You are on page 1of 4

Pangkat 5: Magboo, Grace D.

Seksyon: CE 3303
Pangilinan, Abel Francis A.
Relativo, Pearl Jean S.

MAIKLING PAGSUSULIT - Yunit 6


Batayang Kaalaman sa Metodolohiya sa Pananaliksik-Panlipunan

I. IDENTIPIKASYON
Panuto: Tukuyin ang hinihingi ng bawat bilang at isulat ang sagot sa patlang.
1. Isang mahalagang kagamitan para sa malikhaing dokumentasyon at maaari
itong magamit upang mapadali ang pangangalap ng impormasyon. (Bidyo)
2. Ayon sa kanya, ang mga metodo sa pananaliksik ay tumutukoy sa mga tiyak
na teknik ng pagtitipon at pagsusuri ng datos upang makabuo ng mga
konklusyong mapaninindigan. (Walliman)
3. Ang form na ito ay tumutukoy sa planado at nakasulat na katanungan para sa
isang tiyak na paksa, na may espasyong nakalaan para sa tugon ng taong nais
kapanayamin. (Hubog ng pagtatanong o Inquiry Form)

4. Ito ay isang metodo sa pangangalap ng datos na kung saan ang mananaliksik


ay bumubuo ng isang maliit na pangkat na kinabibilangan ng magkakaibang
tao. (Focus Group Discussion)
5. Isang uri ng pag-aaral na kadalasang ginagamit sa pagtalakay sa mga usaping
nangyayari sa lipunan at sa mundo. (Pagsuri ng Diskurso)
6. Tumutukoy ito sa pagsusuri at pag-uugnay-ugnay sa mga umiiral na datos at
estadistika tungo sa layuning sagutin ang mga panibagong tanong at/o
makabuo ng mga bagong konklusyon na angkop sa kasalukuyang sitwasyon
(Secondary data analysis)

7. Kwalitatibo ang kalikasan ng pag-aaral na ito na karaniwang nakatuon sa


tiyak o partikular na tao o mga penomena, bagama’t may mga aklat na
nagsasabi na ito ay kwalitatibo at kwantitatibo. (Case Study o Pagaaral ng
kaso)
8. Tumutukoy ito sa deskriptibo o palarawang paglalahad ng mga katangian ng
isang tao, grupo, sitwasyon, bagay, penomenon, at iba pa na sinusuri/pinag-
aaralan. (Deskriptibong Pananaliksik)
9. Tumutukoy sa deskriptibo o palarawang paghahambing/pagkukumpara sa
mga pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang tao, grupo, sitwasyon, bagay,
penomenon, at iba pa. (Komparatibong pananaliksik)
10. Pamamaraan ng pagtukoy, pagsusuri, at pagtatala sa mga tema o padron ng
naratibo sa loob ng isang teksto. (Pagsuring Tematiko)
II. TAMA O MALI
Panuto: Isulat ang METODOLOHIYA kung tama ang isinasaad ng pangungusap at
PANANALIKSIK naman kung mali.
1.) Ang metodolohiya ay tumutukoy sa sistematikong paglutas sa mga
suliranin/tanong/layunin ng pananaliksik o mga paraan na ginagamit sa pagtitipon at pagsusuri ng
datos o impormasyon.
Sagot: METODOLOHIYA

