You are on page 1of 11

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

I. Layunin
Pagkatapos ng 45 minutong talakayan, 80 bahagdan ng mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naipaliliwanag kung ano ang tatlong aspekto ng pandiwa,
b. napag-iba ang tatlong aspekto ng pandiwa, at;
c. nagagamit sa pagbuo ng mga makabuluhang pangungusap ang iba’t ibang aspekto ng
pandiwa.
II. Paksang Aralin
Paksa: Aspekto ng Pandiwa
Sanggunian: Makabagong Balarilang Filipino, pahina 183
Ni: Alfonso O. Santiago at Norma G. Tiangco
Kagamitang Pampagtuturo:
 Flaskards at paket tsart
 Larawan
 Laptop & Projector
 Manila Paper
Pagpapahalaga:
“Kahalagahan ng Paggamit ng Aspekto ng Pandiwa”

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang umaga sa inyo mga
minamahal kong mga mag-aaral! Magandang umaga rin po, guro!

Kamusta naman ang araw niyo? Mabuti naman po aming, guro.

2. Panalangin
Bago ang lahat, tumayo tayo at ating
hilingin ang presensya ng Panginooon upang
tayo’y kanyang gabayan sa araw na ito sa
pamamagitan ng isang panalangin. (Isang mag-aaral ang mananalangin)
Panginoon, maraming salamat po sa araw
na ito. Maraming salamat po sa pagbibigay
sa amin ng lakas at talino para sa aming pag-
aaral sa araw na ito. Nawa’y gabayan Niyo po
kami at patuloy na bigyan ng karunungan
upang sa gayon ay marami po kaming
matutunan. Muli maraming salamat po. Ito
po ang aming samo’t dalangin sa pangalan ni
3. Pagtatala ng Liban Hesus, amen.
Maaari bang pakisulat ng kalihim ng
klaseng ito sa isang papel ang mga lumiban at
ibigay sa akin mamaya?
Opo, guro.
4. Paglatag ng mga Alintuntunin
Bago tayo magpatuloy sa ating
bagong aralin, maaari mo bang tapikin ang
inyong katabi at sabihan ng “Bawal matulog!”
(Tatapikin ang katabi at sasabihan ng “bawal
matulog!”
Napakahusay! Mukhang malabo ng
makatulog ang lahat, dahil alam niyo naman
na sa klaseng ito ay bawal ang….
Tutulog-tulog!
Tama! At kapag ako ay nasa harap,
ano ang dapat niyong gawin?
Tumahimik lang po at making.
At kailan ko lang kayo pahihintulutang
magsalita?
Kapag tinawag ang aming pangalan at kapag
may itatanong.
Magaling!

5. Pagsasanay
Ngayon, mayroon ako ritong mga
salitang ating nabasa sa ating huling
talakayan, nais kong basahin niyo ito ng
malinaw, buong husay at sabay-sabay.
(Babasahin ng mga mag-aaral ang mga
salitang nakasulat sa flaskards)
KARIKTAN
TULA
KARIKTAN
TULA
TUGMA
TALINHAGA
TUGMA
TALINHAGA
SUKAT
SUKAT

6. Balik-aral
Kahapon nga ay ating tinalakay ang
katuturan ng tula at ang mga sangkap o
elemento nito.

Maaari niyo bang ibigay muli ang


kahulugan ng tula?
Ang tula ay isang uri ng panitikan na
ginagamit sa pagpapahayag ng damdamin,
Mahusay! At anu-ano naman ang mga ideya at kaisipan sa masining na paraan.
sangkap o elemento ng tula?
Ang talinhaga ay tumutukoy sa paggamit
ng matatalinhagang pananalita at Tayutay.
Ang sukat naman at tumutukoy sa bilang ng
pantig. Ang kariktan ay ang paggamit ng mga
pili at maririkit na salita at ang tugma naman
ay ang pag-iisang tunog ng huling salita sa
Magaling! Napakahusay ng aking mga bawat taludtod.
mag-aaral. Tunay ngang may natutunan kayo
sa ating huling talakayan.

7. Paghawan ng Sagabal
Ngayon, narito naman ang mga
salitang ating mababasa sa ating bagong
aralin ngayong umaga. Basahin ninyo muli ito
ng malakas, maliwanag at sabay-sabay.
Maliwanag?

