You are on page 1of 14

Republika ng Filipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

SARILING 11/12
LINANGAN KIT
Filipino sa Piling Larang (Akademik)

PAMAGAT NG PAKSA: Kahulugan, kalikasan,


at katangian ng pagsulat ng sulating akademik:
Kahulugan ng Akademikong Pagsulat
_________________________________________________________
Linggo 1-3

KUWARTER 1 MELC BLG.1

MELC: Nabibigyang - Kahulugan ang akademikong pagsulat.CS-


FA11/12PB-Oa-c-101

Pangalan ng Guro –Sumulat: ANA MARIA H. ALTARES

Paaralan: TEODORO HERNAEZ NATIONAL HIGH SCHOOL

1
PAUNANG SALITA

Magandang araw sa iyo! Marahil ay nakahanda ka sa pag-aaral. Ito ang unang Sariling
Linangan Kit na pag-aaralan mo sa Filipino sa Piling Larangan-Akademik .

Sisikapin ng kit na ito na matulungan kang higit mong malinang ang iyong mga
kasanayan at pag-unawa sa akademikong pagsulat. Huwag kang mag-alala. Tulad ng sinabi
ko, tutulungan ka ng kit na ito.

Paano mo gagamitin ang kit na ito?

1. Una sa lahat, ingatan mo ang kit na ito. Huwag mo itong dudumihan at dapat
pangalagaan mo ito.
2. Basahin at unawaing mabuti ang panuto bago simulan ang bawat gawain at pagtataya.
3. Sikaping masagot mo ang lahat ng mga gawain at pagtataya sa limang araw para
mahasa at madagdagan pa ang iyong kaalaman tungkol sa paksa.
4. Pagkatapos, ipapasa mo ito sa iyong guro para maiwasto ito.

2
Kasanayang Pampagkatuto

Nabibigyang –kahulugan ang akademikong pagsulat. CS – FA11/12PB –


Oa-c-101

Sa pagtatapos mo ng araling ito, ikaw ay inaasahang :

1. Nakatutukoy ng mga mahahalagang kaisipan sa binasa;


2. Nakatatalakay ng araling binasa;
3. Nakapagbibigay ng kahulugan ng akademikong sulatin;
4. Nakapagpapahalaga sa akademikong pagsulat.

PAGTALAKAY SA PAKSA
PAGTALAKAY SA ARALIN

PAGGANYAK

Mapagpalang araw ng Pagkatuto! Bago mo tuklasin ang aralin


ito, subukan mo munang alalahanin ang iyong dating kaalaman.
Handa ka na ba? Kung ganoon, subukan ng natin ang talas ng
iyong pag-iisip? Sagutin ang pagsasanay sa ibaba. Tandaan!
Huwag matakot magkamali dahil hindi lahat ng bagay ay alam
na natin, kundi mas marami ka pang malalaman.

TAMA O MALI

PANUTO: Sagutin ng tama o mali ang mga sumusunod na mga pahayag tungkol sa
pagsulat. Sa nakalaang linya ay magbigay ng maikling paliwanag kaugnay ng iyong
sagot. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
____________1. Ang wikang Filipino ay isang wika ng intelektuwalisasyon.
Paliwanag: ___________________________________________
____________________________________________________
____________2. Ayon sa Konstitusyon ng Filipinas, ang Filipino ay isa sa mga opisyal na
wikang panturo sa mga paaralan.
Paliwanag:____________________________________________
_____________________________________________________

3
____________3. Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na natutuhan mula sa elementarya
hanggang high school ay maituturing na bahagi ng akademikong
pagsulat.
Paliwanag:____________________________________________
_____________________________________________________
____________4.Ang sanaysay, maikling kuwento, awit at dula ay hindi kabilang o maituturing
na isang akademikong pagsulat.
Paliwanag:___________________________________________
____________________________________________________
____________5. Mahalagang isaalang-alang ang wika, paksa at layunin sa anumang
uri ng pagsulat.
Paliwanag:___________________________________________
__________________________________________________

MAIKLING PAGTALAKAY

Binabati kita! Natapos mong sagutin ang unang gawain. Ngayon


naman, ihanda ang sarili para sa ating aralin.
Naalala mo pa ba ang salitang pagsulat? At ang kahulugan ng
akademikong sulatin? Kung Oo, magaling! Kung hindi naman, huwag
kang malulungkot dahil maaari mong balikan at basahin muli.
Sa kit na ito, kinakailangan mong malaman at tandaan ang kahulugan
ng pagsulat at akademikong sulatin.

