You are on page 1of 4

PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

SANAYSAY ay anyo ng pagsasalaysay na mas maikli kompara sa


anyo nito tulad ng maikling kuwento at nobela. Isang
likas na katangiang ikinatatampok ng sanaysay ay ang
tahas na paglalaman nito ng mga pananaw, pagsusuri,
at opinyon ng manunulat sa
isang pangyayari o isyu na nakapukaw ng kanyang
interes o damdamin.
ANO NGA BA ANG REPLEKTIBONG SANAYSAY Ito ay pumapaksa sa mga pangkaraniwang isyu,
pangyayari, o karanasan na hindi na ngangailangan ng
mahabang pag-aaral. May
kalayaan ang pagtatalakay sa mga puntong nilalaman
nito na karaniwan ay mula sa karanasan ng manunulat o
pangyayaring kaniyang nasaksihan.

AYON KAY MICHAEL STATFORD Ang Replektibong Sanaysay ay kinapapalooban ito ng


pagbabahagi ng mga bagay na naiisip, nararamdaman,
pananaw, at damdamin hinggil sa isang paksa at kung
paano ito nakalikha nh epekto sa taong sumusulat nito.

AYON KAY KORI MORGAN Ang Replektibong Sanaysay ay nagpapakita ng personal


na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang
karanasan o pangyayari. Ibinabahagi nito sa mga
mambabasa ang kalakasan at
kahinaan ng sumulat batay sa mga karanasang
natutuhan o nakuha.
TANDAAN Madalas, ibinabahagi rin ng sumulat ang kaniyang mga
natutuhan at kung paano pa pauunlarin ang mga
kahinaan hinggil sa isang tiyak na aspekto ng buhay.
Dahil ito ay kadalasang nakabatay sa
personal na karanasan, malayang makapipili ng paksa o
pangyayaring bibigyang-pansin sa pagsulat ang
manunulat.
HALIMBAWA NG MGA PAKSANG MAAARING  Librong katatapos lamang basahin
GAWAN NG REPLEKTIBONG SANAYSAY  Katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik
 Pagsali sa isang pansibikong Gawain
 Isyung panlipunan
 At marami pang iba
TANDAAN Ang pagsulat ng Replektibong Sanaysay ay naglalayong
bigyang-katwiran, ipaliwanag, o suriin ang partikular na
salaysay at palutangin ang halaga nito o ang maidudulot
nito, depende sa layon ng manunulat, sa buhay ng tao,
at sa lipunan.

PAALALA Sa pagsulat ng Replektibong Sanaysay, maaari nang


sabihin na ang tahas na katangiang sanaysay ay
tinataglay rin ng replektibong uri nito dahil ang
pagsasalaysay ng subhetibong paksa ay dumadaan sa
masusing pagsusuri upang makita ang kahulugan at
kahalagahan sa obhetibong pamamaraan.

