You are on page 1of 9

Ang Guro at ang Makabagong

Paraan ng Pagtuturo
(Online Class)
PAGTUTURO NG FILIPINO BILANG PANGALAWANG WIKA
FILIPINO 182 MODYUL

TALAAN NG NILALAMAN
Mga Salik sa Matagumpay na Pagkatuto ng Wika

Panimula
Layunin
Panimulang pagsusulit
Aralin 1 – Ang Guro at ang Makabagong
Paraan ng Pagtuturo (Online Class)
 Mga Katangian ng Mabuting Guro
 Ang Guro at ang Kanyang Propesyon
 Mga Tungkulin ng Guro
 Ang Epektibong Guro
 Pamamahala sa Klasrum at Disiplina

Pagsasanay

Aralin 1
Ang Guro at ang Makabagong Paraan ng Pagtuturo
(Online Class)

PANIMULA

2
Mga Salik sa Matagumpay na Pagkatuto ng Wika

Guro ang namamahala sa paghahanda ng mga makabuluhang gawain sa pagkatuto,


karagdagang motibasyon sa mga mag-aaral at regular na pagtaya ng kanilang pag-unlad sa pag-
aaral.

Bukod sa mga nabanggit, napakahalagang may malawak na kabatiran ang guro sa


asignaturang kanyang itinuturo. Wika nga, “Hindi maibabahagi ng guro ang anumang bagay na
hindi niya taglay.”

Bilang isang guro ng asignaturang Filipino, naipapakita mo ang lubos na pag-unawa sa


mga katangian at mahahalagang salik sa pagkatuto ng wika. Nauunawaan ang mahahalagang
teorya at simulating pinagbabatayan ng mga lapit at pagdulog sa pagtuturo ng wika,
nakapaghahanda ng pang-araw-araw na aralin sa pagtuturo ng Filipino, napipili at nagagamit ang
mga angkop na istratehiya sa pagtuturo ng wika, at nakagagamit ng iba’t ibang istratehiya sa
pagtataya ng pagkatuto.

MGA LAYUNIN
Sa araling ito, matututuhan mo ang ilang mahahalagang bagay na makatutulong sa iyo bilang
guro ng wika. Inaasahang maisasakatuparan mo ang mga ito:
1. Matukoy ang mga salik na dapat mong isaalang-alang upang maging isang
matagumpay ang iyong pagtuturo;
2. Malaman kung paano maging isang mabuti at epektibong guro; at
3. Magbigay-linaw sa tungkulin ng isang guro sa loob ng klasrum.

alam mo ba?
Ang isang guro ay sinasabing isang pangunahing propesyon na hindi lamang para sa pag
gampan ng tungkulin. Ito ay isang pag pagtawag at pagbibigay puso sa tungkulin sa trabaho,
propesyon, sa mga kasamahan, sa pamayanan at higit sa lahat ay sa bawat mag aaral na tuturuan
mo.
Hindi basta-basta ang pagtuturo dahil nangangailangan ito ng matinding pasensya at
determinasyon na gawin ang kung anuman ang nararapat ng gawin bilang isang guro lalo na ang
pangalagaan at pag yamanin ang kaitingian ng isang guro.

basahin
Mga katangian ng mabuting guro.
Ang epektibong guro ay malikhain. Ang kanyang klase ay masigla, kawili-wili, at
lagging may bagong gawain. Hindi lamang ang magpunla at magkintal ng impormasyon o
prinsipyo ang hangarin, kundi higit sa lahat, ang ninanais ay matulungan ang mag-aaral na
mapabuti ang buhay.

3
Mga Salik sa Matagumpay na Pagkatuto ng Wika

paano ba maging isang mabuting guro?

Ang sagot ay napapailalim sa maraming aspeto, bukod sa


iba pa na ito ay isang kailangang-kailangan na haligi para sa
paglago ng mag-aaral. Ito ay sapagkat, sa maraming mga okasyon,
kinuha sila bilang isang sanggunian at halimbawa.
S a a r t i k u l o n g

magkaroon ang isang mabuting guro.


