You are on page 1of 13

Pananaw ng mga Mag-aaral ng Halapitan National High School na nasa Senior Hayskul sa

Kasanayan sa Pagtuturo ng mga Gurong Hindi Meyjor sa Filipino

KABANATA 1

PANIMULA

Mahalaga ang ambag ng mga dakilang guro na nagsisilbing tulay sa pagtatatag ng kinabukasan at

kaunlaran ng sangkatauhan sa mundong ating ginagalawan. Sa kanilang malawak na kaaalaman,

karunungan, timbang na pagpapasiya, mayamang karanasan, determinasyong magtagumpay sa isang

larangan ng buhay, umaani sila ng mataas na pagkilala at paggalang mula pa sa sinaunang panahon

hanggang sa kasalukuyan. Hitik ang mga pahina ng kasaysayan sa mga dakilang pari, propeta, pilosopo,

henyo at mga gurong naging tuntungang bato ang kanilang mga pilosopiya, paniniwala, teorya at ıisipan

sa paglinang ng edukasyon mula pa sa mga maharlika patungo sa mga karaniwang mamamayan.

Ayon kay Bro. Armin Luistro ng DepEd (2012) sa pambansang pagsasanay, sa pagnanais na

mapaunlad at makasunod ang Pilipinas sa international standards sa basic education, isang malawakang

reporma ang itinaguyod ng administrasyon sa pagpasok ng K to 12 curriculum. Umani man ito ng

batikos sa magkakahiwalay na kampo ng mga magulang at iba pang stakeholders, hindi napaawat ang

agarang pagpapatupad nito dahil iniisip ng Kagawaran ang benepisyong pangmatagalan sa higit na

angkop na career pathways at mga kasanayan para sa mga mag-aaral, higit na kahandaang magkolehiyo,

maliban pa sa pagtaas ng bahagdan ng empleyo nila pagkatapos ng kanilang pagkatapos sa Senior High

School batay sa socio-economic standards na 12 taon sa Batayang Edukasyon sa Asia Pacific Region,

Amerika at Europa. Bagaman radikal ang pagbabago at agaran ang pagpapatupad ng bagong kurikulum

na K to 12 sa Pilipinas, ang buhay at tagumpay nito ay nakasalalay nang malaki sa mga buhay na bayani

na magsusulong ng makinarya ng pagbabago tungo sa mga repormang kailangan sa mga paaralan, lipunan

at pamahalaan. Umaasa ang mga liderato ng Kagawaran pati ang mga pinunong pampaaralan sa mga
gurong nasa unang hanay upang magsilbing sulo na magliliwanag sa madilim na landas nang matagal na

pakikibaka laban sa kamangmangan, kahirapan, inhustisya, katiwalian, suliraning pangkapaligiran at

katamlayang mapursigi ng pagbabago.

Ang kahingian ng mataas na kalidad ng edukasyon na tutugon sa pangangailangan ng mga mag-

aaral sa ikadalawangpu’t isang siglo ay pinaniniwalaang makukuha lamang kaugnay ng mataas na uri ng

paturuan. Maisasakatuparan lamang ito kung ang mga guro ay may mataas na pananagutan, disiplina,

kakayahan, tiwala sa sarili at may tunay na malasakit sa kabuuang kaunlaran ng kanilang mga mag-aaral.

Ang Departamento ng Filipino ay kasama sa malaking pwersa na inaasahang magsusulong sa

mga ideya ng pagbabago sa sistemang pang-edukasyon sa ating bansa. Subalit sa malawakang

obserbasyon at pagsuri ng mga mananaliksik sa profayl ng mga guro ay natuklasang talamak sa mga

nagtuturo ay hindi medyor sa asignatura. Masaklap pa ring matuklasang ito’y hindi lamang totoo sa

Filipino bagkus ito’y talamak na problema maging sa ibang asignatura. Makapangyayari ang ganitong

sitwasyon dahil sa kakulangan ng kwalipikadong guro sa ilalim ng Registry of QuaIified AppIicants

(RQA) sa sangay kaya’t napipilitang kumuha ng di-medyor sa asignatura. Dagdag pa rito, sa bisa rin ng

mga “tag items”’ noon ay nabigyan ng dagdag na mga guro ang mga paaralan bagaman ang medyor nila

ay hindi kailangan, kaya napilitan ang mga itong magturo sa hindi nila espesyalisasyon. Ito ay isang

dahilan din ng paglobo ng bilang ng mga di-medyor sa iba’t ibang asignatura na kailangang

masolusyunan.

