You are on page 1of 10

I. Panuto: Bigyan ng akronim ang salitang SULATIN.

Isulat ang iyong sagot sa mga patlang


pagkatapos ng letra.

S 

U 


L

A

T

I

N

II. Panuto: Sumulat ng limang katangian ng isang taong mananaliksik. Ipaliwanag ang bawat
isang katangian. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.
III. Panuto: Sa loob ng mga kahon sumulat ng tig – isang katangian kung papaano nga ba
maging isang mabuting manunulat. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.

I Panuto : Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat sa patlang ang tamang titik ng sagot.

Para sa bilang 1

Nakasalalay sa kamay ng Maykapal ang buhay ng tao. Siya lamang ang may kapangyarihang bawiin ito. Maaring
buhay na buhay ka ngayon, maligayang nakikipagsaya sa kapwa mo, ngunit di mo inaasahang sa isang iglap ay
binawi ng Panginoon ang ipinahiram Niyang buhay sa iyo, kaya kailangang maging handa sa lahat ng sandali. Kung
kaya mong magpaligaya sa kapwa mo, gawin mo habang ikaw ay nabubuhay. Maging bukas ang puso’t damdamin
sa mga taong nangangailangan. Anong malay mo , baka bukas ay kunin Niya ang buhay mo. Lahat ng tao, bata,
matanda,binata , dalaga, may asawa o wala ay dapat maging handa sa ganitong pangayayari. Anumang bagay na
ginawa at binata sa lupa, tiyak na may kapalit sa kabilang buhay.
-Ang Buhay Ng Tao

________1. Anong paksa ang binigyang-halaga sa paglalahad?

A. Kahalagahan ng Buhay
B. Pakikipagkapwa-Tao
C. Pagsisilbi Sa Bayan
D. Pananalig Sa Diyos

Para sa bilang 2

Isa sa pinakamahusay na mang-aawit sa Asya si Sitti Nurhaliza mula sa bansang Malaysia. Nagkamit siya ng iba’t ibang awit-
parangal hindi lamang sa kaniyang bansa kundi maging sa internasyonal na patimpalak. Isa na rito ang titulong “Voice of Asia”
nang makamit niya ang Grand Pix Champion mula sa Voice of Asia Singing Contest na ginanap sa Almaty, Kazakhstan.

-Sitti Nurhaliza: Ginintuang Tinig at Puso ng Asya

________2. Ang salitang nasalungguhitan sa sanaysay ay nangangahulugang ___________.

A. Pag-eensayo
B. Paligsahan
C. Pamahiin
D. Programa

Para sa bilang 3-4

Mula sa isang tuldok ng kaluwalhatian, anak, ikaw ay sumilang. Inaruga ka ng iyong ama at ipinaghehele sa oyayi nang walang
pag-iimbot na pag-ibig. Ni sa lamok ay ayaw kang padapuan. Ni sa langgam ay ayaw kang pagapangan.
Ngunit paminsa- minsan , anak ikaw ay umaatungal ng iyak. Pagkat ayaw mo sa iyong yaya. Ni sa iyong mga tiya. Ang gusto
mo’y sa akin magpaalaga, magpakuwento, magpatulog. Gusto mo’y magpaheleng katulad noong ika’y sanggol pa. Kung kaylan
pa man ako subsob sa pagmamakinilya. Paano ko ipaliliwanag sa iyo, anak , kung bakit minsan ay kailangan mas harapin ko pa
ang pagmamakinilya kaysa sa pagkarga sa iyo?
-Paano nagsulat ang Isang
Ina
________3. Alin sa magkapares na salita ang magkasingkahulugan?

