You are on page 1of 8

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION

REGION IV-A CALABARZON

Division of Rizal

District of Cainta II-A

KARANGALAN ELEMENTARY SCHOOL

Gate 2 Karangalan Drive Karangalan Village Cainta, Rizal

FILIPINO VI

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring panonood ng iba’t ibang uri


ng media.

B. Pamantayan sa Pagganap

Naisasakilos ang isang paksa o isyung napanood.

C. Kasanayan sa Pagkatuto

Naipapakita ang pag-unawa sa panonood sa pamamagitan ng


pagsasadulang naibigang bahagi.

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa: Naipapakita ang pag-unawa sa pinanuod sa pamamagitan ng


pagsasadulang naibigang bahagi.

B. Sanggunian: K-12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino VI: F6VC-IIcj-12

C. Kagamitan: LED TV, Powerpoint Presentation, Video Clip, Activity Cards,


Flaglets,Tsart.
D. Pagpapahalaga: Pagmamahalan

III. PAMAMARAAN

Guro Mag-aaral
A. Pagbabalik aral sa nakaraang
aralin
Tungkol saan ang tinalakay Tungkol sa mga salitang idyoma
natin kahapon?
Ito ay isang pagpapahayag na ang
Ano ang idyoma? kahulugan ay hindi komposisyonal. Ito ay
hindi tuwirang pagbibigay kahulugan at
pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng
isang lugar.
Magbigay ng halimbawa ng Butas ang bulsa(walang pera)- Palagi na
idyomang salita at gamitin ito lamang butas ang iyong bulsa dahil
sa pangungusap. madalas kang magsugal
Ilaw ng tahanan(ina)- Mahusay ang
aming ilaw ng tahanan pagdating sa
pagluluto
B. Gawain bago Bumasa o Manuod
1. Paghahawaan ng Balakid
Bago tayo tumungo sa ating Opo.
aralin, sagutan muna natin ang
inihanda kong puzzle. Ayusin
ang mga letra upang mabuo
ang tamang salita/sagot.
Handa na ba kayo mga bata?
Ano ang tinutukoy ng bawat
pangungusap?
1. Ito ay nakukuha o ibinibigay
ng magulang sa kanilang Mana
mga anak.
2. Mga bagay na nagagawa Kasalanan
na labag sa batas.
3. Tawag sa maliliit at Guya
matabang kambing.
4. Matigas ang ulo o suwail Alibugha
5. Tawag sa hanapbuhay Trabaho

2. Pagganyak
Ano kaya ang nakatagong
larawan? Halika’t ating tignan.
Nais niyo bang makita ang Opo
nakatagong larawan?

Ano ang larawang inyong nakikita? Larawan ng isang Pamilya

3. Pagganyak na Tanong
Ano ang binibigyang-diin o turo sa Mga Anak
larawang ito?
Alam na Nais Nalaman
Ang panonoorin nyo ay tungkol sa Malaman
isang mayamang lalaki na
mayroong dalawang anak na
kapwa lalaki na pinamagatang
“Alibughang anak”. Mula sa
pamagat ng kwento, ano ang
inyong alam at nais niyong
malaman base sa pamagat?

C. Gawain habang Bumabasa o


Nanunuod - Manood nang tahimik
1. Paglalahad - Maupo ng maayos
Bago natin simulan ang panonood, - Unawaing mabuti ang pinapanood
Anu-ano ang mga panuntunan o - Iwasang makipag-usap sa katabi
pamatayan sa panonood? habang nanonood.
1.1 Panonood ng Video Clips
Ngayon ay isang video ang
inyong mapapanuod na may
pamagat na “Alibughang Anak”

D. Gawain pagkatapos Manood


1. Pagsagot sa Pagganyak na
Tanong
Nagustuhan ba ninyo ang Opo.
inyong napanuod?
Naintindihan ba ninyo ang Opo.
inyong napanuod?
Nasagot ba ang lahat ng Opo.
inyong mga tanong?

2. Masusing Talakayan
Papangkatin ko kayo sa apat.
Basahing mabuti ang nilalaman o
nakasulat sa bawat activity card.
Sagutin ang tanong batay sa
hinihingi.
UNANG PANGKAT- Kilalanin mo ako.
Gamit Venn Diagram tukuyin ang
▬P
pagkakapareho at pagkakaiba ng
dalawang magkapatid.
IKALAWANG PANGKAT- Picture Perfect.
Ipakita ang tagpong sasagot sa
sumusunod na tanong:
1. Saan nagpunta ang bunsong
anak na lalaki?
2. Ano ang kanyang ginawa sa
ibinigay na mana ng kanyang
Ama?
IKATLONG PANGKAT- Kuwento ko,
Alalahanin Mo!
Gamit ang story ladder, pagsunud-sunurin
ang mga pangyayari batay sa kwento.
IKAAPAT NA PANGKAT- Talk, Katok
Show. Base sa kwentong natunghayan.
Magbigay ng mga negatibo at positibong
pangyayari na naganap at ipaliwanag ang
inyong naunawaan sa pamamagitan ng
isang Talk Show.

Talakayin at sagutin natin isa-


isa ang mga sumusunod na
tanong.
1. Sino ang alibughang anak? 1. Ang alibughang anak ay ang
kanyang bunsong anak.
2. Ano ang ibinigay ng Ama sa 2. Ang ibinigay ng kanyang Ama ay
kanyang mga Anak? ang parte nitong mana.
3. Ano ang ginawa ng 3. Ang ginawa ng alibughang anak sa
bunsong Anak sa nakuha kanyang mana ay nilustay niya ito
niyang mana? sa walang kabuluhang mga bagay.
4. Sa palagay mo, tama ba 4. Hindi po.
ang ginawa ng bunsong
Anak? Bakit?
5. Anong aral ang nais 5. Mahalin ang pamilya at
iparating ng inyong pahalagahan ang ibinibigay sa
kwentong napanood? atin.

3. Paglalapat
PANGKATANG GAWAIN
Pumili ng isang pangyayari sa
kwento na iyong nagustuhan at
isadula ito sa harap ng klase.

4. Paglalahat
Batay sa ating talakayan at sa - Manood nang tahimik
kwentong inyong napanuod, - Maupo ng maayos
paano ninyo maipapamalas - Unawaing mabuti ang pinapanood
ang inyong kakayahan sa - Iwasang makipag-usap sa katabi
mapanuring panonood ng iba’t habang nanonood.
ibang uri ng media?
IV. Pangkatang Pagtataya

Lights, Camera, Aksyon!

Panoorin ang isang maikling video. Pumili ng iyong eksenang nagustuhan


mula dito. Isadula ito sa harap ng klase.

Mga Pamantayan (10) (5) (3)


Kailangan ng Pagsasanay
Napakahusay Mahusay

1. Kahusayan
sa
pagdedeliver
ng mga
salita.
2. Pagsasaulo
ng mga linya

3. Pagsasatao
ng mga
tauhan.
4. Naipakita ng
malinaw ang
eksena sa
bahaging
nagustuhan.
5. Mayroong
kooperasyon
ang bawat
isa.

V. Takdang Aralin

Manood ng isang maikling pelikula. Magbigay ng mga natutunang aral mula dito.

Inihanda ni: Inaprubahan ni:

LIEZEL MAE D. JUMAWID FRANCIA N. CUYAGBO

Student Teacher Cooperating Teacher

You might also like