KAHULUGAN, KALIKASAN, AT KATANGIAN


NG PAGSULAT NG SULATING AKADEMIK
Kahulugan ng Pagsusulat ayon sa mga dalubhasa;

A. Ayon kay Cecilia Austera, et al., may-akda ng Komunikasyon sa Akademikong


Filipino, ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming
nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng
mensahe, ang wika.

4
Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat

Una, ito ay maaaring maging personal o ekspresibo kung saan ang layunin ng
pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng
manunulat. Maaaring magdulot ito sa bumabasa ng kasiyahan, kalungkutan,
pagkatakot, o pagkainis depende sa layunin ng taong sumulat. Karaniwang
halimbawa nito ay sanaysay, maikling kuwento, tula, dula, awit, at iba pang akdang
pampanitikan.

Ikalawa, ito ay maaari namang maging panlipunan o sosyal kung saan ang layunin
ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan o
tinatawag transaksiyonal. Ang mga halimbawa nito ay pagsulat ng liham, balita,
korespondensiya, pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasyon, at iba pa.

Mga Uri ng Pagsulat

1. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing). Pangunahing layunin nitong maghatid


ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga
mambabasa.

2. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing). Ito ay ginagawa sa layuning pag-


aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan
para lutasin ang isang problema o suliranin.

3. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing). Ito ay kinalaman sa mga sulating


may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan.

4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing). Ito ay may kinalaman sa mga


.
sulating may kaugnayan sa pamamahayag.

5. Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing). Layunin ng sulating ito na bigyang


–pagkilala ang mga pinagkukunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng
konseptong papel, tesis, at disertasyon.

5
6. Akademikong Pagsulat (Academic Writing). Ito ay intelektuwal na pagsulat at
nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang
larangan.

Ayon kay Carmelita Alejo, et al., sa aklat na Pagbasa at Pagsulat Tungo sa


Pananaliksik, ang akademikong pagsulat ay may sinunod na partikular na kumbensiyon
tulad ng pagbibigay ng suporta sa mga ideyang pinangangatuwiranan. Ang resulta ng
pagsisiyasat o ng ginawang pananaliksik ay layuning maipakita ito. Gaya ng mga datos
sa tesis/disertasyon, pahayagan, manwal, brochure, atb. ay mahahalagang salik sa
paglalatag ng ebidensiya na maaaring paggamit ng opinyon o lohikal na pangangatuwiran.
Halimbawa:

a. Paggamit ng opinyon- ang paglalatag ng mga idea sa paraang pasalita o pasulat.

Paksa: Literasi sa Panitikan


Opinyon:

1. Nakatutulong ang panitikan sa pagtatamo ng literasi.


2. Nakatutulong ang mga gawaing pangklase sa paglinang ng mga kasanayan
at kaalaman sa panitikan.
b. Lohikal na pangangatuwiran. Maaari itong pasaklaw na pangangatuwiran na
nagsisimula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa:
halimbawa:
Tuntunin : Sa pagpili ng mga mambibigkas sa sabayang pagbigkas,
dapat makabuo ng isang koro ang tagapagsanay.
Mga halimbawa:
1. Nakasalalay sa dalawang uri ng tinig ang pipiliing mga mambibigkas:
(1) mataas/matinis
(2) karaniwan/mahaba

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat


(Pinagyamang Pluma- Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Mahalagang maunawaan din ang mga katangiang dapat taglayin ng akademikong


pagsulat: Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

6
1. Obhetibo- Kailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng
ginawang pag-aaral at pananaliksik.Iwasan ang paggamit ng mga pahayag na “batay
sa aking pananaw” o “ayon sa aming haka-haka o opinyon”.

