You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 12
Filipino sa Piling Larang
(Tech-Voc)

Layunin at Gamit ng
Teknikal-Bokasyunal na
Sulatin
Unang Markahan
Ikalawang Linggo
Modyul 2
Kasanayang Pampagkatuto:
Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin ayon
sa:
a. Layunin
b. Gamit
c. Katangian
d. Anyo
e. Target na gagamit

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa
ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na
ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul.

2
Aralin Layunin at Gamit
1 ng Teknikal-Bokasyunal
na Sulatin

Inaasahan

Ang modyul na ito ay magiging gabay upang matutuhan ang mga


kaalamang may kaugnayan sa teknikal-bokasyonal na sulatin. Mapag-
aaralan mo rito ang layunin at gamit ng teknikal-bokasyonal na sulatin. Ang
kaalaman dito ay maghahanda sa iyo sa mas mataas na antas ng karunungan
sa iyong napiling ispesyalisasyon.

Pagkatapos sa modyul na ito, ikaw, mag-aaral ay inaasahang:


Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin ayon sa:
a. Layunin
b. Gamit
c. Katangian
d. Anyo
e. Target na gagamit

Unang Pagsubok

Panuto: Kilalanin ang layunin at gamit ng teknikal-bokasyonal na sulatin sa


sumusunod na mga sitwasyon. Piliin at isulat sa kwaderno ang titik
ng tamang sagot.

1. Pagsunod sa mga hakbang sa pagluluto ng kare-kare.


A. Magpabatid C. Magturo
B. Magmungkahi D. Manghikayat
2. Pagtingin sa expiration date ng isang inuming nakabote.
A. Magpabatid C. Magturo
B. Magmungkahi D. Manghikayat
3. Pinag-aralan mo ang sukat na kakailanganin sa pagluluto ng cake.
A. Sulating Teknikal sa Paglalahad ng Argumento
B. Sulating Teknikal sa Paggabay ng Direksyon
C. Sulating Teknikal sa Pagpapaliwanag
D. Lahat ay tama
4. Nais mong patunayan na mabisa ang paggamit ng modyul at
worksheets sa mga lugar na walang internet.
A. Sulating Teknikal sa Paglalahad ng Argumento

3
B. Sulating Teknikal sa Paggabay ng Direksyon
C. Sulating Teknikal sa Pagpapaliwanag
D. Lahat ay tama
5. Ipinaalam sa pamamagitan ng baranggay ang tamang pangangalaga.
ng sarili upang maiwasan ang paglaganap ng Covid-19 sa lipunan.
A. Sulating Teknikal sa Paglalahad ng Argumento
B. Sulating Teknikal sa Paggabay ng Direksyon
C. Sulating Teknikal sa Pagpapaliwanag
D. Lahat ay tama

Balik- tanaw

Panuto: Balikan ang paksang tinalakay tungkol sa kahulugan ng teknikal-


bokasyonal na sulatin. Batay sa iyong pagkaunawa, bigyang
kahulugan ang teknikal – bokasyonal na sulatin. Isulat sa
kuwaderno ang sagot.

TEKNIKAL-BOKASYUNAL NA SULATIN

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ang sulating teknikal ay isang pakikipag-ugnayan sa pamamagitan


ng panulat na may tiyak na mambabasa, layunin, estilo ng panulat, at
nilalaman. Ito ay naiiba sa iba pang sulatin tulad ng malikhain at
akademikong pagsulat na pawang konseptwal ang paggamit ng wika
samantala, ang sulating teknikal-bokasyunal ay nagpapahayag nang
tuwiran, nagpapaliwanag sa pinakamadali at epektibong paraan ng
pagtuturo at paano magsagawa ng isang proseso o gawain.

Layunin ng Sulating Teknikal- Bokasyonal


1. Magpabatid - magbigay kaalaman sa mga mambabasa upang matugunan
ang mga suliranin sa pamamagitan nang malinaw, maikli at madaling
maunawaan

4
2. Magturo - magpaliwanag sa pamamagitan ng direksyon, paraan,
hakbang upang pakilusin ang mababasa
3. Magmungkahi - maglahad ng mga impormasyong mapagpipillian ng
mambabasa
4.Manghikayat - himukin ang mambabasa na pag-isipan at piliin ang
impormasyong tutugon sa kanyang pangangailangan

Gamit ng Sulating Teknikal

1. Sulating Teknikal sa Paggabay ng Direksyon - ginagamit ito upang gabayan


ang mambabasa. Halimbawa ay ang mga instruksyon sa isang manwal
ng gamit o gadget. Nangangailangan ito nang malinaw na pagtuturo
upang hindi mailto ang mambabasa.

2. Sulating Teknikal sa Pagpapaliwanag - ginagamit ito sa mga sulating


naglalahad ng mga impormasyon sa simpleng paraan. Halimbawa ang
paghahanay ng ilang detalye tungkol sa paksang may kaugnayan sa
pandemya.

3. Sulating Teknikal sa Paglalahad ng Argumento - ginagamit ang mga


sulating ito sa pamamagitan nang mahusay na paghahanay ng mga
kaisipan. Nararapat ang sunud-sunod na impormasyon upang
mapatibay ang isang argument. Halimbawa sa argumento ng
pagbubukas ng klase sa Agosto.

