You are on page 1of 3

Filipino sa Piling Larang

Offline Activity

Tanong 1:

1. Paano mo mapatitibayang iyong mga argumento sa posisyong papel? Sisiguraduhin kong akma ang
aking gawa sa mga katangian ng isang posisyong papel. Kailangan ito'y nakabatay sa mga 'facts' na
nagbibigay ng matibay na pundasyon sa aking mga inilalatag na argumento.

2. Maaari bang gamitin ang personal na atake upang mapahina ang mga argumento ng kabilang panig?
Ipaliwanag. Hindi, dahil ang nakasaad nga sa katangian ng posisyong papel ay hindi dapat gumagamit ng
personal na atake, dahil dapat ito ay may basehan na katotohanan at ang ating sariling opinyon ay
mananatiling opinyon hangga't hindi napapatunayan.

3. Ano-ano ang mga sangguniang mapagkakatiwalaan at may awtoridad? Ensayklopedya, Handbooks,


Dyornal na pang-akademiko, Aklat, Ulat ng pamahalaan, Pahayagan, Magasin, Telebisyon, Sangay ng
pamahalaan at mga organisasyon.

Tanong 2:

1. Paano sisimulan ang pagsulat ng posisyong papel? Kailangan munang tukuyin ang isyu o paksang
magiging tuon ng papel.

2. Bakit mahalagang isaalang-alang kung sino ang magbabasa ng iyong posisyong papel? Dahil ang
pagbuo ng matibay na argumento ay nakasalalay sa pagkilala kung sino ang mambabasa. Dito ay
malalaman mo kung ano ang argumentong kanilang pinapaboran, kahalagahan ng paksa sa kanila at
kung paano maaapektuhanng usapin ang kanilang mga interes.

3. Ano-ano ang mga bagay na mahalagang isaisip sa kongklusyon ng posisyong papel? Kailangan ay
muling ilahad ang mga pangunahing argumento at patatagin ang introduksiyon at katawan ng papel.
Hindi na kailangang magbigay pa ng mga bagong impormasyon sa bahaging ito. Magmungkahi ng mga
solusyon sa nakikitang problema.

4. Bilang estudyante ano ang nakikita mong kahalagahan ng pagsulat ng posisyong papel? Mas lalo
nitong pinapalawak ang isipan ng mga estudyante pagdating sa magkakasalungat na argumento,
pagsusulat ng may etika, at hindi bumabase sa sariling opinyon. Natututo ang mga estudyante na
maiging mangalap ng impormasyon at kumilala ng ibang tao.
5. Kung ikaw ay pagsusulatin ng iyong guro ng posisyong papel, at malaya kang mamili kung ano ang
isyu, tungkol saan ito at bakit? Ang isyung aking tatalakayin ay tungkol sa mga prominenteng nangyayari
sa ating bansa, halimbawa nalang ay korapsyon, kahirapan, unemployment, at pagtaas ng mga bilihin.
Dahil ito'y mas madaling talakayin at maraming tao ang nakikisawsaw rito, kung ako ang pagsusulatin ng
posisyong papel ang tatalakayin ko sa mga isyung ito ay unemployment.

6. Ano ang posisyon mo sa napiling usapin? Ako'y tutol sa mga kompanyang naghahanap ng experience
at dapat ay nakatapos ng kolehiyo sa bawat resume ng mga manggagawa, sa panahon ngayon ay hindi
pa rin matatanggi na ganyan pa rin ang basehan sa pag-aaply sa trabaho.

7. Paano mo hihikayatin ang iba na pumanig sa iyong posisyon? Ako ay magbibigay ng mga totoong
impormasyon na may matibay na pruweba para panigan ang aking posisyon, ako'y magsasaad ng
lehitimong impormasyon at titiyaking sila ay maiuugnay ng aking paksa sa kanilang sariling persepsyon.

Gawain 5: Gumawa ng Posisyong papel

Pagre-regular ng mga Contractual Employees

Ang kontrakwal ay isang katayuan sa trabaho kung saan ipinagkakait ang ugnayang employer-
employee sa pamamagitan ng isang manggagawa at ng kapitalista o kumpanyang nakikinabang sa
kanyang lakas paggawa. Ipinagkakait ng kumpanya sa isang manggagawa ang karapatan niyang
maregular matapos ang anim na buwan. Ayon sa batas, ang isang manggagawa kapag umabot ng
anim na buwan sa trabaho ay ireregular na ang isang manggagawa na kontraktwal ay maaring
mawalan ng trabaho,mababa pa sa minimum ang sahod at pinagkakaitan ng mga benepisyong
itinakda sa oras.

Pinakikilos ng CBCP – Permanent Committee on Public Affairs ang DOLE o Department of Labor and
Employment laban sa natitira pang kumpanya na nagpapatupad ng “end-of-contract” sa bansa.
Ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles, kalihim ng komisyon, kailangang ipagpatuloy ng DOLE
ang target nito na umabot sa 50 porsyentong mawakasan ang kontrakwalisasyon sa pagtatapos ng
taong 2016 at bigyan ng benepisyo at job security ang mga manggagawang kontraktuwal.

Pinayuhan rin nito ang mga employers na hindi pa rin tumatalima sa DOLE na magpakita naman ng
habag at malasakit sa kanilang mga empleyadong kontraktuwal dahil ito ay labag sa kanilang
dignidad.Nabatid batay sa ulat ng DOLE mahigit 10, 000 manggagawa o katumbas pa lamang sa 20
porsyento ang agad na ginawang regular ng halos 200 business establishment.

Sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na walang dagdag sa sahod. Una na ring inihayag ng
Malacañ ang na walang increase sa sahod ng mga manggagawa. Maraming Araw ng Paggawa na ang
nakalipas na walang nakukuhang umento ang mga manggagawa.
Kawawa ang mga manggagawa. Kapiranggot ang kinikitang ito para sa pamilyang may limang
miyembro. Sa kinikitang ito kukunin ang mga pangangailangan sa araw-araw — pagkain, upa sa
bahay, bayad sa ilaw at tubig, pamasahe at paano kung may pinag-aaral pa. Paano rin kung may
magkasakit sa pamilya? Ngayong nagtataasan ang presyo ng mga pangunahing bilihin, paano pa
pagkakasyahin ang kapiranggot na kinikita.

Problema rin ng mga manggagawa ang contractualization. Maraming establisimento ngayon na


pawang contractual ang mga trabahador. Pagkalipas ng lima o anim na buwan, panibagong kontrata
na naman. Ang contractualization ang naging panlaban ng employer para hindi mai-promote ang
mga empleyado at ligtas sila sa pagbibigay ng umento. Ang contractualization ay naglalagay sa
manggagawa ng kawalan ng security of tenure. Napaka-anti-labor ng praktis na ito. Napakasamang
patakaran na dapat nang mawala.

Panahon na para pagtuunan ng gobyerno ang issue sa contractualization. Tapusin na ang ganitong
polisiya. Nararapat lang na maisaayos ang kalagayan ng mga manggagawa para naman matigil na
ang pagngawa tuwing sasapit ang Araw ng Paggawa.

You might also like