You are on page 1of 15

Senior High School

Baitang 12

Filipino

MODYUL SA FILIPINO SA PILING LARANG


(Akademik)
Unang Kwarter-Unang Linggo-Aralin 1

Kahulugan ng Pagsulat at Akademikong Pagsulat

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik) 1


Baitang 12 -Nabibigyang-kahulugan
Kompetensi: Filipino sa Piling Larangang
(Akademik)
akademikong pagsulat
Kompetensi:
Koda: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat
CS_FA11/12PB-0a-c-101
Koda: CS_FA11/12PB-0a-c-101
Filipino - Baitang 12
Modyul sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Kahulugan ng Pagsulat at Akademikong Pagsulat
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Modyul sa Filipino o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng


mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng
Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay
ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Development Team of Modyul sa Filipino


Writers: Shannon Khey A. Amoyan, Joeven A. Baludio, Mary Cris B. Puertas
Jane Bryl H. Montialbucio, Lalaine D. Somosierra

Illustrators: Roel S. Palmaira, Neil Anthony A. Alonday

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor


Shannon Khey A. Amoyan, Mary Cris B. Puertas

Division Quality Assurance Team: Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan


Armand Glenn S. Lapor, Rene B. Cordon
JV O. Magbanua

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason, Jr.


Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr. Marites C. Capilitan

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik) 2


Kompetensi: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat
Koda: CS_FA11/12PB-0a-c-101
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang
(Akademik), Baitang 12.

Ang Modyul sa Filipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang, at sinuri


ng mga dalubhasa mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng
Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ang mga mag-aaral at mga gurong tagapagdaloy na
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to 12.

Layunin ng Modyul sa Filipino na mapatnubayan ang mag-aaral sa malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis, at oras. Naglalayon din
itong matulungan sila upang malinang at makamit ang panghabambuhay ng mga
kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Modyul sa Filipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang


pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro,
tiyaking maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan
o sasagutan ang mga gawain sa kagamitang ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Modyul sa Filipino ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka
sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-aralan
ang nakaaaliw na mga gawaing napapaloob sa kagamitang ito. Basahin at unawain
upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa bawat gawain ay isulat sa hiwalay na


papel.

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik) 3


Kompetensi: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat
Koda: CS_FA11/12PB-0a-c-101
Kahulugan ng Pagsulat at Akademikong Pagsulat
Magandang araw!
Ikaw ay nasa ikalabindalawang baitang na ng iyong pag-aaral. Natitiyak kong
handa ka na sa pagtahak ng mga panibagong paksa. Mahalagang mapag-aralan
ang pagsulat bilang kasayanan sapagkat makatutulong ito sa pang-araw-araw na
buhay lalo na sa pakikipagkomunikasyon.
Ang pagsulat ay pagsalin sa papel o anumang kasangkapang maaaring
magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang
tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan.
Tutugunan natin sa bahaging ito ang kahulugan at kahalagahan ng pagsulat
pati na rin ang uri ng akademikong pagsulat batay sa kompetensing:
 nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat
CS_FA11/12PB-0a-c-101.
Bilang pagtugon sa inaasahang makamit matapos ang araling ito, narito ang
mga tiyak na layunin:
 nabibigyang-kahulugan ang pagsulat bilang isang makrong kasanayan;
 naiisa-isa ang kahalagahan at uri ng pagsulat;
 nailalahad ang iba’t ibang proseso ng pagsulat;
 nakasusuri ng isang sulatin; at
 nakasusulat ng isang akademikong sulatin.

TUKLASIN NATIN!
Ang pagsulat bilang isa sa mga makrong kasanayan ay naging bahagi na ito ng
ating pang-araw-araw na pamumuhay. Sa pamamagitan ng pagsulat ay
naipapahayag natin ang ating mga nararamdaman at mga saloobin tungol sa iba’t
ibang aspeto ng buhay. Bilang panimulang gawain, ano-ano ang mga posibleng
salita na puwede mong iugnay sa salitang pagsulat?

PAGSULAT

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik) 4


Kompetensi: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat
Koda: CS_FA11/12PB-0a-c-101
Ngayong tapos mo na ang pagbibigay ng mga kaugnay na salita tungkol sa
pagsulat, titingnan natin kung ang iyong mga naisulat ay tama sa pamamagitan ng
pag-aaral ng araling ito. Upang subukin ang iyong kaalaman sa paksang tatalakayin,
sagutin muna natin ang sumusunod na mga tanong.

