You are on page 1of 11

(#1) LAGUMANG PAGSUSULIT SA

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO – IV
IKATLONG MARKAHAN
PANGALAN: ______________________________________ ISKOR: ____________
BAITANG/PANGKAT: _______________________________ PETSA: _____________
I. Panuto: Pag-aralan ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang dapat gawin para sa bawat
sitwasyon.
Bilugan ang titik ng iyong sagot.
1. Ito ang katawagan sa pagmamahala at pagpapahalaga sa bansa at sa lahat ng kumakatawan
dito.
a. Makatao b. Maka-Diyos c. Makabansa d. Makakalikasan
2. Ito ay ang katawagan sa sinaunang sitema ng pagsusulat at pagbabasa.
a. Alphabet b. Baybayin c. Alpabetong Pilipino d. Wala sa nabanggit
3. Pinag-aralan ninyo ang baybayin sa inyong klase sa ESP, ano ang mainam mong gawain sa
impormasyong
iyong natutunan?
a. Sisikapin kong magamit ito upang maipagpatuloy ang bahagi ng kultura.
b. Hindi ko ito gagamitin dahil ito ay bahagi na ng nakaraan.
c. Pahahalagahan ko ito ngunit di ko ito gagamitin.
d. Wala akong gagawin.
4. Nakita ng iyong kapatid ang baybayin na ipinakopya sa inyo ng inyong guro at nagtanong
siya tungkol dito.
Ano ang iyong gagawin?
a. Sasabihin ko sa kaniya na huwag muling papakialaman ang aking gamit.
b. Itatago ko ang aking kwaderno at sasabihin na hindi ito mahalaga.
c. Ipapaliwanag ko sa kaniya ito at tuturuan ko siya ng tungkol dito.
d. Hindi ko siya papansinin upang di na niya ako kulitin.
5. Napansin mo na hindi gumagamit ng po at opo ang iyong nakakabatang kapatid sa pagsagot
sa iyong
nanay. Ano ang iyong gagawin?
a. Hahayaan ko na lamang siya sa kanyang ginagawa.
b. Sisigawan at papagalitan ko siya upang matuto.
c. Sasabihin ko sa kanya na ang batang Pilipino ay magalang kaya dapat na sumagot siya nang
may po
at opo sa mga nakakatanda.
d. Sasabihan ko si nanay na paluin siya.
6. May pinsan kang nagbalikbayan sa unang pagkakataon. Nagbilin ang iyong tatay na turuan
siya ng larong
pinoy. Ano ang ituturo mo sa kanya?
a. Isasama ko siya sa kompyuter shop para maglaro ng kompyuter games.
b. Iimbitahan ko siyang magbasketbol.
c. Magkukunwari akong hindi narinig ang tatay dahil mahihirapan lang akong mag- ingles kapag
tinuruan ko siya.
d. Iimbitahan at tuturuan ko siyang maglaro ng sungka.
7. Sinabihan kayo ng inyong guro na kayo ay magsasayaw ng tinikling sa pagdiriwang ng
Buwan ng Wika. Ano
ang iyong gagawin?
a. Hindi ako sasali dahil mahirap ang sayaw na Tinikling.
b. Sasali ako at pagbubutihin ko ang pagsayaw.
c. Sasali ako sa pag-eensayo pero hindi ako dadalo sa araw ng pagtatanghal.
d. Makikiusap ako na Hip Hop na lang ang isayaw naming dahil iyon ang uso.
8. Sa kabila ng mabigat na suliraning idinulot ng bagyong Yolanda, hindi natinag ang mga
Pilipino.
Nagtulong- tulong ang bawat isa sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods, muling
pagtatayo ng
Kanilang bahay at pagdarasal para sa kanila.Mahirap mang pumunta sa mga nasalantang lugar
dahil
sira-sira ang daan , hindi ito alintana ng mga Kababayan natin. Isa itong patunay na likas na sa
bawat
Pilipino ang paggiging:
a. bayani b. madasalin c. matulungin d. mapagbigay
9. Napansin mong nahihirapan ang iyong kaklase na unawain ang inyong leksyon sa
Matematika. Laging
mababa ang kanyang iskor sa mga pagsusulit. Samantala, matataas lagi ang iyong nakukuha
dahil
nauunawaan mo nang mabuti ang itinuturo ng iyong guro. Ano ang gagawin mo ?
a. Maaawa ako sa kanya.
b. Lalapitan ko siya at aalukin kung nais niyang mag-aral kami ng leksyon naming sa
Matematika.
c. Sasabihan ko siyang makinig nang mabuti sa guro.
d. Sasabihan ko siyang mag-aral ng mabuti.
