You are on page 1of 25

Ang mga Antas ng

Dynamiko at Tempo 5
Modyul 1 sa MAPEH (Musika 5)
Ikaapat na Kwarter-Week 1-4

MYLA P. DACAY
Tagapaglinang

Department of Education. Cordillera Administrative Region

i
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera
Sangay ng Mountain Province
Bontoc, Mountain Province

Inilathala ng:

Learning Resource Management and Development Section

KARAPATANG-ARI
2020

Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293:

“Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng


Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.”

Ito ay binuo para sa pagpapatupad ng K-12 kurikulum sa pamamagitan ng


Curriculum Implementation Division (CID)-Learning Resource Management and
Development System (LRMDS). Ito ay maaring kopyahin para sa layuning pang-
edukasyon at ang pinagmulan ay dapat na kinikilala. Ang anumang gawa na hango
dito kabilang ang paglikha ng isang na-edit na bersyon, isang pagpapahusay o isang
pandagdag na gawa ay pinahihintulutan sa kondisyon na ibigay lahat ng pagkilala sa
orihinal na gawa at ang karapatang-kopya ay maiugnay. Walang gawa ang maaring
makuha mula sa materyal na ito para sa komersyal at upang pagkakitaan.

ii
Sa modyul na ito, matututunan ng mag-aaral kung
paano maintindihan ang mga kahulugan ng salita sa
pamamagitan ng paggamit ng mga palatandaan. Inaasahan
na masusundan niya ang mga gawain sa modyul na ito nang
mag-isa. Kaya lang, may mga bahagi na kailangan ng
patnubay upang lalong mapalalim ang kanyang pag-unawa.
Inaasahan din ang gabay para mapalawak ang kanyang
pagbabasa upang magamit ang kanyang natutunan na
kaalaman.
Mahilig ka ba sa pagbabasa? Kapag hindi, dapat
simulan mo na. Ang pagbabasa ay paglalakbay sa iba’t ibang
lugar, panahon at kaalaman. Kapag tayo ay nagbabasa, may
mga salitang mahirap intindihin. Sa modyul na ito, malalaman
mo kung paano maintindihan ang mga ito. Sikaping gawing
mag-isa ang mga modyul. Sundin ang pagkasunud-sunod ng
mga gawain. Huwag laktawan ang alinman sa mga bahagi.
Humingi ka lang ng tulong kapag kinakailangan. Gamitin ang
kuwaderno sa pagsagot sa mga gawain.
Pagkatapos ng mga aralin sa modyul, inaasahang magagawa
mo ang mga sumusunod:
1. Nagagamit nang wasto ang termino ng musika para maipakita ang
pagkakaiba iba ng daynamiko:

a. piano (p)
b. mezzo piano (mp)
c. forte (f)
d. mezzo forte (mf)
e. crescendo <
f. decrescendo >
2. Nagagamit nang wasto ang termino ng musika para maipahiwatig ang
pagkakaiba iba ng tempo:
a. largo b. presto
c. andante d. vivace
e. ritardando f. accelerando
g. allegro h. moderato

3
Subukin
Panuto: Basahing maigi ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat ang sagot sa patlang bago ang numero

__________ 1. Anong element ng musika ang tumutukoy sa lakas at hina ng pag-awit


at pagtugtog?
a. form
b. timbre
c. rhythm
d. dynamics
__________ 2. Paano aawitin ang bahagi ng awit na kakikitaan ng p?

a. mahina
b. malakas
c. mahinang-mahina
d. malakas na malakas
__________ 3. Ano ang kahulugan ng forte?
a. malakas
b. mahina
c. katamtaman
d. mahinang-mahina
_________ 4. Ano ang simbolo ng piano

a. p
b. ff
c. f
d. fff
_________ 5. Ito ay simbolong ginagamit sap ag-awit o pagtugtog nang mahina?

a. pp
b. ff
c. p
d. f
_________ 6. Anong uri o nabibilang ang awiting “Magtanin Hindi Biro”?
a. piano
b. forte
c. presto
d. largo
_______ 7. Ang pag-awit ay maaaring sabayan ng kilos o galaw ayon sa daloy ng
awitin o tugtugin. Paano ilalarawan ang tempo ng awiting “Leron, Leron Sinta?
a. pagtalon
b. pagmartsa
c. paglakad ng mabagal
d. paglakad ng katamtaman

4
_______ 8. Alin sa sumusnod na awitin ang magkatulad ang tempo?

