You are on page 1of 3

Metodolohiya

Ito ang ikatlong kabanata sa mga sulating pananaliksik. Nakapaloob dito ang mga sumusunod na
mahahalagang bahagi:

A. Disenyo at Metodo
 Ipinapaliwanag ng mananaliksik sa bahaging ito ang disenyo o metodo sa pagsasagawa ng
pananaliksik na maaaring palarawan, historikal, o kaya’y eksperimental.
 Ang pamamaraan ng pananaliksik (research design) ay nararapat na ibagay sa layunin ng
pananaliksik. Sa bahaging ito, tinatalakay ang ginamit na paraan ng mananaliksik sa pagsasagawa
ng sulatin. Kasamang inilalahad sa bahaging ito ang dahilan ng pagkakapili ng naturang uri o
paraan ng pananaliksik, at maging ang mga natagpuang kalakasan at kahinaan ng nasabing
pamamaraan para sa pag-aaral.
B. Populasyon at Lugar ng Pananaliksik
Naglalaman ang bahaging ito ng tiyak na bilang ng mga kasangkot sa pag-aaral, tiyak na lugar at ang
hangganan ng kaniyang paksang tatalakayin sa pananaliksik pati na ang tiyak na panahong sakop ng
pag-aaral.

Mga katanungang dapat sagutin:

1. Sino ang kasangkot sa pag-aaral?


2. Ilan ang kasangkot?
3. Paano sila pipiliin?

Sample

Ang tawag sa kumakatawan sa kabuuang populasyon o ang pagkuha ng bahagi mula sa isang
malaking populasyon.

Pangunahing uri ng Sampling:

1. Probability Sampling

2. Non-probability sampling

Probability Sampling

Ang pagkuha ng sample ay sa pamamagitan ng sistematikong paggamit ng pormula ng estadistika.

Ang sample ay ang bahagi o bahagdan ng kabuuang populasyon.


Mga uri ng Probability Sampling

1. Random Sampling (raffle sampling)

2. Sistematikong Sampling

3. Stratified Sampling

4. Cluster Sampling

5. Multi-stage Sampling

Non-Probability Sampling

Ang sample ay hindi bahagdan ng kabuuang populasyon at walang pang-estadistikang sistema sa pagpili
ng sample dahil sa pagpili ng sample ay depende sa sitwasyon.

Mga uri ng Non-Probability Sampling

1. Sampling na may layunin

Ito ay depende sa sariling desisyon ng mananaliksik. Halimbawa ang pag-aaralan ay tungkol sa


paniniwala sa maagang pakikipagtalik ng kabataan sa edad na 15 hanggang 21. maliban sa edad
ay pipili ang mananaliksik ng mga kabataan na nakakuha ng kaniyang atensyon na kaniyang
kakapanayamin.

2. Convenience Sampling

Accidental Sampling. Pipili ng tagatugon na madaling hanapin.

Hal:

Isang propesor na ang mga mag-aaral ang gagamitin niyang sample.

3. Quota Sampling

Katumbas ng stratified sampling kung saan ag bawat grupo ay may representasyon.

4. Snowball Sampling

Magsisimula sa dalawang respondente na magbibigay ng iba pang respondente.


C. Instrumento ng Pananaliksik

▪ Sa bahaging ito, inilahad ng mananaliksik ang mga detalye sa paraan ng pangongolekta ng datos
na kinailangan o ginamit upang matugunan ang mga suliraning ipinahayag sa pag-aaral.

▪ Makikita dito kung ginamitan ba ng sarbey, pakikipanayam, talatanungan; ilang napasali, paano
ang naging pangongolekta ng datos, gaano katagal an inubos na panahon sa pamimigay at
pangongolekta ng datos. Ano ang mga suliraning kinaharap.

Sa pangangalap ng datos, may tatlong pangunahing ginagamit

1. Talatanungan

Ginagamit ng mananaliksik kung saan ay isinusulat ang mga tanong at pinasasgutan sa mga
respondente.

a. Open-ended na talatanungan

b. Close-ended na talatanungan

2. Pakikipanayam

3. Obserbasyon

D. Pagsusuri ng mga Nakalap na Datos


▪ Tinatawag ding pag-aanalisa ng datos.
▪ Sa bahaging ito ipinapaliwanag ng mananaliksik ang paraan ng pag-aanalisa ng mga natagpuang
kasagutan ng mga kasangkot sa pag-aaral.

You might also like