Panuto: Basahin at pag-aralan ang mga pahayag sa ibaba. Lagyan ng tsek (✔) ang
patlang sa ibaba kung ang pahayag tungkol sa pagsulat ay tama at ekis
(✖) naman kung ito ay mali. Magbigay ng maikling paliwanag kaugnay sa
iyong sagot.
_____1. Ang pagsulat ay pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi
maglalaho sa isipan ng mga bumabasa at babasa sapagkat ito ay
maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon.
___________________________________________________________________

_____2. Ang pagsulat ay mahalaga sa pagpreserba o pagpapanatili ng ating


kasaysayang pambansa dahil ang mga naisatitik ay nagsisilbing
dokumento para sa mga sumusunod na henerasyon.
___________________________________________________________________

_____3. Ang jornalistik na pagsulat ay espesyalisadong uri ng pagsulat na


tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng mga
mambabasa at minsan maging ng manunulat mismo.
___________________________________________________________________

_____4. Kung isang mamamahayag o journalist si Anna, ang uri ng pagsulat na


kanyang ginagawa ay tinatawag reperensiyal na pagsulat na sumasaklaw
sa pagsulat ng balita, editoryal, kolum, anunsiyo, at iba pang akdang
karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.
___________________________________________________________________

_____5. Ang akademikong pagsulat ay itinuturing na isang intelektuwal na pagsulat


dahil layunin nitong itaas ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga
estudyante sa paaralan.
___________________________________________________________________

_____6. Layunin ng reperensiyal na pagsulat na bigyang-pagkilala at


rekomendasyon ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng
kaalaman.
___________________________________________________________________

_____7. Ang propesyunal na uri ng pagsulat ay ekslusibo o nakatuon sa isang tiyak


na propesyon.
___________________________________________________________________

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik) 5


Kompetensi: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat
Koda: CS_FA11/12PB-0a-c-101
_____8. Ang proseso ng pagsulat ay hindi komplikado sapagkat may fixed o pare-
parehong istandard na sinusunod ang mga manunulat.
___________________________________________________________________

_____9. Isa sa pangunahing hakbang sa pagsulat ay ang pre-writing kung saan


nagaganap ang paghahanda sa pagsulat, pagpili ng paksang isusulat at
ang pangangalap ng mga datos o impormasyong kailangan sa pagsulat.
___________________________________________________________________

____10. Kapag gumagaan ang pakiramdam ng ibang tao at naiibsan ng mabigat na


dalahin pagkatapos makapagsulat ay indikasyon ng kahalagahang
___________________________________________________________________

LINANGIN NATIN!
Naging mahirap ba ang pagsubok? Huwag kang mag-alala at tutugunan
natin sa pamamagitan ng aralin ang mga konseptong kinakailangan mo pang
matutuhan. Bago iyon ay basahin muna natin ang teksto at sagutin ang mga tanong
sa ibaba.

Basahin at Suriin Natin!

Sa kabila ng mga pagbabagong dulot ng makabagong teknolohiya at


pagpasok ng kaisipang liberal na pilit na nagpapabago sa halaga ng kanilang
kultura at paniniwala, ang mga Mangyan kailanman ay hindi nagpatinag at
nakalimot sa kanilang nakagisnang kultura. Patunay rito ang hanggang ngayong
buhay na sistema ng pagsulat ng mga Hanunu’o Mangyan na tinatawag Surat
Mangyan. Isa ito sa mga nabubuhay pa na sistema ng pagsulat sa Pilipinas na
nagsimula bago pa man dumating ang mga Kastila.
Sa pamamagitan ng Surat Mangyan, napananatili ng mga Mangyan ang
kanilang mga tulang Ambahan at Arakay na nagtataglay ng mga pagpapahalaga
at paniniwalang Mangyan tulad ng malapit na ugnayang pampamilya, magiliw na
pagtanggap sa bisita, pagpapalaki sa mga anak, pagmamahal sa magulang at
marami pang iba na nagsisilbing gabay sa pagtahak nila ng pang-araw-araw na
pamumuhay.
Tunay nga na napakahalaga ng papel na ginagampanan ng pagsulat sa
pagpapanatili ng kultura at tradisyong nakagisnan ng iba’t ibang tribu sa Pilipinas.
Sa pamamagitan ng pagsulat, naiuugnay nito ang mga sinaunang pagpapahalaga,
paniniwala at adhikain sa pagtahak sa kasalukuyang panahon.