a. “Bahay Kubo” at “Atin Cu Pung Singsing”


b. “Leron-Leron Sinta” at “Bahay Kubo”
c. “Atin Cu Pung Singsing” at “Lupang Hinirang”
d. “Paruparong Bukid” at “ Leron-Leron Sinta”

_______ 9. Lahat ng mga awitin ay may tempong Moderato maliban sa isa. Piliin
ang naiiba.
a. “Bahay Kubo”
b. “Sitsiritsit”
c. “Pamulinawen”
d. “Lupang Hinirang”

________ 10. Ito ay simbolo ng pag awit na pabilis nang pabilis


a. Accelerando
d. Ritardando
c. Moderato
d. Allegro

5
Balikan
Panuto: Hanapin ang mga salita sa kahon tungkol sa antas ng dynamics at tempo.
KULAYAN ang mga salita na nahanap.

P I A N O M U S I K P R E S T O B A H A Y C
M A B I L I S N A M I B I L I S M A B A R V
G A L N A M A B A G A L P I N A K A M E L I
R I T A R D A N D O N M A S A Y A N S A M V
P A G K L A T A P O I S N G M I S C A A F A
M A L I I L T S I K S I K O N G E P A N C C
A N D A N T E D A S S A N G M N A S A C N E
B A H A Y N A G B A I T O S D G I L E I D B
A T R T Y V B N R V M C M O D I T L I E S S
M E Z Z O P I A N O O D U G O Y E H A D S V
B M D R G U G O F O R T E S F R E J P Y V B
I P A G R T Y U M R Y M F S A A F K Q N W C
N O H H R T Y I H E T M F N G B G L R A X D
I M I U R T S N R T Z M F S S C H M S M Y E
G U L L D S S O T S F Z F S F D I N T I Z F
O N V I I T A L Y A N O O P I N O O U C A G
K A G T T A D Y A N I L I F O R T E A S A Y
O F R S U S T I N O A M E R I F T O K A N O
M O D E R A T O M U N I S I P H O Y O B A U
F C D S D F G H A C C E L E R A N D O R T Y

Tuklasin 1
Ano ang ginagawa mo sa tuwing ikaw ay galit o masaya? Paano mo ipinapahayag
ang iyong damdamin kung ikaw ay galit o masaya?
Ang iba’t ibang damdamin ay maaari nating ipahayag gamit ang ating boses.
May mga taong sumisigaw kapag galit o masaya. Kung minsan naman ay tahimik na
lamang tayong umiiyak sa tuwing tayo ay malungkot. Sa musika, may mga damdamin
na naipapahayag ang iba’t ibang antas o hina ng tunog. Ang wastong pagbasa at
pagsunod sa mga antas ng dynamics ay makatutulong upang maipahayag ng mga
mang-aawit at manunugtog ang wastong damdaminna nais ipahayag ng mga
kompositor. Ginagamit nila ang dynamics upang magkaroon ng damdamin ang isang

6
awitin na pupukaw sa emosyon ng isang tagapakinig. Ito ang element ng musika na
magpaparamdam ng saya, lungkot, o tagumpay na damdamain ng isang
tao.

Tuklasin 2
Bawat tao ay may kani-kaniyang musikang gustong pakinggan o
kinagigiliwan. May mga tao na ang gusto ay mga awiting mabibilis. Mayroon
ding iba na ang gusto ay mababagal. At mayroon ding may gusto na may
katamtamang bilis lamang. Ang pagpili ng uri ng awitin na nais pakinggan ay
hindi lamang sa bilis o bagal nito kung hindi dahil sa damdamin na
ipinapahayag nito.

Tatalakayin natin sa araling ito ang iba’t ibang simbolo sa musika.


Magkakaroon tayo ng pagkakataong mailarawan ang mga awitin ayon sa bilis
o bagal ng mga ito. Higit sa lahat, magkakaroon tayo ng pagkakataon na
maawit o matugtog ang mga kanta nang may tamang bilis na angkop sa
awitin.

Suriin 1
Mga Dynamics

May isa pang elemento ng musika na nagpapakita sa wastong pagpapahayag ng


damdamin ng musika. Ito ay ang dynamics. Ito ay ang iba’t ibang antas ng lakas o
hina ng tunog o musika.
Ang iba’t ibang antas ng dynamics ay nagpapahayag ng iba’t ibang emosyon o
damdamin. Ang malalakas na tunog at musika ay maaaring magpahayag ng galit,
tagumpay, at lakas ng tao. Ang mahihinang tunog o musika naman ay nagpapahayag
ng damdamin na may kapayapaan at katahimikan.