10. Siya ang kauna-unahang Pilipinang naipadala sa Olympics upang kumatawan sa ating
bansa. Itinanghal
bilang Asia's fastest woman noong 1980's.
a. Lydia de Vega b. Rona Mahilum c. Emilia Advincula d. Lydia de Luna

II. Punan ang patlang ng tamang sagot:


11. Ang __________________ ang tawag sa sinaunang sistema ng pagbasa at pagsulat na
sinasabing umiral
na sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga Espanyol.

12. ___________ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng mga tao. Ito ang nagbibigay sa
bansa ng kaniyang
sariling pagkakakilanlan.
13. Ang _______________at 14._______________ ang dalawang uri ng kultura
III Piliin sa loob ng kahon ng pagpapahalaga ang iyong sagot:
______________________15. Bagamat maraming namatay ng manalasa ang bagyong Yolanda,
hindi pa rin
nawala ang pananampalataya ng mga tao sa Poong Maykapal.
______________________16. Ang awiting “ANAK” ay tumutukoy sa hindi mapantayang
pagmamahal ng mga
magulang sa kanilang anak.
______________________17. Para sa mga Pilipino hindi kinakailangan na maging mayaman
upang
matulungan ang mga inabot ng kalamidad.
______________________18. Hindi nagdalawang isip si Yaya Dub na ibalik sa kanyang Lola
Nidora ang labis
na sukli.
______________________19. Nag-alok ka ng tulong sa taong may dalang mabigat na kahon.
Likas ito sa
mga Pilipino.
______________________20. Inaalagaan mo ang iyong inang may sakit.
SUSI SA PAGWASWA STO
1. C 11. BAYBAYIN
2. B 12. KULTURA
3. A 13. MATERYAL
4. C 14. DI-MATERYAL
5. C 15. A
6. D 16. C
7. B 17. G
8. C 18. E
9. B 19. B
10. A 20. F
A. Pananalig sa Diyos E. Pagkamatapat
B. Pagkamaalalahanin F. Pagmamahal sa Pamilya
C. Pagmamahal o Pag-aaruga sa Anak G. Kawanggawa o Charity
D. Kabaitan
(#2) LAGUMANG PAGSUSULIT SA
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO – IV
IKATLONG MARKAHAN
PANGALAN: ______________________________________ ISKOR: ____________
BAITANG/PANGKAT: _______________________________ PETSA: _____________
I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay ang siyang pinagkakakilanlan ng isang bansa na nabuo mula sa mga awitin, sayaw,
kwentong bayan,
tula at iba pa.
a. Bandila b. Kalabaw c. Anahaw d. Kultura
2. Ano ang ibig ipahiwatig ng kasabihang, “Ubos-ubos biyaya, bukas ay nakatunganga.”?
a. Ang kabutihan ng loob ay mas mahalaga kaysa sa kagandahan.
b. Matutong huwag mag-aksaya ng kung anong mayroon ka.
c. Magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.
d. Wala sa nabanggit
2. Ano ang kahulugan ng salawikaing “ Kapag may itinanim, mayroong aanihin.”?
a. Kung may pagsisikap, mayroong makukuhang biyaya.
b. Maging patas sa paglalaro at huwag mandaraya.
c. Maging maingat sa mga salitang bibitawan.
d. Huwag maging mapagmataas.
3. Ano ang maaring mangyari kung di maipapasa o maitatala ang nalalabi nating kultura?
a. Maari itong mawala ng tuluyan c. Ito ay patuloy paring makikilala
b. Ito ay hindi magbabago d. Ito ay lalong mauunawaan
4. Ano ang mangyayari kung patuloy nating susuportahan ang mga makabanyagang paniniwala
at gawi?
a. Maari itong makadagdag sa panibagong pagkakakilanlan ng ating kultura.
b. Maaring maging sanhi ito ng unti unting pagkawala ng ating kultura.
c. Magniningning ang ating sariling kultura.
d. Wala sa mga nabanggit.
