You are on page 1of 3

College of Education

Fil 110 - ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON


Navarro Kristian Skyzer B. Mrs. Anazel Estilo
BSED FIL – 2B Course Facilitator

PAGSASANAY 1
Panuto: Tugunan nang maayos ang sumusunod na mga kahilingan.
A. Batay sa iyong natutunang kahulugan ng kurikulum, bumuo ng iyong sariling
pagpapakahulugan ukol dito.
- Batay sa aking sariling pagpapakahulugan ng kurikulum, ito ay isang daluyang magpapadali
kung saan ang paaralan ay may resposibilidad sa paghahatid, pagsasalin at pagsasaayos ng mga
karanasang pampagkatuto. At ang kabuuan ng nilalaman ng isang pinag-aaralan, mga gawain at
mga pinagbatayan na puspusang pinili, isinaayos at ipinatupad sa mga paaralan sa natatanging
gawaing pantao bilang isang institusyon ng katarungan at makataong pagpapaunlad
B. Maglahad ng labinlimang (15) pang-edukasyunal na karanasang sa iyong palagay ay
kabilang sa inilahad na depinisyon ng kurikulum.
- pagtutula, paggawa ng tula, pagsasalaysay, summit camp, quiz bee, pag-drawing,
pagluluto,pag – uulat Pagdedebate sa isang topiko, paggawa ng mga sanaysay, deklamasyon at
paglalaro tulad ng mga chess at basketball
C. Ipaliwanag ang ibig ipahiwatig ng pahayag na ito, “Lumalawak ang pananaw sa Filipino at
ito’y itinuturing na hindi lamang bilang objek ng pagkatuto o isang pantulong na asignatura.”
- Batay sa aking pagkakaunawa sa pahayag na “Lumalawak ang pananaw sa Filipino at ito’y
itinuturing na hindi lamang bilang objek ng pagkatuto o isang pantulong na asignatura.” Isa sa
mga tungkulin ng bawat Pilipino mula elementarya hanggang kolehiyo ang pag-aaral ng
asignaturang Pilipino. Sa kabila ng ito ay ang ating sariling wika kung saan natin sinasalita at ito
ang wika ng lahat ng tao sa Pilipinas na ginagamit upang tayo’y magkakaintindihan. Ang filipino
ay makakatulong upang mas maging malawak ang ating kaalaman sa pagsusulat at pagbabasa,
lalong lalo na sa pag-aalam ng ating sariling kultura. Ito rin ay nakakatulong sa atin para tayo ay
mahasa sa ating wika. Ang wikang Filipino ay ang pambansang wika na itinakda ng Konstitusyon
ng Pilipinas. Patuloy itong pinayayabong ng lahat ng mga wikang ginagamit at pinauunlad ng m
amamayan. Ang wikang Filipino at panitikan ay mga sandata sa pagtataguyod ng katotohanan
at katuwiran, lalo na sa panahon ng kasinungalingan, kawalan ng katarungan, at krisis
panlipunan. Dahil walang bansang umuunlad nang walang sariling wika at panitikan.
D. Isaliksik at ipaliwanag ang sumusunod na mga kaalamang dapat taglayin sa paglinang ng
mga makrong kasanayan:
1. Gramatikal (grammatical)
- Tinutukoy ng kahusayang gramitakal, ang wastong baybay at bigkas ng salita, gayundin ang
paggamit ng wastong balarila sa pangungusap. Bahagi rin nito ang pagpili ng mga angkop na
salitang gagamitin sap ag papahayag.
2. sosyo-linggwistik (socio-linguistic)
- Tinutukoy ng kahusayang sosyo – lingwistik, na magagamit ng nagsasalita ang kalawakan ng
kanyang vocabularyo at ang pagpili ng salitang naangkop sa sitwasyon at sa kontekstong sosyal
ng lugar kung saan ginagamit ang wika. Dapat alam ng nagsasalita ang paggamit ng angkop sa
anumang pagkakataon. Dito makikilala ang pagkakaiba ng isang taong mahusay lang magsalita
kompara sa isang katutubong nagsasalita ng wika.
3. diskorsal (discoursal)
- Tinutukoy ng kahusayang diskorsal, ang kakayahang magamit ang wastong binibigkas at
sinusulat sa pagpapahayag ng idea na mauunawaan ng tagatanggap ng mensahe. Bahagi nito
ang wastong pakahulugan sa mga salita o pangungusap, Gayundin ang pagkakaugnay – ugnay
ng mga ito, upang makalikha ng mas maayos na pagpapahayag
4. istratedyik (strategic)
- Tinutukoy ng kahusayang istratedyik, ang kakayahang magamit ang berbal at hindi berbal na
uri ng komunikasyon sa paghahatid ng mensahe. Tinutukoy ng berbal na komunikasyon ang
wikang pasalita o pasulat samantalang ang hindi berbal ay hindi gumagamit ng wika.
E. Talakayin kung paano matutugunan ng K to 12 ang pangangailangan ng mga mag-aaral ng
ika-21 siglo.
- Ang progremang ito ng edukasyon ay may layuning patatagin ang kahandaan ng mga
estudyante sa iba’t ibang larangang pang-akademiya at gawaing teknikal at bokasyonal.
Pinahaba ang panahon ng pag-aaral upang mas mahubog ang kakayahan ng mga mag-aaral at
upang mas maging handa sila sa mas mataas na antas ng edukasyon. Sa kurikulum na ito, handa
at maari na ring kumuha ng trabaho ang mga magtatapos ng grade 12. Sa pangkalahatang,
layunin ng gobyerno na tugunan ang pangangailangan ng lakas - paggawa sa Pilipinas maging ng
tumataas na pangangailan ng ibang bansa sa ating mgamanggagawa at propesyonal. Isang
dahilan ito kung bakit ipinatupad ang K to 12 sa Pilipinas. AT upang lumikha ng isang
makabuluhang sistema ng pangunahing edukasyon na gagawa ng produktibo, responsableng
mamamayan na nilagyan ng mga mahahalagang kakayahan at kasanayan para sa parehong pag-
aaral sa buhay at pagtatrabaho.
F. Ano-ano sa iyong palagay ang mga katangiang dapat taglayin ng guro sa Filipino upang
epektibo niyang matugunan ang mga pangangailangan sa pagkatuto ng mag-aaral ng ika-21
siglo.
- Kasabay ng pagbabago ng panahon, nagbabago rin ang kalakaran sa sistema ng edukasyon na
may malaking epekto sa paraan at proseso ng pagtuturo at pagkatututo. Kung kaya’t patuloy
ang pagsumpong ng mga guro upang tugunan ang pangangailangan ng akademya. Sa panahon
na maraming inobasyon dulot ng makabagong teknolohiya, mahalagang salik na maging
masining at inobatibo ang Guro upang matugunan ang hamon sa ikatatagumpay ng epektibong
pagkatututo at pagtuturo. Marapat na matiyak ang kaalaman at kasanayan ng mag-aaral sa
pagsasanib ng teknolohikya at pagpapahalaga tungo sa paglalapat ng kasanayan sa ika-21 siglo
upang maging kapakipakinabang na mamamayan ng lipunan. Sapagkat batayan ng habambuhay
na pagkatuto ang kaalamang pangnilalaman at pangkasanayan. Ito ang pangunahing hamon sa
umiiral na Sistemang K-12 ng Kagawaran ng Edukasyon tugon sa ika-21 siglo. Ang mga patunay
o ebidensiya ng pagkatuto kaugnay ng pang-araw araw na pamumuhay ay isang sukatan na
madadala sa laboratoryo ng buhay ng isang magaaral.

You might also like