You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Pasig City
CLUSTER III
BAMBANG ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY ARALIN para sa CLASSROOM OBSERVATION sa FILIPINO 5

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
A. Pamantayang Pangnilalaman
ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
Naipahahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong tono,
B. Pamantayan sa Pagganap
diin, bilis, antala at intonasyon.
C. Mga Kasanayan sa Pagkakatuto Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng isang produkto
Isulat ang code ng bawat F5WG-IVd-13.3
kasanayan

Iba’t ibang Uri ng Pangungusap sa Pagkilatis ng Isang Produkto

Integrasyon: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO, MATEMATIKA


II. NILALAMAN ARTS, MUSIKA,HEALTH-CURRENT EVENTS/PANDEMYA

Pagpapahalaga: PAGKAKAISA AT KOOPERASYON

Istratehiya: DISCOVERY LEARNING, GAME-BASED LEARNING,


EXPLICIT TEACHING

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian

1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Most Essential Learning Competencies (MELCs) p.160
Curriculum Guide in Filipino p. 80

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-


Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk Modyul 12

4. Karagdagang Kagamitan mula sa


portal ng Learning Resource
B. Iba Pang Kagamitang Panturo Filipino – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul:
Paggamit ng Iba’t ibang Uri ng Pangungusap Unang Edisyon, 2021
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o
pagsisimula ng bagong aralin Paggamit ng laro “BET NA BET!PAK NA PAK!
Panuto: Sabihin ang BET NA BET kung ang nakasalungguhit ay sanhi at PAK NA

School: Bambang Elementary School


Address: V. Pozon Street. Bambang, Pasig City
Tel: 7719-05-02
Email: bambangespasig@gmail.com
“BE THE BEST FOR GOD”
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Pasig City
CLUSTER III
BAMBANG ELEMENTARY SCHOOL
PAK kung bunga.

1. Natulog ng maaga si Nena kay maaga rin siyang nagising.


2. Masipag mag-aral si Lando kaya nakatapos siya ng pag-aaral.
3. Malusog si Ana dahil mahilig siya sa masusustansiyang pagkain.

Paggamit ng ICT
Lokalisasyon at Kontekstuwalisasyon
Panonood ng Video Presentation

Bago manood hayaan ang mga bata sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Kumusta ang iyong pamilya sa panahon ng pandemya?

-Ngayon manonood tayo ng isang video presentation. Panoorin at suriin itong


mabuti.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Mga katanungan:
1. Tungkol saan ang pinanood?
2. Ano ang masasabi mo sa napanood mong video presentation?
3. Paano ipinakilala sa commercial ang produkto?

Pagtalakay sa napapanahong issue/Current Events


Itanong:
Ngayong panahon ng pandemya ano ang naranasan mong tulong na
galing sa iyong pamilya.

-Malayang Talakayan

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa


sa bagong aralin Story Presentation

School: Bambang Elementary School


Address: V. Pozon Street. Bambang, Pasig City
Tel: 7719-05-02
Email: bambangespasig@gmail.com
“BE THE BEST FOR GOD”
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Pasig City
CLUSTER III
BAMBANG ELEMENTARY SCHOOL

Si Jolly
Si Jolly ay isang batang masipag mag-aral. Siya ay nagsasagot palagi ng
kaniyang mga takdang- aralin. Tuwing siya ay magmemerienda ang hiling niya sa
kaniyang mga magulang ay spaghetti, burger, icecream at fried chicken ng
Jollibee. Sarap na sarap si Jolly sa kanyang merienda. Sambit pa niya,
“Napakasarap ng burger yum ng Jollibee”
“Napakaraming sauce ng spaghetti ng Jollibee”
“Malutong ang balat ng fried chicken ng Jollibee”.

Paggamit ng laro “TANONG KO!SAGOT MO!”