Ang tindi o lawak ng suliranin ay maaaring magkaiba subalit, isang nagdudumilat na katotohanan

na kakaunti ang kumukuha ng medyor sa Filipino, kung kaya’t di makasapat sa pangangailangan ng mga

paaralan. Bunga nito, ang siklo ng pagkuha ng mga bagong gurong di-medyor sa asignatura ay patuloy na

umiiral. Isang isyu kung ganoon ay ang uri ng pagtuturo na aasahan sa mga hindi medyor sa asignatura.

Kaakibat ng isyung ito ang mga pananaw o saloobin ng mga mag-aaral sa kasanayang pagtuturo ng

kanilang gurong hindi medyor sa Filipino ang nais pag-aralan ng mga mananaliksik.
Gayunpaman, batid nating lahat na hindi makaaasang magiging napakahusay ang mag-aaral kung

hindi mahusay ang modelo – ang mga guro (Geronimo, 2015).

LAYUNIN NG PAG-AAARAL

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang matukoy ang mga pananaw ng mga mag-aaral na nasa

Senior High School sa kasanayan sa pagtuturo ng kanilang mga gurong hindi major ang Filipino. Nais din

malaman kung paano ilalarawan ang profayl ng mga mag-aaral na kalahok sa pag-aaral batay sa kanilang

Edad, Kasaria, Paaralan, at Nakaraang Kabuuang Grado sa Filipino. Ninanasin rin nirong malaman kung

may kaugnayan ba sa pananaw ng mga kalahok ang kanilang profayl batay sa kanilang Edad, Kasarian,

Paaralan, at Nakaraang Kabuuang Grado sa Filipino.

SULIRANIN

Nilalayon ng pag-aaral na ito na matukoy ang pananaw ng mga mag-aaral na nasa Senior Hayskul

sa kasanayan sa pagtuturo ng kanilang mga gurong hindi meyjor sa Filipino.

Ang pag-aaral ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Paano ilalarawan ang profayl ng mga mag-aaral na kalahok sa pag-aaral batay sa mga sumusunod:

1.1 Edad

1.2 Kasarian

1.3 Paaralan

1.4 Nakaraang Kabuuang Grado sa Filipino

2. May kaugnayan ba sa pananaw ng mga kalahok ang kanilang profayl batay sa mga sumusunod:
1.1 Edad

1.2 Kasarian

1.3 Paaralan

1.4 Nakaraang Kabuuang Grado sa Filipino

3. Ano-ano ang pananaw ng mga mag-aaral na kalahok kaugnay sa kasanayan sa pagtuturo ng kanilang

mga gurong hindi meyjor sa Filipino?

4. Ano-ano ang ginagawa ng mga kalahok upang matugunan ang mga obserbasyon at karanasan sa klase

kaugnay ng ipinakitang kasanayan ng gurong hindi meyjor sa Filipino?

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay tumutuon lamang sa pagkalap ng datos na nakapagsasabi kung ano

ang pananaw ng mga mag-aaral sa kasanayan sa pagtuturo ng mga gurong hindi meyjor sa Filipino.

