You are on page 1of 19

FORMAT OF READING PROGRAM PROPOSAL

I – BUOD NG MGA IMPORMASYON SA PROGRAMA SA PABASA

            Pamagat: BUDEYONG HONG AGUSANON: BUDEYONG (Basa – Unawa


tungo sa Dekalidad na Edukasyon para sa AgSurnong
Nagtambayayong) HONG AGSURNON
Target na Resipyent:   Kinder – Grade 3, Grade 4 – 6, Grade 7 – 10, Grade 11 -12   
Pokus ng Kurikulum: Reading Literacy Program at Reading Numeracy
Desinyo: Pagbasa nang malakas at pagbasa nang tahimik; Pagkilala sa Salita at Pag-
unawa sa Binasa (Teksto at Konteksto)
Tipo ng Programa sa Pabasa: Pabigkas at Pasulat, Kulminasyon

Proponent/Bionote:
Si Ma. Veronica Ivy C. Torrefranca ay pangalawang anak sa limang
magkakapatid. Ang awtor ay nagtapos sa Mindanao State University-Marawi City ng
kursong Batsilyer ng Edukasyong Pansekondarya – English Major – History Minor
taong 1995. Siya ay nagtapos din ng master’s degree in General SPED Education sa
St. Jude University, Sampaloc, Manila. Nakapagtrabaho at nakapagturo ng 18 taon sa
Agusan del Sur National High School (July 1996 -Feb 2017) at sa Division Office
bilang SPED Coordinator at ngayon bilang Superbisor ng Asignaturang Filipino at
SPED (February 2017 – kasalukuyan).

II – RATIONALE

Ang pagbabasa ay masasabing isang masalimuot na proseso sa pag-angkin ng kakayahan


at kasanayan nito, kaya nangangailangan ng matamang pagsasanay upang mapaunlad ito.
May iilang aspeto na dapat isakatuparan sa pagbabasa gaya ng pagkilala sa salita o mga
salita, at tatas na pagbigkas nito. Masasabing ito ang ilan sa mga katangian dapat unang-
unang taglayin ng isang bata o tao, at kasunod ay ang pag-unawa sa tekstong binabasa at
paglalapat sa konteksto nito.
Ayon pa nga kay Wille (2006), sa makateknolohiyang panahon natin ngayon, inaasahang
karamihan sa mga tao ay nag-aangkin na ng kasanayan sa proseso ng pagkilala ng mga salita,
pagsulat, at maging sa pagbilang. Walang sinumang magsasabing angkin niya ang mga
katangiang ito gayong hindi naman siya marunong magbasa at magbilang. Kulang ang
kasanayang taglay ng isang tao kung wala siyang kakayahang mag-assess, mag-interpret,
umunawa at magproseso ng mga impormasyon.
Kaya nga, kailangan ng mga interbensyon at mga inobasyon para sa pagsasakatuparan ng
pagpapaunlad sa kakayahang pagbasa ng mga mag-aaral, nang sa gayon matugunan ang
malaking oportunidad na makapag-angkin ng malayang kakayahan sa pag-unawa, pag-
conceptualize, at pag-analisa sa anumang genre na kanilang binasa o babasahin.
Kaugnay nito, ang Departamento ng Filipino ng Agusan del Sur ay naglunsad ng tanging
programa sa pagbasa – Ang BUDEYONG HONG AGSURNON: BUDEYONG (Basa-
Unawa tungo sa Dekalidad na Edukasyon para sa AgSurnong Nagtambayayong) HONG
AGSURNON ay naglalayong ipaglaban o ipagtanggol ang paggamit ng Wikang Filipino
upang mas lalong mapagyaman ang ating kultura sa iba’t ibang genre.
Ang Proyektong “Budeyong hong AgSurnon”ay tumutugon sa layunin ng Kagawaran
ng Edukasyon na maisakatuparan ang DepEd order 173,s.2019, 3 B’s (Bawat Bata
Bumabasa).
Ang pangunahing layunin ng proyektong “Budeyong hong AgSurnon” ay upang
mapukaw ang pagpapahalaga at interes ng mga kabataan sa pagbasa sa pamamagitan ng
paggamit ng mga lokalisadong material (teksto at konteksto) sa Filipino.
Ayon sa Saligang Batas 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 na ang wikang Filipino ay
dapat payabungin at pagyamanin sa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang
mga wika.
Ang daloy ng proyektong ito, para sa mga guro Kinder-G3 ay inaasahang makagawa
ng mga lokalisadong babasahin tulad tula, sawikain,salawikain, bugtong. Para naman sa G4-
G6 ay mga lokalisadong babasahin tulad ng alamat, pabula, at maikling kuwento.
Samantalang sa G7-G10 ay mga sanaysay, pagsulat ng balita/balitang isports, pagsulat
ng editorial, pagsulat ng lathalain, anekdota at talambuhay.

