You are on page 1of 12

ILIGAN CITY NORTH CENTRAL SCHOOL Republic of the Philippines

est. 1960 Department of Education


Region X – Northern Mindanao
Division of Iligan City
North III – District
Tibanga, Iligan City

KINDERGARTEN School ILIGAN CITY NORTH CENTRAL SCHOOL Grade Level KINDERGARTEN
Teacher MRS. FLORIDA Q. FEROLINO Learning Area FILIPINO
Teaching Dates March 22, 2022 ; 10:00-11:00 a.m. Quarter THIRD QUARTER
and Time
LESSON LOG

TUESDAY- March 22, 2022


I. LAYUNIN (Objectives)
A. Pamantayang Nilalaman Ang bata ay nagkakaroon ng pag unawa sa konsepto ng pamilya, paaralan
(Content Standards) at komunidad bilang kasapi nito.
Ang bata ay nakapagpapamalas ng pagmamalaki at kasiyahang
B. Pamantayan sa Pagganap
makapagkuwento ng sariling karanasan bilang bahagi ng pamilya, paaralan at
(Performance Standards)
komunidad.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nakikilala ang mga taong nakatutulong sa komunidad hal. Guro, bombero,
(Learning Competencies) pulis, at iba pa
Write the LC code for each. KMKPKom-00-2
II. NILALAMAN (Content) MGA NATATANGING KATULONG SA KOMUNIDAD
III. KAGAMITANG PANTURO
(Learning Resources)
A. Sanggunian (References)
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
(Teacher’s Guide pages)
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-
Mag-aaral
(Learner’s Materials pages)
3. Mga Pahina sa Teksbuk
ICC Integrated Core Curriculum pages 27-32
(Textbook pages)
B. Iba Pang Kagamitang Panturo
CG. Page 13
(Other Learning Resource)
Mathematics: Pagbibilang mula 1-10, Ordinal Numbers 1 st-10th
C. Integrasyon
EsP: Paggalang at Pagpapahalaga
IV. PAMAMARAAN (Procedures)
A. Panimulang Gawain Panalanggin-Video Presentation

Ang layunin ng ating aralin sa Filipino ay:


Nakikilala ang mga taong nakakatulong sa kumonidad halimbawa, guro,
bomber, pulis, at iba pa.

Mga paalala o alituntunin bago natin simulan ang ating video lesson sa
Filipino.

1. Mga magulang o tagapangalaga: Huwag po nating iwan ang bata mag-


isa sa panunuod ng video lesson natin ngayon. Gabayan ang bata sa
panonood at paggawa.

2. Maghanap ng isang tahimik at kumportableng lugar o learning space


at siguraduhing malakas ang tunog ng inyong gadgets upang
makarinig ng mabuti.
ILIGAN CITY NORTH CENTRAL SCHOOL Republic of the Philippines
est. 1960 Department of Education
Region X – Northern Mindanao
Division of Iligan City
North III – District
Tibanga, Iligan City

3. Ihanda sa tabi ninyo ang modules, self-learning activity sheets, papel,


lapis at pambura.

4. Makinig lagi sa guro at sumunod sa mga ipinapagawa nito at ng iyong


magulang o tagapangalaga.

5. Iwasang kumain, umalis o gumawa ng ibang gawain habang nanunuod


ng video lesson.

6. Kung may hindi kayang sagutan, magpatulong sa tagapaggabay o sa


guro sa pamamagitan ng tawag, text o video call.

Pambungad na sayawit
Mga bata, sabayan nyo ako sa ating community singing na pinamagatang
“Ako, Ikaw, Tayo’y Isang Pamayanan”.

B. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o


pagsisimula ng aralin Bago natin talakayin ang leksyon natin ngayong araw na ito, atin munang
balikan ang inyong natututunan tungkol sa mga lugar sa komunidad.
Anu-ano ang tawag sa mga lugar na ito sa ating komunidad?

Hospital Estasyon ng Bombero

Estasyon ng Pulis Panaderya


ILIGAN CITY NORTH CENTRAL SCHOOL Republic of the Philippines
est. 1960 Department of Education
Region X – Northern Mindanao
Division of Iligan City
North III – District
Tibanga, Iligan City

Paaralan Parke
Bakit mahalagang malaman ng mga bata ang mga pangalan ng iba’t-ibang
parte ng komunidad? (Ito ay para malaman natin kung saan at kalian tayo
pupunta sa isang lugar.)

