You are on page 1of 42

Pagsulat

ng
Panukalang
Proyekto
Anong pinakahuling proyekto sa inyong paaralan o pamayanan ang
iyong nabalitaan o natatandaan na nagdulot ng malaking
pakinabang para sa iyo at sa maraming tao? Sagutin sa
pamamagitan ng Pyramid Diagram

Pangalan/ Pamagat
ng Proyekto
Nagpanukala o nanguna
sa proyekto
Lugar kung saan isinagawa
o ipinatupad

Petsa ng Pagpapatupad

Tao/ mga taong nagpapatupad/


nagsasagawa ng proyekto

Pakinabang o magandang dulot ng


proyekto
Panukalang Proyekto
• Ayon kay Dr. Phil Bartle ng
The Community Empowerment
Collective, isang samahang
tumutulong sa mga
nongovernmental organization
(NGO) sa paglikha ng mga pag-aaral
sa pangangalap ng pondo, ang
panukala ay isang proposal na
naglalayong ilatag ang mga plano o
adhikain para sa isang komunidad o
Panukalang Proyekto

• Ito ay nangangahulugang isang


kasulatan ng mungkahing
naglalaman ng mga plano ng
gawaing ihaharap sa tao o
samahang pag-uukulan nito na
siyang tatanggap at magpapatibay
nito.
Panukalang Proyekto
• Ayon naman kay Besim Nebiu, may
akda ng Developing Skills of NGO Project
Proposal Writing,
ang panukalang proyekto ay
isang detalyadong deskripsyon
ng mga inihahaing gawaing
maglalayong lumutas ng isang
problema o suliranin.
Panukalang Proyekto

• Una sa lahat, ito ay


kailangang maging tapat
na dokumento na ang
pangunahing layunin ay
makatulong at makalikha
ng positibong pagbabago.
Panukalang Proyekto

• Ayon kay Bartle (2011),


kailangan nitong magbigay
ng impormasyon at
makahikayat ng
positibong
pagtugon mula sa pinag-
uukulan nito.
Mga Dapat
Gawin
sa Pagsulat
ng
Panukalang
Proyekto
Mga Dapat Gawin sa
Pagsulat ng Panukalang
Proyekto
Jeremy Miner at
• Ayon kina
Lynn Miner sa kanilang aklat na
A Guide to Proposal Planning and
Writing, sa pagsasagawa ng
panukalang papel, ito ay kailangang
magtaglay ng tatlong
mahahalagang bahagi at ito ay
ang sumusunod:
TATLONG MAHALAGANG BAHAGI
NG PANUKALANG PROYEKTO:

a. Pagsulat ng Panimula ng
Panukalang Proyekto
b. Pagsulat ng Katawan ng
Panukalang Proyekto
c. Paglalahad ng Benepisyo ng
Proyekto at Mga Makikinabang Nito
A. Pagsulat ng Panimula ng
Panukalang Proyekto

• Ang unang mahalagang hakbang


na dapat isagawa ay ang
pagtukoy sa
pangangailangan ng
komunidad, samahan, o
kompanyang pag-uukulan ng iyong
project proposal.
A.Pagsulat ng Panimula ng
Panukalang Proyekto

• Tandaan na ang pangunahing dahilan ng


pagsulat ng panukalang proyekto ay
upang makatulong at
makalikha ng positibong
pagbabago. Higit na magiging tiyak,
napapanahon, at akma kung matutumbok
mo ang tunay na pangangailangan ng pag-
uukulan nito. Ang pangangailangan ang
magiging batayan ng isusulat na panukala.
A.Pagsulat ng Panimula ng
Panukalang Proyekto