2
Sa Grade 11 at 12 ay inaasahang mapaunlad nila ang kasanayan sa pagsasaling-wika,
pagsulat ng reaksyong-papel o posisyong-papel, pagsulat at pagsasagawa ng talumpati, at
pagsulat ng maikling pamanahong papel at iba pang genre.
Sa paggamit ng iba’t ibang genre na ito, inaasahang mapapaunlad ang antas ng
pagbasa ng mga kabataan habang nabibigyan sila ng kamalayan sa ating kultura at kaugalian
na unti-unti nang nakakalimutan ng mga kabataan.

BISYON:
Ang mithiin ng “Budeyong hong AgSurnon” na ang Bawat Bata Bumabasa; walang
maiwan sa ngalan ng kultura at kasaysayan. Taas-noong makapagtapos ang bawat bata na
nakakilala ng salita/mga salita, tatas sa pagbigkas, at nakaunawa sa teksto at konteksto ng
binasa sa lipunang kanyang ginagalawan na Maka-Diyos, maka-tao, makakalikasan at
makabansa.
MISYON:
1. Mapukaw ang interes ng mga kabataan sa pagbasa sa pamamagitan ng paggamit ng
mga lokalisadong babasahin.
2. Mapayabong at mapagyaman ang wika at kulturang Filipino sa pamamagitan ng
pagbasa.
3. Mapaunlad ang antas ng pagbasa habang napahalagahan ang kamalayan sa ating
kultura at kaugalian.

III–LAYUNIN:
Pangkalahatang Layunin: Ang Departamento ng Filipino sa Dibisyon ng Agusan del
Sur ay naglalayong:
1. Matulungan ang mga mag-aaral na mapaunlad ang kakayahan sa pagkilala ng salita/
mga salita at pag-unawa sa teksto at konteksto;
2. Magkaroon ng kaugnayan sa mga magulang bilang mga pangunahing guro sa pagbasa
sa loob ng tahanan at pagkilala sa mga stakeholders bilang tagasuporta sa programang
pabasa sa mga paaralan;
3. Makabuo at makapagsagawa ng contextualized worksheets, Learners Activity Sheets,
reading materials at iba pang instructional materials gaya ng virtual reading
instructions and other virtual activities.
4. Mapagsikapang ma-implementa sa buong dibisyon ang iba’t ibang programa,
estratehiya, at inobasyon sa pagbasa upang masigurado ang integrasyon ng
programang pabasa sa iba’t ibang asignatura lalo na sa literasi at numerasi, upang
makaprodyus ng kaiga-igaya, mapagkumpetensiya at matagumpay na mag-aaral.
3

Espisipikong Layunin Bawat Key Stage: (DO No. 021, s. 2019)