Gawain 1 (Mapanuring Pag-iisip)


Panuto: Suriin ang sumusunod na halimbawa ng teknikal-bokasyunal na
sulatin. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong sa iyong
kwaderno:

HEALTH ADVISORY TUNGKOL


SA CORONA VIRUS
Ang corona virus ay pamilya ng mga virus na
nagdudulot ng iba’t ibang klaseng sakit, mula sa
karaniwang ubo’t sipon hanggang sa mas malubhang
impeksyon.

5
HEALTH ADVISORY TUNGKOL
SA CORONA VIRUS
Sintomas ng Maysakit
1. Respiratory symptoms
2. Pag-iksi ng paghinga
3. Lagnat
4. Ubo’t sipon
5. Hirap sa paghinga
doh.gov.ph

1. Ano ang layunin ng Health Advisory? ______________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

2. Ano ang gamit ng Health Advisory?

_____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

3. Bakit mahalaga na malaman ang layunin at gamit ng teknikal-


bokasyunal na sulatin?
_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

(Pagkamalikhain)
Gawain 2

Pumili ng komersyal sa telebisyon. Lapatan ito ng panibagong


pananalita batay sa paksang layunin at gamit ng sulating teknikal-
bokasyunal. Gawin ito sa iyong kwaderno.

Pamantayan sa Pagmamarka
Naayon sa paksa - 5 puntos
Malikhain - 5 puntos
Hikayat sa madla - 5 puntos
Kabuuan - 15 puntos

6
Tandaan

Ang kaalaman sa layunin at gamit ng teknikal- bokasyonal na


sulatin ay magsisilbing gabay upang ipahayag ang kaalaman sa mga
mambabasa. Sa pamamagitan ng detalyado at mabisang paraan ng
pagpapahayag ay makatitiyak ng isang malinaw na impormasyom ang
maihahatid sa madla.

(Pagkamallikhain)
Pag-alam sa Natutuhan

Panuto: Bumuo ng isang hugot lines tungkol sa natutuhan mo sa layunin at


gamit ng teknikal- bokasyonal na sulatin. Isulat sa kwaderno.

Hugot Lines

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Kilalanin ang layunin at gamit ng teknikal-bokasyunal na sulatin sa


mga sumusunod na sitwasyon. Piliin at isulat sa kwaderno ang titik
ng tamang sagot.

1. Pagsusuri sa specifications ng laptop A at laptop B bago bumili ng


bagong gamit.
A. Magpabatid C. Magturo
B. Magmungkahi D. Manghikayat
2. Paglalahad ng mga katibayan sa kahusayan ng isang sasakyan.
A. Magpabatid C. Magturo
B. Magmungkahi D. Manghikayat
3. Pagpapakilala ng sarili at paglalahad ng mga kahusayan sa pagluluto
ng iba’t ibang putahe.
A. Magpabatid C. Magturo
B. Magmungkahi D. Manghikayat

7
4. Inilahad sa mga kinauukulan ang paraan ng pagtuturo sa panahon ng
pandemya.
A. Sulating Teknikal sa Paglalahad ng Argumento
B. Sulating Teknikal sa Paggabay ng Direksyon
C. Sulating Teknikal sa Pagpapaliwanag
D. Lahat ay tama
5. Binasa ang sukat na kakailanganin sa pagtimpla ng gamot sa baga.
A. Sulating Teknikal sa Paglalahad ng Argumento
B. Sulating Teknikal sa Paggabay ng Direksyon
C. Sulating Teknikal sa Pagpapaliwanag
D. Lahat ay tama

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Panuto: Pagnilayan mo ang tanong na ito, “Paano makatutulong sa mga


sumusunod ang bago mong kaalaman sa layunin at gamit ng
teknikal- bokasyunal na sulatin?” Isulat sa kwaderno ang sagot.

1. sa isipan

2. sa paraan ng pagsulat

3. sa pag-uugali

8
Sanggunian
Madrid, M. M. M. M(ay 3, 2012). Retrieved on May 26, 2020 from https://
www.slideshare.net/MariaMarthaManetteMadrid/technical-writing 12786836.
Taylan, Dolores R., et. al. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Manila. Rex Book Store.
(Oct. 26, 2018). Best Uses of Technical Writing. Acadecraft Inc. Retrieved on May
26, 2020 from https://www.acadecraft.com/blog/uses-of technical-writing/.
(June 26, 2017). Teknikal Bokasyonal na Sulatin. Retrieved on May 26, 2020 from
https://teknikalbokasyonalnasulatin.wordpress.com/2017/06/26/fir st-blog-
post/ May 26, 2020
https://slideplayer.com/slide/6357625/
https://slideplayer.com/slide/5676262/0

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jeriny G. Dacanay
Editor: Edwin Remo Mabilin, EPS
Tagasuri: Candelaria C. Santos, EdD
Tagaguhit: Jamil Q. Carvajal
Tagalapat: Lorena S. Club, MTII
Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa ADM

9
Susi sa Pagwawasto
Filipino 12
Filipino Sa Piling Larang (Tech-Voc.)
Unang Markahan-Ikalawang Linggo
Modyul 2

Unang Pagsubok Gawain 1


Pangwakas na
Maaaring magkaiba- Pagsusulit
1. C
2. A iba ng sagot.
1. B
3. B 2. A
4. A 3. D
5. C Gawain 2 4. C
5. B
Magkakaiba ng sagot
batay sa
pamantayan sa Papel sa
pagmamarka Replektibong
Pagkatuto

Magkakaiba ng
sagot depende sa
pananaw

10

You might also like