sanaysay na ang pinanggagalingan ng mga ideya nito ay
mula sa pinuntahang lugar, hindi lamang ang lugar ang tinatampok dito pati rin ang mga kultura, tradisyon, pamumuhay, uri ng mga tao, damdamin ng isang taong nakaranas pumuntsa sa partikular na lugar at lahat ng aspektong natuklasan ng isang manlalakbay. A. Ang Paglalakbay at Pagsulat Ang travelogue o lakbay sanaysay ay maaaring dokumentaryo, pelikula, palabas sa telebisyon o ano mang bahagi ng panitikan na nagpapakita at pagdodokumento ng iba't ibang lugar na binisita at mga karanasan dito ng isang turista at dokumentarista.
Kasabay ng paglaganap ng social media, lumaganap na rin ang travel
blogging. Sa pamamagitan ng travel blog, nabibigyan ng ideya ang mga manlalakbay kung ano ang aasahang makita, mabisita, madanas at makain sa isang lugar. Malaki ang naitutulong ng travel blog para sa mga taong nagpaplano pa lamang ng kanilang bakasyon. Nagbigay si Dinty Moore(2013) ng mga payo kung paanong epektibong makakapagsulat habang naglalakbay:
1. Magsaliksik. Magsaliksik at magbasa nang malalim tungkol sa destinasyon bago
dumating sa lugar. Unawain ang kasaysayan, ekonomiya, kultura, agrikultura, pagkain, relihiyon, at mga paniniwala ng pupuntahang lugar.
2. Mag-isip nang labas pa sa ordinaryo. Bilang isang mananaysay, kailangan mo
magpakita ng mas malalim na anggulong hindi basta namamalas ng mata. Kailangan mong magkwento ng karanasan, humanap ng malalim na kahulugan at mailarawan ang lahat ng mga itosa malikhaing paraan.
3. Maging isang manunulat. Para sa epiktibong pagsulat, makabubuti ang pagkuha ng
larawan at mga tala sa mga bagay na naoobserbahan at naririnig mo. B. Mga gabay sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay Ayon kay Moore (2013):
1. Hindi kailangang pumunta sa ibang bansa o malayong lugar upang
makahanap ng paksang isusulat. Halimbawa, kung nasa probinsya ka, maaaring humanap ng sakahan o linangan na nagmamanupaktyur ng gatas o keso. Kung sa urban, maaari mong maging karanasan ang ingay ng Manila sa gabi o kung may mga espesyal na pagdiriwang.
2. Huwag piliting pasyalan ang napakaraming lugar sa iisang araw
lamang. Kailangang malalim at malawak ang pagdanas sa karanasan sa isang lugar upang maging malalim din ang insight na maaaring ibigay sa sanaysay. 3. Ipakita ang kwentong-buhay ng tao sa iyong sanaysay. Malaki ang adbentahe mo kung nauunawaan mo at nagagamit ang wika ng lokalidad, ngunit kung hindi, maaari kang makipagkaibigan sa isang lokal na nakakaunawa ng Filipino o Ingles upang lubos mong maunawaan ang paraan ng pamumuhay sa isang lugar.
4. Huwang magpakupot sa mga normal na atraksyon at pasyalan.
Huwag piliting isulat ang mga madalas nang nakikita sa postcard ng mga turista.
5. Hindi lahat ng paglalakbay ay positibo at puno ng kaligayahan. Kung
habang naglalakbay ay nabiktima ka ng pagnanakaw opanloloko, isulat mo kung ano ang naramdaman mo tungkol dito. 6. Alamin mo ang mga natatanging pagkain na sa lugar laang na binisita matitikman at pag-aralang lutuin ito. Maaaring magpaturo sa mga lokal na makikilala sa lugar para sa layuning ito.
7. Sa halip na mga popular at malalaking katedral, bisitahin ang maliliit
na pook-sambahan ng mga taong hindi gaanong napupuntahan at isulat ang kapayakan ng pananampalataya rito. Ito ang hindi madalas nababasa sa mga aklat at iba pang babasahin, kung kaya ito ang magandang maging paksa ng isang Lakbay-Sanaysay.