Key Stage 1
Kindergarten: aims to develop holistically:
a. Socio-emotional development
b. Values development
c. Physical Health and Motor Development
d. Aesthetic/ Creative Development
e. Mathematics
f. Understanding of the Physical and Natural Environment
g. Language, Literacy, and Communication
Grade 1: Saklaw dito ang pasalita at di-pasalitang paraan ng pagpapahayag, pagtugon nang
naaayon, at mabuting pagbasa at pagsulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling
ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa
kanilang antas o lebel at kaugnay ng kanilang kultura.
Grade 2: Saklaw dito ang pagtukoy ng pangunahing diwa ng tekstong binasa o napakinggan,
paggamit ng mga kaalaman sa wika, pagbasa nang may wastong paglilipon ng mga
salita, maayos na pagsulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya,
damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas
o lebel at kaugnay ng kanilang kultura.
Grade 3: Saklaw dito ang pangunahing diwa ng tekstong binasa o napakinggan, pagbibigay
ng kaugnay o katumbas na teksto, paggamit ng mga kaalaman sa wika, pagbasa nang
may wastong paglilipon ng mga salita at maayos na nakasulat gamit ang iba’t ibang
bahagi ng pananalita upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at
karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o lebel at
kaugnay ng kanilang kultura.
Key Stage 2
Grade 4: Saklaw dito ang pagbasa, pagsulat, at pakikipagtalastasan nang wasto upang
maipahayag ang kaalaman, ideya, at damdaming angkop sa kaniyang edad at sa
kulturang kinabibilangan at nakikilahok sa pagpapaunlad ng pamayanan.
Grade 5: Saklaw dito ang malayang pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip, at
pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa pamamagitan ng iba’t ibang teksto/
babasahing lokal at Pambansa.
Grade 6: Saklaw dito ang malayang pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip, at
pagpapahalaga sa wika, panitikan, at kultura upang makaambag sap ag-unlad ng
bansa.

Key Stage 3 (The Junior High School)


Grade 7: Saklaw dito ang gramatika sa Filipino at panitikan mula sa Luzon, Visayas at
Mindanao gaya ng kuwentong-bayan, pabula, epiko, maikling kuwento, dula, alamat,
bulong at awiting-bayan, tulang panudyo, tugmang-de-gulong, palaisipan, bugtong,
mito, at sanaysay. Espisipikong itinuturo rin sa asignaturang ito ang korido “Ibong
Adarna”.
Grade 8: Saklaw dito ang gramatika sa Filipino at panitikan mula sa iba’t ibang kapanahonan
kasali na ang Sinaunang Panahon, Panahon ng mga Kastila, Panahon ng mga
Amerikano, Komonwelt at hanggang sa kasalukuyang panahon. Ipinakilala rito ang
iba’t ibang panitikan: karunungang-bayan (salawikain, sawikain, kasabihan), alamat,
maikling kuwento, epiko, tula, balagtasan, sarswela, sanaysay, popular na babasahin
(pahayagan, komiks, magasin, kontemporaryong dagli), komentaryong programang
panradyo, komentaryong programang pantelebisyon, at pelikula. Sa lebel ng Grade 8
pinag-aralan ang “Florante at Laura”.
Grade 9: Saklaw dito ang gramatika sa Filipino at panitikan mula sa Southeast Asia, East
Asia, at West Asia. Ipinakilala sa lebel ng Grade 9 ang iba’t ibang panitikan gaya ng
Maikling kuwento, nobela, tula, sanaysay, dula, tanka at haiku, pabula, parabula,
elehiya/awit, alamat, at epiko. Pokus sa pag-aaral dito ang unang nobela ni Dr. Jose
Rizal, ang “Noli Me Tangere”.
Grade 10: Saklaw dito ang gramatika sa Filipino at panitikan mula sa Mediterranean, West
Mediterranean, Africa at Persia. Ipinakilala sa lebel ng Grade 10 ang iba’t ibang
panitikan gaya ng mitolohiya, maikling kuwento, nobela, tula, sanaysay, dula, pabula,
parabula, elehiya/awit, anekdota, at epiko. Pokus sa pag-aaral dito ang pangalawang
nobela ni Dr. Jose Rizal, ang “El Filibusteresmo”.

Key Stage 4 (The Senior High School)


Language:
Grade 11/12: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Ito ay pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unla, gamit at
paggamit ng Wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang
Pilipino.
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ito ay pag-aaral sa proseso ng pagbasa at pagsuri ng ibaa’t ibang anyo at uri ng teksto
na nakatutulong sa pagbuo at pagsulat ng sistematikong pananaliksik.