Pagpapayaman ng Talasalitaan:
Kumonidad-Ang Komunidad o Pamayan ay ang lugar kung saan tayo
kumikilos. Ito ay binubuo ng paaralan, simbahan, pamahalaan, pamilya at iba
pa.

Katulong-tagapaglingkod, tagaganap, saklolo

K. Pagganyak o Paghahabi sa layunin ng


aralin

Pakikinig/Panunuod:
Ngayon, atin munang panuorin at pakinggang ambuti ang kwento ukol sa
mga natatanging katulong sa ating pamayanan. Makinig nang mabuti! Dahil
pagkatapos ng kwento, sasagutin ninyo ang aking mga katanungan sa harap
ng inyong magulang o tagapangalaga.

https://www.youtube.com/watch?v=9J7UVG_HT2I

D. Pag- uugnay ng mga


halimbawa sa bagong aralin Pagsasalita:
Mga bata, sagutin ang aking tanong sa loob ng tatlong segundo.
1. Sino ang tauhan sa kuwento? (Si Tofi)
2. Saan pumunta si Tofi at ang nanay nito pagkatapos sa eskuwela? (Sila
ay umuwi sa bahay habang naglalakad sa kalsada.)
3. Sinu-sino ang mga nakikita ni Tofi at nanay nito sa kanilang mga
dinaanan? (Ang mga Natatanging katulong sa ating Kumonidad gaya
ng kaminero, tindera/tindero, barbero, doktor, nars, karpentero, guro,
panadero, bombero at pulis)
4. Kailangan ba nating kilalanin ang mga myembro at mga natatanging
katulong sa ating komunidad? Bakit? (Oo, kailangan nating kilalanin
ang bawat myembro ng kumonidad at ang mga tumutulong upang
maging maayos, matiwasay at maganda ang ating pamayanan.)
5. Gamit ang Ilan ang natatanging katulong sa kumonidad ang meron sa
kwentong napanood? (Gamit ang ating kaalaman sa
Matimatika,mayroong sampong natatanging katulong sa ating
kumonidad ang nasa kwento.) Ano ang mga ito? (Una ang kaminero,
pangalawa ang tindera/tindero, pangatlo ang barbero, pang-apat ang
doktor, pang-lima ang nars, pang-anim ang karpentero, pang-pito ang
ILIGAN CITY NORTH CENTRAL SCHOOL Republic of the Philippines
est. 1960 Department of Education
Region X – Northern Mindanao
Division of Iligan City
North III – District
Tibanga, Iligan City

guro, pang-walo ang panadero, pang-siyam ang bombero at ang pang-


sampu nanan ang pulis)
6. Anong mahalagang aral ang mapupulot sa kuwento? At Bakit mo ito
nasabi? (Tulad sa natutunan natin sa Edukasyon Sa Pagpapakatao, Ang
mahalagang aral na mapupulot sa kuwento ay paggalang at
pagpapahalaga sa mga natatanging katulong sa ating kumonidad ano
man ang posisyon nila sa buhay. Dahil silang lahat ay mahalaga sap ag-
unlad ng ating kumonidad.)

E. Pagtatalakay ng bagong
konsepto Pagsasalita:
Kilalanin ang mga taong nakatutulong sa kumonidad. Hanggang saan
kaya ang iyong nalalaman?

Halika’t sagutin ang aking bugtong sa loob ng tatlong segundo.

1. Ako ay makikita sa ospital. Tinutulungan ko ang mga taong may


karamdaman o sakit sa katawan. Sino Ako? (Doktor)

2. Ako naman ang katuwang ng doctor sa pag-aaruga sa mga pasyenti sa


ospital. Sino Ako? (Nars)

3. Ako ay kalimitang nasa paaralan, Ako ang nagtuturo sa mga bata mag-
aral magsulat, magbasa at magbilang. Sino Ako? (Guro)

4. Ako ay nasa tanggapan kung saan humihingi ng tulong ang mga tao
upang maprotektahan sila sa masasasama at mabigyan sila ng hustisya.
Sino Ako? (Pulis)

5. Ako ay hindi takot sa apoy. Pinapatay ko ang mga apoy sa mga tahanan
ILIGAN CITY NORTH CENTRAL SCHOOL Republic of the Philippines
est. 1960 Department of Education
Region X – Northern Mindanao
Division of Iligan City
North III – District
Tibanga, Iligan City

at iba pang lugar na maaring makapinsala sa mga tao. Sino Ako?


