You are on page 1of 25

ARALIN 1O

Pagsulat
ng Bionote
Bionote
Parang isang anyo rin ng character
sketch ang bionote o pagpapakilala sa
sarili. Isa itong anyo ng sulatin na
pumapaksa sa sarili o sa ibang tao,
maikli lamang, at karaniwang may
tonong pormal.
Pagsulat ng Bionote:
Pagpapakilala sa Sarili o
Pagpapakilala sa Indibidwal

May iba’t ibang sitwasyong nangangailangan


ng bionote. Ilan dito ang mga sumusunod:

1.para ipakilala ang may-akda ng isang aklat o


artikulo sa isang journal;

2. para ipakilala ang isang natatanging


indibidwal sa isang aklat na pang-general
reference tulad ng encyclopedia;
Pagsulat ng Bionote:
Pagpapakilala sa Sarili o
Pagpapakilala sa Indibidwal

3. para ipakilala ang isang tagapagsalita sa isang


kumperensiya o seminar;

4. para ipakilala ang isang panauhing pandangal


sa isang pormal na pagtitipon; at

5. para ipakilala ang isang natatanging indibidwal


na bibigyan ng parangal.
BIONOTE
Ang bawat bionote ay naglalaman ng mga
sumusunod:

Personal na impormasyon
Mga natapos sa pag-aaral
Mga natapos na training-workshop
Mga likha o naisagawa
Mga natamong pagkilala at gawad
ARALIN 11

Pagsulat
ng Ulat
REPORT O ULAT
Ang report o ulat ay anumang anyo ng
pagpapahayag, maaaring pasulat o pabigkas,
na ang pangunahing layunin ay magpaabot
ng makabuluhang impormasyon sa isang
indibidwal o isang grupo ng mambabasa,
manonood, o tagapakinig.
Paksa, Datos, Pananaw, Ideya
sa Pagsulat ng Report
Maituturing na malaman ang ulat kung nagtataglay ito ng
makabuluhan, sapat, at mapagkakatiwalaang datos para
matalakay nito ang isang paksa o matugunan nito ang inaasahang
layunin.

Maituturing naman na maayos ito kung malinaw ang


pagkakahanay ng datos at napapatingkad ang mahahalagang
kaalaman o ideya na nais maipaabot sa mambabasa o tagapakinig
MGA HALIMBAWA NG ULAT
1 MAPAGSIYASAT NA ULAT (INVESTIGATIVE REPORT

Ulat na nag-iimbestiga tungkol


sa isang napapanahong isyung
pampolitika o panlipunan.
MGA HALIMBAWA NG ULAT
2 TAUNANG ULAT (ANNUAL REPORT)

Ulat tungkol sa mga nagawa o sa


estado sa nagdaang taon ng isang
pampubliko o pribadong organisasyon.
MGA HALIMBAWA NG ULAT
3 ULAT PANAHON (WEATHER REPORT)

Ulat tungkol sa kalagayan ng panahon.


MGA HALIMBAWA NG ULAT
4 ULAT NG PULIS (POLICE REPORT)

Ulat tungkol sa nangyaring aksidente,


krimen, at iba pang kaugnay sa isang
tiyak na lugar o pamayanan.
MGA HALIMBAWA NG ULAT
5 SIYENTIPIKONG ULAT (SCIENTIFIC REPORT)

Ulat tungkol sa resulta ng isang


saliksik o eksperimento na karaniwang
inilalathala sa siyentipikong journal o
ipinepresenta sa isang kumperensiya.
Sa konteksto ng paaralan o unibersidad,
karaniwang nahihilingang mag-ulat sa
klase ang mga estudyante.
Ang ulat ay madalas na nakasentro sa
isang paksa at may layuning magbigay ng
makabuluhan, kapaki-pakinabang,
napapanahon, at mapagkakatiwalaang
impormasyon sa kanilang mga kaklase.
Pamantayan sa Pagsulat ng Ulat:

MAKABULUHAN
Ang mga datos o impormasyon ay
may kaugnayan sa paksa.
Pamantayan sa Pagsulat ng Ulat:

KAPAKI-PAKINABANG
Ang mga datos ay may kinalaman
sa buhay ng mga babasa o
makikinig.
Pamantayan sa Pagsulat ng Ulat:

NAPAPANAHON
Ang mga datos ay bago, o kung
luma man, makatwiran ang
paggamit ng gayong datos.
Pamantayan sa Pagsulat ng Ulat:

MAPAGKAKATIWALAAN
Ang mga datos ay nagmula sa mga pangunahing sanggunian
(hindi iyong galing sa Internet, pagbubuod, o sangguniang hindi
kinikilala ang sumulat), sa mga sangguniang maaaring balikan
para mapatunayan ang mga datos, sa mga sangguniang isinulat
ng mga kinikilala sa larang na sumasaklaw sa paksa o inilathala
ng mga iginagalang na tagapaglimbag.
GABAY PARA MAKABUO ANG ESTUDYANTE NG ISANG
MALINAW AT MAAYOS NA ULAT.

1. Unawain mabuti ang paksa

Tukuyin ang mga susing salita o konseptong


nakapaloob sa paksa at bigyang depinisyon o
ipaliwanag ang mga ito.
GABAY PARA MAKABUO ANG ESTUDYANTE NG ISANG
MALINAW AT MAAYOS NA ULAT.

2. Tiyakin ang parametro o mga hangganan


ng ulat

Tiyakin kung anong bahagi o aspekto


lamang ang iuulat.
GABAY PARA MAKABUO ANG ESTUDYANTE NG ISANG
MALINAW AT MAAYOS NA ULAT.

3. Kumuha lamang ng impormasyong may


kinalaman sa paksa

Magpokus lamang sa kahalagahan ng


paksa.
GABAY PARA MAKABUO ANG ESTUDYANTE NG ISANG
MALINAW AT MAAYOS NA ULAT.

4. Umisip ng pinakapayak ngunit pinakamabisang paraan ng


Ilan sa karaniwang disenyo ng presentasyon ang sumusunod:

a. Konsepto-halimbawa
b. Sanhi-bunga
c. Sitwasyon-dahilan
d. Problema-solusyon
e. Produkto-proseso
f. Paglalahad ng kasaysayan ayon sa takbo ng panahon
g. Introduksyon-metodo-resulta-pagtalakay
GABAY PARA MAKABUO ANG ESTUDYANTE NG ISANG
MALINAW AT MAAYOS NA ULAT.

5. Tiyakin na may maibabahaging bagong impormasyon.

6. Gumamit ng mga pantulong na materyal.

7.Gumamit ng angkop na sistema ng dokumentasyon.


Pangkatang Gawain
PAHINA 166-168
MS TEAMS - GROUP CHANNEL

You might also like