You are on page 1of 8

Module No.

Topic 9: Ang Filipino sa K-12 Kurikulum

MODULE OVERVIEW

Ang K to 12 Kurikulum ay isang programang ipatutupad ng pamahalaan noong school year


2012 at ng kagawaran ng edukasyon na naglalayong tulungan ang ating mga kabataan at ang
pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo. Sa
programang ito, ginawang mandatory ang pagpasok ng bata sa kindergarten, nagkaroon ng junior
high school (grade 7-10) at senior high school (grade 11-12). Ang karagdagang grades 11 at 12 na
nagnanais ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng high school, kung nais na nilang magtrabaho at
hindi agad magtuloy ng kolehiyo, o upang maging handa sa mundo ng pagnenegosyo, o ang mas
maging handa para sa kolehiyo mismo. Sa modyul na ito, tatalakayin ang (a) Konseptuwal na
Balangkas ng Filipino sa K12 Kurikulum, (b) Mga Teorya sa Pagkatuto sa K12 Kirikulum, (c) Mga
Pamantayan sa Filipino sa K to 12 Kirikulum at (d) Ang Filipino sa Senior High School.

LEARNING OBJECTIVES

a. Naipakikita ang pang-unawa sa pagpapatupad ng K to 12 kurikulum kaugnay sa mga


programang pampagkatuto at kasanayang pampagkatuto sa Filipino
b. Naipakikita ang kaalaman sa implementasyon ng MELC sa panahon ng pandemya
c. Natatalakay ang ilang nabasang pananaliksik tungkol ng K to 12 kurikulum

LEARNING CONTENTS

 Konseptuwal na Balangkas ng Filipino sa K-12 Kurikulum

•Pangkalahatang layunin ng Kurikulum ng K to 12 ang makalinang ng isang buo at ganap


na Filipinong may kapaki -pakinabang na literasi.

•Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang kakayahang


komunikatibo, replektibo / mapanuring pag-iisip at, pagpapahalagang pampanitikan ng
mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon
ng pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang
makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.
•Sa ikatatamo ng mithiing ito, kailangan ng mga kagamitang panturo ng mga guro bilang
suporta sa kurikulum na magmumula sa administrasyon, ahensiyang panlipunan, pribado
at publiko, pamahalaang lokal, midya, tahanan at iba pang sektor ng lipunan.

 Mga Teorya sa Pagkatuto sa K-12 Kurikulum

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 1


mga teoryang pilosopikal ng edukasyon at wika :

1.Jean Piaget (Developmental Stages of Learning)

1.Sensirimotor lebel (o-2 taong gulang)


2.Preoperational lebel (2-7 taong gulang)
3.Concrete Operations (7-11 taong gulang)
4. Formal Operations (adolescence-adulthood)

2.Lev Vygotsky (Cooperative Learning)


-Mula ito sa paniniwalang ang pagkatuto ng isang bata ay nagmumula sa pakikisalamuha o
interaksyon niya sa iba (bata man o matanda). Ang mga kaalaman at kasanayan na ito ay
kanyang pinagninilay-nilayan at sa huli ay magamit nya ang kaalamang ito.

3. Jerome Bruner (Discovery Learning)


-Naniniwala siya na kung ang mga bata ang makatuklas sa kanilang sariling pagkatuto,
madedebelop ang kanilang responsibilidad matuto nang mag-isa.

1.Enactive – paggalaw
2.Iconic – mga larawan
3.Symbolic – mga abstract symbols

4. Robert Gagne (Heirarchical Learning )


- Ito ay tumutukoy sa set ng mga (basic) kasanayan na kinakailangang matutuhan at siyang
bubuo sa mas malawak na kasanayang nararapat matutuhan ng mga bata.

5.David Ausubel (Interactive/Integrated Learning)


-Naniniwala siya na ang mga bagong kaalaman ay nakabatay sa mga nauna ng
kaalaman.Natutuo tayo batay sa pag- uugnay-ugnay ng mga kaalaman.

6. Jim Cummins (Basic Interpersonal Communication Skills-BICS)


-Ang BICS ay ang kakayahang pangwika na kinakailangan sa mga sitwasyong panlipunan.

7. Cognitive Academic Language Proficiency Skills(CALPS)


-Mga kinakailangang wika upang maintindihan ang mga aralin sa loob ng klase.