Kasanayan sa Komunikasyong Filipino


Ang pangunahing layunin ay mapaunlad ang kakayahan ng mga matatanda at
kabataang hindi na nakakapag-aaraal upang kritikal na masuri, maabot at epektibong
magamit ang impormasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng midya upang:
1) Epektibong magampanan ang tungkulin bilang miyembro ng pamilya, komunidad,
bansa at daigdig;
2) Aktibong makilahok sa pagpapaunlad ng komunidad at ekonomiya.

IV – MAIKSING DESKRIPYON:

Ang Departamento ng Filipino ng Agusan del Sur ay naglunsad ng tanging programa


sa pagbasa – Ang BUDEYONG HONG AGSURNON: BUDEYONG (Basa-Unawa tungo sa
Dekalidad na Edukasyon para sa AgSurnong Nagtambayayong) HONG AGSURNON ay
naglalayong ipaglaban o ipagtanggol ang paggamit ng Wikang Filipino upang mas lalong
mapagyaman ang ating kultura sa iba’t ibang disiplina at genre.
Ang Proyektong “Budeyong hong AgSurnon”ay tumutugon sa layunin ng Kagawaran
ng Edukasyon na maisakatuparan ang DepEd order 173,s.2019, 3 B’s (Bawat Bata
Bumabasa).
Ang pangunahing layunin ng proyektong “Budeyong hong AgSurnon” ay upang
mapukaw ang pagpapahalaga at interes ng mga kabataan sa pagbasa sa pamamagitan ng
paggamit ng mga lokalisadong materyal (teksto at konteksto) sa Filipino.

V – NILALAMAN:

Narito ang ilan sa mga aktibiti na saklaw ng BUDEYONG Hong Agsurnon

Unang Kwarter Pag-conduct ng pre-test (GST Test) gamit ang Phil-IRI at


pag-analisa sa resulta. Unang pagpapabasa sa lahat na
mga mag-aaral.
Ikalawang Kwarter Pag-conduct ng remedial sesyon sa pagbasa na ang pokus
ay mga mag-aaral na nabibilang sa lebel kabiguan.
Ginagamit ng mga paaralan ang kani-kanilang mga
interbensyon at inobasyon para matugunan ang
kakulangan ng mga resipyent sa pagbasa. Dito rin
ginagamit ang FLAT reading materials.
Ikatlong Kwarter Pag-conduct ng mid-test at pag-aanalisa ng resulta.
Muling pagsasagawa ng pagbasa para sa mga mag-aaral
na nangangailangan pa ng follow-up sa pagbasa.
Ikaapat na Kwarter Panghuling pagpapabasa sa lahat na mga mag-aaral. Pag-
conduct ng post-test at pag-aanalisa ng mga resulta.
Pagsubmite ng accomplishment report

6
VI – MEKANIKS AT IMPLEMENTASYON (Preparasyon, Implementasyon,
Assessment at Ebalwasyon)
A. Pre-Implementation Stage
Pagsasagawa ng pagpupulong sa mga pangunahing taong kasali sa pagpaplano ng
proyektong ito (face to face at virtual). Ang pagpupulong ay pinagtibay ng memo, atendans at
pagtatala sa mga pinag-usapan; paghanda ng dokumentasyon sa pagpupulong; pagsagawa ng
seminar workshop sa mga guro; pagrebisa sa proyekto; pagtatakda ng layunin at inaasahang
kalalabasan sa pagpapatupad ng proyekto; pakikipag-ugnayan sa mga tao at samahan na
makakatulong sa proyekto; pagsasagawa ng oryentasyon sa mga gurong tagasubaybay sa
Filipino sa bawat distrito.; pagbibigay ng mga sampol na materyal/babasahin na maaaring
maging gabay ng mga guro upang makagawa sila ng sarili nilang materyal.
Isa sa pinagtibay na gawain dito ay ang pagsasagawa ng oryentasyon sa mga
magulang, LGU at stakeholders na partner sa gawaing pangkomunidad na pagbasa.
7
B. Implementasyon:
Sa pagsasagawa ng proyektong ito, maaaring ito ay sa pamamagitan ng limitadong
face to face o online. Ang babasahin ay maaaring isabay sa Home visitation o sa skedyul sa
pagbibigay ng modyul. Maaari ring gamitin ang video lesson sa online na klase o sa pakikinig
ng radyo. Ginagamit din ang iba’t-ibang antas na babasahin (easy, average, difficult) upang
maisaalang-alang ang antas ng kakayahan ng bawat mag-aaral. Magkaroon ng pagsasanay sa
bawat gawain upang masubaybayan kung natututo ang mga mag-aaral at kung kailangan
bigyan ng interbensyon.