A. Padapuan-pagapangan
B. Iyak nang iyak-umaatungal
C. Wagas-dalisay
D. Magaphele-magpa-alaga

________4. Sino ang nagsisilbing kaligayahan ng ina base sa teksto?

A. Ama
B. Anak
C. Pag-ibig
D. Trabaho

Hindi na kaila sa mga taga-Tulikan ang pagkakasintahan ni Derang sa inhinyerong namamahala sa binuksang langsangang
nagmumula sa kabayanan, bumabagtas sa nayong ito, at patungo sa kabundukan ng Sinukuan. Hindi nila dinaramdam ang
gayon, sapagkat wika nila’y likas na yaon sa mga taong magkakatugon ang damdamin. Bagaman nagkagayon, si Derang ay
walang pinag-uukulan ng sali-salitaan kundi ang ama nitong si Mang Tiyago, sapagkat magmula nang mangibig ang
inhinyero’y nawala na ang dating mairog na pakikisama sa kaniyang mga kanayon. Hindi nila sinisisi si Derang, sapagkat
naniniwala ang mga tagaTulikan na sa puso ng dalaga ay hindi nagbuko ang damdaming nagnanasa ng karangalan. Ang
tanging dinaramdam lamang nila’y ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng ama ni Derang na si tandang Tiyago.
-Nagbibihis na ang Nayon
Para sa bilang 5-6

________5. Ang dahilan ng pagdaramdam ng mga taga-Tulikan ay _______.

A. Pagbabago ng pakikitungo ni Mang Tiyago


B. Pagdating ng mga taga-Maynila
C. Pagbabago ng kanilang lugar
D. Pangingibig ni Derang sa iba

________6. Ang kuwentong binasa ay maiuuri sa _________.

A. Pangkatauhan
B. Pangkakaisa
C. Makabanghay
D. Pangkaisipan

Para sa bilang 7

Nagugunita pa ng mga taga –Tulikan ang unang pagkakarinig nila sa pangalang Rosauro Santos. Isang trak ang unang
naghatid ng pangalang ito sa Tulikan, trak na kinaluluhan ng mga piko at pala. Ipinagtanong ng tsuper ng sakayan ang bahay
ang tininti sa nayon upang ihabilin dito ang mga kagamitan. Ang inhinyero ay kasunod na kinabukasan at sa baya ng tininti
nanulayan. Hindi na nga naglaon at umalingasngas ang balitang nangingubig ang inhenyero sa anak ng tininti, kay Derang na
lalabing-animing taon lamang.

________7. Ang sadya ng inhinyero sa bayan ng Tulikan ay upang _________.

A. Makilala sa Derang
B. Makilala sa bayan
C. Mamahala sa mga kagamitan
D. Mamahala sa pag bubukas ng daan

Para sa bilang 8-9

May mga enerhiyang nukleyar at ibang kauri. Pamuksa bang tao o pantulong sa ating pangangailangan ang enerhiya?
Napakalaki ang maitutulong ng agham at teknolohiya sa pagakakaroon ng maunlad na pamumuhay kung magagamit ito sa
mabuting kaparaanan na may maganda at makataong hangarin. Hindi lamang ang pag-unlad na pisikal ang mahalaga kundi
pagsaalang-alang ng sosyal na kalagayan ng tao kaalinsabay ng teknolohiyang dumarating. Sa hangaring mabuti, ang agham at
teknolohiya ay ilaw na magbibigay –liwanag at nag-uugnay sa lahat ng mga bansa sa mundo.
________8. Anong uri ng teksto ang iyong binasa?
A. Nagsasalaysay
B. Naglalarawan
C. Naglalahad
D. Nangangatuwiran

________9. Ano ang paksa ng tekstong binasa?

A. Enerhiyang nukleyar
B. Pumupuksa ng tao
C. Pisikal na pag-unlad
D. Makataong hangarin

Para sa bilang 10

“Masayang –masaya sa amin ngayon. Ito ay araw ng aming pista. Napakasaya at napakaganda po ng parada. Apat ang banda
ng musiko. At ang gaganda ng mga karosa. Pinakamaganda ang karosa ni Ate Mina. Pero may nangyari po na di –inaasahan.
Nang dumaan po ang karosa ni ate, pinintasan ito ni Aling Bebang. Pinakapangit daw po Ate Mina at konsorte nito. Narinig poi
to ni Inang at doon nagsimula ang talakan. Kung di-naawat ng pulis, malamang po ay may sabunutan pa. di po ba masaya?
Kahit sa huli ay may tawanan pa rin.”
________10. Ano ang pinakaangkop na pamagat ng talataan?
A. Ang Magandang Karosa
B. Ang Parada ng Reyna
C. Ang Masayang Nayon
D. Ang Kapistahan

