You are on page 1of 2

ULO NG MEMORANDUM : PAGTUTURO NG ISANG GURO

INTRODUKSIYON

LAYUNIN : Layunin ng pag-aaral na ito na mataya ang aktwal na pagtuturo ng guro sa filipino ayon sa
sariling persepsyon ng guro, ng kanilang mag-aaral at ng kanilang tagapamahala tungkol sa mga
katangian ng isang mahusay na guro sa Filipino. Nilalayon ding sagutin ang mga sumusunod na
katanungan: (1) Anoano ba ang sariling persepsyon ng guro, mag-aaral at tagapamahala ng mahusay na
guro sa Filipino?, (2) May pagkakaiba ba ang sariling persepsyon ng mga guro, mag-aaral at mga
tagapamahala hinggil sa mga katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na guro sa Filipino?, (3) Ano-
ano ang mga katangiang ipinapakita ng mga guro sa kanilang aktwal na pagtuturo?, at (4) Nasasalamin ba
sa aktwal na pagtuturo ng mga gurong kalahok ang mga persepsyon nila, ng kanilang mag-aaral at
tagapamahala hinggil sa mga katangian ng isang mahusay na guro sa Filipino?

MGA NAKARAANG GAWAIN: Apat na guro, apat na tagapamahala at isang daan at animnaput tatlong
(163) mag-aaral ang mga kalahok sa pag-aaral. Pinili ang mga kalahok sa pamamagitan ng purposive
sampling mula sa dalawang paaralang publiko atpribadong paaralan.

DISKUSYON

MGA NAISAGAWANG GAWAIN: ang ginamit sa pag-aaral upang makalap ang mga mahahalagang
impormasyon; ang mga ito ay talatanungan, obserbasyon sa pamamagitan ng pagkuha ng video at
pagrerekord at interbyu. Ang talatanungan ay ipinamahagi sa dalawang sekondaryang paaralang publiko
at dalawang pribadong paaralan.Apat na guro ang inobserbahan na siya ring sumagot sa mga
talatanungan gayundin ang ginawa ng isang daan at animnaput tatlong mag-aaral at apat na
tagapamahala. Ang puno ng kagawaransa Filipino ang pumili ng pinakamahusay na gurong oobserbahan.
Ang mga mag-aaral ay napili sa pamamagitan ng paglilista ng guro sa mga taon at pangkat na tinuturuan
at saka pinabunot ang guro (ramdom sampling). Pagkatapos mapili ang mga respondents, ang unang set
ng talatanungan sa Pagtataya sa Kahusayan sa Pagtuturo sa Filipino, parallel forms ay ipinamahagi sa mga
guro, mag-aaral at tagapamahala. Ang ikalawang set ng talatanungan sa Listahan ng mga Katangian ng
Mahusay na Guro, ay ipinamahagi rin sa parehong mga kalahok. Ang means at standard deviations ay
ginamit upang mataya ang pagkakaiba o pagkakapareho ng persepsyon ng bawat respondent.

MGA SULIRANIN

Malaki ang papel na ginagampanan ng edukasyon sa pag-unlad ng isang bansa. At dahil sa paaralan
nakabatay ang mga inaasahan at mithiin ng mga mamamayan patuloy na nababago ang sistema nito
dahil naiimpluwensyahan ng patuloy na pagbabago ng panahon. Ang antas ng kahusayan ng alinmang
paaralan ay nakasalalay sa pagganap ng mga guro sa pagtuturo. Binigyang diin rin ni Brain (1996) na ang
susi sa lahat ng suliranin sa mabisang pagtuturo ay ang guro. Kumbaga sa isang manggagamot, nararapat
pulsuhan ng guro ang kanyang mga mag-aaral, damahin at pakinggan ang tibok ng kanilang puso, pag-
aralan ang sanhi ng kanilang karamdaman bago lapatan ng kaukulang lunas. May iba’t ibang papel na
ginagampanan ang guro sa pagtuturo bilang tagapayo, patnubay, tagapangasiwa, kapatid, kaibigan,
magulang at iba pa. Kaya malaki ang impluwensya ng isang guro sa paglinang ng kakayahan ng mag-aaral,
lalo na sa panahon ng kanilang kabataan. Ang iba’t ibang oportunidad ay maaaring ilaan ng guro tungo
sa kabuuang paghubog sa katauhan ng isang bata sa aspektong pisikal, mental, emosyonal at sosyal. Ito
ay nagsisilbing tungkuling dapat gampanan ng isang guro sa pagkatuto ng mga kabataan. Sa isang banda,
dahil sa ang pagtuturo ay isang kumplikadong gawain, mahalaga ang kahandaan ng guro sa propesyong
ito. Bagamat, hindi lamang guro ang tanging baryabol sa ekwasyong pagtuturo - pagkatuto, ang mga guro
ay nakapag-aambag ng pagbabago sa katauhan ng mag-aaral.

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Walang makabuluhang pagkakaiba ang persepsyon ng mga guro at mag-aaral sa lahat ng saklaw maliban
sa Kahusayan sa Paghahanda at Paggamit ng Kagamitang Panturo. Lumitaw sa naging kasagutan ng mga
guro at mag-aaral ay Mahusay samantalang ang sagot ng mga tagapamahala ay Napakahusay. Ayon sa
naging obserbasyon sa pangkalahatan, naipakita ng mga gurong kalahok ang kanilang kahusayan sa
mgasumusunod na saklaw: Kahusayang Pangwika, Kaalaman sa Nilalaman, at Estratehiya sa Pagtuturo.
Lumitaw sa naging obserbasyon sa bawat guro na ang mga guro sa publikong paaralan ay nagpakita

ng kahusayan sa pagtuturo kaysa sa mga guro sa pribadong paaralan hinggil sa Kahusayang Pangwika,
Kahusayan sa Nilalaman, Estratehiya sa Pagtuturo at Kaalaman sa Pagtataya/Pagsusulit. Sa saklaw na
Kahusayang Pangwika, Estratehiya sa Pagtuturo at Kaalaman sa Pagtataya/Pagsusulit ay walang
makabuluhang pagkakaiba sa persepsyon ng mga guro at mag-aaral. Lumitaw sa kanilang kasagutan ay
Mahusay. Ipinapalagay ng mga tagapamahala na ang napili nilang guro sa Filipino ay epektibo sa lahat ng
saklaw ngunit ito ay taliwas sa naobserbahan sapagkat ang mga saklaw lamang na nagpapakita ng
kanilang kahusayan ay ang Kahusayang Pangwika, Kaalaman sa Nilalaman at Estratehiya sa Pagtuturo.
Ayon sa mga mag-aaral na kinapanayam, ang mga Kagamitang Panturo ay hindi nakapag-aambag sa
kahusayang pagtuturo ng guro sa Filipino dahil naiintindihan nila ang pagtuturo ng kanilang gur kahit
walang biswal.

QUEENS YVONNE SAMIANA

CHRISTIAN ORIÑA

You might also like