Saklaw ng pag-aaral ang paglalarawan sa profayl ng mga kalahok na mag-aaral, ang kaugnayan nito sa

kanilang pananaw na kapalolooban ng kanilang edad, kasarian, paaralan at nakaraang kabuuang grado sa

Filipino, ang pananaw ng mga mag-aaral na kalahok kaugnay sa kasanayan sa pagtuturo ng kanilang mga

gurong hindi meyjor sa Filipino, at ang ginagawa ng mga kalahok upang matugunan ang mga

obserbasyon at karanasan sa klase kaugnay ng ipinakitang kasanayan ng gurong hindi meyjor sa Filipino

Nililimatahan ng mga mananaliksik ang pag-aaral sa limampung (50) piling mag-aaral ng Senior

Hayskul na magmumula sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Labrador, Pambansang Mataas na

Paaralan ng Dulag, at Ramon Magsaysay Integrated School. Isasagawa ito sa pamamagitan ng sarbey na

kung saan ang mga kalahok ay bibigyan ng mga talatanungan na kanilang tutugunan.
TEORITIKAL NA BALANGKAS

Ang konsepto ng pagiging out-of-field ay tumutukoy sa mga kwalipikadong guro na nagiging di-

kwalipikado dahil sa pagtuturo nila ng mga asignatura o baitang na wala silang akmang kwalipikasyon.

(Ingersoll, 2001).

Ang kalidad ng edukasyon ay maaaring nahuhugot sa magkaiba-ibang pamantayan upang

masuportahan ang iba’t-ibang epektibong pedagohiya sa pagtuturo. Kaya naman, ang mga guro ay

nanatiling pangunahin at pinakaimpluwensyal na sandigan ng edukasyon (Hattie, 2009).

Kaakibat niyan, ang pag-aaral na ito ayon kay Gadamer (1976), na naglalayong makinig sa mga

pasalita at di-pasalitang linggwahe ng mga guro habang pinagsusumikapang unawain ang mga kanilang

mga karanasan bilang mga out-of-field na mga guro o mga guro na nagtuturo ng mga asignaturang hindi

nila linya o medyor.

Subalit sa pag-alam ng mga pananaw ng mga mag-aaral ukol sa isyu ng pagtuturo ng mga guro

sa asignaturang hindi linya sa kaniyang espesyalisasyon ay marapat na malaman ang kanilang damdamin

at saloobin ukol dito. Ang damdamin at saloobin ay palaging magkaugnay. Ito ay sapagkat ang saloobin

ay nakakaapekto sa damdamin. Ang Cognitive Consistency Theory ay teorya ng saloobin. Ito ay nakatuon

sa pagbabago na nangyayari sa pagitan ng magkaugnay na paniniwala, kaalaman at pagtataya tungkol sa

isang bagay o isyu. Kahit maraming Consistency Theories ang nagkakaiba sa maraming aspeto, lahat ng

mga ito ay may parehong pakay at iyon ay ang pagbabawas ng pagbabago at pagbabalik ng intelektuwal

at emosyonal na balanse.

Sa pangkalahatang pananaliksik pinagtibay na ang tao ay naghahanap ng konsistensi sa kanilang

saloobin at sa pagitan ng saloobin at kanilang damdamin. Nangangahulugan ito na ang mga tao ay

naghahangad na makasundo ang naiibang saloobin at maiaayon ang kanilang saloobin at damdamin

upang maging makatuwiran at konsistent. Kapag nagkaroon ng pagkakasalungatan, may lakas na

magpapamulat upang maibalik ang balanse ng saloobin at damdamin, upang muling maging konsistent.
Maaari itong gawin sa pamamagitan ng pagbabago ng saloobin, o kayay pagbababgo ng damdamin o sa

pamamagitan ng pagbuo ng katwiran sa mga kaibhan.

Sa teoryang ito, ipinagpalagay na ang bawat indibidwal ay may likas na kakayahang tumantiya at

humalaw ng mga konteksto, pinagmulan ng mga bagay-bagay at sa mga taong sangkot sa isyu batay sa

kanyang personal na pagpapahalaga o kayay batay sa pangkalahatang sistema ng paniniwala. Ginagawa

ito ng indibidwal upang makita ang balanse ng emosyonal at intelektuwal sa kanyang sarili habang

nakikitungo sa ibang tao sa kanyang paligid at hinaharap ang mga isyung umuusbong mula sa iba't ibang

aspeto ng kanyang relasyon sa kapwa.