1. Sino ang batang masipag mag-aral?


2. Ano-ano ang mga produktong binili ng kanyang magulang sa Jollibee?
3. Ano-ano ang kaniyang mga sinambit tungkol sa mga produkto ng Jollibee
na kaniyang kinain?
4. Kung ikaw si Jolly, tutularan mo rin ba siya sa kasipagan sa pagsasagot
ng mga takdang-aralin mo?Bakit?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto


at paglalahad ng bagong Discovery Learning
kasanayan #1 Paggamit ng laro “HANAP SALITA”
Malayang Talakayan

Tandaan na sa ating pagpapahayag ng ating mga kaisipan, tayo’y gumagamit ng


iba’t ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit. Narito ang mga uri ng pangungusap
ayon sa gamit.

1. Pasalaysay o Paturol – uri ng pangungusap na Nagsasalaysay ng


katotohanan o pangyayari. Ang pangungusap na ito ay nagtatapos sa
tuldok (.).

Halimbawa:
-Ang sabong panlaba na Champion ay napakabula at talagang
nakatatanggal ng mantsa sa damit.

School: Bambang Elementary School


Address: V. Pozon Street. Bambang, Pasig City
Tel: 7719-05-02
Email: bambangespasig@gmail.com
“BE THE BEST FOR GOD”
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Pasig City
CLUSTER III
BAMBANG ELEMENTARY SCHOOL

2. Patanong – ito ay pangungusap na ginagamit sa pagtatanong. Nagtatapos


ito sa tandang pananong (?).

Halimbawa:
-Paborito mo ba ang binili ko sa iyong master siomai?

3. Padamdam – ito ay pangungusap na nagsasaad ng matinding sidhi ng


damdamin katulad ng pagkagulat, pagkasabik, pagkamangha, at iba pa.
Nagtatapos ang pangungusap na ito ng may tandang padamdam (!).

Halimbawa:
Wow! Ang sarap naman ng luto ni nanay na tocino mula sa Mekeni.

4. Pautos – ito ay pangungusap na nagsasaad ng utos. Maaring ito ay


nagtatapos sa tuldok (.), o tandang padamdam (!) upang maipakita na
kailangang sundin agad ang sinambit na utos.

Halimbawa:
Punasan mo nga ng Starwax flloorwax ang ating sahig upang kumintab.

School: Bambang Elementary School


Address: V. Pozon Street. Bambang, Pasig City
Tel: 7719-05-02
Email: bambangespasig@gmail.com
“BE THE BEST FOR GOD”
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Pasig City
CLUSTER III
BAMBANG ELEMENTARY SCHOOL
E. Pagtalakay ng bagong konsepto
at paglalahad ng bagong PILIIN MO!
kasanayan #2 Narito ang ilang produktong laman ng patalastas sa radyo, telebisyon, at sa
tindahan na maaari mong mabili. Sa pagkilatis sa mga ito, piliin ang titik ng
tugmang pangungusap sa bawat aytem.

1. Facemask – Pasalaysay
A. Hay, napakainit gumamit ng facemask!
B. Magsuot ka ng facemask para sa iyong proteksyon.
C. Sa panahon ng pandemya mainam na gumamit ng facemask.

2. Sabon- Patanong
A. Ano ang mainam na gamiting sabong pampaligo?
B. Gumamit ng sabong 99.9% nakamamatay ng germs.
C. Ang sabon na gamitin ay siguraduhing 99.9% nakakamatay ng germs.

3. Vitamin C- Pakiusap
A. Mas mainam gumamit ng vitamin C na may Zinc.
B. Maari ninyong inumin ang Vitamin C na may Zinc.
C. Ano ang mas masustansiyang gamitin ang vitamin C na may Zinc o
wala?

Paggamit ng laro “PALAKPAK O PADYAK”


Panuto: Punan ng wastong pananda ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng
pangungusap. PUMALAKPAK kung ang iyong sagot ay titik A at PUMADYAK kung
titik B.

1. Anu-ano ang magandang shampoo sa buhok ____


a. tuldok (.) b.tandang pananong (?)

