You are on page 1of 17

TUNGKULIN AT RESPONSIBILIDAD NG

MANANALIKSIK
LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:
1. natutukoy mo ang mga kaisipang may kinalaman sa
pananaliksik; at
2. nasusuri mo ang mga tungkulin at responsbilidad ng
isang mananaliksik.
Sa iyong palagay, gaano kahirap ang maging isang
mananaliksik?
Ano-ano ang tungkuling dapat niyang gampanan bilang
isang mananaliksik?
MGA KATANGIAN NG MAGANDANG TANONG SA PANANALIKSIK
1.Tiyak,espesipiko,at maliwanag ang paggamit ng mga termino
Hal. Alin sa dalawang halimbawa ang magandang tanong sa
pananaliksik?
Nakakabuti ba ang 4 Ps ng Paano napapabuti ng 4 P’s ang kalagayang
gobyerno? pang-ekonomiya ng mga nakatanggap
nito?
Mapapansin sa tanong sa unang kolum na hindi tiyak ang saklaw
ng salitang “nakabubuti”.Sa anong aspekto ito
nakakabubuti?Nakabubuti ba ito para sa nakakatanggap ng
programa?Nakabubuti ba para sa lagay ng bansa dahil
nakatutulong upang mabawasan ang paghihikahos ng
mamamayan? O nakakabuti para sa imahe ng goyerno?
PANANALIKSIK
Ang pananaliksik ay isang sistematikong gawain kung saan naghahanap
ng sagot sa katanungan o solusyon sa isang problema.
Ito ay dapat magtaglay ng sumusunod na katangian:
Sistematiko - may sinusunod na paraan at proseso
Kontrolado - may tukoy na limitasyon at saklaw
Empirikal - batay sa mga datos at tiyak na impormasyon
Obhetibo - walang kinikilingan
Isang pagsusuri - may ebalwasyon o pag-aanalisa ng nakalap na datos
ginagamitan ng hipotesis - may ipinapalagay na magiging resulta
Samantala ang tanong sa ikalawang kolum ay gumagamit ng mga
tiyak na termino o salita upang gawing mas espesipiko ang
tanong.Tinukoy agad asa tanong sa kanang kahon ang ekonomikong
kalagayan ng mga nakakatanggap nito.
2.Tumatalakay sa mahalaga at makabuluhang isyu.Dahil ang layunin
ng pananaliksik ay makapag-ambag ng kaalaman,solusyon,at
impromasyon,kailangang magsimula sa mga tanong na may mga
implikasyong kapaki-pakinabang para sa lahat.
3. Hindi pa naisasagawa ngunit posibleng maisakatuparan.May mga
katanungang inilalatag upang saliksikin na hindi matasa ng anumang
metodolohiya dahil sa abstrakto ang pagkakatanong.
4. Nagtataglay ng malinaw na layunin at kahalagahan.Ibig
sabihin,hindi lamang basta-bastang tanong ang mga tanong sa
pananaliksik .Sa pagbubuo ng mga tanong.kailangang malinaw na
nakaangkla ito sa layunin at kahalagahan ng bubuing pananaliksik.
Pasaklaw at Pabuod
Pasaklaw sinusuri ang mga detalye at obserbasyon upang matutukoy
at mapatunayan ang pangkalahatang kaisipan at
prinsipyo.Nagsisimula ito ng maliliit na detalye bago bumuo ng
paglalahat.Ginagamit upang maghahanap ng paliwanag.
Pabuod ilalahad ang pabgkalahatang kaisipan na pinatutunayan sa
pamamagitan ng mga detalye at obserbasyon,ginamit upang
patunayan ang paliwanag.
Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik
Ang isang mananaliksik ay may mga tungkulin at
responsibilidad dapat gampanan.
Huwag mangopya ng mga impormasyong gagamitin sa
sulating pananaliksik.
Pinarurusahan ng batas ang sinumang tuwirang
nangongopya ng impormasyong hindi kinikilala ang
pinagmulan.
Tinatawag na plagiarism ang ganitong gawain.
Ang plagiarism ay:
tuwirang paggamit ng orihinal na termino o salita na hindi
ginamitan ng bantas na panipi at hindi binanggit ang
pinaghanguan;
panghihiram ng mga ideya at pinalitan lamang ang
pagkakapahayag ngunit hindi kinilala ang pinaghanguan;
pangunguha at tuwirang pag-angkin ng ideya buhat sa