• Maisasagawa ang unang bahaging ito sa


pamamagitan ng pagmamasid sa
pamayanan o kompanya. Maaaring
magsimula sa pagsagot sa sumusunod na
mga tanong:
1. Ano- ano ang pangunahing suliranin
na dapat lapatan ng agarang
solusyon?
2. Ano- ano ang pangangailangan ng
pamayanan o samahang ito na nais
A.Pagsulat ng Panimula ng
Panukalang Proyekto
• Mula sa mga sagot na makukuha sa mga
nakatalang tanong ay makakakalap ka ng
mga ideyang magagamit sa pag-uumpisa
ng pagsulat ng panukalang proyekto. Ilang
halimbawa nito ay ang sumusunod:
Sa Barangay Pagkakaisa, ang dalawang
suliraning nararanasan ng mga mamamayan
ay ang sumusunod:
1. Paglaganap ng sakit na dengue
2. Kakulangan sa suplay ng tubig
A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang
Proyekto
Mula sa mga nabanggit na
suliranin ay itala ang mga kailangan
ng Barangay Pagkakaisa upang
malutas ang kanilang mga suliranin.
1. Paglaganap ng sakit na dengue
a. Pagtuturo sa mga mamamayan
tungkol sa pangangalaga sa
kalinisan ng kapaligiran upang
maiwasan ang paglaganap ng
A. Pagsulat ng Panimula ng
Panukalang Proyekto
2. Kakulangan sa suplay ng
tubig
a.Pagtuturo sa mga
mamamayan sa wastong
paggamit at pagtitipid ng tubig
b.Pagpapagawa ng poso para sa
bawat purok ng barangay
• Maraming suliranin ang maaaring makita
sa isang pamayanan, kompanya, o
samahan.

• Sa mga pamayanan,ito ay maaaring


kakulangan sa maayos na mga ilaw sa
kalsada, kawalan ng basketball court
para sa mga kabataan, kakulangan ng
mga health center sa mga makabagong
gamit at gamot, at iba pa.
• Sa mga kompanya
naman o sa mga
institusyon, maaaring
ang mga suliranin ay
kakulangan sa
conference room,
kakulangan sa maayos
na daloy ng
komunikasyon sa bawat
• Mula rito ay maaari mo nang isulat
ang panimula ng panukalang
proyekto kung saan ito ay
naglalaman ng suliraning
nararanasan ng pamayanan,
kompanya, o organisasyong
pag-uukulan nito at kung paanong
makatutulong sa kanilang
pangangailangan ang panukalang
proyektong isasagawa.
• Tinatawag ang bahaging ito ng
Makikita rito ang maikling
paglalarawan ng pamayanan,
ang suliraning nararanasan
nito, at ang pangangailangan
nito upang masolusyunan ang
nabanggit na suliranin.
Nakapaloob din ang mga
benepisyo o mga kabutihang
maaaring idulot nito kung
Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng
Panukalang Proyekto

B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang


Proyekto
- Ito
ay binubuo ng
layunin, plano na dapat
gawin, at badyet.
B. Pagsulat ng Katawan ng
Panukalang Proyekto
1. Layunin- makikita ang
mga bagay na gustong
makamit o ang pinaka-
adhikain ng panukala.
Kailangang maging tiyak ang
layunin ng proyekto.
Kailangang isulat ito batay sa
Jeremy Miner at Lynn Miner (2005)
• Ang layunin ay kailangang maging SIMPLE.
*Specific- nakasaad ang bagay na nais makamit o
mangyari sa panukalang proyekto
*Immediate- nakasaad ang tiyak na petsa kung
kailan ito matatapos
*Measurable- may basehan o patunay na
naisakatuparan ang nasabing proyekto
*Practical- nagsasaad ng solusyon sa binanggit
na suliranin
*Logical- nagsasaad ng paraan kung paano
makakamit ang proyekto
*Evaluable- nasusukat kung paano makatutulong
ang proyekto
Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng
Panukalang Proyekto

2. Plano na Dapat Gawin- Matapos maitala


ang layunin, maaari nang buoin ang talaan
ng mga gawain o plan of action na
naglalaman ng mga hakbang na isasagawa
upang malutas ang suliranin. Mahalagang
maiplano itong mabuti ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod ng pagsasagawa nito
kasama ang mga taong kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng mga gawain. Ito rin ay
dapat na maging makatotohanan. Ikonsidera
rin ang badyet sa pagsasagawa nito.
Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng
Panukalang Proyekto

