You are on page 1of 3

Senior High School Level

S.Y. 2018– 2019

Guro: Bb. Jane L. Comia


Asignatura: Filipino 11- Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (akademik)

PETSA Enero 14- Pebrero 1, 2019 (1- 4 session/ week)


Pagsulat ng akademikong sulatin tulad ng:
PAKSA  Repleksibong Sanaysay
 Katitikan ng Pulong at Agenda
 Posisyong Papel
PAMANTAYANG  Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng
PANGNILALAMAN akademikong sulatin
 Natutukoy ang proseso ng pagsulat ng repleksibong sanaysay
 Natutukoy ang mahahalagang impormasyong pinakinggan at
binasa upang makabuo ng katitikan ng pulong
PAMANTAYAN SA Nakagagawa ng……
PAGGANAP  Nakapagbabalangkas ng sariling agenda at katitikan ng pulong
batay sa ibinigay na sitwasyon
 Nakasusulat ng repleksibong sanaysay
 Nakabubuo ng isang posisyong papel batay sa inilatag na
sitwasyon
POKUS NA Napapahalagahan ang…..
KATANGIAN  pagsulat ay isang mabisang kasangkapan upang ibahagi ang
nalalaman mo sa iba.
 pagkakaroon ng kababang loob at pagsunod sa kung ano ang
nararapat na gawin ay malaking tulong upang maging maunlad ang
relasyon sa kapwa at sarili.
 pagtulong sa kapwa kahit sa maliit na bagay ay malaki na para sa
iba.

KAGAMITANG Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik (aklat), marker o


