You are on page 1of 9

Bionote

Ano ngaba ang bionote?


• Ang bionote ay impormatibong talata na naglalahad ng mga kalipikasyon ng
awtor at ng kaniyang kredibilidad bilang propesyonal.
• Naglalahad ng iba pang impormasyon tungkol sa awtor na may kaugnayan sa
paksag tinalakay sa papel o sa trabahong ibig pasukan.
• Ang bionote ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa
isang awtor.maaari rin itong Makita sa likuran ng pabalat ng libro at
kadalasa’y may kasamang litrato ng awtor.
Halimbawa:
• ANNA PATRICIA A. NABUTEL. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Mount Carmel College-
Baler, Aurora bilang 3rd honorable mention. Sa nagtapos ng Junior High School at Senior High
School Science and Technology, Engineering and Mathematics Strand sa Aurora National Science
High School. Nagtapos siya ng May Karangalan noong siaya ay nasa Senior High
School. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng Veterinary Medicine sa Unibersidad ng Pilipinas, Los
Banos, Laguna. Kontribyutor siya ng The Nucleus bilang tagapagsulat ng balita.
• Noong siya ay nasa ika-limang baitang, naging parte siya ng “Ang Munting Carmelian” ang
opisyal na pahayagan ng Mount Carmel College, bilang tagapagsulat ng balita sa kategoyag
Pilipino. Nanalo siya sa Division Schools’ Press Conference ’10 ng 2nd placer. Noong siya ay nasa
ikasampung baitang, naging parte naman siya ng “The Nucleus”. Kabilang siya sa Collaborative
Newspaper Publishing, sa kategoryang Pilipino. Nasungkit nila ang 1st place sa DSPC’15,
samantalang napasama sila sa Top 10 sa RSPC’15. Naparangalan ang kanilang papel pananaliksik
na may pamagat na BIODEGRADABLE PLASTIC PRODUCTION USING TARO (Colocasia
esculenta) CORMS bilang Best Research sa kanilang paaralan.

Bakit nagsusulat ng bionote?

• Upang ipaalam sa iba hindi lamang karakter kundi maging ang kredibilidad sa
larangang kinabibilangan.
• Ito’y isang paraan upang maipakilala ang sarili sa sa mga mambabasa.
Mahalagang ideya

• Ang bionote ay maituturing na isang marketing


tool.ginagamit ito upang itanghal ang mga pagkilala
at mga natamo ng indibidwal.
Mga katangian ng mahusay na bionote:
• Maikli ang nilalaman – mas maikli ang bionote,mas babasahin ito.
• Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw – lagging gumamit ng
pangatlong panauhang pananaw sa pagsusulat kahit na ito ay tungkol sa iyong
sarili.
• Hal. * si juan dela cruz ay nagtapos ng BA at MA Economics sa UP
Diliman.Siya ay kasalukuyang nagtuturo sa parehong pamantasan.
Mga katangian ng mahusay na bionote:
• Kinikilala ang mambabasa – kailangang isaalang alang ang
mambabasa sa pagsulat ng bionote.
• Gumagamit ng baligtad na tatsulok – katulad sa pagsulat ng balita
at iba pang obhetibong sulatin,unahin ang pinakamahalagang
impormasyon.
Mga katangian ng mahusay na bionote:
• pinakamahalagang impormasyon

• mahalagang impormasyon

• di gaanong mahalagang impormasyon


Mga katangian ng mahusay na bionote:
• Nakatoun lamang sa mga angkop na kasanayan o katangalan – mamili lamang
ng angkop sa layunin ng iyong bionote.
• Binabangit ang degree kung kailangan – kung may PhD sa antropolohiya at
nagsulat ng artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag sa Cagayan,mahalagang
isulat sa binote ang kredensyal.
• Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon – siguraduhin lamang na
tama o totoo ang impormasyon.

You might also like