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik) 6


Kompetensi: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat
Koda: CS_FA11/12PB-0a-c-101
May mga inihandang tanong sa ibaba, upang matiyak ang iyong nalaman at
natutuhan mula sa seleksyong binasa. Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong
batay sa teksto sa isang buong papel.

1. Ano ang paksa ng binasang teksto?


________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Ano ang tinataglay ng mga tulang Ambahan at Arakay?


________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Gaano kahalaga ang Surat Mangyan sa tribu ng mga Hanunuo?


________________________________________________________________
________________________________________________________________

4. Ano ang layunin ng tekstong binasa?


________________________________________________________________
________________________________________________________________

Alamin Natin!

Bago ka magpatuloy, aalamin muna natin ang mga mahahalagang bagay


tungkol sa tinatawag na akademikong pagsulat.
Kahulugan ng Pagsulat
 Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring
magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng
isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan
(Sauco et al., 1998).
Ang Proseso ng Pagsulat

Bago Sumulat Aktuwal na Pagsulat Muling Pagsulat


 Nagaganap dito ang
 Nagaganap dito ang pag-eedit at
 Isinasagawa dito ang pagrerebisa ng
paghahanda sa aktuwal na pagsulat burador batay sa
pagsulat tulad ng kabilang na ang wastong gamit ng
pagpili ng paksa at pagsulat ng burador mga salita,
pangangalap ng o draft. talasalitaan at
datos pagkakasunod-
sunod ng mga ideya.
Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik) 7
Kompetensi: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat
Koda: CS_FA11/12PB-0a-c-101
Mga Uri ng Pagsulat

Uri Katangian Halimbawa


 Itinuturing na intelektuwal  Kritikal na sanaysay
na pagsulat dahil layuning  Lab report
Akademiko itaas ang antas at kalidad  Eksperimento
ng kaalaman ng mga mag-  Term Paper
aaral sa paaralan  Tesis
 Espesyalisadong uri na
tumutugon sa mga
kognitibo at sikolohikal na  Feasibility study
Teknikal pangangailangan ng mga  Korespondensyang
mambabasa pampangangalakal
 Gumagamit ng teknikal na
terminolohiya
 Balita
 Ginagawa ng mga  Editorial
Jornalistik mamamahayag o journalist  Akdang makikita sa
pahayagan o magasin
 Naglalayong  Pamanahong papel
magrekomenda ng iba  Tesis at disertasyon
Referensyal pang sanggunian sa isang lalo na sa bahaging
paksa Mga Kaugnay na
Pag-aaral at LIteratura
 Police report
 Nakatuon o eksklusibo sa  Investigative reports
Profesyunal isang tiyak na propesyon  Legal forms
 Medical report
 Layunin na paganahin ang  Tula
Malikhain imahinasyon at pukawin  Maikling Kuwento
ang damdamin  Nobela
 Masining sapagkat  Dagli
mayaman sa idyoma,  Dula
tayutay, at simbolismo

Kahalagahan ng Pagsulat

 Kahalagahang Panterapyutika
Ginagamit ng tao ang pagsulat upang gumaan ang kanilang pakiramdam at
maibsan ang isang mabigat na dalahin.
 Kahalagahang Pansosyal
Ginagamit ng tao ang pagsulat bilang sandata para maipadama ang kanyang
saloobin tungkol sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik) 8


Kompetensi: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat
Koda: CS_FA11/12PB-0a-c-101
 Kahalagahang Pang-ekonomiya
Ang tao’y sumusulat para siya’y mabuhay. Sa madaling salita, ito’y nagiging
kanyang hanapbuhay.
 Kahalagahang Pangkasaysayan
Ang panulat ay mahalaga sa pagpreserba ng kasaysayang pambansa at
ang mga naisasatitik ay nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na
henerasyon.