2. Pormal- Dahil ang karaniwang ginagamit sa akademikong pagsulat ay ang


akademikong Filipino, nangangahulugan lamang ito ng pagiging pormal nito.

3. Maliwanag at Organisado- ang paglalahad ng mga kaisipan at datos ay nararapat na


maging malinaw at organisado. Ang mga talata ay kinakailangang kakitaan ng maayos
na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay ng mga pangungusap na binubuo nito,
mataglay ng kaisahan at pag-uugnay ng mga parirala o pangungusap upang maging
malinaw ang paksa. May kaisahan at maayos na pagkakasunod-sunod ng mga
kaisipan upang mapalutang ang pangunahing kaisipan o main topic na dapat
mapalutang sa sulatin.

4. May paninindigan- Mapanindigan ng sumulat ang paksang dapat niyang bigyang


pansin- o pag-aral, matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga
datos para matapos ang pagsulat sa napiling paksa.

5. May pananagutan- Mahalagang bigyan ng nararapat na pagkilala ang mga


sanggunian kung saan nakalap ng datos o impormasyon.

Ang pagsulat ay may kahalagahan o benepisyo:


1. Masanay ang kakayahang mag-organisa ng kaisipan
2. Malinang ang kakayahan sa pagsusuri.
3. Mahubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa.
4. Mahikayat at mapaunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan.
5. Magdulot ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman.
6. Mahubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng pag-
aaral.
7. Malinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang
batis ng kaalaman.

7
PAGSASANAY
Naintindihan mo ba ang iyong binasa?
Ngayon naman, nais kong malaman kung nauunawaan at natandaan mo
ba ang kahulugan ng pagsulat at akademikong sulatin.

Pagsasanay 1
Panuto: Kilalanin ang uri ng sulating inilalarawan sa bawat bilang. Maaaring balikan
ang aralin para masagot ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang-
kuwaderno.

1. Ang pagbuo ng isang pag-aaral o proyekto ang pangunahing layunin ng pagsulat


na ito.
2. Ang paraang argumentatibo, impormatibo, naratibo, deskriptibo, at ekspresibo
ay nakapaloob sa pangangailangang ito.
3. Anyo ito ng pagsulat na ang layunin ay maghatid ng aliw at makapukaw ng
damdamin at makaantig ng imahinasyon.
4. Isang gamit sa pagsulat kung saan pangkahalatang umiikot ang pangunahing
idea na dapat nakapaloob sa sinusulat.
5. Layunin ng pagsulat nito ay nakabatay sa sariling pananaw, karanasan, naiisip
o nadarama gaya ng tula, dula, awit.
6. Mahalagang bigyan ng nararapat na pagkilala ang mga sanggunian kung saan
nakalap ng datos o impormasyon.
7. Kailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang
pag-aaral at pananaliksik.
8. Ang karaniwang ginagamit sa akademikong pagsulat ay ang akademikong
Filipino.
9. Ang mga talata ay kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod
at pagkakaugnay ng mga pangungusap na binubuo nito, mataglay ng kaisahan
at pag-uugnay ng mga parirala o pangungusap upang maging malinaw ang
paksa.
10. Mapanindigan ng sumulat ang paksang dapat niyang bigyang pansin- o pag-aral,
matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para
matapos ang pagsulat sa napiling paksa.

