You are on page 1of 6

Abstrak

Arsenal, Ivan Jerome C., Cawagdan, Carl Anilov P., Mamaril, Mark Stephen
U., Orjalo, Mark Jairus A., Rosario, Paolo Gabriel B., Sioco, Vince Jay M.,
Abelong, Janelle, Cariño, Nicole G., Delos Santos, Jade C., Estrada, Roselle
R., Olaera, Angela S., Poliquin, Hanny Jannien L., Recosana, Alliyah Alva J.,
Villanueva, Joana Jaye P. (Mga Mag-aaral ng Science, Technology, Engineering
and Mathematics - A). “Epekto ng Peer Pressure sa mga Mag-aaral ng
Ikalabing-isang Baitang ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Labrador sa
Taong Panuruan 2020-2021”. Labrador, Pangasinan. Ikalawang Semestre,
Taong Panuruan 2020-2021, Hulyo 09, 2021.

G. Ryan B. Andaya

Mahalagang mabigyang-kasagutan ang mga katanungan tungkol sa epekto


ng peer pressure sa mga piling mag-aaral ng ikalabing-isang baitang ng PMPL, ano
ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol dito, ano ang adbentahe at disadbentahe
nito at kung paano nakaaapekto ang peer pressure sa antas ng kuryosidad,
pakikisalamuha, gabay ng magulang at edukasyon ng mga mag-aaral.
Kwantitatibong disenyo at diskriptibo ang ginamit dito upang makalikom ng
datos tungkol sa pananaw, ideya, persepsiyon at epekto ng peer pressure sa mga
mag-aaral. Ang mga respondente ay mga piling mag-aaral sa ilalim ng
akademikong pangkat ng ABM, HUMSS at STEM ng ikalabing-isang baitang sa
Pambansang Mataas na Paaralan ng Labrador. Kasabay ng pagmamasid ng mga
mananaliksik, sarbey-kwestyoner ang kasangkapan upang makalap ang mga
datos na kinakailangan sa pag-aaral.
Natuklasan sa pag-aaral na ang peer pressure ay isang impluwensya mula
sa isang miyembro ng isang pangkat/barkadahan. Nalaman ng mga
mananaliksik na nakatutulong ang mga kaibigan/kabarkada sa pagtuklas ng
kakaiba at makabagong bagay at gumawa ng mga magagandang halimbawa
para sa isa’t isa ang magandang naidudulot ng peer pressure sa mga mag-aaral.
Sa kabilang dako, nalaman na ang masamang naidudulot ng peer pressure sa
mga mag-aaral ay ang kadalasang paggasta sa tuwing sila’y magkakasama.
Lumabas din sa pag-aaral na mayroong epekto ang peer pressure sa antas ng
kuryosidad, pakikisalamuha, gabay ng magulang at edukasyon ng mga mag-
aaral.
Lumalabas sa resulta ng pag-aaral na tunay ngang nakaaapekto ang peer
pressure sa mga mag-aaral. Napatunayan din na malakas ang impluwensya ng
mga kaibigan/barkada kapag ang isang mag-aaral ay nasa taon ng kanilang
pagdadalaga o pagbibinata. Dahil dito, kinakailangang bigyan ng sapat na
patnubay at gabay ng mga magulang ang kanilang mga anak upang mabigyan ng
tamang direksiyon at pananaw ang mga ito.

Mga susing salita: Peer pressure, Peer, PMPL, Peer Acceptance, Respondente
JADE CEPEDA DELOS SANTOS. Isinilang noong
ikatatlumpo’t isa ng Enero taong 2004 sa lungsod ng
Dagupan, probinsiya ng Pangasinan. Siya ay nagtapos ng
kanyang primaryang edukasyon sa paaralan ng Ramon
Magsaysay Integrated School na kung saan siya ay
nakatanggap ng Ikalawang Karangalan bilang isang
estudyante ng ikaanim na baitang. Isa siya sa mga
napasali ng patimpalak sa Sipnayan (MTAP) at lumahok
bilang representatibo sa rehiyonal na lebel ng nasabing
Math Contest noong siya ay nasa ikaanim na baitang. Siya
ay naging kasapi sa organisasyong SPG o Supreme
Pupils Government bilang Kalihim sa loob ng mahigit
dalawang taon. Siya ay isa ring kalahok ng Science Quiz
Bee noong siya’y nasa ikaapat hanggang ikaanim na
baitang na kung saan nakamit ang Unang Karangalan nang siya ay nasa ikaapat at
ikalimang baitang, at Ikatlong Karangalan naman nang siya ay nasa ikaanim na baitang
na lahat ay antas ng Dibisyon Lebel.