Ano ang nararamdaman mo ngayon? Maghanap ng isang awitin na angkop na


maglalarawan ng iyong pakiramdam.

7
Ang Antas ng Dynamics

Ang mga salitang mahina at malakas ay karaniwang ginagamit upang ilarawan


ang dynamics. Subalit may mga salita na maaaring gamitin upang ipahayag nang
wasto ang tamang antas ng lakas o hina ng isang tunog. Ang dynamics ay
ipinapahayag sa wikang Italya.

pianissimo pp Higit na mahina

piano p mahina

mp
Mezzo piano Hindi gaanong mahina

Mezzo forte mf Hindi gaanong malakas

forte f malakas

fortissimo ff Higit na malakas

Ang paghina o paglakas ng mga antas ng dynamics ay maaring biglaan o


dahan-dahan. Ito ay ipinapakita gamit ang simbolong > para sa decrescendo o
dahan-dahang paghina ng tunog sa musika at simbolong < para sa cresecendo o
dahan-dahang paglakas ng tunog.
Ang mga antas ng dynamics ay hindi lamang nailalarawan sa wikang Italya. Ito
ay maaaring ilarawan sa sariling wika ng isang kompositor. Ang mga salita o parirala
na mahina, mas mahina, malakas, higit na malakas, o pinakamalakas ay ginagamit
upang ilarawan ang mga antas ng dynamics sa wikang Filipino.

8
Suriin 2
Sa nakaraang aralin, tinalakay natin na ang dynamics ay nakadaragdag sa
epektibong pagpapahayag ng damdamin sa isang awitin.
Tempo- isang mahalagang element ng musika na nakapagpapahiwatig ng
damdamin.
Ang tempo ng musika ay nasusukat sa pamamagitan ng isang metronome.
Metronome- ito ay ginagamit upang malaman ang bilang ng kumpas sa isang minuto.
Ang bilang ng beat ng isang awit ay makikita sa kaliwang-itaas ng bahagi ng
isang likhang awitin.

Ang mga Uri ng Tempo sa Musika

Bukod sa paggamit ng isang metronome upang maging gabay sa pagsunod sa


wastong bilis o bagal ng isang awiti, maaari rin tayong gumamit ng mga salitang
naglalarawan ng iba’t ibang tempo sa musika. Kadalasang ginagamit sa mga likhang
awit ay mga salitang nasusulat sa wikang Italya. Ang mga salitang ito ay nagbibigay
ng ideya sa mga mang-aawit o manunugtog kung gaano kabilis o kabagal dapat awitin
o tugtugin ang isang kanta. Narito ang ilan sa mga salitang mula sa Italya na
kadalasang nakikita sa mga awitin mula sa iba’t ibang bansa

9
Napakabagal
Largo (very slow, broad

Mabagal (slow)
Andante

Hindi gaanong mabilis,


Moderato hindi gaanong mabagal;
katamtaman lamang

Allegro Mabilis (fast)

Vivace Mas Mabilis at mas masigla


(quick, lively)

Presto Mabilis na mabilis (very,


very fast)

Pabagal nang pabagal (gradually becoming

Ritardando slower)

Pabilis nang pabilis


(gradually becoming fast
Accelerando
www.pinterest.com

10
Hindi lamang sa wikang Italyano mailalarawan ang tempo,
maaari ring gamitin ang salita o wika ng kompositor. Kung ang kompositor
ay mula sa Pilipinas, maaaring gamitin ang wikang Filipino.
Halimbawa ay ang mga salitang masaya, mabilis, kaunting,
mabagal, at marahan.

11
Pagyamanin

Gawain 1:
Panuto: Pagtambalin ang termino ng dynamic sa kani kanilang daglat o
simbolo.

Hanay A Hanay B

1. Piano A. m p

2. Forte B. p p

3. Crescendo
C. p
4. Fortissimo
D. m f
5. Mezzo Piano

6. Mezzo forte E. >

7. Pianissimo F. f

8. Decrescendo
G. f f

H. <

12
Pagtatasa 1

B. Isulat kung ang pangungusap ay Tama o Mali.

__________1. Inaawit nang mahina ang isang oyayi.


__________2. Ang simbolo ng decrescendo ay >.

__________3. Forte ang antas ng boses ng nanay na nagpapatulog sa


kanyang sanggol.
___________4. Higit na mas malalim ang pianissimo sa piano.