B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto


Mas makabubuti kung isasama sa
talatakdaan ng gawain ang petsa kung
kailan matatapos ang bawat bahagi ng
plano at kung ilang araw ito gagawin.
Kung hindi tiyak ang mismong araw na
maaaring matapos ang mga ito ay
maaaring ilagay na lamang kahit ang
linggo o buwan.
Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng
Panukalang Proyekto

3. Badyet- isa sa
pinakamahalagang bahagi
ang anumang panukalang
proyekto ay ang wasto at
tapat na paglalatag ng
kakailanganing badyet para
rito. Ito ay talaan ng mga
gastusin na kakailanganin sa
• Isama sa talaan ng badyet ang
iba pang mga gastusin tulad
ng:
a.Suweldo ng mga manggagawa
b.Allowance para sa mga
magbabantay sa pagsasagawa
nito
• Narito ang ilang mahahalagang
bagay na dapat tandaan sa
paggawa ng badyet para sa
panukalang proyekto ayon sa
datos mula sa modyul tungkol sa
pagsulat ng panukalang proyekto
na may pamagat na “Paghahanda
ng Isang Simpleng Proyekto.”
a.Gawing simple at malinaw
ang badyet upang madali
itong maunawaan ng
ahensiya o sangay ng
pamahalaan o institusyon
na mag-aaproba at
magsasagawa nito.
b.Pangkatin ang mga
gastusin ayon sa
c. Isama sa iyong badyet maging ang
huling sentimo.
d. Siguraduhing wasto o tama ang
ginawang pagkukuwenta ng mga
gastusin. Iwasan ang mga bura o
erasure sapagkat ito ay
nangangahulugan ng integridad at
karapat-dapat na pagtitiwala para sa
iyo.
Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng
Panukalang Proyekto
C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at
Mga Makikinabang Nito
• Kadalasan ang panukalang
proyekto ay naaaprobahan kung
malinaw na nakasaad dito kung
sino ang matutulungan ng
proyekto at kung paano ito
makatutulong sa kanila.
Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng
Panukalang Proyekto
C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga
Makikinabang Nito
Mahalagang maging ispesipiko sa tiyak
na grupo ng tao o samahang
makikinabang sa pagsasakatuparan ng
layunin.
Halimbawa ng mga makikinabang ay
mga bata, kababaihan, mga
magsasaka, mahihirap na pamilya, mga
negosyante, atbp.
Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng
Panukalang Proyekto

C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at


Mga Makikinabang Nito
Dito rin maaaring ilahad ang
mga dahilan kung bakit
dapat aprobahan ang
ipinasang panukalang
proyekto.
Balangkas
ng
Panukalang
Proyekto
1. Pamagat ng
Panukalang Proyekto
• Ito ay hinango mismo sa
inilahad na
pangangailangan bilang
tugon sa suliranin.
2. Nagpadala
• Naglalaman ito ng
tirahan ng sumulat ng
panukalang proyekto.
3. Petsa o Araw
• Araw kung kailan ipinasa
ang panukalang papel.
Isinasama rin sa bahaging
ito ang tinatayang panahon
kung gaano katagal
gagawin ang proyekto.
4. Pagpapahayag ng
Suliranin
• Dito nakasaad ang
suliranin at kung bakit
dapat maisagawa o
maibigay ang
pangangailangan.
5. Layunin
• Naglalaman ito ng mga
dahilan o kahalagahan
kung bakit dapat
isagawa ang panukala.
6. Plano ng Dapat Gawin
• Dito makikita ang talaan ng
pagkakasunod-sunod ng mga
gawaing isasagawa para sa
pagsasakatuparan ng proyekto
gayundin ang petsa at bilang ng
araw na gagawin ang bawat isa.
7. Badyet
• Ang kalkulasyon ng mga
guguling gagamitin sa
pagpapagawa ng
proyekto.
8. Paano Mapakikinabangan ng
Pamayanan/Samahan ang
Panukalang Proyekto
• Ito ang nagsisilbing konklusyon ng
panukala kung saan nakasaad
dito ang mga taong makikinabang
ng proyekto at benepisyong
makukuha nila mula rito.

You might also like