2.) Ang empirical-analytical ay gumagamit ng subhektibong


pangangatwiran na may pagsasaalang-alang sa umiiral na teorya bilang pundasyon sa pagbuo ng
hinuha o palagay na kailangang suriin.
Sagot: PANANALIKSIK
3.) Ang etnograpiya ay nagmula sa salitang Griyegong ethnos na
nangangahulugang “mga tao” at grapiya na nangangahulugang “pag-aaral”.
Sagot: PANANALIKSIK
4.) Ayon sa modyul ng University of California, Davis, ang participant
observation ay isinasagawa sa pamamagitan ng partisipasyon ng mananaliksik sa mga aktibidad
sa komunidad na kaniyang pinag-aaralan.
Sagot: METODOLOHIYA
5.) Ang naratibong pagsusuri ay pag-aaral ng senyas, kanilang anyo,
nilalaman at ekspresyon.
Sagot: PANANALIKSIK
6.) Ang kuwentong buhay ay maikling pagsasalaysay ng talambuhay o
bahagi ng talambuhay ng isang tao o ng pangkat ng mga tao na paksa ng pananaliksik.
Sagot: METODOLOHIYA
7.) Ang pakikipamuhay ay tumutukoy sa pagtatanong sa mismong
taong paksa ng pananaliksik o kaya sa mga eksperto rito.
Sagot: PANANALIKSIK
8.) Ang participant observation ay isang uri ng interbyu na karaniwang
ginagamit sa larangan ng antropolohiya at sosyolohiya
Sagot: PANANALIKSIK
9.) Para kay Albert Humphrey, mahalaga sa nakikiugaling pagmamasid
ang pagyakap sa pag-uugali at paraan ng pamumuhay ng pinag-aaralang komunidad, at sa
pagkakaroon ng bukas na pag-iisip na nakahandang unawain ang komunidad na iyon.
Sagot: PANANALIKSIK
10.) Karaniwang inirerekord ang buong interbyu, at isinasama sa
appendix ng pananaliksik ang buong transcript nito.
Sagot: METODOLOHIYA
III. URING PAGPILI (Multiple Choice)
Panuto: Piliin ang pinaka-angkop na sagot sa bawat katanungan.
1. Ito ay nag-aaral sa agham panlipunan na katulad ng pag-aaral sa mga agham na likas.
a. Interpretatibong pangkat
b. Empirical-analytical
c. Etnograpiya
d. Participant Observation
Sagot: b. Empirical-analytical
2. Ito ay ay maikling pagsasalaysay ng talambuhay o bahagi ng talambuhay ng isang tao o ng
pangkat ng mga tao na paksa ng pananaliksik.
a. Kuwentong Buhay
b. Maikling Kuwento
c. Talambuhay
d. Talang-alaala
Sagot: a. Kuwentong Buhay

3. Ito ay ay tumutukoy sa pagtatanong sa mismong taong paksa ng pananaliksik o kaya sa mga


eksperto rito.
a. Pagtatanong-tanong
b. Focus Group Discussion
c. Pag-iinterbyu
d. Pagsasarbey
Sagot: c. Pag-iinterbyu

4. Ito ay isang metodo sa pangangalap ng datos na kung saan ang mananaliksik ay bumubuo ng
isang maliit na pangkat na kinabibilangan ng magkakaibang tao na ang tugon ay siyang pinag-
aaralan sa market research at political analysis sa pamamagitan ng ginabayan at bukas na
talakayan.
a. Pagtatanong-tanong
b. Focus Group Discussion
c. Pagiinterbyu
d. Pagsasarbey
Sagot: b. Focus Group Discussion

5. Lahat ng ito ay anyo ng Focus Group Discussion maliban sa isa. Tukuyin sa mga sumusunod
ang naiiba.
a. one-way focus group
b. dual moderator focus group
c. respondent moderator focus group
d. mini focus groups

Sagot: a. one-way focus group


6. Tumutukoy ito sa pananaliksik na nag-iimbentaryo o nagsusuri sa trend ng mga pananaliksik
sa isang larangan, bilang gabay sa mga susunod pang mananaliksik.
a. Komparatibong Pananaliksik
b. Deskriptibong Pananaliksik
c. Cultural Mapping
d. Imbentaryo ng mga Pananaliksik
Sagot: d. Imbentaryo ng mga Pananaliksik

7. Tumutukoy sa deskriptibo o palarawang paghahambing/pagkukumpara sa mga pagkakatulad


at pagkakaiba ng dalawang tao, grupo, sitwasyon, bagay, penomenon, at iba pa.
a. Komparatibong Pananaliksik
b. Deskriptibong Pananaliksik
c. Cultural Mapping
d. Imbentaryo ng mga Pananaliksik
Sagot: a. Komparatibong Pananaliksik

8. Tumutukoy ito sa deskriptibo o palarawang paglalahad ng mga katangian ng isang tao, grupo,
sitwasyon, bagay, penomenon, at iba pa na sinusuri/pinag-aaralan.
a. Komparatibong Pananaliksik
b. Deskriptibong Pananaliksik
c. Cultural Mapping
d. Imbentaryo ng mga Pananaliksik
Sagot: b. Deskriptibong Pananaliksik

9. Isang uri ng pag-aaral na kadalasang ginagamit sa pagtalakay sa mga usaping nangyayari sa


lipunan at sa mundo.
a. Pagbuo ng Glosaryo
b. Pagsusuri ng Diskurso
c. Secondary Data Analysis
d. Pagsusuring Etimolohikal
Sagot: b. Pagsusuri ng Diskurso

10. Pag-aaral tungkol sa pinagmulan ng kahulugan ng mga salita, orihinal na konteksto at iba pang
kaugnay na detalye sa mahalaga sa pag-unawa sa kasalukuyang gamit at konteksto nito.
a. Pagbuo ng Glosaryo
b. Pagsusuri ng Diskurso
c. Secondary Data Analysis
d. Pagsusuring Etimolohikal
Sagot: d. Pagsusuring Etimolohikal

You might also like