PANTURO panulat
KOMPETENSIS PAMAMARAAN
PAGTUKLAS/PAGGANYAK
Natutukoy ang  Pagpaparinig ng isang halimbawa ng pulong gamit ang voice
mahahalagang recorder.
impormasyong  Pagbibigay ng mga retorikal na tanong.
pinakinggan upang  Pagpapasagot sa Pagnilayan- pahina 50.
makabuo ng katitikan ng  Gamit ang oslo na papel at iba pang materyales ay lilikha ang mga
pulong at sintesis estudyante ng poster hinggil sa mga paksang nakalatag sa ibaba.
MGA PAKSA:
- Isyu tungkol sa pagkakalupig ng droga
- Isyu tungkol sa pagkakaroon ng K+12 sa Pilipinas
- Isyu tungkol sa mga plataporma ng Pangulong Duterte.
 Malayang talakayan pagkatapos.
PAGLINANG
 Pagbibigay ng ilang katanungan buhat sa nagging talakayan
kahapon. Gaya ng mga sumusunod:
 Gaano kalaking bagay para sa inyo ang makialam sa mga ganitong
Nakikilala ang mga isyu sa ating bayan?
katangian ng mahusay na  Bilang isang kabataan, ano ang maitutulong mo?
sulating akademiko sa  Pagpapasagot ng ilang aktibiti sa aklat- pahina 41.
pamamagitan ng mga Pagpapasagot sa mga katanungan:
binasang halimbawa  Ano ang nahinuha mo sa naging aktibiti nyo kahapon?
 Importante ba na pinag-uusapan ang mga ganitong bagay habang
maaga pa? Kung oo, bakit? Pangatwiranan.
Naipapaliwanag ng mga  Gaano kahalaga ang pagtatala ng mga datos?
mag- aaral ang  Kung bibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng sariling
repleksyong sanaysay na programa para sa pasko ng buong klase nyo, pagkakataon mo na
tatalakayin sa pag aaral na upang ilathala ito. Bumuo ng sariling programa na nais mo.
ito.
 Pagpapabasa ng isang halimbawa ng repleksyong sanaysay.
 Pagpapasagot ng Subukin ang Natutuhan sa pahina 50.
 Malayang Talakayan
PAGPAPALALIM
 Paglalahad ng mga bagay na may kinalaman sa agenda.
 Pagpapasagot sa ilang katanungan na may kinalaman sa pagsulat
ng agenda na makikita sa pahina 91 ( 1-3) at pahina 94 ( 1-3).
 Pagpapanood ng isang lakbay-sanaysay.
 Pagbubulay-bulay sa napanood sa pamamagitan ng Tanong- Sagot
na inihain sa klase.
 Subukin ang Natutuhan sa pahina 51.
 Malayang Talakayan
 Pangkatang Gawain.
Pangkat 1- Ano ang posisyong papel? ( tula)
Pangkat 2- Maaari bang neutral ang manunulat sa posisyong
papel?. Pangatuwiranan ang sagot. ( balita)
Pangkat 3- Paano mo mapatitibay ang iyong mga argumento sa
posisyong Papel? (interbyu)
Pangkat 4- Ano ang mga katangian ng Posisyong Papel? (role
play)
May sampung minuto lamang ang bawat pangkat upang
pag-uasapan ang kani-kanilang paksa. Samantalang tig-3 minuto
ang presentasyon kada-isa. Ilalatag ang rubriks para sa
pagmamarka sa mismong klase
PAGTATAYA/ PAGLALAPAT
 Isa kang contractual employee sa isang estasyon ng TV. Trabaho
mo ang magsulat ng mga iskri ng mga variety show at iba pang
Nakabubuo ng sulating palabas ng estasyon. Pinangakuan kang mareregular ka, malapit ka
may batayang pananaliksik nang mag-10 taon na sa kompanya, hindi pa rin ito nangyayari. Isa
ayon sa pangangailangan pa, tumaas na ng tumaas ang presyo ng gasolina at pangunahing
bilihin, ngunit kataka-takang hindi tumataas ang inyong sahod.
Nakasusulat ng Dahil dito, hirap ka at ang iyong asawa na tugunan ang pang-araw-
organisado, malikhain, at araw na gastusin ng inyong pamilya, lalo na at magsisimula na ring
kapani-paniwalang sulatin mag-aral ang inyong nag-iisang anak. Kaya naman napagpasiyahan
ninyo ng mga kasamahan sa trabaho na magsulat ng isang
Naisasagawa nang posisiyong papel na ipababasa sa mga pinuno ng kompanya. Ikaw
mataman ang mga hakbang ang naatasan ng grupong magsulat ng unang burador. Tatayain ang
sa pagsulat ng mga piniling posisyong papel ayon sa linawa at tibay ng argumento, mga
akademikong sulatin ebidensiyang sumusuporta sa mga argumento, at husay ng
pagsulat.
 Paglalapat ng Natutuhan
Pagkakataon mo na upang ipakita ang natutunan mo sa
pagbuo ng agenda.
Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat. Bawat pangkat ay
gagamit ng isang buong puting kartolina upang dito itala
ang mga bagay na napag-usapan ninyo para sa darating na
outing ng inyong section. Tandaan na dapat isaalang-alang
ang mga bagay sa pagbuo ng agenda. Kanya-kanyang
diskarte para mapaganda ang nasabing sulatin.
Mamarkahan ang nasabing sulatin sa pamamagitan ng mga
sumusunod na pamantayan.
Pamantayan:
 Nilalaman 8
 Kayarian 5
 Angkop na gamit ng salita 5
 Presentasyon 7
( kalinisan at pagkamalikhain)
Kabuuan: 20 puntos
 Paglalapat ng Natutuhan : Sa Tunay na Buhay - pahina 53.
Tatayain ang sanaysay ayon sa orihinalidad, insight, kaangkupan
sa tema, at dating sa mambabasa. Ilalatag ang pagpupuntos sa
mismong araw na gagawin ang aktibiti.
 Paglalapat ng Natutuhan : Sa Tunay na Buhay – pahina 65
TAKDANG- GAWAIN  Mag-aral ng mabuti para sa maiksing pagsusulit.

Checked by:

Date:

You might also like