Ang Balance Theory ni F. Hieder ay nasa ilalim ng Cognitive Consistency Theory. Ito ay

nagbibigay tuon sa katatagan ng paghuhusga ng tao sa kapwa o sa mga isyung magkarugtong at may

kaugnayan sa bawat isa. Ang teoryang ito ay may tatlong elemento: ang imahe, ang halimbawa at ang

pagsusuri. Ito ang tatlong element kung saan umiiral ang sistema ng balanse. Kapag ang tatlong relasyon

ay positibo, o kayay dalawa sa tatlo ay positibo at isa lamang ang hindi, maituturing na ito ay balanse.

Magiging di-balanse kung tatlong elemento ang magiging negatibo o kaya'y dalawa sa tatlo ay negatibo.

Ang mga tao ay mahilig pumuna sa ibang tao at bagay na may kaugnayan sa kanila upang maging balanse

ang kanilang sistema.

Ang teoryang ito ay nagpapalagay na ang pagiging balanse ay nangangahulugan ng pagiging

matatag at ang kawalan ng balanse ay kawalan ng katatagan. Kapag naganap ang kawalan ng balanse, ang

sikolohikal na tensyon ay mag-uudyok sa tao na ibalik ang balanse sa pamamagitan ng pag-iisip, pag-

alala at pagkatuto. Kung kaya mahihinuha na ang saloobin ng tao tungo sa isang bagay ay nagdedepende

sa kanyang saloobin tungo sa pinagmulan na siyang tagapag-ugnay sa bagay.


BALANGKAS KONSEPTUWAL

INPUT: PROSESO: OUTPUT:

Ang profyl ng mga taga  Paggaw ng isang “Pananaw ng mga Mag-aaral


tagatugon ay ang mga sarbey o pag interbyu
sumusunod:  Pagbasa ng mga na nasa Senior Hayskul sa
kaugnay na Literatura
1. Edad Kasanayan sa Pagtuturo ng
 Pagsusuri
2. Kasarian
 Pagkuha ng mga datos mga Gurong Hindi Meyjor sa
3. Paaralan
4. Nakaraang kabuuang Filipino”
grado sa Filipino

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang epektibong pagtuturo ay nagsisimula mismo sa kung paano ang interaksyong nagaganap sa

pagitan ng guro at kaniyang mga mag-aaral kung kaya’t mahalaga na matukoy at malaman ang pananaw

ng mga mag-aaral sa pagtuturo ng kanilang gurong hindi meyjor sa Filipino na siyang magiging isang

malaking tulong upang lalo pang matupad ang pagkakaroon ng epektibong pagkatuto at pagtuturo sa loob

ng klasrum o paaralan. Ang pag-aaral na ito kabilang ang magiging resulta ng pag-aaral ay nararapat na

mabatid ng mga guro at mag-aaral at mailapat sa paghahangad na makamtan ang pagkakaroon ng

makabuluhan at epektibong proseso ng pagkatuto. Karagdagan pa, magbibigay kamalayan ito sa mga

gurong hindi meyjor sa Filipino at lahat ng nagtuturo sa Filipino na pagbutihin pa ang kanilang pagtuturo

kabilang na ang mga estratehiya at instruksiyong isasagawa gayundin sa mga mag-aaral na kamtin ang

pagkatuto sa abot ng kanilang makakaya.

Ang pag-aaral ay magiging kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral at lalo na sa mga guro na

responsable sa makabuluhang pagtuturo. At sa mga susunod na pananaliksik o pag-aaral, ang mga

susunod na mananaliksik ay maaaring nila itong magamit sa kanilang pag-aaral na may kaugnayan dito.
DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA

Ang mga sumusunod na salita ay binigyang depenisyon para sa malinaw na pagkakaunawa sa

kasalukuyang pag-aaral.

Pananaw. Ito ay nangangahulugang paraan ng pagsasaalang-alang o pagsusuri sa isang bagay suliranin o

pangyayari.

Ito rin ay maihahalintulad sa paniniwala ng isang tao. Subalit, ang paniniwala ay bunga ng

pananaw ng isang tao. Sa Ingles, ito ay tinatawag na “Point Of View”.

