You are on page 1of 1

Replektibong Sanaysay

Ginanap ang ika-apat na SONA ni Pangulong Rodrigo R. Duterte noong ika-dalawampu’t


dalawa ng hulyo. Inilahad niya ang kanyang mga nagawa sa nakalipas na taon, ang mga batas na
gusto niyang mailunsad at ang mga gustong kaasahan ng mga Pilipino sa kanyang natitirang taon
bilang isang president ng Pilipinas.

Droga, death penalty, corruption, kahirapan ang isa sa mga napahayag ng pangulo.
Sinasabing gusto niyang ibalik ang death penalty para sa mga napakasamang tao relatibo sa droga.
Sinabi niya ring hindi mamawala ang war on drugs kapag hindi mawawala ang mga corrupt na
opisyal na gusto niyang mangyari ang The Big One habang ginaganap ang SONA upang
mamamatay na lahat ang samasamang corrupt na opisyal sa lugar na iyon. Inilahad ng pangulo na
bumaba ang porsyento ng kahirapan mula 2015 hanggang 2018 at pataasin ang mga suweldo ng
mga taong nagtratrabaho sa gobyerno pat inarin ang mga guro at nurses. Inilahad niya ang mga
nasiayos niyang mga lugar tulad ng Boracay at ang Manila Bay at parusahan ang mga taong may
balak sumira ulit nito. Nais niyang palakasin ang hukbong military ng Pilipinas sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng ROTC para sa mga estudyanteng nag-aaral sa sekondarya. Gusto niyang ipatupad
na magsara ang mga o ipagbawal na magtinda ng alak sa madaling araw. At sa lahat ng kanyang
naihayag, ang isyu tungkol sa West Philippine Sea ay isyung sobrang nakatama sa lahat. Sinabi ng
pangulo na pinayagan niya ang mga Chinese na mandaragat dahil meron silang pinagkaayusan sa
pagitan ng China at Pilipinas.

Bilang isang estudyante at mamamayang Pilipino, sang-ayon ako sa mga naihayag ng


pangulo sa kanyang ikaapat na SONA. Ito ay nakakabuti sa mga Pilipino at ng bansa. Ang trabaho ng
isang pangulo ng bansa ay napakahirap ngunit ito’y mabuting natutupad ang mga tungkulin.
Inaabangan ko ang mga mabubuting gagawin ng pangulo para kanyang bansa sa kanyang natitirang
taon bilang isang presidente.

You might also like