2. Wow____ Napakasarap ng burger.


a. tandang padamdam (!) b.tandang pananong (?)

3. Maaari mo ba akong tulungan na magbuhat ng aking mga ipinamiling


produkto sa Pampanga’s best___
a. tuldok (.) b.tandang pananong (?)

4. Si Nena ay bumili ng bagong rolex na relo ____


a. tuldok (.) b.tandang pananong (?)

School: Bambang Elementary School


Address: V. Pozon Street. Bambang, Pasig City
Tel: 7719-05-02
Email: bambangespasig@gmail.com
“BE THE BEST FOR GOD”
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Pasig City
CLUSTER III
BAMBANG ELEMENTARY SCHOOL

5. Kunin mo nga ang bago kong biling sapatos na Nike___


a. tuldok (.) b.tandang pananong (?)

F. Paglinang sa kabihasnan
(Tungo sa Formative Assessment) Paggamit ng laro “HEPHEP! HOORAY!

Panuto: Sabihin ang HEPHEP kung ang isinasaad na halimbawa ay tama at


HOORAY kung mali.

1. Ang pangungusap sa ibaba ay halimbawa ng pangungusap na


pasalaysay.
“Wow! Ang sarap ng hotdog na tenderjuicy.”

2. Ang pangungusap sa ibaba ay halimbawa ng pangungusap na


pasalaysay.
“Ang Skyflakes ay paborito ng aking lola.”

3. Ang pangungusap sa ibaba ay halimbawa ng pangungusap na patanong.


“Magkano ang binili mong cellphone?”

4. Ang pangungusap sa ibaba ay halimbawa ng pangungusap na pakiusap.


“Pakikuha nga ang binili kong Clover.”

5. Ang pangungusap sa ibaba ay halimbawa ng pangungusap na pakiusap.


“Iabot mo sa akin ang remote ng TV Plus.”

Paggamit ng laro “Deal or No Deal”


Panuto: Sabihin ang DEAL kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at NO
DEAL kung mali.

1. Ang Pasalaysay o Paturol ay uri ng pangungusap na nagsasalaysay ng


katotohanan o pangyayari.

2. Ang Patanong ay uri ng pangungusap na ginagamit sa pagtatanong.

3. Ang Padamdam ay uri ng pangungusap na nagsasaad ng matinding sidhi


ng damdamin.

4. Ang Pakiusap ay uri ng pangungusap na nagsasaad ng utos

School: Bambang Elementary School


Address: V. Pozon Street. Bambang, Pasig City
Tel: 7719-05-02
Email: bambangespasig@gmail.com
“BE THE BEST FOR GOD”
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Pasig City
CLUSTER III
BAMBANG ELEMENTARY SCHOOL
5. Ang Pautos ay uri ng pangungusap na nagsasaad ng paghiling o pagsuyo
na ginagamitan ng magagalang na salita.

G. Pag-uugnay sa pang araw-araw


na buhay Paglalapat ng Differentiated Instruction/Activities
Pangkatang gawain

Pangkat 1: Team ARTS


Panuto: Gumuhit ng isang poster ng mga produkto na nais ninyo at gumamit ng
iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng iyong napiling produkto.

Pangkat 2: Team MUSIKA


Panuto: Sumulat ng isang awitin tungkol sa isang produkto at gumamit ng iba’t
ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng iyong napiling produkto.

Pangkat 3: Team HEALTH/DRAMA


Panuto: Magkaroon ng isang maikling dula-dulaan sa isang produkto na may
kaugnayan sa mga gamit na ginagamit ng ating mga frontliners at gumamit ng iba’t
ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng iyong napiling produkto.

