You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
Division of Surigao City
Serna Elementary School
S.Y 2019-2020
GRADE – 5 NARRA
DAILY LESSON PLAN
In EPP
WEEK 32
February 4, 2020

I – LAYUNIN
Pagkatapos ng klase, ang mga bata ay inaasahan na:

a. Naipapaliwanag ang mga panuntunan sa pamamahagi ng mga dokumento at media file.


b. Nakapamamahagi ng mga dokumento at media file sa ligtas at responsableng pamamaraan.

II – PAKSANG ARALIN

Paksa: Ligtas at Responsableng Pamamaraan ng Pamamahagi ng mga


Dokumento at Media File

Sanggunian: K to 12 – EPP5IE-0c-7

Kagamitan: cell phone, laptop, internet access, manila paper, pentel pen

III – PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

a. Pagbati
b.Pagwasto ng takdang-aralin
c. Balik-aral

B. Pagganyak
Magpapakita ng video clip ng mga makabagong teknolohiya sa bahay at paaralan.
https://www.youtube.com/watch?v=DNrhbJkKlv0

Panggabay na Tanong:
 Ano ano ang mga nakikitang kagamitan sa bahay, paaralan at mga lugar- pasyalan na
produkto ng makabagong teknolohiya?
 Makatutulong ba ang pagkakaroon ng mga kagamitang ito? Bakit?

C. PAGTALAKAY

PANUNTUNAN SA PAMAMAHAGI NG MGA DOKUMENTO AT MEDIA FILE


1. SEGURIDAD
 Magtalaga o maglagay ng password na madaling tandaan ngunit hindi mahuhulaan ng
kahit sino. Itala ang password para hindi malimutan at ilagay sa nakatagong lalagyan.
 Huwag ipagsabi ang password kahit kanino. Tiyakin na mag-log on o mag log-off sa mga
device, software o website na kailangang punan ng password.
 Lagi i-check ang device o computer na gagamitin kapag aalis sa harapan nito

2. KALIGTASAN
 huwag ipamahagi ang personal na impormasyon gaya ng tirahan, telepono sa bahay at
trabaho, o mga impormasyon sa credit card.
 Iwasang makipagtransaksyon at makipagkita sa mga taong nakilala lamang sa internet,
chat room, o social media.

3. PAGGALANG
 Matutong gumalang at gumamit ng magagalang na salita laging isaalang alang ang
mararamdaman ng ka- transaksyon o ka-chat.
 Huwag gumawa ng account, at huwag i-access ang files ng ibang tao.
 Bawal ang cyberbullying.
4. LEGALIDAD
 Mag-upload, mag-download o mamahagi lamang ng mga angkop at nararapat na
impormasyon o files.
 Huwag sumipi ng impormasyon, musika, video o mga larawan nang walang pahintulot
mula sa may-ari lalo pa at hindi ito copyright free (copyright law).
 Unawain ang mga patakaran at regulasyon ng bawat software, applications, websites,
social media, o chat room na iyong sasalihan.

IV – PAGTATAYA

A. Bumuo ng tatlong pangkat. Bawat pangkat ay mamamahagi ng dokumento o media file


kabilang grupo.

Pangkat 1 – ang bawat miyembro ay mamamahagi ng dokumento o media file sa ikalawang


pangkat.
Pangkat 2 – ang bawat miyembro ay mamamahagi ng dokumento o media file sa ikatlong
pangkat.

Pangkat 3 – ang bawat miyembro ay mamamahagi ng dokumento o media file sa unang


pangkat.

B. Ano ang mga dapat mong gawin upang makasunod sa sa mga pamantayan ng ligtas at
resposableng pamamahagi ng mga dokumento at media files?

V – TAKDANG ARALIN

Isulat sa kwaderno ang sagot.

Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang upang may seguridad ang pamamaahagi ng mga
dokumento o media file?

Inihanda ni:

MARIELLE P. LUMINDAS
Guro

Binigyang pansin:

SYLVIA A. TORRECAMPO
Punong Guro

You might also like