1. Walang Itinatanggi – pantay-pantay ang pagtingin ng guro sa kanyang mga mag-aaral.
2. May Positibong pag-uugali – pagbibigay rekognisyon sa bawat mabubuting gawi at
hindi namamahiya sa mga pagkakamali ng mga mag-aaral.
3. May Kahandaan – may malawak na kaalaman ang guro sa paksang ituturo at may
kakayahang iugnay sa iba pang larangan. Mabisa niyang nagagamit ang mga kagamitang
panturo at matalino niyang nasasagot ang katanungan ng mga mag-aaral.
4. May haplos-personal – dapat kilala ng bawat guro ang kanyang mga mag-aaral.
5. Masayahin – marunong magpatawa at ngumiti sa klase.
6. Malikhain – marunong mag-isip ng mga bagong gawaing pumupukaw sa interes at
kakayahan ng mga mag-aaral.
7. Marunong tumanggap ng pagkakamali – may kababaang loob sa pagtanggap ng
kamalian sa klase.
8. Mapagpatawad – may mahabang pasensiya at mabilis o medaling itinatama ng guro ang
pagkakamaling nagawa ng mga mag-aaral. Hindi rin siya namimersonal bagkus
binibgyang pagkakataong makapagpaliwanag ang mag-aaral sa pagkakamaling nagawa.
9. May respeto – ginagalang ng guro ang iba’t ibang katangian, abilidad, paniniwala,
kahinaan, kalakasan at pinagmulan ng kanyang mga mag-aaral. Hindi siya nagbibitiw ng
mga masasakit na salita sa mga mag-aaral.
10. May mataas na ekspresyon – may tiwala ang guro sa kakayahan ng b awat mag-aaral.
May mataasn na pamantayan ang guro na nakahahamon sa mga mag-aaral na lalong
magpursigi.
11. Mapagmahal – maalalahanin ang guro. Binibigyang tuon ang mga mag-aaral na
nahihirapan sa klase.
12. Ipinapadaramang kabilang ang bawat mag-aaral – naghahanap ang guro ng paraan na
maging kabilang ang bawat mag-aaral sa talakayan.

Gawain 1.1

Paano dapat kumilos ang isang mabuting guro sa kanyang


trabaho?
4
Mga Salik sa Matagumpay na Pagkatuto ng Wika

Ang guro at ang kanyang propesyon


Guro ang isang di matatawarang propesyon na siyang tumutulong sa paghubog sa
mga susunod na henerasyon para sa pagkamit ng magandang kinabukasan. Ito ay isang
panunumpa sa sarili na pang habambuhay.
Malaki ang pananagutan ng mga guro sa isang matagumpay na pagtuturo at
pagkatuto ng wika.
Ang buong katauhan, saloobin, panlahat na kaalaman, at estilo sa pagtuturo ay
maaaring maging sanhi ng pagkakaroon o pagkawala ng interes o kawilihan ng mga bata sa pag-
aaral ng wika.

basahin
Mga tungkulin ng guro
Ang gampanin ng isang guro ay maaaring magkaiba-iba sa mga kultura. Ang mga
guro ay maaaring magturo ng edukasyong pangliterasya at numerasya, kasanayan o kagalingan
sa isang larangan o pagsasanay na bukasyunal, sining, relihiyon, sibika, mga gampaning
pampamayanan, o kasanayang pampamumuhay.

ano ang mga tungkulin ng guro?

Dahil sa sitwasyon ng pagtuturo, ang mga guro ay maaaring


bumuo sa iba’t ibang konteksto ng pagsasanay bilang mga
gampanan na maaari nilang gampanan. Ang lahat ng mga tungkulin
ay maaaring magamit nang magkasama at mapagpapalit, depende sa
konteksto kung saan ito nabuo. Ang ilan sa mga ito ay ang mga
1. ANG GURO AY TAGAPAGTURO.
sumusunod:
 Pangunahin sa mga tungkulin ng guro ang pagtuturo. Ang mahabang oras sa panahon ng
guro ay ginugugol sa harap ng klase sa loob ng silid-aralan upang magbigay ng
impormasyon, gumigisng sa kawilihan ng mga mag-aaral sa paksang tinatalakay,
magpaliwanag, makipagtalakayan, magtanong at tumugon sa mga katanungan ng mga
mag-aaral.

2. ANG GURO AY MODELO O HUWARAN.


 Ang pagiging uliran
na mabisang ‘maituro’ o ‘maikintal’ sa pamamagitan ng Values
Education, higit na maihahawa ng guro ang mag-aaral sa kanyang
kabutihang-asal, pagiging modelo ng integridad, moralidad at
kabutihang loob.

3. ANG GURO AY TAGAPAMAHALA.

5
Mga Salik sa Matagumpay na Pagkatuto ng Wika

 Nasa mabuting pangangasiwa ng guro ang pagkakaroon ng episyenteng galaw at mga


gawain at pamamahala ng mga gawain higit na mag dudulot sa mag-aaral ng mga kapaki-
pakinabang na karanasan. Kasali sa mabuting pangangasiwa ng guro ang paghahanda ng
mabuting banghay-aralin, paghahanda ng pagsusulit, pagbibigay ng grado o marka at iba
pa.