Para sa bilang 11

Kung gaano kabagsik si Solaiman sa digmaan, ganoon rin siya kabagsik sa pag-ibig. Dahil sa ganitong katangian,
kinamumuhian at kinatatakutan siya hindi lamang ng kaniyang mga kaaway kung hindi pati na rin ng kaniyang mga tagasunod.
Sa mga kalye pa lamang rinig na ang mga bulungan ng mga tao. Umaalingawngaw ang mga babala sa lahat ng sulok ng
kaharian,
“Itago ang asawa’t mga anak na babae dahil si Solaiman ay paparating.”
-Alamat Ng Waling-Waling
________11. Base sa iyong nabasang pahayag , ano kaya ang natatagong ugali ni Solaiman?

A. Mabangis , ngunit siya’y mahabagin.


B. Mabait, matulungin at laging maasahan.
C. May takot sa Diyos at may paninidigan.
D. Matapang, kinatatakutan at mabagsik.

Para sa bilang 12

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging
mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang binigay ng kaniyang amo sa asawa (na kiming inabot naman ito agad
sa knya, tulad ng nararapat).

________12. Ipinahihiwatig ng teksto na ang ama ay ___________.

A. Maawain
B. Mapagmahal
C. Magsisi
D. Maalalahanin

Para sa bilang 13-14

Sa isang sentro ng Ohio, may isang tanawing batuhan sa isang patag na baybayin. Ang lugar na ito ay nakikilala sa tawag ng
Mount Pheasant. Dati ay may nakatayo ritong higaanteng punongkahoy. Bago ito pinutol, may makailang saling ang mga tao ay
nagukit ng kanilang tanda at pangalan sa katawan nito. Sa dami ng mga sulat sa balat nito, ang pagnanasang mag-iwan ng
marka o tanda ng isang tao ay maliwanag.
Habang iniisip koi to, naaalala ko ang sinabi ng isang matalinong lalaki: “ Huwag mong iukit ang iyong alaala sa kahoy o pader ,
iukit mo sa puso ng bata.” Ang pagmamarka sa mateyal na bagay ay pag-aaksaya ng oras. Ito’y lilipas pagdating ng panahon.
Ngunit ang tatak na iiwan sa puso ng mga anak ay mananatili hanggang wakas. Kaya kung nais ng isang ama ng anumang
magtatagal na alaala sa kabataang ipinagkaloob sa kaniya ng Panginoon, umukit siya ng ispiritwal na alaala.
________13. Ano ang pahiwatig ng mensaheng may salungguhit?
A. Kukupas ang isang tanda o markang inukit sa puno o pader.
B. Mang-iwan ka ng isang alaalang mananatili hanggang sa wakas.
C. Mahirap umukit ng tanda o marka sa pader o puno.
D. Hindi basta-basta sa puso ang isang alaala.

________14. Ano ang maaring maging pamagat ng teksto?

A. Alaalang Inukit Sa Puso


B. Inukit Na Alaala Sa Puno
C. Bato Sa Ohio
D. Sa Paglipas Ng Panahon

Para sa bilang 15

________15. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa
iyo ang lahat mg kayamanan,” sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita. Ang hindi pagsuko ni Sita kay Ravana ay
nangangahulugang ________________.