8
Paggamit ng Lokalisadong FLAT para sa remediyal na pagbasa:
Mga boluntaryong
mga magulang ng
Barangay Lapinigan,
SFADS habang
nagsasagawa ng
remedial na pagbasa
sa kanilang purok
gamit ang
lokalisadong FLAT.

C. Post - Implementation:
Pagkakaroon ng feedbacking kada huling Biyernes ng buwan. Pagkakaroon ng pag-uulat sa
naging kinalabasan ng pagpapatupad ng proyektong ito na may gabay na Reading Assessment Tool
(EGRA-ARATA-Key Stage 1/Phil-IRI –Key Stage 2 and Key Stage 3 at Key Stage 4). Pagpasa ng
mga ulat.

DIVISION COMPARATIVE REPORT ON PHIL-IRI FILIPINO


SCHOOL YEAR 2018 - 2021

Reading Level

TOTAL PUPILS TESTED


SCHOOL Frustration Instructional Independent Non-Reader
ENROLMENT
YEAR
(GRADES 3-7)
PRETEST POSTTEST PRETEST POSTTEST GAP PRETEST POSTTEST GAP PRETEST POSTTEST GAP PRETEST POSTTEST GAP

2020-2021 47,074 46,655 45,872 11,070 5,758 -5,312 18,812 17,642 -1,170 16,409 22,366 5,957 364 77 -287

2019-2020 47,147 47,104 46,786 11,037 5,818 -5,219 19,119 18,513 -606 16,444 22,831 6,387 304 74 -230

2018-2019 47,189 47,131 46,205 11,522 5,747 -5,775 18,844 18,018 -826 16,407 22,364 5,957 357 76 -281

Batay sa ipinakitang datos, mahihinuha natin na mayroong makabuluhang pagtaas sa bilang ng mga mag-aaral na nasa antas ng Independent Readers at na panatili
ito sa loob ng tatlong taon. Marahil isa sa mga dahilan nito ay ang pagkakaroon ng Reading Program ng bawat paaralan at ang walang sawa at buong pusong didikasyon ng
mga guro na matulungan ang mga mag-aaral sa aspeto ng pagbasa at sa suporta na rin ng administrasyon kahit sa panahon ng pandemya.

Submitted by:
MA.VERONICA IVY C. TORREFRANCA
EPS 1 - Filipino

9
DIVISION CONSOLIDATED REPORT ON PHIL-IRI FILIPINO
SCHOOL YEAR 2020 - 2021
PRE-TEST
Reading Level
GRADE LEVEL ENROLMENT PUPILS TESTED
Frustration Instructional Independent Non-Reader
GRADE 3 10,953 10,905 2,763 4,404 3,619 119
GRADE 4 9,793 9,767 2,492 3,988 3,227 60
GRADE 5 10,779 10,752 2,587 4,389 3,694 82
GRADE 6 11,170 11,161 2,513 4,582 3,981 85
GRADE 7 4,379 4,070 715 1,449 1,888 18