(Bombero)

6. Ako ay nagtatrabaho sa panaderya. Trabaho ko ang magluto ng mga


tinapay, cake at iba pang makakain ng tao. Sino Ako? (Panadero)

7. Ako ay tagakumpuni ng mga bahay at iba pang mga kagamitan sa


pamayanan. Sino Ako? (Karpentero)

8. Ako ay maghapong nasa kalsada, namumulot ng kalat at nagpapanatili


sa kalinisan nito. Sino AKo? (Kaminero)

9. Ako ay pweding maglako, pwedi din manatili sa iisang lugar upang


magtinda nang kung anong produkto ang kaya ko. Sino Ako?
(Tindera/Tindero)

10. Ako ay nagtatrabaho sa paggupitan. Trabaho ko ang gupitan at gawing


kaaya-aya ang hitsura ng mga tao. Sino Ako? (Barbero)
ILIGAN CITY NORTH CENTRAL SCHOOL Republic of the Philippines
est. 1960 Department of Education
Region X – Northern Mindanao
Division of Iligan City
North III – District
Tibanga, Iligan City

Magaling! Paniguradong natutuhan mo na ang ating aralin ngayon. Ilan


lamang ang mga tauhan sa ating kwento at bugtong sa mga natatanging
katulong sa ating kumonidad.

G. Pagtatalakay ng bagong
Konsepto at Paglalahad ng Bagong
Kaugnayan sa Layunin
Kunin ang Self-learning Module at sabay-sabay nating sagutin ang
Gawain 2 na nasa pahina 3.
BIlugan ang mga kagamitang kailangan ng bawat katulong sa komunidad.

H. Paglilinang sa Kabihasnan
(Tungo sa Formative Assessment) Pagbasa:
Kilalanin ang mga taong nakatutulong sa ating kumonidad. Sinu-sino ang
mga nasa larawan? Basahin ang mga pangalan ng mga natatanging katulong
sa kumonidad.

1. gu-ro=guro 6. pu-lis=pulis
ILIGAN CITY NORTH CENTRAL SCHOOL Republic of the Philippines
est. 1960 Department of Education
Region X – Northern Mindanao
Division of Iligan City
North III – District
Tibanga, Iligan City

2. tin-de-ro=indero 7. pa-na-de-ro=panadero

3. bar-be-ro= barbero 8. dok-tor=doktor

4. ka-mi-ne-ro=kaminero 9. bom-be-ro=bombero

5. nars=nars 10. kar-pen-te-ro=karpentero

I. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-


araw na Buhay Pagsusulat: (Self-Learning Module pahina ika-1-2)
Gawain: Kilalanin kung kaninong natatanging katulong sa kumonidad hihingi
ng tulong base sa larawan at sitwasyon. Idugtong ang larawan sa
pamamagitan ng pagguhit ng linya sa kabilang hanay kung kanino ka hihingi
ng tulong.

Kanino ka hihingi ng tulong kung ikaw ay


may mataas na lagnat?
1.

Kanino ka hihingi ng tulong kung may


nakita kang magnanakaw sa aating
2. lugar?

Kanino ka hihingi ng tulong kung may


nakita kang bahay na nasusunog?
3.

Kanino ka hihingi ng tulong kung ikaw ay


nahihirapan sa iyong aralin at wala niisa
sa bahay ang makakatulong sa iyo?
4.

Kanino ka hihingi ng tulong kung mataas


5. at buhaghag na ang iyong buhok?
ILIGAN CITY NORTH CENTRAL SCHOOL Republic of the Philippines
est. 1960 Department of Education
Region X – Northern Mindanao
Division of Iligan City
North III – District
Tibanga, Iligan City

Kanino ka hihingi ng tulong kung nakakita ka


ng tambak-tambak na basura sa kalsada?

6.

Sino naman ang hihingan mo ng tulong


kung gusto mong kumain ng hamburger?

7.

Sino naman ang hihingan mo ng tulong


kung gusto magtanong sa presyo ng iyong
bibilhin?
8.

Sino naman ang hihingan mo ng


tulong kung gusto nyong maayos ang
sira ninyong bahay?
9.

Sino naman ang hihingi ang doktor ng


tulong upang asikasuhin ang may sakit
kung wala siya?
10.

Mga bata, ano ang inyong natututunan sa ating aralin?