5. Ang mga Pilipino, bagama’t iba’t iba ang itsura at kaugalian ay nararapat na irespeto at
igalang.
a. Tama b. Pwede c. Mali d. Wala sa mga nabanggit
6. Mayroon kayong bagong kamag-aral na Maranao at di siya matatas na magsalita ng tagalog.
Ano
ang nararapat mong gawin?
a. Layuan mo siya dahil siya ay naiiba.
b. Huwag mo na lamang siyang pansinin.
c. Kausapin at tulungan mo siyang matutunan ang iyong dayalekto.
d. Pagtawanan siya dahil kakaiba ng kanyang paraan ng pagsasalita.
7. Sa isang lakbay-aral natunghayan mo kung papaano namumuhay ang mga Agta. Nakita mo
na kakaiba ang
kanilang kasuotan kumpara sa nakasanayan mo. Ano ang iyong magiging reaksyon?
a. Pagtatawanan ko siya dahil sa kakaiba ang kanyang paraan ng pananamit.
b. Pupunahin ko at kukutyain ang kanyang pisikal na mga katangian.
c. Irerespeto ko ang kanilang nakagawian.
d. Hindi ko sila papahalagahan.
8. Binigyan ka ng iyong kaibigan ng isang pitakang pampangkat etniko na gawa ng mga Ifugao.
Ano ang
iyong mararamdaman?
a. Matutuwa ako dahil nagkaroon ako ng isang mahalaga at katangi-tanging bagay.
b. Mas nanaisin ko na magkaroon ng bagay na nagmula sa ibang bansa.
c. Magpapasalamat ako ngunit hindi ko ito gagamitin.
d. Wala sa mga nabanggit.
9. Ang isa sa iyong kamag-aral ay mayroong amang Amerikano at inang Pilipino. Siya ba ay
maituturing mong
Pilipino?
a. Opo, dahil siya ay mayroong dugong Pilipino.
b. Hindi, dahi ang kanyang ama ay Amerikano.
c. Pwede, dahil mukha parin siyang Pilipino.
d. Wala sa mga nabanggit.

II. Panuto : Hanapin sa Hanay B ang kaukulang mensahe ng mga linya sa Hanay A. Isulat
sa
sagutang papel ang titik ng sagot sa bawat bilang.
HANAY A HANAY B
_____ 11. Bisig ko’y namamanhid, baywang
ko’y nangangawit.
_____ 12. Kung pagkain sana nabusog pa ako.
_____ 13. Ang pag-ibig ay sa gawa, hindi sa
salita.
_____ 14. Kaya matibay ang walis, palibhasa’y
nabibigkis.
_____ 15. Walang mahalagang hindi inihandog
na may pusong mahal sa bayang
nagkupkop.
a. Maging matalino sa paggasta.
b. Ang taong nagmamahal sa kanilang bansa
ay ihahandog anumang makakaya makita
lang itong Malaya.
c. May tagumpay sa pagkakaisa.
d. Hindi madali ang magtanim.
e. Higit na mahalaga ang ikinikilos kaysa
sinasabi.
f. Susi sa tagumpay ang matibay na
pananalig sa Diyos.
III. Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pahayag. Piliin ang sagot sa mga salita sa
loob ng kahon.
A. Agta B. Amerasian C. Tau’t Bato D. Indigenious People E. Mansaka
________ 16. Sila ay mga katutubo na matatagpuan sa Compostela Valley. Isa sa ikinabubuhay
nila ang
pagmimina ng ginto.
________ 17. Sila ay karaniwang matatagpuan sa Isabela, Quezon, at Rizal. Isa sa
ikinabubuhay nila ang
panghuhuli ng pugita o octopus.
________ 18. Ito ang tawag sa isang batang ama ay Amerikano at ang ina ay Pilipino.
________ 19. Sila ay matatagpuan sa Palawan. Marami sa kanila ay nabubuhay sa pangangaso
at pangangalap
ng bungang kahoy.
________ 20. Sila ang mga pangkat etnikong napanatili ang kanilang katutubong Kultura
hanggang ngayon.
