You are on page 1of 6

ESPIRITU SANTO PAROCHIAL SCHOOL OF MANILA, INC.

EPEKTO SA SIKOLOHIKAL NA PAG-IISIP NG SCHOOL WORKS AT GAWAING


BAHAY SA MGA ESTUDYANTE
_______________

Isang Panukalang Pananaliksik na Isinumite sa


Espiritu Santo Parochial School of Manila, Inc.

_______________

Bilang isa sa mga Tugon sa mga


Kahingian para sa asignaturang
Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino at Pagbasa
at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

_______________

nina
CASIÑO, Glenny Monique Z.
REYES, Marie Sklodowska Curie L
VERGARA, Micah Jolie H.
Grade 11 - St. Paul the Apostle
Marso 2019

EPEKTO SA SIKOLOHIKAL NA PAG-IISIP NG SCHOOL WORKS AT GAWAING BAHAY SA MGA


1 ESTUDYANTE
ESPIRITU SANTO PAROCHIAL SCHOOL OF MANILA, INC.

Kabanata 1

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

A. Panimula

Isa ang Pilipinas sa mga kinikilalang demokratikong bansa na mayroong mga

prestihiyoso at katolikong mga paaralan. Kilala rin ito dahil ang inaasahan ng nakararami

ay magkaroon o magresulta ng matataas na marka o grado sa paaralan ang mga

estudyante mula sa kahit anong baitang. Habang tumatagal, nag-iiba ang mga pananaw

ng mga kabataan sa pag-aaral. Sinasabi ng marami na mas pinapahalagahan ng mga

estudyante ang kanilang pag-aaral kaysa sa kanilang kalusugan kung kaya’t marami ang

nakararanas ng iba’t-ibang karamdaman, mapa-sikolohikal o pisikal sa kanilang mga

sarili. Hindi na lamang nila ito iniinda sapagkat ang iba rin naman ay nakararanas nito at

pinili na lamang nila ang pagpopokus sa pag-aaral. Sa panahon ngayon, ang laging

inuuna ng mga estudyante ay mga gawaing pampaaralan at minsan nasasabayan pa ito

ng mga pansariling pangangailangan o gamit at mga gawaing bahay, kung kaya’t hindi

na makontrol at mabalanse ng mga kabataan o estudyante ang kanilang mga ginagawa

sa araw-araw dulot ng pagsabay-sabay ng mga gawain.

EPEKTO SA SIKOLOHIKAL NA PAG-IISIP NG SCHOOL WORKS AT GAWAING BAHAY SA MGA


2 ESTUDYANTE
ESPIRITU SANTO PAROCHIAL SCHOOL OF MANILA, INC.

B. Tiyak na Suliranin

Sa parteng ito, sasagutin ang mga pumapaloob na katanungan sa konteksto ng

ng mga gawaing pampaaralan at gawaing bahay. Nais matukoy ng mga mananaliksik

kung ano ang epekto, prayoridad o mga bagay na nakapagpapapigil sa mga estudyante

upang gawin ang isang bagay. Sa pananaliksik na ito, sasagutin ang mga katanungang:

1. Paano nakakaapekto ang gawaing bahay sa gawaing pampaaralan?

2. Ano ang madalas na unahin o obligahin ng mga estudyante?

3. Kailan nagiging sagabal ang mga gawaing ito sa buhay ng isang estudyante?

C. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay malaman at maunawaan ang

importansya ng kapasidad ng sikolohikal na pag-iisip ng mga estudyante. Mahalaga na

malaman ng bawat isa lalo na ang mga magulang na iba ang turing sa mga

estudyanteneg kabataan sa pag-aaral. Pati rin ang mga guro upang ang magpang-abot

ang pag-unawa at pag-intindi sa bawat isa. Ang pag-aaral na ito ay para rin sa kabataan

na nababalewala na ang kanilang kalusugan o sarili para sa ikabubuti ng kanilang mga

marka. Aanhin natin ang magandang grado kung ang iyong kalusugan ay hindi maayos?

Habang tumatagal, lumalala ng lumalala ang kaayusan at kaligtasan. Isa ito sa mga

kailangan saliksikin dahil makikita natin kung paano naaapektuham ang sikolohikal na

pag-iisip ng mga estudyante ngayon. Kaya sa pag-aaral na ito, malalaman ng mga

mananaliksik ang tunay na mga rason kung ano ba ang dahilan ng mga estudyante rito.

