You are on page 1of 3

SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)

Subject: FILIPINO SA PILING LARANG (Tech Voc) Grade: 12 Level: SHS Quarter: 3 Week : 1
MELC: Nabi gyang-kahul gan ang teknikal at Competency Code: CS_FTV1 / 2PB-0a-c 105
bokasyunal na sulatin

Pangalan: Seksyon: Industry Petsa:

Paaralan: ALCOY NATIONAL HIGH SCHOOL District: ALCOY

A. Babasahin/Pagtatalakay sa Paksa

Kahulugan ng Komunikasyong Teknikal (Panimula)

Kung ikaw man ay abogado, akawntant, doktor, guro, inhenyero, politiko, pulis, siyentista, negosyante o
eksperto sa information technol gaya ng kasanayang teknikal ay isang mahigpit na pangangailangan.
Ito ay hindi lamang nakatuon sa pasalitang kasanayan, lalo’t higit sa pasulat na korespondensiya gaya ng
liham, memorandum, iba’t ibang uri ng ulat, mga presentasyon, publisidad, promosyon at marami pang iba.
Natukoy sa pag-aaral na ang komunikasyong teknikal ay nagmula sa mga Sumerian subalit kinilala si Sextus
Julius Frontinus bilang isa sa mga awtor. Dahil sa pagsulat niya ng isang manwal para sa gusali.
Samantala, si Pliny the Elder naman na isang administrador at sundalong Romano ay naisulat ang The Natural
History, isang natural at siyentipikong kaalaman.
Si Reginald Scot naman sa panahon ng Renaissance ng Ingles ay siyang bumuo ng mga teknikal na manwal para sa
paghahalaman na nakatulong sa karamihan upang matuklasan ang proseso ng naturang gawain.

 Ang Komunikasyong Teknikal

Ang mahusay na komunikasyong teknikal ay tiyak, malinaw at maikli. Mahalagang isaalang-alang ang mga
awdiyens, layunin at konteksto tungo sa mabisang komunikasyon.
Sa panahon ngayon, saklaw rin ang paggamit ng video, audio, slides at iba pang uri ng multimedia na
kagamitan.

 Sulating Teknikal
Isa sa maraming anyo ng komunikasyong teknikal na nagtataglay ng mataas na antas ng kasanayan mula sa
isang disiplina.
Kung ikaw man ay abogado, akawntant, doktor, guro, inhenyero, politiko, pulis, siyentista, negosyante o
eksperto sa information technology ang kasanayang teknikal ay isang mahigpit na pangangailangan.
Ito ay hindi lamang nakatuon sa pasalitang kasanayan, lalo’t higit sa pasulat na korespondensiya gaya ng
liham, memorandum, iba’t ibang uri ng ulat, mga presentasyon, publisidad, promosyon at marami pang iba.
Ngayon, maliwanag na sa iyo na may kaugnayan pala ang komunikasyong teknikal sa sulating teknikal.
Mas maliliwanagan ka pa sa mga karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapaintindi sa iyo sa
kahulugan nito. Ating tunghayan.

Kahulugan ng Komunikasyong Teknikal

Isang espesyalisadong anyo ng komunikasyon. Maituturing ding applied na uri ng komunikasyon na ang
mensahe ay nakalaan lamang para sa inaasahang tagatanggap nito na nangangailangan ng agarang pagtugon o
paglunas sa isang suliranin.
Tiyak ang nais patunguhan ng mensahe na ang layunin ay matutuhan ang proseso ng paggamit o
pagkumpuni (troubleshooting) ng isang bagay. Kailangang maging payak ang mensahe nito upang madaling
maunawaan ng mambabasa. Pangunahing binibigyang-diin nito na ang pagiging malinaw, tiyak, maikli at madaling
basahin at unawain.
Kung naliwanagan ka na sa kahulugan ng komunikasyong teknikal, mas magiging simple ang pagtalakay nito,
sa tulong ng mga halimbawa.

Halimbawa ng Komunikasyong Teknikal

BLOG GRANT AT PROPOSAL SINYENTIPIKONG SARBEY
Papel katalog Polyeto Website
Handbook Materyal para sa presentasyon Procedure manual
Dokumentong pampagsasanay User manual Ebalwasyon
Ito, ay iilan lamang sa mga halimbawa ng komunikasyong teknikal.
Mula sa mga halimbawang naitala, may nakikita ka bang tiyak na mga katangian nito? Kung ang iyong obserbasyon
ay hinggil sa pormat, paraan ng pagsulat o sa pinatutunguhan ng mensahe, ang lahat ng ito ay nakapaloob sa
komunikasyong teknikal.

1|Page
Upang lalo pang mapalalim ang talakayan, narito ang ilang elemento ng komunikasyong teknikal:
Mga Elemento ng Komunikasyong Teknikal
1. Awdiyens – tagatanggap ng mensahe. Maaaring siya ay isang tagapakinig, manonood o mambabasa.
2. Layunin – dahilan kung bakit nagaganap ang pagpapadala ng mensahe.
3. Estilo – kinapalolooban ng tono, boses at pananaw at iba pang paraan upang mapahusay ang mensaheng
ipadadala.
4. Pormat – tumutukoy sa ginabayang mensaheng ipadadala.
5. Sitwasyon – pagtukoy ito sa estadong kaugnay sa layuning nais iparating ng mensahe.
6. Nilalaman - nakasaad ang daloy ng ideya ng kabuuang mensahe ng komunikasyon
7. Gamit – ang pagpapakita ng halaga kung bakit kinakailangan na maipadala ang mensahe.