Nagtapos siya ng kanyang Junior High School sa St. Columban’s School Inc. sa
bayan ng Labrador, Pangasinan at nakatanggap ng With High Honors, Artist of the Year
at pinarangalan bilang Student of the Year. Noong siya ay nasa sekundarya ay patuloy pa
din siyang nakikilahok sa iba’t ibang kompetisyon at naging bahagi pa ng iba’t ibang
organisasyon sa nasabing eskwelahan. Buong hayskul maging siya’y nasa elementarya
ay may mga medalya siyang naibibigay sa kanyang mga magulang na nagsisimbolo ng
kanyang dedikasyon at pagsusumikap sa kanyang pag-aaral na nagsasabi na siya ay
isang consistent honor student. Minsan na din niyang napatunayan ang kanyang sarili sa
larangan ng pagsulat ng sanaysay nang kanyang naiuwi ang Ikalawang Gantimpala sa
biglaang pagsulat ng sanaysay.

Sa kabila ng lahat, kasalukuyan siyang nag-aaral ng ikalabindalawang baitang sa


Pambansang Mataas na Paaralan ng Labrador sa bayan ng Labrador, Pangasinan sa
strand na Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) at nangangarap
na makapag-aral ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas at Polytechnic University of the
Philippines. Maliban sa mga organisyong sinamahan at patimpalak na sinalihan,
kasalukuyan siyang parte ng “The Spring”, ang opisyal na pahayagan ng kaniyang
eskwelahan at naging miyembro din ng “The Acacia”, na kung saan ang opisyal na
pahayagan ng kanyang primaryang eskwelahan.
Isang dalagang nagtataglay ng maganda
at tila may makahulugang pangalan, si Karla
Beatrice Medina Cepeda. Ipinanganak sa
siyudad ng Dagupan, noong ikapito na araw ng
buwan ng Setyembre, taong 2002. Ang kanyang
palayaw na “Beng” ang madalas na itawag sa
kanya sa kanilang lugar kung kaya’t mas kilala
siya sa ganitong tawag doon at maging sa
kanilang tahanan. Siya ang pangatlo sa kanilang
limang magkakapatid. At dahil sa ganitong
sitwasyon, bata pa lamang ay maaga na siyang
namulat sa mga responsibilidad. Kasabay din
nito ang maagang pagkawala ng kanyang nakatatandang kapatid. Ang kanyang isipan
ay naging bukas ukol sa likas ng buhay na mapanghamon sa mundong ito.

Siya ay kasalukuyang nag-aaral sa University of Pangasinan – PHINMA sa


ikalabindalawang baitang na tinatawag ngayon na Senior High School. Ang kanyang
napiling ‘track’ ay umiikot sa mga larangan ng Agham, Teknolohiya, Agsikapan at
Sipnayan o STEM. Nag-aral siya ng elementarya sa Consolacion Central School. Siya
ay napasali rin noon sa pagtutugtog ng keyboard. Ang pag-aaral niya ng kaniyang
sekundarya ay ipinamalagi niya sa Consolacion National High School. Sa ikalawang
taon, siya ay naging kasangkot sa club ng “KAMAGFIL”.

Pagdating naman sa kanyang mga hilig, ang karagatan ang kanyang paboritong
tanawin. Dito siya nakakahanap ng kapayapaan sa panahon ng mga kabigatan. Ang
instrumentong hilig naman naman niyang tugtugin ay keyboard. Siya ay may kaunting
kaalaman sa pagtugtog nito bagama’t pinag-aaralan niya ito ng kanyang sarili lamang.
Mahilig din siya makinig ng mga musika at magbasa ng mga libro. Ito ang kanyang
paraan ng pampalipas oras at paminsan-minsan mahilig siya manuod ng mga drama
o pelikulang nakakatawa.