A. Natakot
B. Mahal ang kaniyang asawa
C. Hindi si Ravana ang kaniyang gusto
D. Naniniwala sa milagro

Para sa bilang 16

Hindi naglaon. May mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isang interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni G.
Brown, lider ng mga misyonero ng mga taga-Mbanta. Ipinaliwanag niya sa mga ito na ang kanilang pagsamba sa diyos-diyosan
ay isang malaking kasalanan. Hindi naman mauanwaan noon ng mga taga –Mbanta kung paanong ang Tatlong Persona ay
naging iisang Diyos katulad ng ipinaliliwanang ng mga misyonero tungkol sa dapat na pagsamba sa iisa lamang na panginoo.
Layunin naman ng mga misyonero na dalhinang Kristiyanismo sa Mbanta at hindi ang tuligsain sila. Nagkasakit si G. Brown at
pinalitan ni Rev. james Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Nagkaroon ng relihiyon ang mga taga Mbanta. Habang
isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng Lupa, hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang
Egwugwu, katumbas ang pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang
simbahang itinayo nina Rev. James Smith.
-Pagli
san
________16. Ano ang paniniwala ng mga misyonero, tungkol sa pananampalataya?

A. Palaganapin ang Kristiyanismo.


B. May tatlong person sa iisang Diyos.
C. Mabuti ang pagsamba sa mga diyos-diyosan.
D. Dapat magkaroon ng seremonya tungkol sa pagsamba sa Bathala.

Para sa bilang 17-18

Ayaw ni Okonkwo sa mahihina. Sa ganoong paraan niya pilit na iwinawaksi ang tumatak ng pagkatao ng kaniyang amang si
Unoka sa kanilang pamayanan. Tamad, baon sa utang, mahina at walang kwenta sapagkat ni isang laban ay walang naipanalo
ang kaniyang ama. Mag-isang hinubog ni okokwo ang kaniyang kapalaran. Nagsumikap naiangat ang buhay, nagkaroon ng
maraming ari-ariang sapat upang magkaroon ng tatlong asawa, titulo sa mga laba , at higit sa lahat pagkilala mula sa mga
katribo.
-Paglisan
________17. Ano ang mahihinuha sa pagkatao ni Okokwo batay sa kaniyang mga desisyon sa buhay?

A. Mapaghiganti
B. May iisang salita
C. Puno ng hinanakit
D.May determinasyon sa buhay
________18. Sa iyong palagay, bakit gusto ni Okokwo na makilala siya ng mga katribo?

A. Mahina ang kaniyang ama


B. Gusto niyang maghiganti sa kaniyang ama
C. Dahil walang kuwenta ang kaniyang ama
D. Gusto niya ng karangalan, pangalan, at katanyagan.

Para sa bilang 19
Ang espirituwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-
dala ng ating mga puso sa tuwing makikita natin ang ating bansa na nalulugmok sa di pagkakasundo, at sa tuwing
makikita natin ang pagtanggi , ang paglaban sa batas at paghihiwalay ng mga tao sa mundo, ito ay dahil sa naging
pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at pagkakaroon ng rasismo.
-Talumpati ni Nelson Mandela
________19. Ang isa sa maaring maging dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa ay ang __________________.

A. Pagpapahirap sa mamamayan
B. Pagkakaroon ng malupit na pinuno
C. Pagpapairal ng kontratwalisasyon sa mga manggagawa
D. Di –pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang estado sa buhay

________20. Basahin ang kasunod na taludturan mula sa tulang “Heleng Ina sa Kaniyang Panganay,” ano ang ibig sabihin ng
salitang may salungguhit?

Ang poo’y di marapat pagnakawan,


Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
A. Nais
B. Mithi
C. Hangad
D. Pangarap

II. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag. Ilahad ang iyong sariling interpretasyon patungkol
dito. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

“Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang nagtapon
ng sigarilyo at mariing tinakpan pagkatapos. “Alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyon?
Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng kabesa. Pangarap
ko pong bawiin ang lupang iyon, kaya nga po hindi nagbibigay ng kahit isang pinangko kung anihan.
Kung hindi ko na naman po mababawi, masaka ko man lamang po. Nakikiusap po ako sa kabesa
kangina, “Kung maari akong paalisin. Kaya ko pa pong magsaka, ‘Besa. Totoo pong ako’y matanda na,
ngunit ako po nama’y malakas pa.’ Ngunit... Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod, tingnan po
n’yong putok sa aking noo, tingnan po n’yo.”
-Tata Selo

1. Sa seleksyon na nabasa, ano sa tingin mo ang may pinakamasakit na nangyari sa matanda na


hindi niya matanggap ?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.
2. Makatarungan ba ang ginawa ni Tata Selo sa kabesa? Bakit?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.

III. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag. Ibuod sa anim na pangungusap ang
pahayag na binasa. Isulat sa loob ng kahon ang iyong sagot.

Ganito ang nangyari kay Aling Martha, isang pangkaraniwang ina sa araw-araw ay abala sa
gawaing bahay at pag aasikaso sa nalalapit na pagtatapos ng anak.
Pinasya ng ginang na mamalengke ng maaga upang mamili. Sa kanyang paglalakad ay di inaasahang
mabangga siya ng isang batang madungis.
Agad na nahusgahan ni Aling Martha ang bata, ito ay mahirap, walang pinag-aralan at walang modo.
Nang kukuha na ng pambayad ang ginang ay tsaka na lamang nito natanto na nawawala na ang kanyang
kalupi. Agad na nataranta at nag-isip. Sa loob-loob nya ay hiyang hiya sya sa nangyari.
Natitiyak nya na ang batang madungis ang nakakuha ng kanyang kalupi. Agad na nagmadali ang ginang
upang mahagilap ang batang sa tingin nya ay kumuha ng kanyang pitaka.
Nang makita ang batang madungis ay agad na hinablot ng ginang ang damit nito, pinit na pinaamin sa
pagkuha ng kanyang pitaka.
Ngunit ang bata ay panay ang tanggi kahit na pinipilit itong paaminin ni Aling Martha.
Marami na ang nakapaligid sa kanila, may naawa sa bata ngunit wala iyon kay Aling Martha. Hanggang
sa may dumating nang pulis, Nagtanong sa bata ang sinabi pang ito'y dadalhin sa presinto.
Lubhang natakot ang batang madungis. Ang binili nitong isda para sa tyahin ay malamang hinihintay na
kanina pa.
Ang mahigpit na hawak ni Aling Martha ay nagdulot ng matinding sakit sa bata kaya't kinagat nito ang
kamay ng ginang.
Nagkaroon ng pagkakataong makatakas ang bata at agad itong tumakbo papalayo.
Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, kasabay ng paglayo ng bata sa mapanghusgang si Aling Martha ay
ang tilian ng mga naroroon.
Nabangga ito ng humahagibis na dyip. Bago mawalan ng hininga ang kawawang bata ay iginiit nito na
wala syang ninakaw.
Sa pangyayaring iyon ay inisip pa rin ni Aling Martha na ang nangyari sa bata ay kapalit ng pagkuha ng
kanyang kalupi.
Pagkauwi ng bahay ni Aling Martha ay nagtaka ang mister nito kung saan galing ang pinamili gayong
naiwan nito ang pitaka sa bahay.
Namutla si Aling Martha sa narinig. Sa pagkakataong iyon ay nawalan ito ng malay.
Marahil hanggang sa ngayon ay binabagabag parin si Aling Martha sa nangyari sa bata.
1.

2.

3.

4.

5.

6.

I. Panuto: Gamit ang story ladder na nasa ibaba, ilahad ang istorya ng iyong buhay.
II. Pamagat ng Gawain: Nadarama ko, Ilahahad ko!
Panuto: Sa loob ng bilog isulat ang iyong pinakamalungkot na karanasan sa buhay.. At sa
loob naman ng puso, isulat mo ang iyong naging hakbang para malagpasan ito.

III. Panuto: Gamit ang Venn Diagram isulat ang pagkakaiba ng Pagsasalita sa Pagsulat at ang
kanilang pagkakahalintulad.

Pagsasalita Pagsusulat
I. Panuto: Bumuo ng isang talumpati patungkol sa “Ang Kabataan, Tunay nga Bang
Pag-asa ng Bayan”
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
II. Panuto: l

You might also like