You are on page 1of 3

Learning Activity Sheet (Week 9-10): Filipino sa Piling Larang

Background:

Pag-unawa sa paksa at Pagtitipon at Pag-oorganisa ng Datos: Pagsulat ng ulat

Paksa, Datos, Pananaw, Idea sa Pagsulat ng Report

Ang report o ulat ay anomang anyo ng pagpapahayag, maaring pasulat o pabigkas, na ang pangunahing
layunin ay magpaabot ng makabuluhang impormasyon sa isang indibidwal o isang grupo ng mambabasa,
manonood o tagapakinig. Ang pagpapahayag na ito ay karaniwang ginagawa sa isang pormal o
sistematikong paraan para matiyak na matatamo nito ang layuning makapagbigay ng kapaki-pakinabang
na impormasyon sa pinatutungkulan nito.

Ginagawa ang report sa halos lahat ng larang gaya ng pamahalaan, negosyo, siyensiya, medisina, batas,
edukasyon, at media. Ilan sa mga pamilyar na halimbawa nito ay ang:

1. Mapagsiyasat na ulat (investigative report)- Ulat na nag-iimbestiga tungkol sa isang napapanahong


isyung pampolitika o panlipunan, karaniwang ginagawa ng mga mamahayag, ahensiya ng
pampamahalaan, o non-government organization.

2. Taunang ulat (annual report) – Ulat tungkol sa mga nagawa o sa estado sa nagdaang taon ng isang
pampubliko o pribadong organisasyon.

3. Ulat Panahon (weather report)- Ulat tungkol sa kalagayan ng panahon; karaniwan ay ipinapahayag ito
sa pahayagan, radyo, telebisyon, at iba pang pampublikong daluyan ng impormasyon: ang ulat
kailangang napapanahon upang pakinabangan pa ng media

4. Ulat ng pulis (Police Report)- Ulat tungkol sa nangyaring aksidente, krimen, at iba pang kaugnay sa
isang tiyak na lugar o pamayanan.

5. Siyentipikong Ulat (Scientific Report)- Ulat tungkol sa resulta ng isang saliksik o eksperimento na
karaniwang inilathala sa siyentipikong journal o ipinepresenta sa isang kumperensiya.

Sa konteksto ng paaralan o unibersidad. Karaniwang nahihilingang mag-ulat sa klase ang mga


estudyante. Ang ulat ay madalas na nakasentro sa isang paksa at may layuning magbigay ng
makabuluhan, kapaki-pakinabang, napapanahon, at mapagkakatiwalang impormasyon sa kanilang mga
kaklase. Maaaring isa-isahin ang mga nabanggit na pamantayan.
 Makabuluhan- Ang mga datos o impormasyon ay may kaugnayan sa paksa
 Kapaki-pakinabang- Ang mga datos ay may kinalaman sa buhay ng mga babasa o makikinig
 Napapanahon- Ang mga datos ay bago o kung luma man, makatwiran ang paggamit ng gayong
datos
 Mapagkakatiwalaan- Ang mga datos ay nagmula sa mga pangunahing sangggunian (hindi iyong
galling sa Internet, pagbubuod, o sangguniang hindi kinikilala ang sumulat), sa mga sangguniang
maaring balikan para mapatunayan ang mga datos, sa mga sangguniang isinulat ng mga
kinikilala sa larang na sumasaklaw sa paksa o inilathala ng mga iginagalang na tagapaglimbag.

1
Isa sa mga importanteng element ng ulat sa klase ang nakasulat na ulat. Narito ang ilang gabay para
makabuo ang estudyante ng isang malinaw at maayos na ulat.

1. Unawaing mabuti ang paksa. Tukuyin ang mga susing salita o konseptong nakapaloob sa paksa at
bigyang depinisyon o ipaliwanag ang mga ito.
2. Tiyakin ang parametro o mga hangganan ng ulat, Ibig sabihin nito, kung malawak ang paksa, tiyakin
din kung anong bahagi o aspekto lamang nito ang iuulat
3. Kumuha lamang ng impormasyong may kinalaman sa paksa. Sa pangangalap ng impormasyon,
tiyaking magpokus lang sa paksa o sa parametrong dapat iulat
4. Umisip ng pinakapayak ngunit pinakamabisang paraan ng presentasyon ng ulat. Karaniwan, ang ulat
ay nakasentro sa isang paksa o maliit na aspekto lamang nito. Kaya hindi kailangang gawing komplikado
ang presentasyon ng mga datos ilan sa karaniwang disenyo ng presentasyon ang sumusunod:

a. Konsepto-halimbawa
b. Sanhi-bunga
c. Sitwasyon-dahilan
d. Problema-solusyon
e. Produkto-proseso
f. Paglalahad ng kasaysayan ayon sa takbo ng panahon
g. Paglalahad ng kasaysayan ayon sa takbo ng panahon

5. Tiyakin na may maibabahaging bagong impormasyon. Susi nito ang paghahanap ng bago at
mapagkakatiwalaang pagkukunan ng impormasyon tungkol sa paksa.
6. Gumamit ng mga pantulong na material. Maaring gumamit ng iba’t ibang pantulong na material para
magkaroon ng biswal na representasyon ang mga impormasyon
7. Gumamit ng angkop na sistema ng dokumentasyon. Mahalaga ang dokumentasyon ng mga
impormasyon kahit sa pagsulat ng ulat para a) bigyang pagkilala ang pinagkunan ng impormasyon, b)
mapatunayan na mapagkakatiwalaan ang sanggunian, at c) maituro ang babasa o tagapakinig material
kung gustopa nila ng karagdagang impormasyon.

2
Filipino sa Piling Larang

Name_____________________________Section_____________Date___________Teacher___________

I. Basahin ang halimbawang ulat sa itaas at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang paksa ng ulat?


2. Ano ang susing konsepto na nakatampok sa ulat?
3. Paano nililimitahan ng may-akda ang pagpapakahulugan sa susing konsepto?
4. Ano ang hangganan o parametro ng paksa ang itinakda ng may-akda sa kaniyang ulat?
5. Paano inihanay ng may-akda ang kaniyang mga datos?
6. Saan-saan kaya nagmula ang mga datos?
7. Ano-anong bagong impormasyon o ideya ang natutuhan mo sa ulat?
8. Batay sa ulat na ito, may nabago bas a paniniwala o pagpapahalaga mo sa wika? Ano ito?
9. Hindi gumamit sa ulat ng mga pantulong na material ang ulat. Kung ikaw ang sumulat ng ulat, anong
pantulong na material na isasama mo?
10. Anong uri at estilo ng dokumetasyon ang ginagamit sa ulat?

You might also like