Mahalagang maisaalang-alang ang tamang pormat ng isang komunikasyong teknikal upang mas malinaw ang
pararatingan nito. Kaugnay nito ang pagkilala sa katangian ng komunikasyong teknikal.
Mga Katangian ng Komunikasyong Teknikal
1. Oryentasyong nakabatay sa awdiyens – ang pangunahing prinsipyo nito ay ang pagsulat para sa awdiyens.
Nagmula sa pananaw ng awdiyens ang mensahe at hindi sa manunulat
2. Nakapokus sa subject – higit na binibigyang pansin ang pangunahing paksa. Dito ibinabatay ang lahat ng
impormasyong sangkot sa pagtalakay. Layunin na matalakay at maisa-isa ang inaasahang proseso na tutulong sa
awdiyens upang maisagawa ang inaasahan sa kanya.
3. Kumakatawan sa manunulat – nagpapakilala kung ano at sino ang sumulat o kultura ng organisasyong
kinabibilangan. Tinutukoy rin ang imaheng nais ipakita ng manunulat. Tinatawag itong branding ng pagkakakilanlan o
identipikasyon.
4. Kolaborasyon – proseso ito upang mahusay na mabuo ang uri ng komunikasyong teknikal. Pagsasama-sama ito ng
iba’t ibang indibidwal na may kakaibang kasanayan sa pagbuo ng komunikasyon.
Ang mga nabanggit ay ang katangian ng komunikasyong teknikal na kung saan itinalakay kung para kanino, ano ang
pokus, kung sino ang sumulat at sino- sino ang bubuo nito.
B. Gawain 1:
Panuto: Sagutin ang mga susmusunod na tanong kaugnay sa paksa. Isulat ang sagot sa inyong sagutang-papel.
A. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng mataas na kasanayan sa komunikasyong teknikal? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

B. Ano-anong benepisyong dulot ng may kasanayan sa komunikasyong teknikal sa makabagong panahon?
_____________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Gawain 2:
Panuto: Gawin ang Gawain 2 sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na mga katanungan, natitiyak kong hitik at
nag-uumpisang nabubusog ang iyong kaalaman sa tulong ng gawaing ito. Simulan mo na kaibigan.

A. Ano ang komunikasyong teknikal?

_____________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

2|Page
B. Ano ang kaibahan ng komunikasyong teknikal sa iba pang uri ng sulating akademiko?

_____________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

C. Paglalapat/Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang
papel.
1. Tagatanggap ng mensahe. Maaaring siya ay isang tagapakinig, manonood o mambabasa.
a. Awdiyens b. Pormat c. Estilo d. Layunin
2. Dahilan kung bakit nagaganap ang pagpapadala ng mensahe.
a. Pormat b. Awdiyens c. Layunin d. Estilo
3. Kinapalolooban ng tono, boses at pananaw at iba pang paraan upang mapahusay ang mensaheng ipadadala.
a. Estilo b. Layunin c. Awdiyens d. Pormat
4. Tumutukoy sa ginabayang mensaheng ipadadala.
a. Layunin b. Estilo c. Pormat d. Awdiyens
5. Pagtukoy ito sa estadong kaugnay sa layuning nais iparating ng mensahe.
a. Sitwasyon b. Nilalaman c. Gamit d. Layunin
6. Nakasaad ang daloy ng ideya ng kabuuang mensahe ng komunikasyon.
a. Nilalaman b. Sitwasyon c. Pormat d. Gamit
7. Ito ang pagpapakita ng halaga kung bakit kinakailangan na maipadala ang mensahe.
a.Gamit b. Estilo c. Sitwasyon d. Nilalaman
8. Katangian ng Komunikasyong Teknikal na ang pangunahing prinsipyo nito ay ang pagsulat para sa awdiyens.
Nagmula sa pananaw ng awdiyens ang mensahe at hindi sa manunulat.
a. Oryentasyong nakabatay sa awdiyens c. Kumakatawan sa manunulat
b. Nakapokus sa subject d. Kolaborasyon
9. Katangian ng Komunikasyong Teknikal na higit na binibigyang pansin ang pangunahing paksa. Dito ibinabatay
ang lahat ng impormasyong sangkot sa pagtalakay.
a. Oryentasyong nakabatay sa awdiyens c. Kumakatawan sa manunulat
b. Nakapokus sa subject d. Kolaborasyon
10. Katangian ng Komunikasyong Teknikal na nagpapakilala kung ano at sino ang sumulat o kultura ng
organisasyong kinabibilangan. Tinutukoy rin ang imaheng nais ipakita ng manunulat. Tinatawag itong
branding ng pagkakakilanlan o identipikasyon.
a. Oryentasyong nakabatay sa awdiyens c. Kumakatawan sa manunulat
b. Nakapokus sa subject d. Kolaborasyon

Mga Sanggunian:

Filipino sa Piling Larangan, Rex Bookstore

SlideShare Presentation ng isang guro sa DepEd na si G. Manolo L. Giron, Enero 18, 2017, Zambales National High
School
GUIDE
For the Teacher: Please advise the students to read the discussion carefully to ensure total assimilation of the topic.
In doing so, they will be able to answer the given exercises smoothly.

For the Learner: Read the self-learning home task carefully from the first part to the last part. This will help you get a
clearer understanding of the subject matter.

For the Parent/Home Tutor: Please guide your child as he/she go through with the whole self-learning home task.
Make sure that he/she handles her time properly in order to prevent any deviations of the whole learning process.

3|Page

You might also like