Senior Hayskul. Karagdagang dalawang taon sa hayskul na may kinalaman sa espisipikong kurso na

tatahakin upang magsilbing paghahanda sa kolehiyo.

Hindi Medyor. "Ibang asignatura o kurso ang natapos.”

LNHS. Labrador National High School

DNHS. Dulag National High School

RMIS. Ramon Magsaysay Integrated School

Quantitative Reasearch. Ang ganitong uri ng pananaliksik ay nauukol sa pag-aaral ng pag-uugaling

panlipunan sa pamamagitan ng mga pamamaraan na may batayan sa computational.

Sampling Procedure. Nagtitipon ng datos mula sa bahagi ng populasyon.


KABANATA 2

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga kaugnay na literatura at pag-aaral na

nakatutulong ng malaki sa ginawang pag-aaral dahil nagbibigay ito ng katotohanan upang mabuo

ang pag-aaaral na ito.

KAUGNAY NA LITERATURA

Guro ang susi sa lahat ng suliranin ukol sa mabisang pagtuturo. Kumbaga sa isang

manggagamot, nararapat pulsuhan ng guro ang kanyang mga mag-aaral, damhin at pakingganang

tibok ng kanilang puso, pag-aralan ang sanhi ng kanilang karamdaman bago lapatan ng kaukulang

lunas.

Ayon kay Gleason (Baluca et.al, 2006), ang baryasyon ng wika ay isang katotohanan sa

lipunan na nakabukod sa mga tradisyon ng mga tao at sa mga salik panlipunan na nakikilala sa

iba’t ibang grupong sosyal, kultural at etniko. Gayunpaman, kinakailangan na mapaghandaan ang

anumang pagbabagong magaganap sa wika.

Lumalabas sa mga obserbasyon na patuloy na ipinagsasawalang bahala at ipinagkikibit ng

balikat ng mga mag-aaral at ilang mga guro ang Filipino, pasulat o pasalita man, dahil mas

binibigyang pansin pa rin ang pag-aaral ng Ingles dahil mas nagpapakita ito ng katalinuhan ng

isang tao kaysa magpakadalubhasa sa sariling wika, ayon na rin sa kinasanayan ng ating lipunan.
Masasabing ang asignaturang Filipino ay isa sa pinakamahirap na asignatura. Maging sa

ating mga kaguruan ay nahihirapan din sa pagtuturo lalong-lalo sa pagtuturo ng wika sapagkat

lubos na malalim ang nais ipakahulugan ng mga paksang aralin. Subalit ang lahat ng ito ay maaari

lamang matamo kung sa pagpapakadalubhasa pa lamang ng mga magiging guro ay magkakaroon na

sila ng masusing pag-aaral ukol sa mga paksang ito. Subalit dahil na rin sa mga kakulangan ng mga

pasilidad at maging mga reperensyal ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino ay

nawawalan na sila ng sandata at mahahalagang sangkap upang lubos na magpabulay-bulay ang mga

paksang aralin.

Nabanggit sa aklat ni Nenita Porciuncula, na bagamat maituturing na pangunahing suliranin

ang kakulangan sa mga kagamitang panturo, pumapangalawa marahil ay ang angking kakayahan at

kasanayan ng mga gurong nagtuturo ng Filipino bilang asignatura at bilang wikang panturo. Sa

tuwing papasok ang isang panuruang taon, parang walang pagbabago ang kalagayan ng pagtuturo

ng Filipino sa kabila ng pagsisikap ng pangasiwaang mapaunlad sa tulong ng mga pagsasanay,

kapulungan, gawain, pakikipanayam, pagmamasid, pakitang-turo at marami pang iba. Kasunod sa

mga ito ang suliraning pagtuturo ng mga guro sa Filipino na hindi linya sa kanilang espesyalisasyon.

