon na makakatulong sa mabuting pagpapaliwanag ng mga

maaaring maidulot ng kape sa kanila at sa kanilang akademiko.paksang pinag-uusapan o pinag-

aaralan. Gayunpaman, ang pagbuo ng isang pagpapahalaga sa mga pilosopikong pinagmulang ito

ay maaaring mapahusay at mapalakas ang disenyo ng pananaliksik (Wilson, 2014).

Lokal at Populasyon

Ang pananaliksik ay isinagawa sa Kolehiyo ni ng San Luis (SLC). na kinabibilangan ng

mga mag-aaral sa kolehiyo na napiling respondante ng pananaliksik.Isa sa mga rason kung bakit

dito gaganapin ang pananaliksik ay Ang Kolehiyo ni San Luis ay kinikilala ng ilan bilang isang
paaralan na kung saan karamihan sa mga mag-aaral ay disididong makakuha ng kahusayan sa

akademiko. Dahil dito, masasabing handa silang maglaan ng oras upang gawin ang mga gawaing

naitakda sa kanila at maghahanap ng paraan na makakatulong sa kanila upang malagpasan ito.

Ngunit dahil hindi na kailangan pang lumayo ng mga mananaliksik hindi maiitatangging mas

madaling magsagawa ng isang pakikipanayam sa SLC sapagkat ito ay kung saan naroroon sila

nag-aaral ang mga mananaliksik. Magiging at malaking tulong rin ito sa kanilang financial

statements, isinasaalang-alang ang mga ito ay mga mag-aaral lamang. Bukod sa mga nasabing

rason, dito rin nag-aaral ang mga napiling respondate kaya hindi mahihirapan ang dalawang

panig, mga mananaliksik at respondante, na makontak o mapuntahan ang isa’t isa. Marami ring

maaaring maging lugar sa SLC na kung saan puwedeng maganap ang pakikipagpanayam sa

pagitan ng mananaliksik at respondante, isinasaalang-alang rin dito ang katahimikan ng lugar at

ang makakamit na privacy dito upang ang impormasyong makakalap ay hindi kakalat o maririnig

ng iba. Maaari itong maging isang silid-aralan ng respondante o mananaliksik, kilalang kapeina

ng paaralan o Café Louisiano, o kahit anumang sulok o dako ng paaralan na mapagkakasunduan

ng mananaliksik at respondante..

Ang mga respondante ng pananaliksik na ito ay Napili ang mga piling pag-aaral na ito

ang mga mag-aaral nga kolehiyo sa SLC, sisiguraduhin ng mga mananaliksik na ang mga ito ay

hindi lamang binubuo ng mga kolehiyo na nasa kanilang unang taon. Ito ang napiling

respondante ssapagkat may mga pagkakataong madalas nakikita ang mga kolehiyo na umiinom

ng milk tea na binubuo ng kapeina ngunit mas mahina kumpara sa kape. Maraming maaaring

maging respondante dahil sa laki rin ng populasyon ng mga kolehiyo sa SLC at may sapat rin

silang kaalaman upang sagutin ang mga nakahandang katanungan. Kaya naman malaki ang
paniniwala ng mga mananaliksik na makakakalap sila ng mga datos na kanilang kinakailangan

mula sa mga respondante.

Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa gamit ang pakikipanayam o interbyu sa pagitan ng

mananaliksik at respondante. Ang pakikipanayam ay ang pinakamabisa sa kwalitatibong

pananaliksik sapagkat tinutulungan nito ang mga respondante at maging mga mananaliksik na

ipaliwanag, mas maunawaan, at galugarin ang mga opinyon, pag-uugali, karanasan, atbp. Ang

mga tanong sa pakikipanayam ay karaniwang bukas na mga tanong upang ang malalim na

impormasyon ay makolekta. Maaari itong maganap sa pamamagitan ng cellphone, online, o

face-to-face (Research Methods Guide: Interview Research, 2018). Face-to-face o harap-harapan

na pakikipagpanayam ang gagawin ng mga mananaliksik sapagkat pinapayagan ito ng

mananaliksik ang kakayahang magkaroon ng mga tagapanayam na magtipon ng detalyadong

impormasyon tungkol sa mga saloobin at pag-uugali patungo sa isang partikular na paksa. Sa

tuwing nais ng isang tao na malaman ang higit pa tungkol sa isang isyu o galugarin ang isang

sagot, dapat sanayin ang mga tagapanayam kung paano mag-usisa upang tipunin ang walang