MID-TEST
Reading Level
GRADE LEVEL ENROLMENT PUPILS TESTED
Frustration Instructional Independent Non-Reader
GRADE 3 10,666 10,592 2,188 4,257 4,093 54
GRADE 4 9,527 9,453 1,898 4,319 3,197 39
GRADE 5 10,481 10,378 1,891 4,162 4,293 32
GRADE 6 10,865 10,787 1,826 4,255 4,675 31
GRADE 7 4,377 4,180 458 1470 2240 12

POST-TEST
Reading Level
GRADE LEVEL ENROLMENT PUPILS TESTED
Frustration Instructional Independent Non-Reader
GRADE 3 10,667 10,547 1,533 4,154 4,831 29
GRADE 4 9,739 9,641 1,434 3,747 4,450 10
GRADE 5 10,506 10,410 1,286 3,998 5,111 15
GRADE 6 10,852 10,765 1,183 4,158 5,410 14
GRADE 7 4,992 4,509 322 1,585 2,564 9

Submitted by:
MA.VERONICA IVY C. TORREFRANCA
EPS-1 FILIPINO

DIVISION CONSOLIDATED REPORT ON PHIL-IRI FILIPINO


SCHOOL YEAR 2019-2020
PRE-TEST
Reading Level
GRADE LEVEL ENROLMENT PUPILS TESTED
Frustration Instructional Independent Non-Reader
GRADE 3 10,973 10,959 2,776 4,442 3,627 114
GRADE 4 9,813 9,799 2,492 3,998 3,257 52
GRADE 5 10,799 10,785 2,591 4,433 3,694 67
GRADE 6 11,190 11,176 2,361 4,582 4,178 55
GRADE 7 4,399 4,385 817 1,664 1,888 16

MID-TEST
Reading Level
GRADE LEVEL ENROLMENT PUPILS TESTED
Frustration Instructional Independent Non-Reader
GRADE 3 10,686 10,672 2,254 4,317 4,023 78
GRADE 4 9,547 9,533 2,298 3,897 3,297 41
GRADE 5 10,501 10,487 1,899 4,246 4,293 49
GRADE 6 10,885 10,871 1,906 4,253 4,675 37
GRADE 7 4,397 4,383 649 1482 2240 12

POST-TEST
Reading Level
GRADE LEVEL ENROLMENT PUPILS TESTED
Frustration Instructional Independent Non-Reader
GRADE 3 10,687 10,673 1,533 4,295 4,822 23
GRADE 4 9,759 9,745 1,434 3,869 4,430 12
GRADE 5 10,526 10,512 1,286 4,094 5,117 15
GRADE 6 10,872 10,858 1,183 4,241 5,420 14
GRADE 7 5,012 4,998 382 2,014 2,592 10

Submitted by:
MA.VERONICA IVY C. TORREFRANCA
EPS-1 FILIPINO

10
DIVISION CONSOLIDATED REPORT ON PHIL-IRI FILIPINO
SCHOOL YEAR 2018 - 2019
PRE-TEST
Reading Level
GRADE LEVEL ENROLMENT PUPILS TESTED
Frustration Instructional Independent Non-Reader
GRADE 3 10,976 10,964 2,822 4,393 3,617 132
GRADE 4 9,816 9,805 2,512 3,992 3,227 73
GRADE 5 10,802 10,789 2,639 4,389 3,694 67
GRADE 6 11,193 11,181 2,552 4,584 3,981 64
GRADE 7 4,402 4,392 997 1,486 1,888 21

MID-TEST
Reading Level
GRADE LEVEL ENROLMENT PUPILS TESTED
Frustration Instructional Independent Non-Reader
GRADE 3 10,689 10,678 2,118 4,403 4,093 64
GRADE 4 9,550 9,539 1,992 4,009 3,497 41
GRADE 5 10,504 10,494 1,899 4,268 4,293 34
GRADE 6 10,888 10,876 1,916 4,254 4,675 31
GRADE 7 4,402 4,387 458 1675 2240 14