8.si Dr. Jose P. Rizal na nagsabing “nasa kabataan ang pag-asa ng bayan”.

•Mga Tradisyunal na Teorya sa Pagkatuto ng Wika

1.Teorya Batay sa Gawi (Behaviorist)


– Noong 1968, binigyang-diin ni Skinner ang kahalagahan ng pagganyak, pagsasanay at
pagpapatibay upang malinang ang intelektwal na kakayahan sa wika ng mag-aaral.
2.Teorya Batay sa Kalikasan ng Mag-aaral
– Naniniwala si Chomsky na likas sa mga bata ang pagkatuto ng wika,

3.Teoryang Kognitib

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 2


– Habang ginagamit ng tao ang wika, nakagagawa siya ng pagkakamali at natututo. Sa
proseso siya ay nakabubuo ng mga tuntunin sa wika.

4. Teoryang Makatao (Humanist)


– Dito isinasaalang-alang ang payapa at positibong saloobin ng mag-aaral sa klasrum
upang maging lubos ang pagkatuto niya ng wika.

•MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA

1.Teoryang Bow-wow
-Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog
ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang sa mga bokabularyong magagamit.
Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa
pamamagitan ng mga tunog.

2. Teoryang Yo-he-ho
-Pinaniniwalaan ng mga nagmungkahi ng teoryang ito na ang tao ay natutong magsalita bunga
diumano ng kanyang pwersang pisikal. 

3. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
-Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha
sa mga ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa pagtatanim, pag-aani,
pangingisda, pagkakasal, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto.

4.Teoryang Pooh-pooh
-Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon sa teoryang ito, nang hindi sinasadya ay
napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap,
kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.

5.Teoryang Ding-dong
-Kahawig ng teoryang bow-wow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa
pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng bagay-bagay sa paligid na likha ng tao. Lahat
ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang
siyang ginagaya ng mga sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t
ibang kahulugan.

6.Teoryang Ta-ta
--Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa
sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong
lumikha ng tunog at kalauna’y magsalita.

 Mga Pamantayan sa Filipino K-12 Kurikulum


•Pamantayan sa Programa
(Core Learning Area Standard):

Pamantayan ng Programa ng Baitang 1-6


-Nagagamit ang wikang Filipino upang madaling maunawaan at maipaliwanag ang mga
kaalaman sa araling pangnilalaman, magamit ang angkop at wastong salita sa pagpapahayag

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 3


ng sariling kaisipan, damdamin o karanasan nang may lubos na paggalang sa kultura ng
nagbibigay at tumatanggap ng mensahe.

Pamantayan ng Programa ng Baitang 7-10


-Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip,
at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t
ibang uri ng teksto at mga akdang pampanitikang rehiyunal,

•Pangunahing Pamantayan ng Bawat Yugto


(Key Stage Standards):

K–3
Sa dulo ng Baitang 3, nakakaya ng mga mag-aaral na ipakita ang kasanayan sa pag-
unawa at pag-iisip sa mga narinig at nabasang teksto at ipahayag nang mabisa ang
mga ibig sabihin at nadarama.

4–6
Sa dulo ng Baitang 6, naipapakita ng mga mag-aaral ang sigla sa pagtuklas at
pagdama sa pabigkas at pasulat na mga teksto at ipahayag nang mabisa ang mga
ibig sabihin at nadarama.

7 – 10
Sa dulo ng Baitang 10, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo,
replektibo/ mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang pampanitikan sa tulong ng
mga akdang rehiyonal, pambansa at salintekstong Asyano at pandaigdig upang
matamo ang kultural na literasi.

11 – 12
Sa dulo ng Baitang 12 naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo,
replektibo/ mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang pampanitikan sa tulong ng
iba’t ibang disiplina at teknolohiya upang magkaroon ng akademikong pag-unawa

•Pamantayan sa Bawat Baitang

Baitang K
- Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pagpapahayag ng iniiisip at
damdamin sa wikang katutubo at ang kahandaan sa pagbasa at pagsulat upang
makilala ang sarili at matutong makisalamuha sa kapwa.

Baitang 1
-Inaasahang nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga pasalita at di-pasalitang paraan
ng pagpapahayag at nakatutugon nang naaayon. Nakakamit ang mga kasanayan sa
mabuting pagbasa at pagsulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya,
damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang
antas o nibel at kaugnay ng kanilang kultura.

