You are on page 1of 3

MINDANAO STATE UNIVERSITY- Maguindanao

Integrated Laboratory Science High School


Senior High School Department
Datu Odin Sinsuat, Maguindanao

ARALIN 10
PAG-UNAWA SA PAKSA AT PAGTITIPON AT
PAG-OORGANISA NG DATOS: PAGSULAT NG
ULAT

Pangkat 5:

DALANDA, Maleha I.

SALILAGUIA, Bai Sheryl A.

SUMAGKA, Alfaisah Z.

MOHAMAD, Jiana L.

ABDULRASID, Gibriel S.
Paksa, Datos, Pananaw, Ideya sa Pagsulat ng Report

Ang report o ulat ay anumang anyo ng pagpapahayag, maaaring pasulat o


pabigkas, na ang pangunahing layunin ay magpaabot ng makabuluhang
impormasyon sa isang indibidwal o isang grupo ng mambabasa, manonood, o
tagapakinig.
Ilan sa mga pamilyar na halimbawa nito ay ang:
1. Mapagsiyasat na ulat (investigative report) – Ulat na nag-iimbestiga tungkol
sa isang napapanahong isyung pampolitika o panlipunan.
2. Taunang ulat (annual report) – Ulat tungkol sa mga nagawa o sa estado sa
nagdaang taon ng isang pampubliko o pribadong organisasyon.
3. Ulat Panahon (weather report) – Ulat tungkol sa kalagayan ng panahon.
4. Ulat ng Pulis (police report) – Ulat tungkol sa nangyaring aksidente, krimen, at
iba pang kaugnay sa isang tiyak na lugar o pamayanan.
5. Siyentipikong Ulat (scientific report) – Ulat tungkol sa resulta ng isang saliksik
o eksperimento na karaniwang inilalathala sa siyentipikong journal o
ipinepresenta sa isang kumperensiya.
Sa konteksto ng paaralan o unibersidad, karaniwang nahihilingang mag-ulat sa
klase ang mga estudyante.
Ang ulat ay madalas na nakasentro sa isang paksa at may layuning magbigay ng
makabuluhan, kapaki-pakinabang, napapanahon, at mapagkakatiwalaang
impormasyon sa kanilang mga kaklase.
Maaaring isa-isahin ang mga nabanggit na pamantayan:
1. Makabuluhan – Ang mga datos o impormasyon ay may kaugnayan sa
paksa.
2. Kapaki-pakinabang – Ang mga datos ay may kinalaman sa buhay ng mga
babasa o makikinig.
3. Napapanahon – Ang mga datos ay bago, o kung luma man, makatwiran
ang paggamit ng gayong datos.
4. Mapagkakatiwalaan – Ang mga datos ay nagmula sa mga pangunahing
sanggunian (hindi iyong galing sa Internet, pagbubuod, o sangguniang
hindi kinikilala ang sumulat), sa mga sangguniang maaaring balikan para
mapatunayan ang mga datos, sa mga sangguniang isinulat ng mga
kinikilala sa larang na sumasaklaw sa paksa o inilathala ng mga
iginagalang na tagapaglimbag.

Narito ang ilang gabay para makabuo ang estudyante ng isang malinaw at
maayos na ulat.
1. Unawain mabuti ang paksa
2. Tiyakin ang parametro o mga hangganan ng ulat.
3. Kumuha lamang ng impormasyong may kinalaman sa paksa.
4. Umisip ng pinakapayak ngunit pinakamabisang paraan ng presentasyon ng
ulat.
Ilan sa karaniwang disenyo ng presentasyon ang sumusunod:
a. Konsepto-halimbawa
b. Sanhi-bunga
c. Sitwasyon-dahilan
d. Problema-solusyon
e. Produkto-proseso
f. Paglalahad ng kasaysayan ayon sa takbo ng panahon
g. Introduksyon-metodo-resulta-pagtalakay.
5. Tiyakin na may maibabahaging bagong impormasyon.
6. Gumamit ng mga pantulong na materyal.
7. Gumamit ng angkop na sistema ng dokumentasyon.

You might also like