pinapanigan na detalyadong mga tugon (Lavrakas, 2008). Ang ginamit na paraan sa sampling ay

ang Purposive sampling. Ayon kay Lopez at Whitehead (2013), ang isang sample ng populasyon

ay ang napiling subset na karaniwang kinakatawan ng isang mas malawak na populasyon. Sinabi

rin nila na ang Purposive o may layunin na sampling ay isang karaniwang ginagamit na

estratehiya sa pag-sampling, na ang mga kalahok ay hinikayat ayon sa naunang napiling

pamantayan na nauugnay sa isang partikular na katanungan sa pananaliksik. Minsan tinukoy

bilang 'paghuhusga ng paghuhusga', ang sadyang pag-sampol ay idinisenyo upang magbigay ng


mga kaso na mayaman sa impormasyon para sa malalim na pag-aaral. Ito ay dahil ang mga

kalahok ay yaong mayroong kinakailangang katayuan o karanasan, o kilalang nagtataglay ng

espesyal na kaalaman upang maibigay ang impormasyon ng mga mananaliksik. Ang mga

katanungan may kinalaman sa paksa ay naihanda na ng mga mananaliksik at handa na silang

mangalap pa ng karagdagang impormasyon ukol sa mga respondante sa malayang pagtatanong

sa mga ito at sinisiguradong ang mga katanungan ay bukas o ito ay open-ended questions .Ang

pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng isahang pagtanong mismo sa mga respondante

ukol sa tinatalakay sa pananaliksik. Ang mga katanungan ay naihanda na ng mga mananaliksik at

inaasahang makuha ang mga kasagutan ukol sa mga benepisyo ng kape, maging ang mga

maaaring pinsalang maidulot nito, mga ibang maaaring gawin ng mga mag-aaral upang

manatiling gising o mga alternatibong inumin bukod sa kape.

Ang mga mananaliksik ay nangalap din ng mga impormasyon sa internet, libro at sa iba

pang reperensiya na maaaring mapaghanguan.

Instrumento sa Pagsusuri ng Datos

Magagamit ang Thematic Analysis o temang pagsusuri sa pananaliksik na ito. Ayon kay

Caulfield (2019), ito ay isang paraan ng pagsusuri ng mga kwalipikadong data. Karaniwang

inilalapat ito sa isang hanay ng mga teksto, tulad ng mga transkripsyon sa pakikipanayam at sa

pamamagitan nito, masusuri ng mabuti ng mananaliksik ang data upang makilala ang mga
karaniwang tema - mga paksa, ideya at pattern ng kahulugan na madalas na nababanggit ng mga

respondante. Nabanggit rin niya na ito ay isang mahusay na diskarte sa pananaliksik kung saan

sinusubukan ng mananaliksik na malaman ang isang bagay tungkol sa mga pananaw, opinyon,

kaalaman, karanasan o halaga ng mga tao mula sa isang hanay ng mga kwalipikadong data. Ang

pattern na nabanggit ay makukuha ng mga mananaliksik gamit aAng mga natalang kasagutan ng

lahat ng mga respondante sa mga katanungan ng mga mananaliksiknaitala na pakikipagpanayam

ng mananaliksik sa respondante oo ang nagawanggamit ang transcribingtranskripsyon. Ang

transkripsyon ay isinasagawa ng mga panayam ng indibidwal o pangkat at sa pangkalahatan ay

nakasulat na verbatim o mga eksaktong salita na nabanggit sa panayam (Qualitative Data

Transcription and Translation IRC Research Toolkit, n.d.). Ayon kay Bailey (2008),

nagsasangkot rin ito ng masigasig na pagmamasid ng datos sa pamamagitan ng paulit-ulit at

maingat na pakikinig o panonood, at ito ay isang mahalagang unang hakbang sa pagsusuri ng

datos. Ang pagiging pamilyar sa datos at ang pagbibigay atensyon sa kung ano talagang naibigay

kaysa sa inaasahan ay maaaring mapabilis ang mga realisasyon o mga ideya na lumitaw sa

panahon ng pagsusuri. Ang paggawa nito ay tumatagal ng mahabang panahon. ay

paghahambingin sa isa’t isa upang matukoy ang pagkakaperaha ng bawat isa, maging ang

kanilang mga pagkakaiba, mga maaaring kasagutan sa pinag-aaralan ng pananaliksik, at pati

narin ang mga karagdagang kaalaman na naibahagi ng mga respondante.