Baitang 2
- Inaasahang nasasabi ng mga mag-aaral ang pangunahing diwa ng tekstong binasa
o napakinggan, nagagamit ang mga kaalaman sa wika, nakababasa nang may
wastong paglilipon ng mga salita at maayos na nakasusulat upang maipahayag at

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 4


maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang
mga teksto ayon sa kanilang antas o nibel at kaugnay ng kanilang kultura.

Baitang 4
- Inaasahang nasasabi na ng mga mag-aaral ang pangunahing diwa ng tekstong
binasa o napakinngan at nakapagbibigay ng kaugnay o katumbas na teksto,
nagagamit ang mga kaalaman sa wika, nakababasa nang may wastong palipon ng
mga salita at maayos na nakasulat gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita upang
maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig
at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o lebel at kaugnay ng kanilang
kultura.

Baitang 5
-Naipamamalas na ng mga mag-aaral ang kakayahan sa pagbasa, pagsulat at
pakikipagtalastasan nang wasto upang maipahayag ang kaalaman, ideya at
damdaming angkop sa kaniyang edad at sa kulturang kinabibilangan at nakikilahok
sa pagpapaunlad ng pamayanan. 5 Pagkatapos ng Ikalimang Baitang, naipamamalas
ng mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at,
pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa pamamagitan ng iba’t ibang teksto/
babasahing lokal at pambansa.

Baitang 6
- Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring
pag-iisip at pagpapahalaga sa wika, panitikan at kultura upang makaambag sa pag-
unlad ng bansa.

Baitang 7
-Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip,
at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t
ibang uri ng teksto at akdang pampanitikang rehiyunal upang maipagmalaki ang
sariling kultura, gayundin ang iba’t ibang kulturang panrehiyon.

Baitang 8
- Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-
iisip,at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t
ibang uri ng teksto at akdang pampanitikang pambansa upang maipagmalaki ang
kulturang Pilipino.

Baitang 9
-Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo,mapanuring pag-
iisip,at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t
ibang uri ng teksto at saling-akdang Asyanoupang mapatibay ang pagkakakilanlang
Asyano.

Baitang 10
-Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip,
at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t
ibang uri ng teksto at saling-akdang pandaigdig tungo sa pagkakaroon ng
kamalayang global.

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 5


•Pamantayang Pang-nilalaman

Halimbawa ng Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards)

Baitang 1

-Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pagunawa sa


napakinggan
-Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
-Nauunawaan ang ugnayan ng simbolo at tunog
-Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan
-Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang makilala at mabasa ang mga
pamilyar at di-pamilyar na salita
-Naipamamalas ang kamalayan sa mga bahagi ng aklat at sa ugnayan ng simbolo at
wika
-Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat
-Nauunawaan na may iba’t ibang dahilan ng pagsulat
-Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t ibang teksto

•Kasanayang Pampagkatuto

Halimbawa ng Kasanayang Pagkatuto (Learning Competency)


Ikalawang Markahan

Baitang 1

F1TA-0a-j-1
Nakikinig at nakatutugon nang angkop at wasto
F1TA-0a-J-2
Naipapahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong tono,
diin,bilis, antala at intonasyon
F1TA-0a-j-3
Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang bilis, diin, tono, antala at
ekspresyon
F1TA-0a-j-4
Nakasusulat nang maywastong baybay, bantas at mekaniks ng pagsulat
F1PN-IIIa-1.3
Nakabubuo ng mga tanong matapos mapakinggan ang kuwento
F1PS-IIIa-4
Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa loob ng silid-aralan
F1KP-IIIa-5-
Nakikilala ang mga tunog na bumubuo sa pantig ng mga salita
F1AL-IIb-1
Nasasabi ang nilalaman ng aklat batay sa pamagat
F1TA-0a-j-2
Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan at sitwasyon

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 6


 Ang Filipino sa Senior High School (Grade 11 at 12)

Ano ang Batas Republika Blg. 10533

Ito ay isang Batas na nagpapabuti sa sisitema ng batayang edukasyon sa Pilipinas sa


pagpapalakas ng kurikulum nito at pagdadagdag ng bilang ng mga taon para sa batayang
edukasyon, paglalaan ng pondo para rito at para sa iba pang layunin.

