You are on page 1of 2

Kahalagahan ng Pananaliksik

1. Nagpapayaman ng kaisipan- Lumalawak ang kaisipan ng isang mananaliksik dahil sa walang


humpay na pagbasa , nag-iisip, nanunuri at naglalahad o naglalapat ng interpretasyon.
Lumalawak ang karanasan- napapalawak ang eksperyensya ng isang manunulat sa mundo ng
pananaliksik dahil sa marami siyang nakasalamuha sa pagkalap ng mahahalagang datos,
pagbabasa, paggalugad sa mga kaugnay na literatura. Nalilinang ang tiwala sa sarili- tumaas ang
respeto at tiwala sa sarili kung maayos at matagumpay na naisakatuparan ang alinmang pag-
aaral na isinagawa. Nadaragdagan ang kaalaman- ang gawaing pananaliksik ay isang bagong
kaalaman kaninuman dahil nahuhubog dito ang kanyang kamalayan sa larangan ng
pananaliksik.
2. 1. Makadiskubre ng bagong kaalaman. 2. Maging solusyon sa suliranin 3. Umunlad ang
sariling kamalayan sa paligid. 4. Makita ang kabisaan ng ginagamit na pamamaraan estratehiya.
5. Mabatid ang lawak ng kaalaman sa isang partikular na bagay.
3. 1. Magkaroon ng panimulang kaalaman sa pagsasagawa ng isang pananaliksik. 2. Pumili ng
napapanahong paksa. 3. Bigyang kahulugan ang suliraninng pananaliksik. 4. Pumili ng
mahahalagang datos/ impormasyon. 5. Kumilala ng mga palagay o hinuhang nagpapalinaw sa
suliranin ng pananaliksik. 6. Kakayahang lumikha ng makabuluhang kongklusyon, palagay o
hinuha. 7. Katumpakan sa paghusga ng mga ginamit na pamamaraan.
4. 1. Pasundang pag-aaral (follow-up studies)- isinasagawa ito upang subukan ang resulta ng
inyerbensyon para sa ebalwasyon ng tagumpay ng isang programa. 2. Pag-aaral na Kalakaran
(trend studies)- inilalarawan ang bilis at direksyon ng mga pagbabago upang mahulaan ang mga
sitwasyon. 3. Pangkasaysayang pananaliksik (historical research)- pangunahing layunin nito ang
pagbuo ng nakaraan upang subukan ang isang hipotesis kaugnay nito. 4. Pagpapaunlad ng pag-
aaral (developmental studies) - inilalarawan dito ang anyo ng pag-unlad o pagbabago sa takbo
ng panahon.
5. 5. Sarbey (survey)- isa itong malapitang pagsusuri ng phenomenon Na karaniwang batay sa
instrumentong pampananaliksik na talatanungan. 6. Pangkalagayang pag-aaral (case study)-
layunin nitong magbigay ng mahigpit ng paglalarawan ng partikular na yunit ng lipunan. 7.
Panlabas na Pag-aaral (field study)- inilalarawan dito ang isang phenomenon sa kanyang natural
na kapaligiran kung saan ito nagaganap.
6. 1. Pumili at maglimita ng Paksa. > Kinawiwilihan, kapaki-pakinabang ang paksa, at
napapanahon. > Magkaroon ng sapat na sangguniang pagbabasihan ng napiling paksa. > Pumili
ng paksang hindi magiging malawak at masaklaw. > Pumili ng paksang maaring lagyan ng
kongklusyon o pasya upang makapagbigay ng kuro-kuro matapos suriin at maglatag ng
ebidensya o katibayan.
7. 2. Magsagawa ng pansamantalang balangkas. 3. Magtala ng mga Sanggunian o Bibliograpiya.
4. Mangalap/Mangolekta ng mga tala o datos. 5. Bumuo ng konseptong papel. 6. Pagsasaayos
ng dokumentasyon. 7. Pagsulat ng Burador. 8. Pagpapahayag ng resulta ng riserts. 9. Pagrebisa
at pagwawasto ng burador. 10. Pagsulat ng pinal na papel.
8. 1. Magbasa ng maraming babasahin. Ang iyong paksa ay malawak sa dahilang wala kang
gaanong kaalaman dito. Kaya marahil ay kailangang magsarbey ka pa ng literatura. Halimbawa
ang napili mong paksa ay tungkol sa interes 2. Bilang unang hakbang, -ibigay ang kahulugan sa
ibat’ ibang sanggunian. -matutong magtala at sumulat ng mga kahulugan sa kard. - magbasa ng
aklat na isinulat ng mga banyaga, kumunsulta rin sa mga lokal na awtor.
9. 3. Ipagpatuloy ang pagbabasa ng literatura. Ano ang sinasabi ng mga awtor tungkol sa
interes.? 4. Anong espesyal na aspekto ng interes ang iyong natipon? > Maaari ka bang
magbigay ng ilang baryabol? > Ito bay interes sa mga laruan o sa mga babasahing iyong nakita?
> Ang seks ba ay may kaugnayan sa pagkakaiba ng interes? > Ang mga grupo ba ng iba’t ibang
antas ng lipunan ay may pagkakaiba rin ng interes?
10. 5. Magbasa ng mga pag-aaral na ginawa tungkol sa interes. Anu- ano ang mga resulta ng
mga nasabing imbestigasyon? Anu-ano ang mga baryabol ang kanilang ginamit? Ang lahat ng
mga resulta ay dapat isulat sa kard o kapirasong papel, isang mananaliksik sa bawat pahina.
Nagkaroon ka na ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang epekto ng interes, anong mga pagsisiyasat
ang nagawa na at ano pa ang resulta nito? 6. Sa puntong ito madedelimitahan mo na ang
malawak na suliranin. Maaaring handa ka ng pumili ng iyong mga baryabol. Isa o dalawa
lamang. Dahil sa ikaw ay baguhan pa lamang. 7. Maaari mo nang ipahayag ang iyong mga
suliranin. Pag-aralan ang iyong mga baryabol na napili, gayon din ang mga kalahok na iyong
gagamitin. Ipahayag ang suliranin sa pormang patanong

You might also like