Ang Akademikong Pagsulat

 Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang


panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na
maaaring magamit sa ikatataguyod ng lipunan.
 Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng makabuluhang
impormasyon.
 Ito’y isinasagawa upang makatupad sa isang pangangailangan sa pag-aaral at
itinatakdang gawaing pasulat sa isang tagpuang akademiko.

Pagkatapos matutuhan ang mga importanteng konsepto hinggil sa pagsulat


subuking sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang sagot sa isang buong
papel.

1. Batay sa iyong binasang katuturan ng pagsulat, pumili ng isa at ipaliwanag ayon


sa sariling pag-unawa.

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik) 9


Kompetensi: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat
Koda: CS_FA11/12PB-0a-c-101
2. Ano ang mga kahalagahan ng pagsulat? Isulat sa loob ng kahon ang detalye
tungkol dito.

Kahalagahan
ng
Pagsulat

3. Ano ang mga katangian ng akademikong pagsulat? Ilagay ang sagot sa loob ng
kahon.

4. Gaano kahalaga ang mga kaalaman sa proseso ng pagsulat sa baguhang


manunulat na kagaya mo?

PAGYAMANIN NATIN!
Ngayong alam mo na ang mga konsepto hinggil sa kahulugan ng
akademikong pagsulat, panahon na para mas lalo mo pang pagyamanin ang iyong
kakayahan sa pagsulat.

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik) 10


Kompetensi: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat
Koda: CS_FA11/12PB-0a-c-101
Gawain 1
Panuto: Bumuo ng pamagat batay sa mga larawang makikita sa ibaba. Sumulat ng
mga pangungusap kaugnay sa ipinakikita rito. Pagkatapos, gumawa ng
sariling paglalarawan sa pamamagitan ng pagsulat o pagguhit.

Larawan 1

Mungkahing Pamagat: ________________________________________________


Mga Pangungusap: ________________________________________________
Sariling Paglalarawan: ________________________________________________

Larawan 2

Mungkahing Pamagat: ________________________________________________


Mga Pangungusap: ________________________________________________
Sariling Paglalarawan: ________________________________________________

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik) 11


Kompetensi: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat
Koda: CS_FA11/12PB-0a-c-101
Ikaw ay bibigyan ng iskor batay sa rubrik na nasa ibaba.
Rubrik sa pagtataya
Kaisahan 5
Nilalaman 5
Pagbabalangkas 5
Kabuuan 15

Gawain 2
Gumupit ng isang pangulong-tudling mula sa kinahihiligan mong pahayagan.
Idikit ito sa letter-sized na bond paper. Suriin at ipaliwanag ito batay sa hinihingi sa
ibaba.

1. Uri ng mambabasa na kinauukulan ng teksto


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Organisasyon ng sulatin
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Katangian ng sulatin at wikang ginamit


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Layunin ng sulatin

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik) 12


Kompetensi: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat
Koda: CS_FA11/12PB-0a-c-101
5. Damdamin ng sulatin
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

6. Mensaheng nakapaloob sa sulatin


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain 3
Gumawa ng isang islogan tungkol sa benepisyo sa iyo ng pagsusulat.

Rubrik sa Paggawa ng Islogan


Iskor
10 7 4 1
Pamantayan
Ang mensahe Di gaanong Medyo Walang
Nilalaman ay mabisang naipakita ang magulo ang mensaheng
naipakita mensahe mensahe naipakita
Napakaganda Maganda Maganda Di maganda
at at malinaw ngunit hindi at malabo
Pagkamalikhain napakalinaw ang malinaw ang ang
ng pagkakasulat pagkakasulat pagkakasulat
pagkakasulat ng mga titik ng titik ng titik
ng mga titik
May malaking Di gaanong Kaunti lang Walang
Kaugnayan sa kaugnayan sa may ang kaugnayan
Paksa paksa ang kaugnayan kaugnayan sa paksa
islogan ang paksa sa ng paksa sa ang islogan
ang islogan islogan
Malinis na Malinis ang Di gaanong Marumi ang
Kalinisan malinis ang pagkakabuo malinis ang pagkakabuo
pagkakabuo pagkakabuo

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik) 13


Kompetensi: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat
Koda: CS_FA11/12PB-0a-c-101
TAYAHIN NATIN!
Naging mahirap ba ang mga gawain o mas naging madali dahil napag-aralan
mo na ang mga konsepto? Gayumpaman, binabati kita dahil naipakita mo ang iyong
pagiging malikhain, at pagiging masinop. Upang tayahin ang iyong nalalaman hinggil
sa araling natalakay, sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Panuto: Tukuyin ang kahalagahan ng pagsulat na inilalahad sa mga pahayag. Piliin


ang titik ng tamang sagot.

