You are on page 1of 15

Fil - 110

MGA PAGSASANAY – Modyul 3

Pangalan: Navarro, Kristian Skyzer B. Petsa: 05/28/2021

Antas/Kurso/Seksyon: BSED FIL 2 – B Course Facilitator: Mrs. Anazel Estilo

Panuto: Tugunan nang maayos ang sumusunod na mga kahilingan.

1. Ipaliwanag, “Ang wika ay nakaugat sa ating karanasan.” Ano ngayon ang tungkulin ng guro
para higit na mapasigla ang pagkatuto ng bata batay sa konseptong ito?
- Ang tungkulin ng isang guro upang higit na mapasigla ang pagkatuto ng mga bata sa pag – aaral
ay dapat pumili ng mga pamamaraan na pinakamainam na makatutulong sa mga estudyante na
maunawaan ang mga nilalaman, doktrina, at alituntunin ng isang partikular na scripture block at
makatutulong na pangasiwaan ang pagpapasigla at pagsasabuhay. Ang pagsasaisip sa layunin sa
paggamit ng isang partikular na kasanayan o pamamaraan ay makatutulong sa mga titser na
gamitin ang mga ito sa mas makabuluhang paraan. Mahalaga ring tandaan na kung wala ang
Espiritu, kahit ang pinakamabisang pamamaraan at estilo sa pagtuturo ay hindi magtatagumpay.
Dahil ayon dito, ang wika ay makapangyarihan at pangunahing kodigo sa komunikasyon. Ang
wika ay binubuo ng salita na nagsisilbing instrumento sa pagbabago ng pananaw ng kapwa sa
reyalidad lalo ng kung maayos itong magagamit

2. Paano ba nililinang ang mga kasanayang pangwika? Ilahad nang malinaw ang iyong tugon.
- Nalilinang ang kasanayang pangwika sa palagiang pag- iisip na ang kasanayang sa paggamit ng
wika ay nasa mga arena ng komunikasyon. Ang pagkatuto ng wika ay nagiging mabisa kung
mabibigyan nang maraming pagkakataon ang mga mag-aaral na makipagtalastasan sa kanilang
mga kaklase. Samakatuwid, ang isang klasrum nanakapagpapayaman sa pag-unlad ng wika ay
iyong kung saan ang mga mag-aaral ay aktibong nagbabahagi ng kanilang mga personal na ideya
at karanasan at nagagawang maisaalang-alang ang mga ideya at kaisipan ng ibang tao tulad ng
kanilang mga kaklase, mga guro, mga awtor at mga tauhang nakakatagpo nila sa mga aklat.
3. Alin ang mas madaling matuto ng pangalawang wika, ang mga bata ba o ang may mga edad na
mga mag-aaral? Pangatwiranan ang iyong sagot batay sa nakasaad sa talakayan.
- Mas madaling matuto ang may mga edad na mga mag-aaral ng wika, dahil binibigyan nila ng
pokus ang salitang bibigkasin at pinag-iisipang mabuti ang anyo ng wikang kanyang sasalitain.
may mga pag-aaral na nagsasabi na ang may edad ay may higit na kakayahan sa pagtatamo ng
pangalawang wika. Magagawa nilang makapagsaulo ng higit na maraming talasalitaan kaysa sa
mga bata. Maaari silang gumamit ng mga prosesong deduktibo at abstraksyon sa pag-aaral ng
balarila at iba pang konseptong panlinggwistika. May kakayahan na ang mga mag-aaral sa
ganitong edad na gamitin ang mga proseso sa abstraktong pag-iisip kaya’t maaari na silang ilayo
nang unti-unti mula sa kongkretong paglalahad ng mga gawain tungo sa sopistikadong
pagpoproseso ng mga kaisipan subalit mahalaga pa ring isaisip na ang pagtatagumpay sa
anumang gawaing intelektwal ay nakasalalay sa antas ng kawilihan o atensyong ibinibigay rito.

4. Ano ang tinatawag ni Piaget na concrete operations na yugto sa buhay ng isang bata?
Magsagawa ng karagdagang pananaliksik ukol rito at magbigay ng mga halimbawang
sitwasyon.
- Sa yugtong ito, ang mga bata ay nagiging mas nakapagpapahirap at nagsimulang mag-isip
tungkol sa kung paano maaaring isipin at madama ng ibang tao. Ang mga bata sa kongkretong
yugto ng pagpapatakbo ay nagsisimulang maunawaan na ang kanilang mga saloobin ay
natatangi sa kanila at hindi lahat ng tao ay kinakailangang magbahagi ng kanilang mga saloobin,
damdamin, at opinyon. Habang ang mga bata ay napaka-kongkreto at literal sa kanilang pag-iisip
sa puntong ito sa pag-unlad, naging mas sanay sa paggamit ng lohika. Ang egocentrism ng
nakaraang yugto ay nagsisimula na mawala habang ang mga bata ay nagiging mas mahusay sa
pag-iisip kung paano maaaring tingnan ng ibang mga tao ang isang sitwasyon.
Halimbawang Sitwasyon: Hilingin sa iyong anak na tulungan kang magplano ng isang sorpresa
para sa kanyang lola (o isa pang mahal sa buhay). Sa sitwasyong iyan Kakailanganin nilang isipin
ang mga paboritong pagkain ng lola at kahit na anong uri ng regalo na gugustuhin ni lola. Ang
lahat ng ito ay tungkol sa paglipat nang lampas sa kanilang sariling egocentric na bilog