Bata pa lamang ay naging malapit na siya sa mga laruang pang-doktor at mga


laruang gamit sa ospital. Ito ay naging impluwensya sa nabuo niyang pangarap na
maging doktor. Magmula noon hanggang ngayon ay ito pa rin ang propesyon na
ninanais niyang kunin at natatanging kanyang kinaiinteresan. Ngunit may mga
panahon na gusto niyang pumasok sa Philippine Military Academy (PMA) at maging
isang Airforce o Navy.
Victor Ma. Regis “Vico” Nubla Sotto. Ipinanganak
siya noong Enero 17, 1989, kasalukuyang edad 32, sa
Pasig City, Metro Manila, Philippines. Ang kanyang
ama ay si Vic Sotto na isang actor, comedian at host
at ang kanyang ina naman ay si Coney Reyes na
isang aktres. Si Vico ay nagtapos ng Bachelor of Arts,
Political Science sa Ateneo De Manila University
noong 2011 at nagtapos din siya ng Master’s Degree
in Public Administration sa Ateneo De Manila
University School of Government. Noong 2013
hanggang 2015 siya ay tinalagang Legislative Staff
Officer sa Sangguniang Panlunsod ng Quezon City at
noong 2016 hanggang 2019 siya ay naging Konsehal
ng Pasig City. Bilang Konsehal ng Pasig,
matagumpay niyang isinulong ang “Pasig Transparency Mechanism Ordinance” para sa
pagsusupubliko ng public records, financial documents at contracts at isa siya sa gumawa
ng pinakaunang lokal na bersiyon ng Freedom of Information Law sa Metro Manila.

Siya ngayon ay kasalukuyang Mayor ng Pasig City, isang Executive Board


Member, Government Watch, Inc., Intern ng Miriam Center for Peace Education,
Professional Lecturer ng Arellano University at Professional Fellow ng Youth Southeast
Asian Leaders Initiative (YSEALI). Ang kanyang mga plataporma bilang isang Mayor ay
Public Consultation, Data-driven Governance at Universal Health Care in the City na
nakapukos sa Housing Programs, Easier Access to the Education at Cracking Down on
Corruption. Ang kanyang politikal na Partido ay Aksyon Demokratiko.

Marami siyang nagawa bilang isang Mayor, isa na dito ay ang ipinaglaban niyang
pagbabawal sa ilegal na mga negosyo na nasa ilalim ng Philippine Offshore Gaming
Operators o POGO's noong Pebrero, 2020 at noong nagsimula ang pandemya ay mabilis
ang kanyang responde nito, gumawa siya ng mga Trained COVID-19 Respond Team,
nagbigay ng higit 1,000 sets ng mga disinfecting kits sa mga iba’t ibang barangay ng Pasig
at nanguna sa pag-didisimpekta ng mga pampublikong pasilidad, nakipag-usap sa mga
motel owners upang gawing quarantine facilities, regular na inspeksiyon sa mga
checkpoint at regular na pagpupulong sa The Medical City, PCGH, Child's Hope at City
Health Office para sa tamang koordinasyon sa pagsugpo ng pandemya. Dahil dito ay
nakatanggap siya ng Gintong Parangal na ibinigay ng Department of Interior and Local
Government sa ika-2 National Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Award at
isa sa ika-12 recipient ng International Anti-Corruption Champions Award mula sa United
States Department of State noong ika-23 ng Pebrero, 2021.
Ang Alamat ng Ko So Thah
ni: Joaquin Sy

May isang bundok sa Tsina na pinangalanang Bundok ng Pao Kai. Naninirahan


sa paanan niyon si Hai Seng, kanyang asawa at kapatid. Bagama’t mahirap, may
paggalang at pagmamahal sila sa isa’t isa kung kaya’t kuntento at masaya silang
namumuhay. Ngunit heto’t dumating ang matinding tagtuyot hindi lamang sa bukirin
kundi pati sa karagatan. “Wari’y bigla ring naglaho ang mga isda sa dagat!” Dahil sa
pag-aalala sa kanilang kahihinatnan, matatag ang pagpapasya ni Hai Seng na
humanap ng ikabubuhay sa ibayong dagat. Sumakay siya ng bangkang may layag.
Humayo siya habang hinahatid ng tanaw ang maghipag. Narating niya ang isang
napakalayong pulo ngunit tila mailap ang kapalaran. Ilang taon na siyang namalagi
roon kahit nangungulila sa asawa at kapatid.