A. Kahalagahang Panterapyutika
B. Kahalagahan Pansosyal
C. Kahalagahang Pang-ekonomiya
D. Kahalagahang Pangkasaysayan

____1. Sumusulat ng mga tula si Jane upang gumaan ang kaniyang pakiramdaman.
____2. Napapanatili ng mga Pilipino ang kanilang kasaysayan sa pamamagitan ng
mga sulating nagsisilbing dokumento para sa mga susunod na henerasyon.
____3. Ginagamit ni Rafael ang pagsulat bilang sandata para maipadama ang
kanyang saloobin tungkol sa mga pangyayari sa kanyang paligid.
____4. Si Daphny ay sumusulat para sa isang magasin bilang hanapbuhay.
____5. Madali ang naging ugnayan nila Bryan at Julien kahit sila ay magkalayo ng
dahil sa pagsulat.

A. Akademiko C. Jornalistic E. Propesyunal


B. Teknikal D. Reperensiyal F. Malikhain

Para sa bilang 6-15. Kilalanin kung anong uri ng pagsulat ang tinutukoy ng mga
sumusunod na pahayag. Piliin ang sagot sa loob ng kahon sa itaas.
____6. Masining ang uring ito ng pagsulat.
____7. Ito ay uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusibo sa isang tiyak na propesyon.
____8. Halos lahat ng pagsusulat sa paaralan ay masasabing nasa uring ito mula sa
antas primarya hanggang doktoradong pag-aaral.
____9. Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng
mga mamamahayag o journalist.
____10.Ito ang uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang
reperens o source hinggil sa paksa.

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik) 14


Kompetensi: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat
Koda: CS_FA11/12PB-0a-c-101
____11.Ito ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga
kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa at
minsan, maging ng manunulat mismo.
____12.Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-
solusyon sa isang komplikadong suliranin.
____13.Ito ay maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, term
paper, pamanahong papel, tesis o disertasyon.
____14.Layunin nitong paganahin ang imahinasyon, bukod pa sa pukawin ang
damdamin ng mga mambabasa.
____15.Madalas, binubuod o pinaiikli rito ng isang manunulat ang ideya ng ibang
manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang
parentetikal, talababa o end notes para sa sino mang mambabasa na
nagnanais na magrefer sa reperens na tinukoy.

Ngayong lubusan mo nang naunawaan ang aralin tungkol sa mga konsepto


ng akademikong pagsulat, natitiyak kong magiging mahusay ka sa presentasyong
iyong gagawin bilang produkto ng iyong natutunan.

Sitwasyon: Tumaas ang kaso ng dengue sa inyong lugar. Bilang Barangay


Health Worker ay inatasan kang maghatid ng impormasyon hinggil sa mga paraan
kung paano maiwasan ang mabilis na pagkalat ng sakit na ito. Ikaw ay gagawa ng
information campaign material na nagbibigay ng impormasyon.
Panuto: Gumawa ka ng information campaign material kagaya ng mga
sumusunod: leaflet, bookmark, brochure o iba pang malikhaing paraan
upang maibigay ang impormasyon.

Ikaw ay bibigyan ng iskor batay sa rubrik na nasa ibaba.

Rubrik sa Pagtataya

Naisasagawa nang mataman ang pagsulat


information campaign material (leaflet, 15 puntos
bookmark o brochure) na napili
Nakasusulat ng organisado, malikhain, at 15 puntos
kapani-paniwalang sulatin

Kabuuan 30 puntos

Sanggunian
Santos, Corazon L., Gerard P. Concepcion, at Ronel O. Laranjo. Filipino sa Piling
Larang-Akademik (Patnubay ng Guro). Pasig City: Kagawaran ng
Edukasyon, 2016.

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik) 15


Kompetensi: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat
Koda: CS_FA11/12PB-0a-c-101

You might also like