You are on page 1of 1

Gawin Natin Ito Sa Aralin 10

Gawain 1. Pag-unawa sa mga ideyang Natutuhan

Ipaliwanang ang mga sumusunod na ideya hinggil sa ulat. Maaring magbigay ng halimbawa
para maipaliwanag nang mabuti ang mga ideya.

Ideya Paliwanag
1. Nagsisimula ang maayos na ulat sa
pag-unawang mabuti sa paksa.
2. Ang taga ulat ay maaring magtakda ng
parameto o hangganan ng paksa para
sa ulat.
3. Kailangang magbigay ng bagong
impormasyon ang isang ulat.
4. Ang mga datos o impormasyon ay
dapat na nagmula sa
mapagkakatiwalaang sanggunian
5. Kailangan maging selektibo o mapili
sa gagamiting datos o impormasyon
6. Mahalaga ang dokumentasyon sa
pagsulat ng ulat.
7. Ang pag-uulat ay isang panlipunang
gawain.

Gawain 2. Humanap ng isang nakasulat na ulat.

Maaaring ito ay taunang ulat ng isang kompanya o institusyon, mapagsiyasat na ulat na


nalathala sa isang pahayagan o akademikong ulat na nalathala sa isang journal. Basahin ang
ulat at suriin ang nilalaman at paraan ng pagkasulat. Maaring gamitin ang sumusunod na
gabay sa pagsusuri:

1. Ano ang paksa ng ulat? Ano ang nakikita mong kabuluhan ng paksa sa panahong
lumitaw ang ulat?
2. Ano-anong datos na inilahad sa ulat? Makabaluhan, kapaki-pakinabang, napapanahon
at mapagkakatiwalaan ba ang mga ito?
3. Paano inihanay ang mga datos? Ano ang pangunahing estratehiyang ginamit sa
pagsasaayos ng datos? Angkop ba ang mga estratehiyang ito?
4. Ano ang mga nakikita mong halaga ng ulat na ito sa iyo at sa lipunan?
5. May nabago bas a pananaw mo matapos mong basahin ang ulat?

You might also like