Ayon kay (De Guzman 2010), sa Pilipinas, ang isang guro ay maaaring magturo ng iba’t-

ibang asignatura sa Junior High Schol at Senior High School. Ang mga gurong ito ay

nagpakadalubhasa sa isang partikular na unibersidad. Gayun pa man, sila ay magtuturo sa kanilang

medyor o magtuturo sila ng ibang asignatura, ibig sabihin hindi nila ito napaghandaan . Ang

pagtuturo ng hindi nila medyor ay isang malaking hamon sa kanilang sitwasyon. Ang gurong out of

field ay nahihirapan sila sa pagsusulat ng mga banghay aralin at pagsagot sa mga tanong ng mga

mag-aaral. Ang mga problemang ito ay karaniwan sa mga pribadong paaralan na hindi nakahanap

ng mga gurong medyor sa asignatura, halimbawa nito ang guro sa Sience ay naatasan ng punong-

guro na magturo ng asignaturang Filipino, sa puntong ito, isa itong malaking hamon para sa guro na

tanggapin at magturo ng asignaturang Filipino.


Para sa mga guro, ang isang silid aralan na punong-puno ng matatalinong estudyante ay

isang bagay na sa panaginip lang makikita. Pero syempre, nagtuturo ka ng asignaturang hindi mo

linya, isa itong malaking bangungot. Pakiramdam mo isa kang impostor at nag-aalala ka na

mapansin ng mga estudyante, pakiramdam mo para kang bumalik sa pag-aaral (Bart, 2010).

Para kay Hobbs (2013), ang pagtuturo ng hindi medyor ay mangyari lamang kapag ang guro

ay nagtuturo ng mga asignatura kung saan hindi sila kwalipikado. Ang isyung ito na patuloy na

lumalaki at hindi pa rin nasusulusyunan. Ang isang mahusay na mananaliksik ay nakipanayam sa

mga guro sa mga paaralan upang malaman ang kanilang mga hinaing. Base sa paksa ng pag-

aanalisa, ang magkahiwalay na kadahilanan ay maaaring sariling kagustuhan para sa pag-aaral at

ang pagkakakilanlan bilang guro na wala sa linya ang pagtuturo. Ang natuklasang ito ay nagbigay

ng pananaw sa mga tagapamahala ng paaralan at mga guro sa kondisyong kinakailangan na ang

pagtuturo ay tinuturing na isang oportunidad ng pagkatuto.

Mahigit isang dekada na ang lumipas, ang kalidad bilang isang guro ang tinututukan at

pinag-uusapang isyu sa edukasyon, ang problemang ito ang pumukaw pansin sa mga nagtuturo sa

hindi pagtanggap ng mataas na pasahod lalo na sa mga nagtuturo sa mga liblib na lugar. Ang mga

mananaliksik at ang mga nagpapatupad ng polisiya ay pinagpapaliwanag sa patuloy na pagdami ng

mga gurong “out of field”. Una dito ay ang kakulangan ng kahandaan ng mga guro, ibig sabihin nito

na ang pagtuturo na wala sa linya ay ang kahinaan sa paghahanda sa mga guro. Ang ikalawa kung

bakit may mga gurong “out of field” ay ang kakulangan ng mga gurong magtuturo (Caylo, 2015).

Ang mga eksperto ay umaasang ang pangangailangan ng guro ay lalampas sa

pangangailangan para sa K-12 sa mga pampublikong paaralan na humigit 100,000 para sa mga

baguhan, ang dahilan ng lumalaking paghihikahos ay ang maliit na pasahod at ang kakulangan ng

kakayahan na panatilihin ang mga guro. Ang krisis na ito ay naiparating kay President Donald

Trump na nagmungkahi sa paghihiwalay ng Programang Pederal para matulungan ang mga guro at

paaralan. Ang mga distrito at ang Pamahalaang Estado sa United States ay nilabanan ang
kakulangan ng mga guro na magtuturo sa Senior High School na inaasahang tataas pa sa taong ito

(Edelman, 2016).