SUSI SA PAGWASWASTO
1. D 11. D
2. B 12. A
3. A 13. E
4. A 14. C
5. A 15. B
6. C 16. E
7. C 17. A
8. A 18. B
9. A 19. C
10. 20. D
(#3) LAGUMANG PAGSUSULIT SA
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO – IV
IKATLONG MARKAHAN
PANGALAN: ______________________________________ ISKOR: ____________
BAITANG/PANGKAT: _______________________________ PETSA: _____________
I. Panuto.: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Inalok ka ng iyong kaibigang mula sa Davao na tikman ang kanyang dala-dalang durian. Ano
ang iyong
gagawin?
a. Susubukan kong tikman ito upang matutunan ko ang isa sa kanilang pinagkakakilanlan.
b. Hindi ko ito kakainin dahil di ko nagugustuhan ang amoy nito.
c. Babaliwalain ko ito at sasabihin na sa iba na lamang ialok.
d. Wala sa nabanggit.
2. Ikaw ay isang batang nagmula sa tribo ng mga Manobo. Inatasan ka ng inyong guro na
magpakita ng isang
sayaw. Alin sa mga sumusunod ang iyong gagamitin?
a. Pipiliin ko ang katutubo naming tugtugin at sayaw upang maipakita ang aming kultura.
b. Pipiliin ko ang moderno at banyagang tugtugin sa aming pagtatanghal.
c. Pipiliin ko ang makabanyaga ngunit tagalog na tugtugin.
d. Wala sa mga nabanggit.
3. Tinuruan kayo ng inyong guro ng isang katutubong awitin. Ano ang iyong gagawin kung
ipapa-awit niya
ito sa inyo.
a. Di ko ito aawitin o sasabayan dahil di ako pamilyar sa mga salitang ginagamit.
b. Sasabayan ko ang awitin dahil alam ko na parte ito ng aking kultura.
c. Papanuorin ko na lamang ang aking mga kamag-aral na umawit.
d. Wala sa mga nabanggit.
4. Nagkaroon ng isang palaro sa inyong paaralan. Nasabihan kang sumali sa larong patintero,
ngunit ito ang una
mong beses na maglaro nito. Ano ang nararapat mong gawin?
a. Tatanggi akong sumali dahil bago ito sa akin at di koi to maisasagawa ng mabuti.
b. Sasabihin ko na hindi ako handa sa paglalaro ng larong bayan gaya ng patintero
c. Hindi ako maglalaro dahil mas nanaisin ko pang maglaro ng basketball.
d. Sasali ako, dahil nais kong matutunan ang laro ng aking lahi.
5. Bakit mahalagang mapag-aralan at maitala ang mga larong bahagi ng ating kultura?
a. Dahil ito ay bahagi ng ating pagkakakilanlan na dapat tangkilikin at pangalagaan.
b. Dahil maari itong mawala kung ito ay di itatala at pangangalagaan.
c. Walang tama sa mga nabanggit.
d. Tama ang sagot sa letra a at b.
6. Kasama mo ang mga pinsan mong nagbakasyon sa Tawi-Tawi. Isa sa mga katutubong laro
ng mga bata rito
ay ang Siato. Ayaw makipaglaro ng mga pinsan mo dahil bukod sa mga batang makakalaro nila
ay
nakahubad, hindi rin pamilyar ang mga pinsan mo sa larong siato.
a. Yayayain mong makipaglaro ang mga pinsan mo para magkaroon kayo ng mga bagong
kaibigan.
b. Yayayain mong makipaglaro ang mga pinsan mo para may bagong laro pagbalik sa lugar
ninyo.
c. Yayayain mong makipaglaro ang mga pinsan mo para matutuhan ninyo ang isang katutubong
laro mula
sa lugar na iyon.
d. Walang tama sa mga nabanggit.
7. Nang dumalaw sa bahay ninyo ang iyong lola na mula sa Lanao ay ikinuwento niya ang mga
aswang ay
hindi naman totoo at kuwentong bayan lamang.
a. Maniniwala ako dahil karamihan sa kuwentong bayan ay mga kathang isip lamang.
b. Maniniwala ako dahil wala namang mawawala sa akin kapag ako’y naniwala.
c. Hindi ako maniniwala dahil totoo talagang may aswang sa Lanao.
d. Tama ang sagot sa letra a at b.
