You are on page 1of 3

SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)

Subject: FILIPINO SA PILING LARANG (Tech Voc) Grade: 12 Level: SHS Quarter: 4 Week : 5
MELC: Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik Competency Code: CS_FTV11/12EP-0d-f-42
kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian
ng iba’t ibang anyo ng sulating teknikal–
bokasyunal
Pangalan: Seksyon: Industry Petsa:
Paaralan: ALCOY NATIONAL HIGH SCHOOL District: ALCOY

A. Babasahin/Pagtatalakay sa Paksa
KAHULUGAN NG NARATIBONG ULAT
Ang naratibong ulat ay kailangan sa iba’t ibang larangan. Ito ay isang dokumentadong ulat ng isang pangyayari na
isinusulat sa paraang kronolohikal. Ang pagsulat sa paraang naratibo o ang pagsulat na nagsasalaysay ng kuwento ay
pinakaakma sa mga ulat na may mga pangyayaring may simula, gitna at wakas.
Ito rin ay isang uri na nasusulat na ulat o report sa paraang pagkukwento sa mga pangyayari o obserbasyon. Ito ay
binubuo ng mga pangungusap na pasalaysay. Karaniwang nakikita ang naratibong ulat mula sa iba’t ibang ahensya o
kompanya na nagbubuo ng mga ulat hinggil sa gawain o kaya’y mahalagang pangyayari sa isang organisasyon o
institusyon.
Ayon kina Onega at Landa (1996), ang naratibo ay isang representasyon ng serye ng mga pangyayari. Kailangan
tandaan na sa isang naratibong ulat, may isinasalaysay o ikinukwento kaya ang sumusulat nito ay kailangang may ideya sa
banghay o pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Mahalagang alam ng nagsusulat kung paano sisimulan ang naratibo
at kung saan ito magtatapos upang maging matagumpay ang pagsulat.
Ayon sa artikulong How To Write A Solid Narrative Report mula sa international.vaquero.com, ang pangunahing
katangian na kailangang tandaan sa pagsulat ng mahusay na naratibo ay ang paglilista ng mga detalye
sa kronolohikal na ayos habang ipinapasok ang personal na punto de bista sa kabuuan ng papel. Nagkakaroon ng saysay
ang mga pangyayari kapag ginagamitan ng pagkukwento. Pinupukaw ng mga salaysay o naratibo ang atensyon at
emosyon ng mambabasa (Legitt 2011). Mahalaga ring tiyakin ng nagsusulat na samahan ng paglalarawan ang naratibong
ulat upang maging interesante ito para sa mambabasa at hindi sila mabagot o malito sa daloy ng mga pangyayari
Ang gamit ng wika sa naratibong ulat, bagaman pormal, ay maaaring magaan upang gawing mas komportable sa
mambabasa ngunit hindi rin naman nila dapat maramdaman na napakaimpormal ng ulat. Natural na pagkukwento ang
tono ngunit isinasaalang-alang pa rin ang paggamit ng tamang mga salita.
Sa naratibong ulat, nagsasalaysay ng kwento ang nagsusulat. Ang antas ng pagiging propesyonal ng pananalita sa
isang naratibong ulat ay nakadepende sa mambabasa at sa nais ng manunulat na maisip ng mambabasa tungkol sa ulat.
Gaya ng nabanggit na, mahalaga ang kronolohikal na ayos o ang tamang pagkakasunud-sunod ng naratibong ulat
ayon sa pangyayari. Bagaman bawat larangan, kompanya, o institusyon ay nagbibigay ng iba’t ibang partikular na pormat
sa pagsulat ng naratibong ulat batay sa kanikanilang kahingian o pangangailangan, ang pangkalahatang pormat ng
naratibong salaysay ay dapat may taglay na panimula na maaaring may kaligiran (ng sitwasyon o ng kompanya) at mga
layunin, banghay o mga pangyayari, mga tauhang kasangkot sa pangyayari, mga lugar o tagpuan, kasukdulan, mga naging
problema at mga aral na maaaring matutuhan, at isang konklusyon.
Karaniwang nagsisimula ang mga manunulat ng naratibong ulat sa unang pangyayari na naglalatag sa kabuuang
pangyayari o nagpapakilala kung paano nagsimula ang kwento. Ang susi sa matagumpay na introduksiyon ng naratibong
ulat ay magkaroon ng ‘pamukaw” o elementong interesante para makuha ang atensyon ng mambabasa. Kapag naisulat na
ang introduksiyon at ang pokus, ituloy ang salaysay tungkol sa mga pangyayari habang nagdadagdag ng malinaw na
detalye, deskripsiyon at halimbawa upang mabigyang-buhay ang naratibo. Magdadagdag ng kabuluhan sa naratibo kung
babanggitin ang mga suliranin o mga sitwasyong naganap na nangangailangan ng solusyon. Nararapat ding may
kasukdulan o climactic moment na magbibigay ng pagkakataon upang makapaglahad ng resolusyon o mga paraan para sa
pagpapaunlad. Kapag nakapagtatag na ng resolusyon, dapat ihayag ang konklusyon na magsisilbing pinakabuod ng
pangunahing aral o solusyon. Maaari ding taglayin ng konklusyon ang detalye ng mga natutuhan mula sa karanasan o ang
buod ng mga solusyon o rekomendasyong nais ibahagi.

1|Page
B. Gawain 1:
Panuto: Dugtungan ang sumusunod na mga pangungusap sa loob ng mga bilog sa ibaba batay sa iyong nalalaman at
nauunawaan tungkol sa liham-pangnegosyo.Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Gawain 2:
Panuto:

C. Paglalapat/Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
1. Ito ay ang paraan ng pagsulat ng naratibong ulat.
a. Kronolohikal b. Lohikal c. Narativ d. Sosyolohikal
2.Uri ng pangungusap na bumubuo sa naratibong ulat.
a. Naglalarawan b. Padamdam c. Pasalaysay d. Patanong
3. Ano ang susi sa matagumpay na introduksiyon ng naratibong ulat para makuha ang atensyon ng mambabasa?
a. magkaroon ng ‘‘pamukaw” o elementong interesante c. magkaroon ng mga tanong batay sa paksa
b. magkaroon ng mga pahayag na naglalarawan d. magkaroon ng bukas na kaisipan sa paksa
2|Page
4. Ano ang dapat ihayag kapag nakapagtatag na ng resolusyon sa naratibong ulat?
a. Resolusyon b. Konklusyon c. Kasukdulan d. Introduksyon
5. Ito ay ang climactic moment na magbibigay ng pagkakataon upang makapaglahad ng resolusyon o mga paraan para sa
pagpapaunlad.
a. Resolusyon b. Konklusyon c. Kasukdulan d. Introduksyon

Sanggunian:
Francisco, Christian George C., Gonzales, Mary Grace H., Filipino sa Piling
Larang (Tech-Voc) (Quezon City, Rex Book Store Inc., 2016), 28-42
Department of Education – NCR, Division of Pasig City

GUIDE
For the Teacher: Please advise the students to read the discussion carefully to ensure total assimilation of the topic.
In doing so, they will be able to answer the given exercises smoothly.

For the Learner: Read the self-learning home task carefully from the first part to the last part. This will help you get a
clearer understanding of the subject matter.

For the Parent/Home Tutor: Please guide your child as he/she go through with the whole self-learning home task.
Make sure that he/she handles her time properly in order to prevent any deviations of the whole learning process.

3|Page

You might also like