___________5. Dapat nating lakasan nang dahan-dahan an gating boses o


pagtugtog kapag ang antas ng dynamics ay crescendo.

Gawain 2

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa sumsunod. Isulat ang tamang sagot sa patlang
bago ang numero.

______ 1. Anong uri ng tempo kabilang ang awiting “Magtanim Hindi Biro”?
a. piano
b. forte
c. presto
d. largo
______ 2. Sa paanong paraan maaaring ihambing ang presto?
a. Paglakad ng pusa
b. pagtakbo ng kabayo
c. paglukso ng kangaroo
d. paggapang ng pagong
______ 3. Sa paanong paraan maaaring masukat ang tempo?
a. Vivace
b. metronome
c. monophonic
d. melodiya
______ 4. Ito ay element ng musika na naglalarawan sa bilis o bagal ng musika.
a. tempo
b. dynamics
c. texture
d. harmony

13
______ 5. Wikang maaaring maglarawan ng iba’t ibang uri ng bilis.
a. Japan
b. Italya
c. Niponggo
d. Tagalog

Pagtatasa 2:
Panuto: Isulat kung ang pangungusap at TAMA o MALI.

_________ 1. Ang galaw ng isang uod ay maaaring ihambing sa tempo ng Largo.


_________ 2. Mabagal ang Tempo ng mga oyayi
_________ 3. Angkop ang tempo ng Allegro sa mga awiting pampatulog sa mga bata.
_________ 4. Walang kaugnayan ang bilis ng awitin sa damdaming ipinapahayag nito.
_________ 5. Tanging mga salitang Italiano lamang ang maaaring gamitin upang
ilarawan ang bilis ng isang awitin.

Isaisip
A. Ating alamin naman ang iyong mga natutunan sa modyul na ito. Punan ang bawat
patlang ayon sa hinihingi nitong impormasyon.

TANDAAN
 Ang mga _____________________ ay isang element sa musika
na nagpapakita ng iba’t ibang antas ng lakas at hina ng tugtog.
 May mga salita sa wikang _____________ na maaaring
maglarawan sa mga antas ng dynamics.

14
B. Isulat sa kahon ang iba’t-ibang naglalarawan sa mga antas ng
dynamics.

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

15
C. Panuto: Piliin ang tamang sagot sa unang kahon. Isulat ang sagot sa
ikatlong kahon

a. largo • 1. pabilis nang pabilis


1.

b. andante 2. pabagal nang pabagal 2.

• 3. napakabagal
c. moderato 3.

d. allegro 4. mabilis na mabilis 4.

e. vivace 5. mabagal 5.

f. presto 6. mas mabilis at mas masigla 6.

g. ritardando 7. mabilis 7.

8. nasusukat sa pamamagitan ng 8.
h. accelerando metronome

9. hindi gaanong mabilis, hindi gaanong 9.


i. tempo
mabagal

16
Isagawa
A. Panuto: Pag-aralan ang awiting Blow Gently Blow. Sundan nang wasto
ang mga antas ng dynamics na nakasulat sa awitin.

17
1. Ano ano ang mga dynamics na nagamit sa awitin?
___________________________________________________________________
2. Aling bahagi ng awit ginamit ang decrescendo?
___________________________________________________________________
3. Ang Cresendo?
___________________________________________________________________
4. Saang sukat makikita ang pianissimo?
___________________________________________________________________
5. Ano ang tempo ng awiting “ Blow Gently Blow”?
__________________________________________

B. Pag aralan ang awiting Kalesa. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Kalesa

18
1. Anong uri ng transportasyon ang kalesa? ____________________________
2. Ano ang mabuting naidudulot sa kapaligiran ang paggamit ng kalesa?
_____________________________________________________________
3. Ano ang napansin ninyo sa tempo ng awiting” Kalesa”?
___________________________________________________________________
4. Aling bahagi ng awit ang may mabilis na tempo?
_________________________________________________________
5. Mabagal na tempo? _________________________________________________

Tayahin

A. Panuto: Isulat ang kahulugan ng sumusunod na simbolo ng mga antas


ng dynamics.
1. ____________________ m p
2. ____________________ p
3. ____________________ >
4. ____________________ f f

19
5. ____________________ p p

6. ____________________ <
7. ____________________ f

8. ____________________ m f

B. Panuto: Basahin ang sumsunod na mga salitang mula sa Italya. Isulat


ang kahulugan ng bawat isa.