pananaliksik ng iba dahil hindi isinulat ang dokumentasyon
na pinagkunan;
pagsasalin ng mga termino buhat sa ibang wika at hindi
isinulat na ang mga terminong ginamit ay salin lamang;
pangongopya ng disenyo, banghay, at himig na hindi man
lamang kinilala ang pinagbatayan sa halip ay ganap pang
inangkin ang mga datos na nakalap.
Humingi ng Permiso sa Orihinal na May-akda kung
gagamitin ang kaniyang datos o isinulat na pananaliksik.
Isa sa mga paraan ng pagkilala sa awtoridad ng sumulat ng
akdang gagamitin sa pananaliksik ay hingin ang kanilang
permiso na gagamitin ang kanilang akda bilang isa sa mga
pagbabatayang datos. Sa pagkuha ng mga datos buhat sa
ibang akda ay isulat ang pangalan ng sumulat at taon ng
pagkakalathala nito. Ito ay pagkilala sa may akda bilang
orihinal at pinagmulan ng ideya.
Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik
Ang isang mananaliksik ay may mga tungkulin at
responsibilidad dapat gampanan.
Kilalanin ang awtor ng pananaliksik na ginamit bilang
batayan o batis ng mga datos.
Sa pagkuha ng mga datos buhat sa ibang akda ay isulat
ang pangalan ng sumulat at taon ng pagkakalathala nito.
Ito ay pagkilala sa may akda bilang orihinal at
pinagmulan ng ideya.
Sumulat ng wastong dokumentasyong ng lahat ng
pinagkunang batis.
Isulat ang tamang dokumentasyon ng lahat ng mga
pinagkunang datos bilang pagpapatunay na may sapat
na batayan ang ginawang pananaliksik.
Ilahad ang totoong resulta ng pananaliksik.
Mahalagang ipakita sa pananaliksik ang tunay at tiyak
na resulta ng pananaliksik. Hindi ito dapat dayain o
manipulahin, lalo na kung taliwas sa hypothesis ang
naging resulta.
Sundin ang suhestiyon ng tagapayo lalo na sa proseso sa
paggawa ng pananaliksik.
Makatutulong ito upang maging makatotohanan ang
resulta at makaiwas sa pagtatangkang manipulahin o
dayain ang isinasagawang pag-aaral.
Iba pang Gampanin ng Mananaliksik
Bukod sa mga nabanggit na tungkulin, dapat ding
gampanan ng isang mananaliksik ang ibang gawaing
makatutulong upang maging katanggap-tanggap at
kapani-paniwala ang kaniyang sulating pananaliksik.
Narito ang ilang mga gampanin:
Mahalaga sa isang mananaliksik ang magkaroon ng
interes sa kaniyang paksa. Kailangang magkaroon siya ng
hangaring makabuo ng tanong sa kaniyang isip at
magtanong din sa mga eksperto.
Kailangang puntahan niya ang lugar na mapagkukunan niya ng mga
impormasyon. Kailangan ding maging mapanuri ang isang
mananaliskik sa mga teksto at materyal na pinagkukunan niya ng
impormasyon.
Hanggang maaari, magsagawa siya ng ebalwasyon sa mga nakalap
na impormasyon upang lubos na mapatunayan ang isinasagawang
pag-aaral.
Kailangan ay marunong siyang magsama-sama ng mga impormasyon
upang makabuo ng mga bagong konklusyon.
Kailangang maipakita niya ang resulta ng pananaliksik sa paraang
kawili-wili, may direksyon, at may tamang dokumentasyon ng mga
pinagkunang impormasyon.
Mga Paalala
Ang isang mananaliksik ay kinakailangang matapat.
Nararapat na maging masikap at matiyaga sa pangangalap ng
datos ang isang mananaliksik.
Iwasan ang plagiarism upang magtaglay ng magandang
kredibilidad ang isang mananaliksik at masabing bunga ng
sariling pagtitiyaga at isipan ang pag-aaral na ginawa.
Mahahalagang Kaalaman
Ang pananaliksik ay isang komprehensibong gawain na
maglalahad ng resulta ng isinagawang pag-aaral.
Mahalagang sundin ang mga tungkulin at gampanin ng
mananaliksik.

You might also like