4. ANG GURO AY TAGAPAYO AT TAGAPATNUBAY.


 Bagama’t nasa malalaking paaralan ay may sadyang tanggapan para sa tinatawag na mga
guidance counsellors, hindi pa rin maiiwasan ng guro ang pagiging tagapayo at
tagapatnubay ng mga-aaral upang matulungan ang mga mag-aaral sa paglutas ng
kanilang suliranin.

5. ANG GURO AY MAGULANG .


 Ang mga guro ay mga surrogate parent. Pinangangalagaan nila ang kanilang mga mag-
aaral tulad ng pag-aalaga ng isang magulang sa kanyang mga anak. Pinangangalagaan o
intelektuwal na pagkalinang kundi maging ang ibang kapakanan ng mag-aaral sa
aspektong emosyonal, sosyal, moral-ispiritual at pisikal man.

Gawain 1.2
Sa iyong palagay, paano bam aging isang karapat dapat
at epektibong guro na siyang magiging halimbawa ng
pagbabago ng isang mag-aaral?

basahin
Ang epektibong ng guro
Ayon sa isinagawang

isaalang-alang upang maging epektibo ang pagtuturo.


1. Kaligirang sosyal (Social Climate)
Binibigyang diin nito ang kapaligirang natural, kaayusang pisikal, sitwasyong
instruksyonal at kaaya-ayang katauhan ng isang guro.
2. Baryedad sa gawaing pagkatuto (variety in the learning activities)

6
Mga Salik sa Matagumpay na Pagkatuto ng Wika

Tinutukoy nito ang baryedad o ang iba’t ibang paraan ng paglulunsad ng


aralin, sa paglinang ng gawain at maging sa paraan ng pagtataya at
ebalwasyon sa kakayahan ng bawat mag-aaral.
3. Oportunidad ng mga mag-aaral sa pakikilahok (opportunity for student
participation)
Nakatuon ito sa pagbibigay ng pagkakataon sa lahat ng mga mag-aaral sa
klase na makapagpakita ng kani-kanilang kakayahan at kasanayan.
Pagwawasto at pidbak (corrections and feedback)
Binibigyang diin nito ang mga sumusunod:
a. ang sariling pagwawasto ng mag-aaral sa kanyang kamalian.
b. sariling pagwawasto ngunit may pagtulong ng kamag-aral.
c. sariling pagwawasto sa tulong ng prompting o sa tulong ng pagtatanong
sa guro.

Gawain 1.3
Kung ang mga mag-aaral na nasa iyong klase ay
may iba’t ibang uri ng katalinuhan, paano mo iaangkop ang
iyong pagtuturo sa kanilang nagkakaibang mga katangian?

basahin

Pamamahala sa klasrum at disiplina


Pagbibigay ng angkop na pagganyak sa pamamagitan ng paglalaan ng iba’t iba at
nakawiwiling gawain na magbibigay ng pagkakataon upang magamit ang wikang
natutuhan;
Pagbubuo ng mga makabuluhang gawain at pagtitiyak na magagawa ng mga mag-
aaral ang gawain sa isang kaligiran na walang pangamba o pagkabala;
Binibigyan sigla ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga papuri.
Ito’y nagbibigay ng lugod sa mga bata dahil kinikilala ang kanilang kakayahan sa
klase:

7
Mga Salik sa Matagumpay na Pagkatuto ng Wika

Palaging may ginagawang pagtataya at ebalwasyon sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa


wika.

Bilang pagbibigay buod sa ating paksa, isang kaisipan


ang palagi nating itatak sa ating isipan na ang pagiging isang
guro ay hindi lamang dapat may angkin talino. Nararapat na alam
mo ang katangian na dapat taglay ng isang guro. Higit sa lahat
isa-isip at pusa natin ang hakbang natin sa pagtuturo upang
masabi natin na tama ang ating ibinabahaging talino at aral sa
mga mag-aaral.

8
Mga Salik sa Matagumpay na Pagkatuto ng Wika

PAGSASANAY!
PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga katanungan.
Ibigay ang inyong paliwanag sa bawat tanong.

1. Kailan ba natin masasabing epektibo at matagumpay ang pagtuturo?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Ano-ano ba ang mga katangiang dapat taglayin ng guro para magkaroon ng epektibong
pagtuturo?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang upang magkaroon ng isang epektibong


pagtuturo?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

You might also like