( Mga Katulong sa Kumonidad)
Mahusay! Ngayon, inyo nang nakikilala ang mga taong nakatutulong sa
kumonidad.
Sinu-sino sila? (Sila ay ang mga kaminero, tindero, barbero, doktor, nars,
karpentero, guro, panadero, bombero at pulis)
L. Paglalahat ng Aralin Bakit kailangan nating malaman o kilalanin ang mga katulong sa ating
kumonidad?
(Kinakailangan malaman natin ang mga natatanging katulong sa kani-
kanilang mga gawain para malaman natin kung saan at kanino tayo hihingi
ng tulong if meron tayong mga pangangailangan. Silang lahat ay may kanya-
kanyang trabaho na ginagampanan sa kumonidad upang mapanatili itong
maayos, matiwasay, maganda at maunlad.)

M. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Kilalanin ang natatanging katulong sa ating komunidad. Bilugan
ang titik ng tamang sagot sa inyong learning activity sheet.

1. Sino ang tumutulong sa mga bata na magsulat, magbasa at magbilang


sa paaralan?

a. b. c.
ILIGAN CITY NORTH CENTRAL SCHOOL Republic of the Philippines
est. 1960 Department of Education
Region X – Northern Mindanao
Division of Iligan City
North III – District
Tibanga, Iligan City

2. Sino ang natatanging katulong sa kumonidad ang tumutulong sa atin


upang mapanatili ang kalinisan sa ating mga kalsada at mga pasyalan?

a. b. c.

3. Sino naman ang pumapatay sa apoy kung may mga sunog sa ating
kumonidad?

a. b. c .

4. Sino naman ang gumagamot sa tao kung nagkakaroon ng


karamdaman o problema sa kalusugan at pangangatawan?

a. b. c
N. Karagdagang Gawain o Ibang Pagsusulat: (Learning Activity Sheet)
Pagmumungkahi
Kilalanin ang mga taong nakatutulong sa ating kumonidad. Bakatin ang
mga pangalan ng mga ito sa kanan.

1. panadero 6. kaminero

2. bombero 8. 7. doktor
karpentero

3. pulis 9. barber

tindero
guro
10.
4.
ILIGAN CITY NORTH CENTRAL SCHOOL Republic of the Philippines
est. 1960 Department of Education
Region X – Northern Mindanao
Division of Iligan City
North III – District
Tibanga, Iligan City

5. nars
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80%
sa pagtataya
B. BIlang ng mag-aaral na nangangailangan
ng iba pang Gawaing remediation
K. Nakakatulong ba ang remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag aaral na magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong ng lubos?Paano ito nakatulong?
G. Anong suliranin ang aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng aking punong guro
at supervisor?
H. Anong kagamitang pangturo ang aking na
dibuho na nais kung ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Inihanda ni: Inobserbahan ni:

FLORIDA Q. FEROLINO GINA BUENA LIGUA MAGNO


Kinder Teacher Master Teacher II

Noted:

VILMA H. ARAZO, EdD


Principal II
ILIGAN CITY NORTH CENTRAL SCHOOL Republic of the Philippines
est. 1960 Department of Education
Region X – Northern Mindanao
Division of Iligan City
North III – District
Tibanga, Iligan City

Pangalan:

Panuto: Kilalanin ang natatanging katulong sa ating komunidad. Bilogan ang titik ng
tamang sagot sa inyong self-learning module pahina ika-2.

1. Sino ang tumutulong sa mga bata na magsulat, magbasa at magbilang sa


paaralan?

a. b. c.

2. Sinong natatanging katulong sa kumonidad ang tumutulong sa atin upang


mapanatili ang kalinisan sa ating mga kalsada at mga pasyalan?

a. b. c.

3. Sino naman ang pumapatay sa apoy kung may mga sunog sa ating kumonidad?

a. b. c .

4. Sino naman ang gumagamot sa tao kung nagkakaroon ng karamdaman o


problema sa kalusugan at pangangatawan?

a. b. c
ILIGAN CITY NORTH CENTRAL SCHOOL Republic of the Philippines
est. 1960 Department of Education
Region X – Northern Mindanao
Division of Iligan City
North III – District
Tibanga, Iligan City

Karagdagang Gawain (Takdang Aralin) :


Kilalanin ang mga taong nakatutulong sa ating kumonidad. Bakatin ang
mga pangalan ng mga ito sa kanan.

1. panadero
2. bombero
3. pulis
4. guro
5. nars 6. kaminero
7. karpentero
8. doktor
9. barbero
10. tindero

You might also like