Opo, guro.
NAKARAAN
KASALUKUYAN

HINAHARAP
NAKARAAN
KASALUKUYAN

HINAHARAP
Tignan ninyo ang ilalim ng inyong
upuan, kung may makikita kayong papel na
hugis bilog, kayo ang maglalagay sa ating
paket tsart ng kasing kahulugan ng mga
salitang ito.

 NAKARAAN
 KASALUKUYAN
 HINAHARAP  NAKALIPAS
 IPINAGPAPATULOY
Ngayon naman, binibining Javier,  KINABUKASAN
gamitin mo ang salitang nakalipas sa isang
makabuluhang pangungusap.

 Nakalipas- nakalipas na ang ilang taon


ngunit hindi pa rin napapaganda ang
Mahusay! Para naman sa salitang ating kapaligiran.
ipinagpapatuloy, ginoong Lopez, ikaw naman
ang gagawa ng isang makabuluhang
pangungusap.

 Ipinagpapatuloy- nakakatuwang
tignan na ipinagpapatuloy ng mga
mag-aaral ang kanilang magandang
Napakahusay! Para sa huling salita, nasimulan.
ginoong Perez, gamitin mo ang salitang
kinabukasan sa isa makabuluhang
pangungusap.

 Kinabukasan- malaking
responsibilidad ang haharapin ng mga
Magaling! Palakpakan ninyo ang kabataan para sa kanilang
inyong mga kaklase! kinabukasan.

8. Pangganyak
(Magpapakita ang guro ng mga
larawan sa klase. Ang mga larawan ay
nagpapakita ng magkaibang kapaligiran noon
at ngayon.)

Ano ang kaugnayan ng larawang ng


kalikasan noon sa larawan ng kalikasan sa
ngayon?

Ang kalikasan po noon ay napakaganda at


walang pagputol ng mga puno ang nagyayari,
Tama! Mahusay! ngunit ang kalikasan ngayon ay unti unti ng
nasisira.
Kung hindi tayo magbabago, ano
kayang uri ng mundo ang makikita o
matitirahan natin sa hinaharap?

Tama! Magaling! Maari pong isang mundo na walang malinis


na kapaligiran at puro na lamang mga gusali.

Mula sa ating tinalakay kanina hinggil sa


kalagayan ng ating kalikasan noon, ngayon at
sa hinaharap, dapat nating maunawaan na
ang mga salita ay gaya rin ng ating kalikasan,
sila ay maaring magbago o mag-iba batay sa
panahon. Basahin natin ang mga sumusunod
na pangungusap, at nais kong dugtungan
niyo ang mga pangungusap na ito. Malwanag
ba?

 Kung hindi tayo magtutulungan


upang pangalagaan ang ating Opo, guro.
kapaligiran…

Tiyak na masisira lang ito at mawawalan ng


Mahusay! Ang susunod naman ay: saysay.

 Sa ngayon, ang lahat ay


nagtutulungan sa pangangalaga ng
kapaligiran gaya ng…

Paglilinis sa mga ilog, sa pamamagitan ng


pagpulot ng mga basura at pati na rin ang
Wow! Napakahusay! Talaga ngang pag wawalis sa paligid.
kayong nag iisip ng inyong mga sagot. Para sa
panghuling pangungusap naman.

Marami pa ring mga tao ang hindi nagbigay


 Nagtulungan na dati ang mga tao halaga sa kalikasan at patuloy pa rin sa
upang mailigtas ang kalikasan ngunit… pagkakalat ng kanilang mga basura.

Napakahusay ng inyong mga sagot!


Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili!

B. Paglinang ng Gawain
1. Paglalahad
Ngayon naman, nais ko kayong
tanungin. Ano ang inyong napansin sa mga
salitang may salungguhit? Ang mga salitang
magtutulungan, nagtutulungan at
nagtulungan?

Napansin ko po na ang mga salitang may


salungguhit ay nagpapakita ng mga kilos na
natapos na, kasalukuyang ginagawa at kilos
Tama! na gagawin pa lamang.

Siguro ngayon ay alam niyo na ang


ating tatalakayin ngayong araw. Ito ay ang
aspekto ng pandiwa.

2. Pagtalakay ng Aralin
Ngayon naman, atin ng tatalakayin ang
aspekto ng pandiwa. Una sa lahat, ano nga ba
ang pandiwa?

Ang pandiwa ay isang salita o bahagi ng


Tama! Magbigay naman kayo ngayong pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.
ng halimbawa ng pandiwa.

Guro, ang ilang mga halimbawa ng pandiwa


Mahusay! Ngayon naman, nais kong ay basa, bihis, dilig. Etc.
bigyan naman ng pagkakahulugan ang
aspekto ng pandiwa. Handan na ba kayong
making?