Ritardando

Andante

Vivace

Allegro

Presto

Accelerando

Largo

Moderato

Tempo

Metronome

Karagdagang Gawain
A. Panuto: Tingnan kung Malakas, Mahina o Katamtaman ang mga
dynamics. Bilugan ang iyong sagot.

1. f malakas mahina katamtaman

2. p malakas mahina katamtaman

20
3. pp malakas mahina katamtaman

4. m f malakas mahina katamtaman

5. f f malakas mahina katamtaman

B. Ayusin ang sumusunod sa napakabagal hanggang mabilis na mabilis…

Presto Largo Andante Moderato Vivace Allegro

Binabati kita sa matagumpay na pagtatapos ng modyul! Ipagpatuloy ang


magandang simula!
Iwasto ang mga sagot batay sa susi ng pagwawasto. Pagkatapos, maari mo
nang isumite sa guro ang iyong sagutang papel kasama ng modyul na ito.

23
24
Isagawa
A. 1. P. pp, f, <, > Gawain 2
2. 6-7 na sukat Isaisip 1. c
3. 5, 19, 22-23 na sukat Isaisip
2. b Pagyamanin
4. 17, 21-22 na sukat A. 1. Dynamics 3. b
5. Mabagal o Andante C. 2. Italyano 4. a Gawain 1 Pagtatasa
1. h
5. b 1
B. 1. Sasakyang panglupa 2. g B. 1. Pianissimo
2. nakatutulong sa pag-iwas ng 3. a 2. piano 1. c 1. Tama
Pagtatasa 2
Polusyon sa hangin 4. f 3. mezzo piano 2. f 2. Mali
1. Tama
3. mabilis at mabagal o 5. b 4. mezzo forte 3. e 3. Mali
2. Tama
Allegro at Andante 6. e 5. forte 4. g 4. Tama
3. Mali
4. una at huling bahagi 7. d 6. fortissimo 5. a 5. Tama
4. Mali
5. ang kalagitnaang bahagi 8. i 7. cresecendo 6. d
5. Mali
9. c 8. decrescendo 7. b
8. h
P I A N O P R E S T O C
I R V
A E L I
Subukin
R I T A R D A N D O N S V
L I C 1. d A
L S E C C
A N D A N T E S N C 2. a E
G I D E
T R M O L 3. a
M E Z Z O P I A N O O E D
4. a
M F O R T E R Y
P M A N 5. c
O I E N A
S Z M 6. c
S Z I
7. d
I T A L Y A N O O P I N O C
T F O R T E S 8. a
R
M O D E R A T O 9. b
F A C C E L E R A N D O
Balikan 10. a
SUSI SA PAGWAWASTO
25
Karagdagang Gawain
A. 1. f – malakas
2. p- mahina
3. pp- mahina
4. mf- katamtaman
5. ff- malakas
B. 1. Largo
2. Andante
3. Moderato
4. Allegro
5. Vivace
6. Presto
B. 1. Ritardando- pabagal nang pabagal
2. Andante- mabagal
3. Vivace- mas mabilis at mas masigla Tayahin
4. Allegro- Mabilis
5. Presto- mabilis na mabilis A. 1. Mezzo piano
6. Accelerando- pabilis nang pabilis 2. piano
7. Largo- napakabagal 3. crescendo
8. Moderato- hindi gaanong mabilis, hindi gaanong mabagal, katamtaman lamang 4. fortissiomo
9. Tempo- elemento ng musika na naglalarawan sa bilis o bagal ng musika 5. pianissimo
10. Metronome- sumusukat sa tempo. 6. decrescendo
7. forte
8. mezzo forte
BIBLIYOGRAPIYA
Kagawaran ng Edukasyon.Halinang Umawit at Gumuhit 5-Kagamitan ng Mag-
aaral. Vibal Group, Inc.
Kagawaran ng Edukasyon.Halinang Umawit at Gumuhit 4-Kagamitan ng Mag-
aaral. Vibal Group, Ic.
DepEd.K to 12 Gabay Pangkurikulum.2015
Kagawaran ng Edukasyon. Musika at Sining 4- Patnubay ng Guro. Book
Media Press, Inc.

www. Pinterest.com

26
Para sa mga tanong o tugon, puwedeng sumulat o kaya’y
tumawag kay:
Myla P. Dacay
Guinzadan Norte Elementary School
Bauko, Mountain Province
Contact Number: 09489875441
Email Address: myla.dacay@deped.gov.ph

15

27

You might also like