8. Isulat ang karanasan at personal na repleksyon sa paglalakbay. Ibang-
iba ang kalalabasan ng isang Lakbay-Sanaysay na isinulat ng isang guro, sa isinulat ng isang mag-aaral. Mga Halimbawa ng Lakbay Sanaysay sa Pilipinas 1. Baguio Trip ni Kath Uson
2. Ang Hiwaga ng El Nido, Palawan ni Ac Santos
3. Paglalakbay sa Aklan ni Kristine Lyca M.
Pondoyo
4. Ang Lalawigan ng Albay sa Loob ng Limang
NARRA AVENUE Narra Avenue, pamilyar ka ba sa lugar na iyon? Marahil ay hindi, pero lagi mong nadadaanan iyon. Sa bawat pawis na lumalabas sa katawan gawa ng mabilis na pagtakbo makaabot lamang sa klase. Tipong kakapasok mo pa lang ngunit mukha ka nang pauwi dahil sa haba ng nilakad mo. Nagkakaideya ka na ba kung ano ang ngalan ng lugar na ito? O wala ka pa ring ideya? Ang daanang ito ay saksi sa napakaraming kahihiyan, kasiyahan, kalungkutan, at katatagan. Dito mo naranasan magpayong sa ilalim ng bubong, makipagpatintero sa bawat patak ng ulan na tumatagos sa bubongan. Sigurado akong mayroon ka nang ideya kung ano ito. "Plant box" ito kung iyong tawagin, hintayan niyo ng mga kaibigan mo at tambayan na din. Sa napakadami nang bumabagabag, ito lang ang nagsisilbing lugar kung saan nagiging payapa ako, at alam kong minsan sa buhay mo sa paaralang ito, dito ka din dumadayo upang magpahinga. Dito ka umiiyak mag-isa at tumatawa kasama ang barkada. Nang mga panahong nagsilbi itong sandigan mo noong mga panahong nagsabay-sabay ang mga gawain at hindi mo alam kung ano ang uunahin. Naranasan ko na rin dito na makipag-away saking mga kagrupo dahil sa mga hindi natuloy na plano. Sa maikling panahon ng pananatili ko sa MPC ay marami akong naubos na oras sa pagpapraktis at pagsisiyasat sa lugar na ito.
Marahil marami tayong hindi magandang karanasan sa paaralang ito, marami
man tayong nireklamo dahil sa sistema, mga guro at pasilyo, ngunit hindi nito matutumbasan ang lahat ng aral at karanasan na bumuo sa ating katuhan. Isa itong lakbay sanaysay sa Politeknikong Kolehiyo ng Marikina at kung paano nito binago ang aking buhay. Ang Hiwaga ng El-Nido Palawan https://galalakbaylakad.wordpress.com/2018/05/22/ang-hiwaga-ng-el-nido- palawan/amp/ Ang Lalawigan ng Albay sa Loob ng Limang Araw ni Gracie Sarmiento https://galalakbaylakad.wordpress.com/2018/05/22/gracie-sarmiento/amp/ Bagio Trip https://www.google.com/amp/s/http543.wordpress.com/2016/10/17/lakba y-sanaysay-baguio-trip/amp/ Filipino sa Larangang Akademiko, International Book Royal Inc. Lakbay Sanaysay, https://philnews.ph/2019/07/23/lakbay-sanaysay- kahulugan-layunin/ Paglalakbay sa Aklan ni Kristine Lyca M. Pondoyo https://acerealsite.wordpress.com/2017/10/21/211/amp/ Miyembro:
Manansala, Romalyn Monghit, Jamie Rose Ordovez, Maria Theresa Rose Kayla Reig, Gudele Maxine Rodriguez, Rysa Wynnona Ruivivar, Chezka mae Salangsang, Fritzieb Ann Villanueva, Lea Mae