Kabanata III
Ang kabanatang ito ay ipinapakita ang disenyo ng pag-aaral,
kalahok sa pag-aaral, lugar ng pag-aaral, instrumento ng pag-
aaral, pinagkunan ng datos, proseso ng pag-aaral, at
estaditikang ginamit.
Disenyo ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng deskriptibong-sarbey
na disenyo dahil ito ay naangkop na gamitin sa mga problemang
kinakaharap sa pag aaral. Para mas lalong maintindihan at
maunawaan ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag aaral sa
kaddahilanang hindi nila kasama ang kanilang mga magulang. Ang
mga mananaliksik ay kinakailangang ilarawaan ang kasalukuyang
sitwasyon. Maraming pang ibang uri ng deskriptibong pananaliksik
ngunit napili ng mga mananaliksik na gumamit ng Desktiptib-
Sarbey na pananaliksik na gagamitan ng mga talatanungan para
makalikom ng mga datos.
Ang pag aaral na ito gagamit ng deskriptibong pananaliksik
dahil ayon kay Joana Mae O. Valdez(2019) “Pinag-aaralan sa mga
palarawang pananaliksik ang pangkasalukuyang ginagawa,
pamantayan, at kalagayan. Nagbibigay ito ng tugon sa mga tanong
na sino, ano, kailan, at paano na may kinalaman sa paksa bg pag-
aaral. Hindi ito makakatugon sa tanongna “bakit” sapagkat
naglalarawan lamang ito ng tiyak at kasalukuyang kondisyon ng
pangyayari at hindi ng nakalipas o hinaharap.”
Kalahok sa Pag-aaral
Ang pag aaral na ito ay gagawin ng mga mananaliksik sa
Cainta Catholic College na matatagpuan sa Cainta, Rizal. Ang mga
respondente ay mga mag-aaral ng Senior High School na nasa ibang
bansa ang magulang. Ang pananaliksik na ito ay gagawin sa
pamamagitan ng talatanungan sa mga batang nasa ibang bansa ang
magulang upang malaman kung mayroong pagbabago ba sa kaugaliang
ipinapakita sa pag-aaral ng mga Senior High School. Naniniwala
ang mga mananaliksik na ang mga mag-aaral ng mga Senior High
School ay nasa tamang pag-iisip na at sinasabing kaya nang
tumayo sa sarili nilang mga paa. Nang sa gayon, layunin ng
pananaliksik na ito na malaman kung mayroon nga bang epekto sa
kanilang pag-aaral ang pagkalayo sa kanilang magulang.
Lugar ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay gagawin ng mga mananaliksik sa
Cainta Catholic College na matatagpuan sa Cainta, Rizal. Noong
1931, si Rdo. Pd. Jose Tahon ang parokyanong pari ng Mahal na
Ina ng Kaliwanagan. At dahil noon na siyang nagpatatag ng
eskuwelahan sa Manila Cathedral, na dati niyang pinagsisilbihan,
napagdesisyunan niyang magtatag ng Catholic School nangsagayon
ay makapag-aral ang mga bata sa bayan ng Cainta.
Ito ay kilala dati bilang Cainta Catholic School at patuloy
na lumago sa pamamagitan ng pamamalakad ng mga pari bilang
Pangulo ng Kolehiyo. Hanggang noong taong panuruan 1996-1997,
pagkatapos ng limang taon na plano para sa paaralan ay
napagdesisyunan na magkaroon ng kurikulum para sa Kolehiyo sa
pamamgitan ng pag-aalok ng mga kurso. Kaya naman, ang Cainta
Catholic School at naging Cainta Catholic College.
Sa patuloy na pag-unlad ng paaralan, nilalayon nito na
maipalaganap ang pagpapaunlad sa spiritwal ng isang indibidwal
na nakapaloob sa kurikulum ng paaralan.
Pinapangarap ng Cainta Catholic College ang sarili bilang
piniling institusyong pang-edukasyon na sentro ng relihiyon sa
Probinsya ng Rizal. Bukod pa rito, naglalayon rin ang Cainta
Catholic College bilang pinakamalaking institusyong pang-
edukasyon na learner-centered at techonology-enabled ang
programa na may relihiyon.
Pigura 1 : Ang Mapa ng Cainta Catholic College
Proseso ng Pag-aaral
Noong ika-18 ng Setyembre, nakuha nang maaprubahan ang
titulo ng mga mananaliksik na pinamagatang, “Suliraning
Kinakaharap sa Pag-aaral ng mga Mag-aaral ng Senior High School
na nasa Ibang Bansa ang Magulang sa Cainta Catholic College
Taong Panuruan 2019-2020”
Kasunod noon, ang mga mananaliksik ay nagsimulang maghanap
at tipunin ang mga kaugnay na literatura upang makabuo ng mga
teorya na makakatulong upang masuportahan ang binaggit na pag-
aaral. Pagkatapos nito ay sinimulan nang sulatin ang unang
kabanata : ang suliranin at sanligan nito, sinundan ito ng
ikalawang kabanata : mga kaugnay na literatura at pag-aaral ay
inumpisahan.
Instrumento ng Pag-aaral
Ang magiging instrumento ng pag-aaral na ito ay ang
talatanungan. Ito ay nakabase sa mga suliranin o problema na
nais talakayin sa pag-aaral na ito. Maaari ring pagbasehan ang
mga personal na opinyon ng mga mag-aaral ukol sa pagkakaroon ng
mga magulang na naghahanap-buhay sa ibang bansa o mas kilala sa
tawag na OFW (Overseas Filipino Workers). Ito ay masusing
ilalahad sa mga piling mag-aaral ng Senior High School upang
makakalap ng mga datos. Sapamamagitan ng pagbilog sa mga numero
mula 1 hanggang 4 na naangkop sa tanong na nakalahad sa survey.
Ang mga tanong ay binubuo ng dalawang kategorya na maaaring
ilahad sa mga mag-aaral tulad ng mga sumusunod:
Ang unang kategorya ng talatanungan ay bibubuo ng mga
suliraning kinakaharap ng mga Senior High School na mayroong mga
magulang na OFW.
Ang ikalawang kategorya ay binubuo ng personal na pananaw o
opinyon. Ukol sa epekto ng pagkakawalay ng mga bata sa kanilang
mga magulang sa kadahilanang nagtatrabaho ang mga ito sa ibang
bansa.
Ang sumusunod na saklaw ay naglalarawan ng mga nakalap na
datos o resulta ng mga datos na nakalap mula sa mga piling mag-
aaral ng Senior High school sa paaralang Cainta Catholic
College:
Timbang Saklaw ng Paglalarawan Deskripsyon Kowd
Lubos na hindi LHS
4 sumasang-ayon
Hindi
3 sumasang-ayon HS
2 Sumasang-ayon S
Lubos na
Sumasang-ayon LS
1
Pinagkunan ng Datos
Ang mga mananaliksik na nagsimulang tipunin ang mga datos
na may kinalaman sa Suliraning Kinakaharap sa Pag-aaral ng mga
Mag-aaral ng Senior High school na nasa Ibang Bansa ang Magulang
ay nag saliksik pa upang mapunan ang iba pang kaalaman. Kapag
ang permisyon ay naibigay, ang mga tanong na kokompirmahin ang
kredibilidad na bago ipresenta sa mga taga tugon, ang mga
mananaliksik ay kokolektahin ang mga datos mula sa mga taong
sakop ng nasabing suluranin o mga taong nakapaloob sa suliranin,
sa pag kakaroon ng kaonting kaalaman tungkol dito ay isang
malaking dagdag kaalaman upang mas mapalawak ang kaisipan
tungkol dito.