POST-TEST
Reading Level
GRADE LEVEL ENROLMENT PUPILS TESTED
Frustration Instructional Independent Non-Reader
GRADE 3 10,690 10,679 1,533 4,288 4,831 27
GRADE 4 9,762 9,750 1,434 3,751 4,550 15
GRADE 5 10,528 10,516 1,275 4,119 5,110 12
GRADE 6 10,877 10,865 1,183 4,262 5,409 11
GRADE 7 4,402 4,395 322 1,598 2,464 11

Submitted by:
MA.VERONICA IVY C. TORREFRANCA
EPS-1 FILIPINO

11
VII – INAASAHANG AWTPUT (Success Indicators)

Table 1

Division Comparative Report in Filipino Pre-Test


SY 2018-2021
100%
47,074 46,655 11,070 18,812 16,409 364
90%
80%
70%
60% 47,147 47,104 11,037 19,119 16,444 304
50%
40%
30%
20% 47,189 47,131 11,522 18,844 16,407 357

10%
0%
Enrolment Tested Kabiguan Pampagtuturo Malaya Di-Makabasa

2018-2019 2019-2020 2020-2021


Makikita sa Table 1 na walang gaanong nabago sa datos ng mga mag-aaral mula taong 2018
hanggang 2021. Ang enrolment at tested na pupils ay halos magkapareho lang na tumuntong
sa apatnapu’t pitong libo (47,189/47,131 na mayroong 99.88%), (47,147/47,104 na mayroong
99.91%), at (47,074/46,655 na mayroon ding 99.11%). Ibig sabihin, halos lahat na kabuuang
populasyon na mga mag-aaral sa Dibisyon ng Agusan del Sur ay napabasa sa pre-test.

Datapwat mapapansing sa kolum ng Di-Makabasa ay may naitalang 357 pupil sa taong 2018,
304 sa taong 2019 at 364 sa taong 2020 sa pre-test. Ibig sabihin, ang bilang na ito ang
nangangailangan ng remediyal para mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pagkilala ng mga
salita at pag-unawa sa binasa.

12
Table 2

Division Comparative Report in Filipino Post-Test


SY 2018-2021
100%
90%
47,074 45,872 5,758 17,642 22,366 77
80%
70%
60%
47,147 46,786 5,818 18,513 22,831 74
50%
40%
30%
20% 47,189 46,205 5,747 18,018 22,364 76

10%
0%
Enrolment Tested Kabiguan Pampagtuturo Malaya Di-Makabasa

2018-2019 2019-2020 2020-2021


Makikita sa Table 2 sa resulta ng Post-test sa taong 2018-2021 na lumiit ang bilang ng mga
pupil na Di-Makabasa, magkayunman, makikitang lumiit din ang bilang ng mga mag-aaral sa
lebel kabiguan, at umangat ang bilang sa lebel Pampagtuturo at lebel Malaya. Ibig sabihin,
maaaring nakatulong sa pag-angat ng bilang ang iba’t ibang inobasyon ng mga guro sa
Filipino (elementarya at sekondarya) na inilalapat sa panahon ng remediyal sesyon sa kani-
kanilang mga paaralan at distrito.

IMPLEMENTATION REVIEW:

Through interview to the Barangay Captains and Kagawad in charge on that


day, these are what they said:

Hon. Webie Gortifacion (Brgy. Captain, Pasta): “Ako nalipay jud nga
kamo mga magtutudlo sa Lapinigan NHS ug ang atong eskuwelahan,
nagpahigayon niining pagbasa sa mga estudyante dinhi sa amo lugar. Bisan
tuod sa gumonhap nga kakulba sa face to face tungod lagi ining covid-19,
apan ania kamo, maisugon nga nianhi. Nakita pod nako nga excited pod ang
mga bata nga nitapok sa ALS Center labi na nakakita sa candy nga inyo
ihatag (katawa)… Manghinaot ko nga bisan wala na mo apan magpadayon
ang kaikag nila sa pagbasa didto sa tagsa-tagsa nila ka panimalay. Salamat.”

