You are on page 1of 5

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

(PGBASA080)
Ikaapat na Markahan | Unang Siklo

SULATING PANANALIKSIK
- Ang sulating pananaliksik ay malalimang pagtalakay sa isang tiyak at
paibang paksa.
- Pagsasama-sama ng mga datos na nasaliksik mula sa iba’t ibang primarya
at sekundaryang mapagkukunan ng impormasyon.
- Taglay rin nito ang obhetibong interpretasyon ng manunulat sa mga
impormasyong kanyang nakalap.

Katangian ng Sulating Pananaliksik


1. Obhetibo
- Naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyong
pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat
na sinaliksik, tinaya at sinuri.

2. Sistematiko
- Ito ay sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa
pagpapatunay ng isang katanggap-tanggap na kongklusyon.

3. Napapanahon o Maiuugnay sa Kasalukuyan


- Nakabatay sa kasalukuhang panahon, nakasasagot sa suliraning
kaugnay ng kasalukuyan at ang kalalabasan ay maaaring maging basehan
sa desisyong pangkasalukuyan.

4. Emperikal
- Ang konklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na
naranasan ng mananaliksik.
5. Masinop, Malinis, at Tumutugon sa Pamantayan

- Nararapat itong sumunod sa mga pamantayang inilahad at kakikitaan


ng pagiging masinop at malinis sa kabuoan.

5. Dokumentado
- Nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos. Binigyan
ng karampatang pagkilala ang pinagmulan ng mga ito.

Mga Uri ng Pananaliksik Ayon sa Tatlong Kategorya


Basic Research
- Ang resulta ng tinatawag na basic research ay agarang nagagamit para sa
layunin nito. Makatutulong din ang resulta nito para makapagbigay pa ng
karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral na sa salukuyan.
Action Research
- Ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espesipikong
problema o masagot ang mga espesipikong mga tanong ng isang
mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan.
Applied Research
- Ang resulta naman ng Applied research ay ginagamit o inilalapat sa
majority ng populasyon.

PAGPILI NG PAKSANG PANANALIKSIK


1. Balita
- Makakukuha ng paksa sa balita dahil dito mahalaga ang pagpapakita ng
mga kaganapang at napapanahon.
- Sumangguni sa balita kung ikaw ay naghahanap ng paksa para sa mga
pananaliksik tungkol sa agham, politika atbp.
2. Sarbey

- Isinasagawa sa pamamagitan ng pangangalap ng impormasyon mula sa


malaking grupo ng tao mula sa isang paksa.
- Dito malalaman kung ano ang saloobin o pulso ng madla.
3. Trending o Viral na Paksa
- Isa ito sa pinakamadali, mabilis, at malawak na paraan ng paghahanap ng
paksa.
- Kapag trending ang paksa, nangangahulugan na mainit at pinag-uusapan
ito ng maraming tao.

4. Dalubhasa (Expert)

- Kung personal na may kakilalang dalubhasa, maaari kang sumangguni at


humungi ng payo kung anong paksa ang mainam na saliksikin.

Mga Dapat Isalang-alang sa Pagpili ng Paksang Sasaliksikin

1. Kaalaman ng Mananaliksik sa Paksa

- Makatutulong ang pagiging maalam sa paksa ng mananaliksik dahil higit


niyang masusuri ang resulta ng datos na nakalap at mabibigyan niya ito ng
mas malawak na paglalagom.
2. Interes at Saloobin ng Mananaliksik sa Paksa

- Mas madaling maisagawa ang pananaliksik kung interesado at naayon sa


saloobin ng mananaliksik ang paksa.
3. Kahalagahan ng Paksa

- Kailangang isaalang-alang ng mananaliksik kung sino ba ang


makikinabang sa gagawin niyang pag-aaral at kung may maiaambag ba ito
o maibibigay ng solusyon.
4. Pananaw ng Publiko

- Mainam na isaalang-alang ng mananaliksik ang saloobin ang madla


tungkol sa paksa.

5. Mapagkukunan ng Impormasyon

- Hindi maituturing na makabuluhan ang pananaliksik kung wala naman


itong sapat na impormasyon.
6. Panahong Gugugulin

- May ibang pananaliksik na kailangang tutukan at paglaanan ng sapat na


oras.

7. Halaga ng Gastusin

- Mainam na batid ng mananaliksik kung gaano kalaki ang kakailanganing


pondo sa pagkuha ng impormasyon.

Pagbuo at Pag-aayos ng Pamagat

- Tandaan na hindi dapat mabulaklak at malikhain ang pagsulat dahil hindi


naman ito isang akdang pampanitikan.
- Dapat malinaw at tiyak ang pamagat.

Mga halimbawa ng Malabong Paksa na Isinaayos:


Kategorya Malabong Paksa Maayos na Paksa
Panahon Kasaysayan ng Pilipinas Kasaysayan ng Pilipinas sa Panahon ng
Pananakop ng mga Amerikano
Edad Matagumpay na mga Negosyante sa Asya
Matagumpay na mga Batang Negosyante sa Asya na nasa Edad 20-30 Taong
GulanG

Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa


1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin

- Bago pa man simulan ang pagpili ng iyong paksa ay mahalagang


malaman muna ang layunin sa pagbuo ng sulating pananaliksik para
maihanay o maiugnay sa mga layuning ito ang iyong gagawin.
2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik
- Isulat ang lahat ng ideyang papasok sa isipan para mas maraming
pagpipilian. Pag-isipan ang paksang malapit sa puso na tutugma sa
layunin ng pananaliksik.
3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya

- Muling balikan at isa-isang basahin ang mga isinulat mong ideya.


- Suriing mabuti ang bawat isa gamit ang sumusunod na mga tanong:
- Alin-alin sa mga ito ang magiging kawili-wiling gawin o saliksikin para sa
iyo?
- Bakit ka interesado rito?
- Alin ang posibleng makatulong sa iba kapag naihanap ito ng kasagutan?
- Alin ang alam na alam mo na? Alin ang gusto mo pang makilala o
mapalawak ang iyong kaalaman?
- Alin ang maaaring mahirap ihanap ng kagamitang pagkukunan ng
impormasyon?
- Alin ang masyadong malawak at mahirap gawan ng pananaliksik?
- Alin naman ang masyadong limitado o maliit ang sakop?
- Alin ang angkop sa iyong antas at kakayanin mong tapusin sa itinakdang
panahon?

4. Pagbuo ng tentatibong paksa

- Mula sa mga sagot mo sa tanong ay matutukoy mo kung alin sa mga


nakatala sa iyong papel ang maaari mong ipursige bilang paksa ng iyong
sulating pananaliksik.

5. Paglilimita sa paksa

- Tandaang hindi dapat maging masyadong malawak o masaklaw ang


paksa na sa dami ng impormasyong gusto nitong patunayan ay hindi na
matatapos sa takdang panahon.

You might also like