EPEKTO SA SIKOLOHIKAL NA PAG-IISIP NG SCHOOL WORKS AT GAWAING BAHAY SA MGA


3 ESTUDYANTE
ESPIRITU SANTO PAROCHIAL SCHOOL OF MANILA, INC.

D. Daloy ng Pag-aaral

Sa bahaging ito ay tatalakayin ang iba’t-ibang pananaliksik at kabuoang proseso

ng pagbuo rito mula sa panimula hanggang konklusyon. Ang buong pananaliksik na ito

ay nahahati sa anim na kabanata:

Sa unang kabanata ay tatalakayin ang kahulugan at epekto ng Paggawa ng

School Works at Gawaing Bahay sa Sikolohikal na Pag-iisip ng mga Estudyante. Ang

unang kabanata ay nakatuon kung bakit ito ang paksa na napili ng mga mananaliksik.

Dito rin mababatid ng mga mananaliksik ang konsepto ng gawaing pampaaralan at

gawaing bahay sa mga mag-aaral sa Junior High at Senior High School. Sa pananaliksik

na ito, dito rin malalaman kung bakit palaging ang reklamo ng estudyante ay sila ay pagod

mula eskwelehan hanggang sa kanilang sariling mga tahanan. Sa pamamagitan nitong

pananaliksik, malalaman kung ano ang dahilan o epekto ng mga gawaing ito sa

estudyante sa pang araw-araw na kagawian.

Sa ikalawang kabanata ng papel at tatalakayin ang mga nakalap na mga teorya

o pag-aaral na may kaugnayan sa paksa. Ang mga nakalap na impormasyon ay

patungkol sa mga sangay ng mga School Works at Gawaing Bahay at kung ano ang

epekto nito sa Sikolohikal na Pag-iisip ng mga Estudyante kapag ito ay pinagsabay. Ang

mga impormasyon na ito ay magmumula sa mga nalathalang pananaliksik at aklat na

may kaugnayan sa nasabing paksa. Itong mga nakalap na impormasyon ang

magsisilbing gabay upang paano sosolusyunan ang problemang ito.

EPEKTO SA SIKOLOHIKAL NA PAG-IISIP NG SCHOOL WORKS AT GAWAING BAHAY SA MGA


4 ESTUDYANTE
ESPIRITU SANTO PAROCHIAL SCHOOL OF MANILA, INC.

Sa ikatlong kabanata ay makikita ang paraan ng paghahanap ng sagot sa mga

katanungan ng mga mananaliksik. Dito rin sa kabanatang ito ipaliliwanag kung paano

nagkauugnay ang teoryang napili ng mga mananaliksik sa paksa. Isa pa sa paraan ay

ang pakikisalamuha sa mga mag-aaral na nakararanas ng ganitong mga gawain.

Ipakikita rin dito kung paano nakatulong ang mga teorya na nalaganap.

E. Depinisyon ng mga Termino

Paaralan – isang institusyon na naglalaan ng pagtuturo. Isa rin itong pook na kung saan

nag-aaral ang isang mag-aaral.

Mag-aaral o Estudyante – taong nag-aaral at maaaring bihasa sa talino.

Obligasyon – tumutukoy sa responsibilidad sa pangkaraniwan.

Lipunan – isang grupo ng mga tao o mamamayanan na binibigyan ng katangian o

paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay.

Henerasyon – mga taong ipinanganak at nabubuhay sa iisang panahon.

Demograpiya – pang-estadistika na pag-aaral ng populasyon, kabilang dito ang

populasyon ng tao.

Marka o Grado – antas ng nakamit na puntos na mayroong pamantayan na nakaayon

sa bawat pagtatasa.

Kalusugang Mental – naglalarawan ng isang antas ng kapakanan na pangsikolohiya, o

ng isang diperensiyang pang-isipan.

Kalusugang Pisikal – kalagayan o estado ng katawan kung saan hindi nakararamdam

ng kahit anumang sakit.

EPEKTO SA SIKOLOHIKAL NA PAG-IISIP NG SCHOOL WORKS AT GAWAING BAHAY SA MGA


5 ESTUDYANTE
ESPIRITU SANTO PAROCHIAL SCHOOL OF MANILA, INC.

EPEKTO SA SIKOLOHIKAL NA PAG-IISIP NG SCHOOL WORKS AT GAWAING BAHAY SA MGA


6 ESTUDYANTE

You might also like