Nasasabik at naiinip ang maghipag sa tagal ng panahong hindi bumalik si Hai


Seng. Umakyat sila sa tuktok ng bundok para maghintay. Araw-araw nila itong
ginagawa. Sa bawat akyat nila, may dala silang mga batong isinasalansan nila pataas
para lalo nilang matanaw ang kalawakan ng karagatan pero wala pa rin ang hinihintay.
Kaya’t sumulat ng liham ang asawa sa pamamagitan ng dugong dumaloy sa kinagat
na daliri. Ikinabit ang liham sa isang ginawang saranggola at ipinailanlang ito sa
kalawakan upang tangayin ng hangin.

Sa ibayong dagat, nakita ng Hai Seng ang saranggola habang nangungulila


itong nakatanaw sa dalampasigan. Nagpasya itong umuwi sakay ng bangkang may
layag na gawa ng mga kasamahan sa pulo. Laking tuwa niya nang matanaw ang
tuktok ng bundok at makita ang asawa at hipag. Nagkawayan sila ngunit biglang
sinalpok ng malaking alon ang kanyang sinasakyan at tinangay siya ng alon. Nakita
ito ng maghipag. Agad silang bumaba ng bundok at tinangka siyang sagipin ngunit
pati sila’y nilamon ng mabagsik na karagatan. Nalungkot ang buong nayon. Dahil dito,
nagtayo sila ng pagoda sa salansan ng mga bato sa tuktok ng bundok. Tinatawag nila
ito ngayong Pagoda ng Maghipag o Ko So Thah.
“Wag na ‘Wag Kang Mapapagod na Mahalin Ako”
ni Genaro R. Gojo Cruz

Ang tula ay patungkol sa dalawang tauhan kung saan ipinapakita sa tula ang
pagmamahal ng manunulat sa kanyang kabiyak. Sa unang bahagi ng tula inilahad ng
manunulat rito ang kanyang saloobin tungkol sa kanilang relasyon at ang
nararamdaman niya sa kasalukuyan nilang kalagayan. Sa pagbibigay ng manunulat
ng kaniyang mga saloobin ito ay patungkol sa mga pangyayari sa kanilang tahanan at
iniisip niya ang mga ginagawa ng kanyang kabiyak sa kanyang pinagtratrabahuhan.

Ang manunulat ay ginagawa ang lahat ng kaniyang makakaya para sa kaniyang


kabiyak ngunit sila ay sinusubok dahil sa pagpalit ng kanilang posisyon kung saan ang
manunulat ang nananatili sa kanilang tahanan at ang kanyang kabiyak naman ang
naghahanap-buhay. Iniisip ng manunulat kung inaalala rin ba siya ng kanyang
kabiyak. Labis ang kalungkutan at pighati ng manunulat sapagkat pumapasok sa
kaniyang isipan na maaari siyang hiwalayan ng kanyang minamahal dahil sa
pagbaliktad ng kanilang mundo at hindi ito ang inaasahan na buhay ng kaniyang
kabiyak. Natatakot ang manunulat na tuluyang mapagod at sumuko na sa kanilang
relasyon ang kaniyang minamahal at maging dahilan ng tuluyang pag-alis ng kanyang
kabiyak.

Sa wakas ng tula humihingi ng paumanhin ang manunulat dahil iyon lamang


ang buhay na kaya niyang maibigay at dahil hindi ito ang buhay na inaasahan ng
kanyang kabiyak. Ang manunulat ay nakikiusap rin na huwag mapagod ang kaniyang
kabiyak kahit man marami siyang pagkukulang at pagkakasala. Nakikiusap rin ang
manunulat na huwag magsawang mahalin siya lalo na’t nawawalan na rin ito ng
respeto sa sarili kahit alam na ng manunulat na malayo na ang loob ng kaniyang
minamahal.

You might also like