Ano ang Batayang Edukasyon?

-Ito naman ay ang naglalayon na tugunan ang mga pangangailangan sa batayang pagkatuto na
nagkakaloob ng mga pundasyon na siyang pagbabatayan ng mga kasunod na pagkatuto. Binubuo
ito ng kindergarten, elementarya, at mataas na paaralan gayundin ang mga sistema ng
alternatibong pagkatuto para sa mga nag-aaral na out-of-school at sa mga may espesyal na
pangangailangan.

Kaya taong 2011 ay kumakalat na ang plano ng gobyerno kaugnay ng pagbabawas ng mga
asignatura sa kolehiyo at plano na ilipat ang mga ito sa Senior High School (Grade 11 at Grade
12). Gayunpaman tila target na ng mga maka-K-12 ang Filipino sapagkat isang asignaturang
Filipino (Retorika) lamang ang nakatala sa listahan ng mga asignatura sa Senior High School na
nasa “K TO 12 TOOKLIST Reference Guide for Teacher Educators, School Administrators
and Teachers (2012)” na inilabas ng SEAMEO-INNOTECH at may imprimatur ng DepEd gaya
ng pinatutunayan na panimulang mensahe roon ng noo’y kalihim ng DepEd na si Br. Armin
Luistro. Sa nasabi ring dokumento ay optional lamang ang asignaturang Filipino for spesific
purposes habang bukod sa asignaturang Ingles na Oral Communication ay mayroon pang
required na Philippine Literature at World Literature.
Sa taon namang 2013 ay lubusan ng naipatupad ang pagbabago ng Kurikulum sa
Edukasyon na nilagdaan ng dating pangulo ng Pilipinas na si Benigno Aquino III ang bagong
Kurikulum na Kindergarten to Grade 12 o pagdadagdag ng dalawang (2) taon sa antas ng
Sekundarya at tatawaging Senior High School (Grade 11 at Grade 12).
Naging maugong din ang usapin patungkol sa inilabas na Memorandum ng Commision on
Higher Education na CMO. No. 20 series of 2013 “General Education Curriculum: Holistic
Understandings, Intellectual and Civic Competencies (GEC) na nagtatangkang alisin ang
asignaturang Filipino at Panitikan sa antas tersiyarya. Nasa memorandum din na ang mg General
Education courses ang ipapatupad sa pagtuturo sa mga estudyante ng Grade 11 at Grade 12. At
kabilang ang asignaturang Filipino sa nasabing General Education courses na ito, ngunit hindi
sumang-ayon ang mga ilang propesor at guro ng ilang mga kilalang unibersidad ng Pilipinas sa
layong ng CHED na pag-aalis ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo at bumuo sila ng isang grupo
na labanan ang nasabing Memo na inilabas ng CHED.
Ang TANGGOL WIKA o Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino ay ang
grupo na naglalayon na huwag alisin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo sapagkat sinasabi na
ang Filipino ay Wikang Filipino ang nagsisilbing identidad nating mga Filipino, at saa kabila ng
pag-aalis ng CHED ay naglunsad o gumawa sila ng mga posisyong papel upang pigilan ang
plano ng komisyon. At naging malakas nga na batayan ng Tanggol Wika ang Artikulo XIV
seksiyon 6 na nagsasabing “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nalilinang, ito ay dapat pagyabungin at pagyamanin pa sa salig na umiiral na mga wika ng

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 7


Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na
maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

LEARNING ACTIVITIES

GAWAIN BLG. 1

Bumuo ng talahanayan ng Kalakasan at Kahinaan sa pagpapatupad ng K to Kurikulum.

REFERENCES

https://www.officialgazette.gov.ph/2013/05/15/batas-republika-blg-10533/
https://www.scribd.com/user/353060064/Black-Fireujjhhkfifhbvguih
https://varsitarian.net/opinion/20140821/ched_kontra_wika_kontra_kultura
https://www.academia.edu/19897907/Filipino_Gabay_Pang-Kurikulum_Baitang_1_-_10?auto=download
https://prezi.com/rbhx_oqsmf4c/ang-pagtuturo-ng-filipino-sa-k12-curriculum/
https://www.slideshare.net/ceetrie/tunguhin-nilalaman-batayang-balangkas-ng-filipino-curriculum-k12

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 8

You might also like