Sisiguraduhin ng mga mananaliksik naUpang makasiguradong walang pagkakamali sa

transcribing, sa pamamagitan ng pmaghahanda ang mga mananaliksik ng laptop na kung saan

agad itatala ang mga kasagutan ng respondante sa mismong oras na ito ay kanilang ibinabahagi.

Gagamitin rin ang voice recorder sa cellphone upang sa gayunmang may nalaktawang o hindi
naintindihang bahagi ng kasagutan noong ito ay sinasabi, maaaring balikan at pakinggang muli

gamit ang naisalba na record nito.

Etikal na Konsiderasyon

Ang etika ay ang mga prinsipyong moral na dapat sundin ng isang tao, anuman ang

lugar o oras. Ang pag-uugali sa etikal ay nagsasangkot sa paggawa ng tamang bagay sa tamang

oras. Nakatuong ang mga etika ng pananaliksik sa mga prinsipyong moral na dapat sundin ng

mga mananaliksik sa kani-kanilang larangan ng pananaliksik. Ito ay importante sapagkat ang

etikal na paggawa ng desisyon sa pananaliksik na pang-akademiko ay nakatuon sa pagbibigay ng

pinakamataas na benepisyo sa mga kalahok o respondante. Ang pagsunod sa mga prinsipyo ng

etikal ay talagang mahalaga para sa pagpapanatili ng integridad ng pananaliksik [ CITATION

Res19 \l 1033 ].

Nasabi rin ng website na pinagkuhanan na ang maling pag-aaral ay maaaring

magkaroon ng mga hindi kanais-nais na kahihinatnan. Upang maitatag at maprotektahan ang

mga etika sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito, mahigpit na sinusunod ng mga mananaliksik

ang mga sumusunod:


1. Ang pangalan ng mga mag-aaralrespondante ay hindi ibabanggit sa anumang bahagi ng

pananaliksik na ito kung labag sa kanilang pakiramdam. at ang kanilang mga mukha ay

hindi rin ipapaktia sa dokumentasyon ng video.

2. Ang pahintulot ng mga respondante ay hihingin muna bago isali ang kanilang mukha o

pagkakakilalan sa dokumentasyon ng pananaliksik.

3. Kinakailangang hindi pinipilit ang sino man na kasali o respondante sa pagbabahagi ng

impormasyon o anomang partisipasyon sa pananaliksik. Hindi pipilitin ng mga

mananaliksik ang mga posibleng respondante upang maging respondante sa pag-aaral na

ito.

4.

5. Sino man ang kalahok o respondante sa mga pananaliksik ay dapat bigyang halaga at

respeto sa mga bawat binibigay na impormasyon sa kanilang pakikipag partisipasyon.

6. Lilinawin muna sa mga kalahok ang kabuuang layunin ng pananaliksik at halaga ng

kanilang partisipasyon.

7. Ang wastong dokumento ng pag-sourcing o sangguniang mga materyales ay susundin

upang matiyak at maisulong ang mga batas sa copyright. At ang isang sulat ng

komunikasyon ay ihaharap sa tagapamahala na humihiling ng pahintulot na magsagawa

ng pakikipanayam.

8.

9. Ang mga datos ay hindi maninipulahin para lamang sumang-ayon ang sagot sa

kagustuhan ng mananaliksik.

10. Titimbangin ang pagbuo ng mga pag-aaral at mga tanong kinakailangang magtipon ng

pananaliksik sa naturang paksa at sa iba't ibang mga etikal na pagsasaalang-alang upang

mapanatili ang kawalang-kinikilingan.


11. Ang mga tanong at pag-aaral ay dapat na maiwasan ang pagkolekta ng anumang

impormasyon na magpapahintulot sa mga kalahok na makilala sa hinaharap.

12. Kung kailangan ng impormasyon tungkol sa pagkawala ng lagda, ang mga respondante

ay dapat maipahiwatig na ang mga resulta ay hindi magiging patago.

13.

Depenisyon ng mga Terminolohiya

Financial statements. Mga pahayag na mayroong kinalaman sa pinansyal.

Respondante. Ang sumasagot sa mga katanungan ng mananaliksik.


TranscribingTranscription. Ang nakatalang pag-uusap o ang mismong pakikipanayam ng

mananaliksik at ng respondante.

Copyright. Ang paraan ng pagprotekta sa orihinal na may akda ayon sa batas.

Open-ended questions. Mga katanungang hindi nililimitahan ang mga sagot sa oo o hindi

lamang.

You might also like