2 URI NG SANAYSAY
PORMAL Ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos
at mariin at bunga ng isang maingat na pagtitimbang-
timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan. Kung
minsa’y tinatawag din itong impersonal o siyentipiko
sapagkat ito’y binabasa upang makakuha ng
impormasyon.
IMPORMAL Tinatawag din itong pamilyar o personal, at nagbibigay-
diin sa isang estilong nagpapamalas ng katauhan ng
may-akda. Karaniwan itong may himig parang
nakikipag-usap o nais magpakilala ng isang panuntunan
sa buhay. Ito’y naglalarawan ng pakahulugan ng
may-akda sa isang pangyayari sa buhay, nagtatala ng
kaniyang pagbubulay-bulay, at naglalahad ng kaniyang
kuro-kuro o pala-palagay.
MGA BAHAGI NG REPLEKTIBONG SANAYSAY
PANIMULA Ang panimula ay sinisimulan sa pagpapakilala o
pagpapaliwanag ng paksa o gawain. Maaaring ipahayag
nang tuwiran o di tuwiran ang pangunahing paksa. Ang
mahalaga ay mabigyang-panimula ang mahalagang
bahagi ng buhay na pupukaw sa interes ng mambabasa.
KATAWAN Ang katawan ng replektibong sanaysay ay naglalaman
ng malaking bahagi ng salaysay, obserbasyon,
realisasyon, at natutuhan. Ipinaliliwanag din dito kung
anong mga bagay ang nais ng mga manunulat na
baguhin sa karanasan, kapaligiran, o sistema.
KONGKLUSYON Sa pagtatapos ng isang replektibong sanaysay, dapat
mag-iwan ng isang kakintalan sa mambabasa. Dito na
mailalabas ng manunulat ang punto at kahalagahan ng
isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at mga pananaw
niya rito. Dito na rin niya masasabi kung ano ang
ambag ng kaniyang naisulat sa pagpapabuti ng katauhan
at kaalaman para sa lahat.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG
REPLEKTIBONG SANAYSAY
1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan
ng nilalaman ng sanaysay
2. Isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip.
Tanggap nang gamitin ang mga panghalip na ako, ko, at
akin sapagkat ito ay kadalasang nakasalig sa personal na
karanasan.
3. Tandaan na bagama’t nakabatay sa personal na
karanasan, mahalagang magtaglay ito ng patunay o
patotoo batay sa iyong mga naobserbahan o
katotohanang nabasa hinggil sa paksa upang higit na
maging mabisa at epektibo ang pagkakasulat nito.
4. Gumamit ng pormal na salita sa pagsulat nito.
Tandaang ito ay kabilang sa akademikong sulatin.
5. Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito.
Gawing malinaw at madaling maunawaan ang gagawing
pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan upang
maipabatid ang mensahe sa mga babasa.
6. Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa
pagsulat ng sanaysay: introduksiyon, katawan, at
kongklusyon.
7. Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng
mga talata.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG
SANAYSAY
PAGSULAT NG SIMULA Maaaring mag-umpisa sa pagsagot sa sumusunod na
mga tanong: Ano ang aking nararamdaman o pananaw
tungkol sa paksa? Paano ito makaaapekto sa aking
buhay? Bakit hindi ito makakaaapekto sa aking
pagkatao? Matapos masagot ang mga tanong na ito,
lagumin ang iyong mga sagot sa loob ng isang
pangungusap. Ito ang magsisilbing tesis o pangunahing
kaisipanh siyang magiging gabay o batayan sa pagsulat
ng iyong replektibong sanaysay.
Sa pagsulat ng panimula, tandaang ito ay dapat na
makapukaw sa atensiyon ng mga mambabasa.
Maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan sa pagsulat ng
mahusay na panimula. Maaaring gumamit ng kilalang
pahayag o quotation, tanong, anekdota, karanasan, at
iba pa. Sundan agad ito ng pagpapakilala ng paksa at
layunin ng pagsulat ng sanaysay na siyang magsisilbing
preview ng kabuoan ng sanaysay. Isulat ito sa loob
lamang ng isang talata.
PAGSULAT NG KATAWAN  Maglagay sa bahaging ito ng mga obhetibong
datos batay sa iyong naobserbahan o
naranasan upang higit na mapagtibay ang
kaisipang iyong ipinaliliwanag.
 Makatutulong nang Malaki kung gagamit din ng
mga mapagkakatiwalaang mga sanggunian
bilang karagdagang datos na magpapaliwanag
sa paksa.
 Sa bahagi ring ito makikita o isusulat ang iyong
mga napagnilay-nilayan o mga natutuhan.
Magbigay rin ng mga patotoo kung paano
nakatulong ang mga karanasang ito sa iyo.
PAGSULAT NG WAKAS Muling banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa ng
sanaysay. Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit
kung paano mo magagamit ang iyong mga
natutuhan sa buhay sa hinaharap. Bilang pangwakas,
maaaring magbigay ng hamon sa mga mambabasa na
sila man ay magnilay sa kanilang buhay hinggil
sa iyong natutuhan o kaya naman ay mag-iwan ng
tanong na maaari nilang
pag-isipan.

You might also like