13
Hon. Ryan Orlandez (SK Chairman, Pasta): “Pag-ingon ni Kapitan sa ako
nga adunay ipahigayon nga pagpabasa dinhi sa among komunidad, ako gilay-
on gipahibalo ang mga ginikanan sa tanang nagpa-enrol nga Grade 7 aron
makaandam sila ug dili nila palakwon ilang mga anak ana nga adlaw. So,
mao nga sa aktuwal na jud, natapok dayon nako ang mga estudyante. Ug dili
lang mga Grade 7 ang nangahi apil na ang higher year ug salamat kay
gipabasa pod silage apil. Nalipay sila kay human pagbasa naa may kendi…
Hinaot ko nga magpadayon kin inga aktibiti aron ma-feel pod nila nga
importante jud ang pagtoon labi na sa pagbasa.”

Mrs. Joceilyn E. Ajero, a parent, Lapinigan, commented that “Maayo jud


ang gihimo nga programa sa eskuwelahan kay ma-monitor jud nimo imo anak
sa iyang ginabuhat labi na aduna na kini kaikag pag-storytelling sa iyang
mga manghod.”

The Barangay Captain of Lapinigan, Hon. Dante H. Miro also


commented that “Nalipay jud ko sa ingon ani nga programa sa pagpabasa
sa eskuwelahan kay sumala sa akong namatikdan, daghan pa jud nga tinood
kabalo mobasa pero wala diay makasabot unsa ang ilang gibasa. So, sa ingon
niini nga paagi, ma-follow up ang mga di kabalo mobasa ug di kabalo
mosabot sa ilang gibasa. Dako na kaayo

nga tabang sa eskuwelahan ngadto kanila labi na karon nga pandemic, at


least pinaagi sa virtual nga pamaagi sa pabasa ug storytelling, ma-monitor
ang progress sa mga estudyante.”

Based on the statement from the authority, Community-Based Oral Reading Literacy even so
the Home-Based Oral Reading Literacy is a commendable activity, provided if the pandemic
continues, strict guidelines of health protocols will be followed.

14
VIII – WORKPLAN NG MGA GAWAIN (Can be presented in table)

15
16
17
IX – BADYET NG GAGASTUSIN 

Monitoring at Paaralan at Distrito Halaga Pinagkunan:


ebalwasyon (Estimated):
Unang Kwarter As scheduled 3,000 MOOE
Ikalawang Kwarter As scheduled 3,000 MOOE
Ikatlong Kwarter As scheduled 3,000 MOOE
Ikaapat na Kwarter As scheduled 3,000 MOOE
KABUUAN 12,000

18
 X – Organizational and Management Structure (Key Players)
Project Team Members Role Responsibilities
Ma. Veronica Ivy C. Team Leader Monitors progress, gathers data, pro-
Torrefranca, EPS-1 create plans with team members.
Makes flowchart out from the
data/analysis /interprets reports.
Harlyn G. Azura, MT-1 Asst. Team Leader Plans procedures on the conduct of the
process with the team leader and team
(Elementary) mates. Facilitates on implementation
of the reading program in Filipino
Department
Julieta M. Vistal, T-III Asst. Team Leader Plans procedures on the conduct of the
process with the team leader and team
(Secondary) mates. Facilitates on implementation
of the reading program in Filipino
Department
All school reading Member Helps gather data, makes flowchart
out from the data/analysis /interprets
coordinators (Elementary) reports.
All district reading Member Helps gather data, makes flowchart
out from the data/analysis /interprets
coordinators (Secondary) reports.

Xl - MONITORING AT EBALWASYON

Monitoring and evaluation of the activity shall be prepared by the Schools M&E
Section per request by the program management team.

The School Head evaluates and monitors the performance level of the target persons
at the end of the program.

                                                                          Inihanda ni:
                                                                                
                                                                          MA. VERONICA IVY C. TORREFRANCA
                                                                                                 EPS -I, Proponent

RECOMMENDING APPROVAL:

HECTOR DN. MACALALAG, Ph.D., CESE


                    Assistant Schools Division Superintendent

                                            APPROVED:

                                             MINERVA T. ALBIS, PhD


                                             Schools Division Superintendent

You might also like