You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
Division of Surigao City
Serna Elementary School
S.Y 2019-2020
GRADE – 5 NARRA
DAILY LESSON PLAN
In EPP
WEEK 33
February 10, 2020

I – LAYUNIN
Pagkatapos ng klase, ang mga bata ay inaasahan na:

a. Nagagamit ang advanced features ng isang search engine sa pangangalap ng impormasyon.


b. Napahahalagahan ang ICT sa pangangalap ng mga impormasyon.

II – PAKSANG ARALIN

Paksa: Paggamit ng Advanced Features ng Isang Search Engine sa Pangangalap


ng Impormasyon
Sanggunian: https://depedtambayan.org/grade-5-dll-4th-quarter-2020/
Kagamitan: powerpoint presentation, kartolina, video clips,cellphone, laptop at
internet

III – PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

a. Pagbati
b.Pagwasto ng takdang-aralin
c. Balik-aral

B. Pagganyak

1. Ano-ano ang mga nasa larawan?


2. Para saan ito ginagamit?
3. Nasubukan mo na bang magsaliksik gamit ang computer at internet?

C. PAGTALAKAY

Ang search engine ay isang kagamitan sa internet kung saan ginagamit ito upang mabilis ang
paghahanap sa isang partikular na paksa o impormasyon. Kinakailangan ang search engine
upang mapadali ang pagkuha ng mga tekstwal at audio-biswal na mga impormasyon sa
malawak na mundo ng world wide web.

Magpapakita ng video clips upang mas maintindihan ang aralin.


https://www.youtube.com/watch?v=Zqmm-0ZMSoQ
https://www.slideshare.net/cathyprincessr/ictlessonepp4-
aralin11pananaliksikgamitanginternet150622045536lva1app6891
Pagpapakita ng paggamit ng google sa pangangalap ng impormasyon gamit ang computer at
internet.

IV – PAGTATAYA

Pagsasagawa ng Linangin Natin bilang Gawain B:


a. Pangkatin ang klase sa tatlo .

 Gamit ang meta cards bubunot ang bawat lider ng grupo ng isang katanungan at
sasagutin nila ito sa pamamagitan ng paggamit ng isang search engine gamit ang
internet .

1. Ano-ano ang advanced features ng isang search engine?


2. Ano-ano nag mga search engines na madalas gamitin sa pangangalap ng
impormasyon?
3. Bakit mahalaga ang ICT sa pangangalap ng impormasyon?

b. Iuulat ng bawat grupo ang kanilang mga naging kasagutan batay sa


kanilang nakalap na impormasyon.

V – TAKDANG ARALIN
Pagpapasagot sa mga impormasyong hinihingi gamit ang search engines na google.
Isulat ang sagot sa isang buong papel.

1. Ano-ano ang mabuti at masamang epekkto ng paggamit ng computer at internet?

Inihanda ni:

MARIELLE P. LUMINDAS
Guro

Binigyang pansin:

SYLVIA A. TORRECAMPO
Punong Guro

You might also like