8
Pagsasanay 2
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang-kuwaderno.

1. Ano ang kahulugan ng pagsulat at akademikong pagsulat batay sa iyong binasa?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Batay sa iyong pagkaunawa, paano mo mabibigyan ng sariling kahulugan ang


akademikong pagsulat?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Isa-isahin ang layunin at kahalagahan ng pagsulat.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

4. Ano-ano ang mga uri ng pagsulat? Alin dito ang pinakagusto mo?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

5. Sa iyong palagay, alin sa mga katangiang taglay ng akademikong pagsulat ang sa


tingin mo ay bihasa ka nang gawin? Alin sa mga ito ang dapat mo pang pagbutihin?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

9
Pagsasanay 3
Gamit ang concept map sa ibaba ay bigyang-kahulugan ang akademikong sulatin.

PAGLALAGOM

Upang hindi mo makalimutan ang iyong mga natutuhan, basahin mo muli


ang paglalagom ng aralin sa ibaba.

 May anim na uri ng pagsulat. Ito ay malikhain, teknikal, propesyonal, dyornalistik,


reperensiyal, at akademikong pagsulat.
 May mga katangiang dapat taglayin ng akademikong pagsulat. Ito ay dapat
obhetibo, pormal, maliwanag at organisado, may paninindigan at may
pananagutan.
 Mahalaga ang akademikong pagsulat dahil sa mga benepisyong naibibigay nito sa
manunulat katulad ng pagsasanay sa kakayahang mag-organisa ng kaisipan;
paglinang sa kakayahan sa pagsusuri; paghubog sa isipan ng mga mag-aaral sa
mapanuring pagbasa; panghihikayat, at pagpapaunlad sa kakayahan sa
matalinong paggamit ng aklatan; pagdudulot ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga
bagong kaalaman; paghubog sa pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga
gawa at akda ng pag-aaral, at; paglinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga
impormasyon mula sa iba’t ibang batis ng kaalaman.

10
APLIKASYON

Basahin mabuti ang tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa


sagutang kuwaderno.

Bakit mahalagang matutuhan ang kahulugan, kalikasan, at katangian


ng akademikong pagsulat?

11
PAGTATAYA

I. Pagtukoy: Ibigay ang tinutukoy sa bawat pahayag. Piliin ang tamang sagot
sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang-kuwaderno.

Akademikong Filipino Akademikong Pagsulat


Layunin Paksa
Personal o Ekspresibo Wika
Pamaraan ng Pagsulat Dyornalistik na Pagsulat
Reperensiyal na Pagsulat Malikhaing Pagsulat
Obhetibo

1. Ito ay nagsisilbing behikulo upang maipahayag ang ating mga kaisipan,


kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pa.
2. Ito ay nagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan.
3. Ibig sabihin nito na ang mga datos na isusulat ay nakabatay sa ginawang pag-
aaral at pananaliksik.
4. Ang paggamit ng wikang Filipino batay sa pagsunod sa mga alituntunin sa
paggamit ng wikang Filipino.
5. Bigyang-pagkilala ang pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng
konseptong papel, tesis, at disertasyon.
6. Nagsisilbing giya sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
7. Pangkahalatang iikutan ng ideyang nakapaloob sa akda.
8. Ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan,
naiisip o nadarama ng sumulat.
9. Sulatin itong may kinalaman sa pagpapahayag gaya ng pagsulat ng balita,
editoryal, lathalain, at iba pa.
10. Layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa
imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.

II. Basahin mabuti ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong mga sagot sa
sagutang kuwaderno.

1. Ayon kay Mabilin, ano ang dalawang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat?


2pts

2. Ano - ano ang limang katangiang dapat taglayin ng Akademikong Papel? 5pts.

3. Sa mga uri ng pagsulat, alin sa mga ito ang pinakagustong-gusto mong gawin?
5pts.

12
III. Sagutin nang maiksi at malinaw ang mga sumusunod:

1. Batay sa iyong pagkakaunawa, paano mo mabibigyan ng sariling kahulugan ang


akademikong pagsulat? 5pts
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Naniniwala ka bang dapat ngang kunin ng lahat ng kurso ang asignaturang ito?
Ipaliwanag ang sagot. 5 pts.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

13
Sanggunian

Dayag, Alma M. at Baisa-Julian, Ailene at Lontoc, Nestor. Pinagyamang Pluma


Filipino sa Piling Larang (Akademik) 2016

14

You might also like