You are on page 1of 14

Pagsulat ng Pamanahong

Papel, Posisyong Papel,


Reaksiyong papel, at Rebyu
PAMANAHONG PAPEL
• Kilala rin ito bilang term paper. Tuntungan ito upang
bumuo pa ng mas malawak na papel pananaliksik.
Laman ng akademikong sulating ito ang pag diskurso
sa isang napapanahong isyu. Mainam na mahimay-
himay ang paksa upang palitawin ang kahalagahan
upang ito ay pag-usapan. Ang masinop na pananaliksik
ukol sa kaligiran ng paksa ang magpapalinaw sa
tunguhin ng pamanahong papel.
• Mahalagang malinaw ang paglalahad ng layuning pangkalahatan na
palalakasin ng mga tiyak na layunin. Kailangan ding mayroong
paglalahad ng kahalagahan kung bakit marapat na talakayin ang
napapanahong isyu o paksa na tiyak na magbibigay ng kaalaman upang
imulat ang mamamayan.
• Magkaugnay ang pagbuo ng lagom, konklusyon, at rekomendasyon sa
paglikha ng makatuwiran at mapagkakatiwalaang pamanahong papel. Sa
tulong ng pagtalakay sa isang napapanahong isyu, nagiging malinaw ang
penomenong nangyayari sa ating lipunan.
POSISYONG PAPEL
• Laman ng akademikong sulating ito ang opinion, saloobin, pananaw na
pinagyaman upang maging matibay na paninindigan. Sa akademikong
sulating ito mamamalas ang matibay na paglalahad ng katuwiran.
• Mahalagang inilalatag ng posisiyong papel ang mga posibilidad ukol sa
panig na pinaninindigan. Malinaw na ipinakikita ang sanhi at bunga ng mga
panig upang Makita ang maaaring kahinatnan ng ibinibigay na posisyon.
• Mahalagang kasangkapan sa posisyong papel ang pagtitimbang-timbang ng
iba’t-ibang perspektiba upang ang ipinapahayag na paninindigan ay
makaimpluwensiya at katigan ng ibang mambabasa o mamamayan.
Mangyayari ang isang matatag na posisyon sa pamamagitan ng
komprehensibong pagsasalansan ng mga impormasyon, datos, at patunay
na dapat isiwalat sa posisyong nais ipahayag.
REAKSIYONG PAPEL
• Laman ng akademikong sulating ito ang reaksiyon sa
napapanahong isyu. Ang reaksiyon ay nagmula sa pinaniniwalaang
panig ng manunulat. Masusi na tinimbang-timbang ang mga
maaring maging bunga ng isyung iikutan ng reaksiyong papel.
• Napapalawak ang lalamaning reaksiyon dahil sa dating kaalaman
o iksema ng manunulat. Ang dating kaalaman ay bunga ng
kabatirang ibinigay ng iba pang babasahin, napanood,
napakinggan, at higit sa lahat mga naranasan. Madaling
maisagawa ang pagbuo ng reaksiyong papel sapagkat nakasandig
ito sa opinion ng indibidwal.
• Madaling maipahayag ang opinyon lalo na kung ito ay
interes ng manunulat. Kaya naman ang reaksiyong
papel ay umiikot sa paninindigan o pananaw ng
manunulat. Mas maigsi itong maituturing sa ibang
akademikong sulatin. Subalit, hindi matatawaran nag
bisa nito bilang akademikong sulatin sapagkat
mababakas ditto ang kaalaman, kasanayan, at
paninindigan sa usapin ng pagsulat ng may akda.
REBYU
• Laman ng rebuy ang masusing pag-iisa-isa ng mga bahagi ng anumang
nais suriin o rebyuhin.
• Mahalagang mapalutang ang mga puntos na nais bigyang diin sa
mensaheng nais iparating o palutangin sa rebyu. Bukas ang anumang
rebuy sa iba’t-ibang pagsipat o perspektiba batay sa kakayahan ng
manunuri ng pelikula, programang telebisyon, o akda.
• Dahil pagsasalaysay ng nilalaman ng may akda o materyal ang rebuy,
marapat na maiparating ng maunuri ang sariling pananaw mula sa
ideolohiya o perspektibang nais pagtuunang pansin at bigyan ng angkop
na diin.
Pagsulat ng rebyu ng isang Pelikula
• Pangunahing sangkap sa makabuluhang rebyu ang pagtukoy ng iba’t-ibang elemento
tulad ng banghay at aspektong sining at teknikal ng buong pelikula. Mainam na isa-
isahin ang sumusunod na elemento bilang gabay sa pagsusuri o pagrerebyu:
- Kuwento o banghay - Iskrip- Kabuuang direksiyon at
- Tema at Isyung Panlipunan - sinematograpiya Produksiyon
- Karakter: Bida at Kontrabida - Musika - Aral at pagpapahalaga
- Pagganap - Costume - Rekomendasyon
- Tagpuan at Panahon - Editing
• Dapat ipakita dito ng sumusulat na may katibayan ang kanyang mga puna
o impresyon. Maaaring mang-iwan ng pangungusap o tanong na pag-
iisipan ng mga mambabasa sa pagtatapos (conclusion)
EPEKTIBONG PAGSULAT NG POSISYON,
PAMANAHON, REAKSIYONG PAPEL, AT REBYU

Kaalaman at kasanayan sa:


- Pagtukoy sa isyu
- Pag-alam sa sanhi at bunga
- Pagsusuri sa suliranin at solusyon
- Pagbuo ng konlusyon at rekomendasyon

Ang talas ng isip at pandama ay


magdudulot ng mga mabisang sangkap sa
pagsulat tulad ng:
- Opinyon
- Pananaw
- Paninindigan

You might also like