8. Pinagtatawanan ng mga kaklase moa ng bagong lipat ninyong kamag-aral dahil sa kanyang
ipinakitang sayaw
at kasuotang Muslim sa inyong programa sa paaralan.
a. Sasawayin ko sila dahil dapat igalang ng bawat isa ang kulturang alam at nakasanayan niya.
b. Sasawayin ko sila dahil nakakaawa naman ang bago naming kaklase.
c. Sasawayin ko sila dahil masama ang makipag-away.
d. Walang tama sa mga nabanggit.
9. May kakayahan ka sa pag-awit. Isinali ka ng guro mo sa musika para maging kasapi ng isang
koro sa
inyong paaralan na aawit ng mga awitin ng mga katutubong Ifugao para sa nalalapit na
pagtatanghal
sa plasa.
a. Sasali ako para tumaas ang aking grado sa musika.
b. Sasali ako dahil kailangang ipagmalaki ko rin ang mga awitin ng mga Ifugao .
c. Sasali ako dahil gusto kong humusay pa ang aking kakayahan.
d. Tama ang sagot sa letra a at b.
10.Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kuwentong bayan?
a. Maria Makiling ng Laguna c. Subli ng Batangas
b. Kesong puti d. luksong tinik
11. Anong programa ng pamahalaan ang naglalayong mapanatili ang malinis at maayos na
kapaligiran?
a. Clean and Green Movement c. Anti-Dengue Campaign
b. 1M Trees Program d. Anti-Drug Campaign
12. Nakita mong sinusulatan ng iyong kaibigan ang dingding sa tinutuluyan ninyong bahay ng
mga Ivatan. Ano
ang iyong sasabihin sa kanya?
a. Isulat mo rin ang aking pangalan para naman may maiwan akong tanda sa lugar na ito.
b. Huwag mong gawin iyan. Mahalaga na mapangalagaan natin ang mga lugar na ganito.
c. Tigilan mo iyang ginagawa mo at sa ibang bahagi nalang ng bahay ang sulatan mo.
d. Wala akong sasabihin.
13. Bakit mahalaga na sumunod sa batas kahit na walang nakakakita sa iyo?
a. Dahil ito ay nakabubuti sa atin at sa ating kapaligiran
b. Dahil natutunan natin mula dito ang pagkakaroon ng disiplina.
c. Dahil napananatili nito ang kaayusan ng ating kapaligiran o pamayanan
d. Ang lahat ng nabanggit mula a hanggang c ay tama
14. Anong batas sa inyong paaralan ang maaring sundin upang ito ay mapanatiling malinis at
maganda?
a. Huwag magtakbuhan sa hagdan c. Bawal mag-ingay sa pasilyo
b. Huwag pitasin ang mga bulaklak d. Munting basura, pakibulsa
II. TAMA O MALI
_________15. Nakikiisa ako sa paglilinis ng silid-aralan kapag araw na ng paglilinis ng aming
pangkat.
_________16.Itinatapon ko sa bintana ng sasakyan ang mga balat ng pagkain matapos kumain
kapag ako ay
nagbibiyahe.
_________17.Inilalagay ko muna sa bulsa ang aking basura kapag nakita kong walang
basurahan sa paligid.
_________18.Nakikiisa ako at tumutulong sa mga programang pangkalinisan at pangkapaligiran
sa aming
paaralan.
_________19. Hindi ko pinupulot ang mga kalat sa pasilyo at iba pang lugar sa paaralan dahil
walang nag-uutos
sa akin.
_________20. Sariling disiplina ang kailangan upang mapag-ibayo ang pangangalaga sa
kalikasan.
SUSI SA PAGWASWASTO
1. A 11. A
2. A 12. B
3. B 13. D
4. D 14. D
5. D 15. T
6. A 16. M
7. D 17. T
8. A 18. T
9. B 19. M
10. A 20. T
(#4) LAGUMANG PAGSUSULIT SA
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO – IV
IKATLONG MARKAHAN
PANGALAN: ______________________________________ ISKOR: ____________
BAITANG/PANGKAT: _______________________________ PETSA: _____________
I. Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang isinasaad ng bawat pangungusap ukol sa pagpapakita
ng kawilihan sa
pagbabasa o pakikinig ng mga pamanang kultura.