Ang pagtuturo ng wala sa linya ay nakakaalarma pero ito ay makatotohanan sa mga

paaralan ngayon. Kahit na ang pagtuturo ng kinasanayan mong asignatura ay may mga paksang

komportable ka sa paagtuturo kaysa ibang paksa. Ang mga hindi eksperto ay nagbibigay ng lakas sa

silid aralan. Ang pagtuturo ng hindi mo pamilyar na asignatura ay para kang umasa ng katotohanan

sa iyong mga mag-aaral. May mga suhestyon at pamamaraan na nakakatulong kung tayo ay

nagtuturo sa asignaturang hindi natin inaasahan. Itanim sa isip na, bilang dalubhasa, mas

nakakalamang tayo. Maliban dito, ang pagtuturo ng wala sa linya ay mapapalawak ang ating

kaalaman, magiging interesado sa bagong pananaliksik, gabay ang mga kasamahan sa trabaho at

mapalawak ang ating kaalaman (Huston, 2009).

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ayon sa pag-aaral ni Transona Jr. (2002), malaki ang ginagampanan ng edukasyon sa pag-

unlad ng isang bansa. At dahil sa paaralan nakabatay ang mga inaasahan at mithiin ng mga

mamamayan patuloy na nagbabago ang sistema nito dahil naiimpluwensiyahan ng patuloy na

pagbabago ng panahon. Sa anumang antas ng pag-aaral, sa bahagi ng pagtuturo ay hindi

maitatanggi ang katotohanang ang isang guro ay isa sa pinakamahalagang sangkap sa isang

paaralan. Sa palad ng mga guro nakasalalay ang mga malilikhaing gawaing makatutulong at

magsisilbing gabay ng mga mag-aaral. Ang antas ng kahusayan ng alinmang paaralan ay nakasalalay

sa pagganap ng mga guro sa pagtuturo.

Ipinaliwanag ni Gurney (2007), sa kanyang pag-aaral na kung ang guro ay hindi handa

maaaring hindi niya magampanan ang responsibilidad ng isang guro. Kung ang guro ay may
kahandaan sa kanyang pagtuturo at handa siyang ibahagi ito sa kanyang mga mag-aaral, mas

makikita ang ganap na epektibong relasyon ng pagtuturo at pagkatuto.

Ayon kay Clemente-Reyes (2003), isa sa mga katangian ng isang epektibong guro ay dapat

maging eksperto sa lahat ng saklaw ng pagtuturo gaya ng paksang-aralin, pamamahalang

pangklasrum, pagtuturo at dayagnostiks na pagtuturo.

Ayon kay Reandino (2014), tatlumpu’t anim na bahagdan (36%) respondente ng mga

mag-aaral ang sumagot na di- kalidad na pagtuturo ng Filipino ang isa sa mga suliraning

kinakaharap nila sa akademikong Filipino.

Ayon kay Magtoto (2017), malaki ang epekto ng mga kwalipikasyon ng mga guro sa

pagtuturo. Kung hindi nakapag-aral nang mabuti ang mga guro, mas mababa rin ang kalidad ng

edukasyong makukuha ng mag-aaral. May mga guro sa pampublikong paaralan na tila kulang sa

kaalaman at may mga nagtuturo sa mga pribadong paaralan na hindi pa pasado sa Professional

Liscensure Examination for Teachers.

Sa kabuuan, ang pagtuturo ay isang sangay ng karunungang nauukol sa paglikha ng

maririkit na bagay at magagandang kaganapan. Ito’y isang maayos na paraan ng pagsasagawang

pagkikintal ng kaalaman at itinuturing na mahalagang sangkap ng komunikasyon. Ang pagtuturo ay

ang malilikhaing pakikipag-ugnayan ng guro sa kanyang mga tinuturuan na may iba’t ibang

katangian at paniniwala. Sa proseso ng komunikasyon, hindi lamang natatanggap ng mag-aaral ang

mensahe mula sa guro kundi, ito’y kanyang naiuugnay sa sariling pamumuhay sa sistematikong

pamamaraan ng guro. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay masasabing nagbubunga ang guro sa

kanyang pagtuturo. Kung kaya’t marapat lamang na palawakin ng guro ang kanyang kakayahan at

kasanayan sa pagtuturo. Kailangang magkaroon ng mga makabagong istratehiya at pamaraan ang

guro upang mas maging produktibo at mabisa ang pag-aaral ng sa asinaturang Filipino.

You might also like