Rubrics para sa Pangkatang Gawain:

Puntos na ibibigay
4- Napakahusay 2- katamtaman
3- Mahusay 1- Nangangailangan pa ng Pagsasanay

BATAYAN PANGKAT 1 PANGKAT 2 PANGKAT 3


1. Kasiyasiya ba ang
ginawang pag-uulat?
2. Mahusay bang
nakasunod sa ipinagawa
ng guro ang pangkat?
3. Napukaw ba ng
tagapag-ulat ang
atensyon/ damdamin?
4. May sapat bang

School: Bambang Elementary School


Address: V. Pozon Street. Bambang, Pasig City
Tel: 7719-05-02
Email: bambangespasig@gmail.com
“BE THE BEST FOR GOD”
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Pasig City
CLUSTER III
BAMBANG ELEMENTARY SCHOOL
kaugnayan ang paksang
tinalakay?
5. Nakikiisa ba ang bawat
kasapi sa pagbuo ng
Gawain?

KABUUANG PUNTOS:

Interpretasyon:
20-17 Napakagaling
16-13 Magaling
12-9 Katamtaman
8- 0 Nangangailangan pa ng pagsasanay

Paglalapat ng Higher Order Thinking Skills


Integrasyon sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Pagpapahalaga:

Itanong:

-Nagustuhan ninyo ba ang inyong ginawa?


-Madali ba ang inyong ginawa?
-Bakit kaya ito naging madali? *HOTS
Dahil sa pagkaka-isa at pagtutulungan

Numeracy: Integrasyon sa Matematika


Ilan ang tinalakay nating uri ng pangungusap?
Paggamit ng laro “MASAYA O MALUNGKOT NA MUKHA”
Panuto: Ipakita ang masayang mukha kung ang isinasaad ng pangungusap ay
tama at malungkot na mukha kung mali.

1. PASALAYSAY: Ilang taon ka na?


2. PATANONG: Bakit hindi ka nagpaalam?
3. PADAMDAM: Naku! May nanalo na sa lotto!
4. PAKIUSAP: Maari po bang makahingi ng tubig?
5. PAUTOS: Maligo ka na at aalis na tayo.

School: Bambang Elementary School


Address: V. Pozon Street. Bambang, Pasig City
Tel: 7719-05-02
Email: bambangespasig@gmail.com
“BE THE BEST FOR GOD”
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Pasig City
CLUSTER III
BAMBANG ELEMENTARY SCHOOL
Ano ang ating pinag-aralan ngayun?
H. Paglalahat ng Aralin
Panuto: Iugnay ang mga larawan ng produkto sa hanay A sa mga pangungusap sa
Hanay B. Isulat ang tamang titik sa iyong sagutang papel.

1. A. Mabango at siguradong malinis ang


katawan pag tayo ay gagamit ng
sabong panligo.

2. B. Wow, ang sarap ng pritong isda at


sawsawan!

I. Pagtataya ng Aralin

3. C. Maari mong iregalo sa kaarawan ng


iyong ina ay isang android cellphone.

4. D. Anong lapis ang ating gagamitin sa


ating pagsagot sa pagsusulit?

5. E. Bumili ka ng panglinis ng ngipin na


may active fluoride at may proteksyon
sa cavity.

J. Karagdagang gawain para sa


Panuto: Sumulat ng limang (5) pangungusap na pagkilatis ng produkto gamit ang
takdang aralin at remediation
iba’t ibang uri ng pangungusap.

School: Bambang Elementary School


Address: V. Pozon Street. Bambang, Pasig City
Tel: 7719-05-02
Email: bambangespasig@gmail.com
“BE THE BEST FOR GOD”
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Pasig City
CLUSTER III
BAMBANG ELEMENTARY SCHOOL
Inihanda ni:
ROSALINDA N. SALEN
Teacher III

Isinangguni kay:
EDWIN C. NOCHE
Master Teacher I

Noted by:
SARAH J. COLARINA Ed.D
Principal III

School: Bambang Elementary School


Address: V. Pozon Street. Bambang, Pasig City
Tel: 7719-05-02
Email: bambangespasig@gmail.com
“BE THE BEST FOR GOD”

You might also like