_______ 1. Kultura ang isa sa nagpapakilala ng isang bansa sa buong daigdig.
_______ 2. Ang Pilipinas ay tinatayang may humigit kumulang 180 pangkat etniko
_______ 3. Ilan lamang sa kilala na pangkat etniko sa Luzon ay ang mga Aeta sa Mountain
Province.
_______ 4. Mayaman at makulay ang kulturang Pilipino.
_______ 5. Pare-pareho ang kultura ng bawat pangkat etniko ng Pilipinas.
_______ 6. Mahalagang maunawaan at igalang natin ang mga gawaing nagpapakita ng
pagpapahalaga sa iba’t
ibang kultura ng mga pangkat etniko ng ating bansa.
_______ 7. Ang kultura ay nagpapakulay at nagpapakilala rin sa pagkamamamayan ng mga taong
nakatira sa isang
bansa.
_______ 8. Makikita sa katutubong kasuotan, kuwentong bayan, sayaw, awit, laro at iba pa ang
kultura ng bawat
rehiyon.
_______ 9. Ang mga T’boli ay isa lamang sa napakaraming pangkat etniko sa ating bansa.
_______ 10. Sa Visayas at Mindanao ay kilala ang pangkat etniko ng mga Ibanag.
II. Isulat sa patlang ang WASTO kung ang bawat pangungusap ay nagpapakita ng pagsunod sa
mga batas at
kung HINDI kung hindi nagpapakita.
_______ 11. Makiisa sa iba’t ibang panawagan sa pagpapanatili ng kagandahan ng kalikasan.
_______ 12. Ang kalikasan ang tunay nating tahanan hindi lang ang ating tahanan.
_______ 13. Kailangan ng pansariling disiplina upang higit maingatan at maisalba ang ating
kalikasan.
_______ 14. Nilalayon ng United Nations na tumaas ang bilang ng mga taong may koneksiyon sa
malinis at
maiinom na tubig.
_______ 15. Hindi na dapat makiisa sa iba’t ibang panawagan upang maibalik ang kagandahan ng
kalikasan.
_______ 16. Mabubuhay ang mga tao kahit wala ng maiinom na tubig.
_______ 17.Narararapat na sumunod ang bawat isa sa mga pinaiiral na batas sa pangangalaga ng
kalikasan.
_______ 18. Maaaring bumalik ang ganda ng ating likas na yaman kung tayo ay susunod sa mga
batas.
_______ 19. Kailangang maunawaan at maipamalas ng mga tao ang sariling disiplina sa pagsunod
sa mga batas.
_______ 20. Nararapat na magkaroon tayo ng pagmamahal sa kalikasan para sa mas magandang
pamayanan.
III. Gumuhit ng sa patlang kung ang bawat pahayag sa bawat bilang ng tamang pagtatapon ng
basura
at kung hindi.
_______ 21. Ang mga tao ay nagtatapon ng mga basura kung saan-saan lamang.
_______ 22. Ang dust pan at walis ay mainam na palaging nasa ating bakuran.
_______ 23. Ang malinis na paligid ay nagdudulot ng kaaya-ayang kapaligiran.
_______ 24. Mainam na bukod-bukod ng lalagyan ang ating mga basura.
_______ 25. Ang bawat tao ay dapat na nagbibigay-halaga sa mga simpleng paraan ng
pagtatapon ng basura.
_______ 26. Ang segregasyon o paghihiwa-hiwalay ng basura saan mang panig ng bansa ay hindi
na kailangan.
_______ 27. Maaaring i-recycle ang iba’t ibang klase ng basura.
_______ 28. Ang mga basurang itinatapon natin kung saan-saan ay nagiging sanhi ng pagbaha sa
iba’t ibang lugar.
_______ 29. Ang mga lata, bote, lumang dyaryo ay maaaring nating pagkakitaan muli.
_______ 30. Ang disiplina sa pagtatapon ng basura ay masasalamin kahit saan mang panig ng
daigdig tayo
makarating.
SUSI SA PAGWASWASTO
1. 11.
2. 12.
3. 13.
4. 14.
5. 15.
6. 16.
7. 17.
8. 18.
9. 19.
10. 20.

You might also like