5. Sinasabi ng nakararaming guro at magulang na isa sa mga suliranin sa pagtuturo sa bata ay


ang kanilang Tagal ng Pagkawili (Attention Span). Bilang magiging guro balang araw, ano-ano
kaya ang mga kongkretong gawaing maaari mong maimumungkahi nang malunasan o
mabawasan man lamang ang ganitong suliranin?
- Isang kapansin-pansing kaibahan ng mga may edad sa mga bata ay ang tagal ng panahon ng
kanilang pagkawili. Mahalagang maunawaan ng guro ang kahulugan ng tagal ng panahon ng
pagkawili. Sa aking opinyon bilang magiging isang guro balang araw ang una kung gagawin ay
Tuklasin ang kiliti ng mga bata at gawin itong puhunan sa pagpapanatili ng kanilang kawilihan at
Mag-isip ng mga gawaing may kagyat na kawilihan para sa mga bata. Sa pamamaraang iyun
magkakaroon ng buhay ang aking pagklase at sasabayan ko naring ng mga makabago at iba’t
ibang gawain. Upang mapanatili ko ang kuryusidad ng mga bata at gayun din ang kanilang
kawilihan sa klase.

6. Punan ang tsart na nasa ibaba. Isa-isahin ang mga katangian ng mga teenager (hayskol) na
mag-aaral sa unang kolum at ilahad ang mga bagay na dapat isaalang-alang ng isang guro
upang maging epektibo at kasiya-siya ang pagtuturo-pagkatutong proseso.

Katangian ng mga teenager (hayskol) na mag Mga dapat isaalang – alang ng guro para sa
– aaral kanyang pagtuturo
1. Napapanatili ang grado 1. Laging magkaroon ng atensyon sa
2. Pagkakaroon ng Lakas ng Loob bawat estudyante.
3. Disiplinado 2. Pagpapahalaga sa kanilang
4. pagka-cutting classes pansariling talino at kalakasan;
3. Pagiging maluwag sa mga
pagkakamaling nagagawa sa
pagkaklase

7. Magbigay ng tigtatatlong implikasyong pangklasrum para sa mga sumusunod na


Simulain sa Pagkatuto ng Wika: Pansariling Pangganyak, Strategic Investment at
Interlanguage.

-Pansariling Pangganyak
1. Nakakatulong Ito upang mas pagbutihin pa ng estudyante Ang bawat gawain na
iniaatas Ng guro dahil alam niyang may kapalit at gantimpala siyang matatanggap, Ito
ay nagbibigay Ng karagdagang motibasyon sa kanila.
-Strategic Investment
1. iba-iba ang mga katangian ng bawat isa at maging sa pag-aaral ng mga aralin. May
mga mag-aaral na madaling nakukuha ang mga tinuturo ng isang guro at may iba din
na kailangan mong pagtuunan ng pansin upang maunawa nila ang mga aralin.
Kailangan Ng ibat ibang estratehiya Ng guro ipang makuha niya Ang atensyon Ng
kanyang estudyante.
-Interlanguage
1. Ang interlanguage Ito ay ang pagkatuto ng pangalawang wika sapagkat nasa sapat
na edad na ang isang mag-aaral may kakayahan na siyang suriin at linangin sa
pamamagitan ng sariling pag-aaral sa wika. ito ay nabubuo ng isang tao sa
pamamagitan ng malawak na kaisipan mula sa kanyang mga karanasan o natutuhang
kaalaman sa kanyang palagid. Mas mainam ito dahil nadadagdagan ang mga kaalaman
sa anumang bagay upang matuto ang mag-aaral

8. Ang Pakikipagsapalaran (Risk Taking) ay isang simulaing pandamdamin para sa


pagkatuto ng wika. Magbigay ng limang (5) gawaing pangklasrum (classroom
activities) na maaaring iparanas sa mga bata upang malinang ang kanilang lakas ng
loob sa pakikipagsapalaran sa pagkatuto ng paggamit ng wikang Filipino.
Halimbawa: Pagtatalumpati
1. Magpagawa ng kwento gamit ang lenggwaheng Filipino
2. Sanayin na makipag usap gamit ang Wikang Filipino
3. Magpagawa ng sanaysay
4. Magpagawa ng tula
5. Pagdedebate

9. Sa araling “MGA SALIK SA MATAGUMPAY NA PAGKATUTO NG WIKA”, may ano-


anong katangiang taglay si Mrs. Quirino bilang guro kung bakit naging matagumpay
ang pagkatuto ng kanyang mga mag-aaral? At para naman sa iyo bilang isang mag-
aaral, ano-ano ang mga katangian ng guro na ayaw mo? Isulat ang iyong mga tugon
sa graphic organizer na nasa ibaba.

You might also like