Ang aspekto ay katangian ng pandiwa Opo, guro.


na nagsasaad kung naganap na o hindi pa
nagaganap ang kilos, at kung nasimulan na at
kung natapos nang ganapin o
ipinagpapatuloy pa ang pagganap.
Lahat ng pandiwang Tagalog ay
nagbabanghay sa tatlong aspekto:
 Apektong pangnakaraan o
perperktibo
 Aspektong pangkasalukuyan o
imperpektibo.
 Aspektong panghinaharap o
kontemplatibo.

Ano nga ulit ang tatlong aspekto ng


pandiwa?
 Apektong pangnakaraan o
perperktibo
 Aspektong pangkasalukuyan o
imperpektibo.
 Aspektong panghinaharap o
kontemplatibo.
Tama! Unahin nating alamin ang
kahalagahan ng unang aspekto, ito ay ang
aspektong pangnakaraan o perpektibo.

Ang aspektong pangnakaraan ay


nagpapahayag ng kilos na nasimulan na at
natapos na. Ang impleksyon sa aspektong ito
ay nabubuo sa pamamagitan rin ng tuntunin
na ito:
o Kapag ang panlapi ng pandiwa ay may
inisyal na ponemang /m/, ang /m/ ay
nagiging /n/.
Maaari niyo bang basahin ang mga
halimbawa?

Opo, guro.
Halimbawa:
(Anyong Pawatas)
Magsaliksik
Ang aspektong pangnakraan o kilos na Maghakot
natapos na ng mga salitang ito ay… Maunawaan

(Aspektong Pangnakaraan)
Nagsaliksik
Nanghakot
Naunawaan

Magbigay nga kayo ng ilan pang mga


halimbawa?

maghanap – naghanap
Tama! Mahusay! Mukang nauwaan matamaan – natamaan
ninyo agad. mahigitan – nahigitan

Mayroon naman ako ritong tatlong


salita, basahin niyo nga ito.

-Sinasabihan
Binibing Santos, sa iyong palagay, -Sinabihan
-Sabihan
nasaan sa mga salitang ito ang nagpapahayag
ng kilos na nasimulan na ng ngunit hindi pa
natatapos?
Guro, sa tingin ko po, ang salitang
sinasabihan ang nagpapahayah ng kilos na
nasimulan na ngunit hindi pa natatapos.

Tama ba si binibing Santos?


Opo, guro!
Tama! Palakpakan natin si binibining
Santos!
Ang susunod naman na aspektong
ating tatalakayin ay ang aspektong
pangkasalukuyan o imperpektibo.

Ang aspektong pangkasalukuyan o


imperpektibo naman ay nagpapahayag ng
kilos na nasimulan na ngunit di pa natatapos
at kasalukuyan pang ipinagpapatuloy.

Gamitin uli natin ang mga salitang


ginamit natin kanina para sa ating
halimbawa. At muli ninyong basahin ang
halimbawa para sa anyong pawatas at para
sa aspektong pangnakaraan.

Halimbawa:
(Anyong Pawatas)
Magsaliksik
Maghakot
Maunawaan

(Aspektong Pangnakaraan)
Nagsaliksik
Ang aspektong pangkasalukuyan o kilos Nanghakot
na nasimulan na ngunit hindi pa natatapos ng Naunawaan
mga salitang ito ay…

(Apektong Pangkasalukuyan)
Nagsasaliksik
Nanghahakot
Nauunawaan

Naiintindihan ba?

Kung gayon, magbigay pa kayo ng ilan


pang mga halimbawa. Opo, guro.

sabihan – sinabihan – sinasabihan


Napakahusay naman ng aking mga pagtawanan – pinatawanan –
estudyante! Palakpakan niyo ang inyong mga pinagtatawanan
sarili. ligawan – niligawan – nililigawan

Dadako naman tayo sa panghuling


aspekto ng pandiwa. Mayroon muli akong
tatlong salito rito. Basahin ninyo muli ito.

Ginoong Macapagal, sa iyong palagay,


nasaan sa mga salitang ito ang nagpapahayag
ng kilos na hindi pa nasisimulan?
Tama! At ang huling aspekto na ating -inagaw
tatalakayin ay ang aspektong panghinaharap -inaagaw
o kontemplatibo. Ito ay naglalarawan ng kilos -aagawin
na hindi pa nasisimulan.

Halimbawa:
(Anyong Pawatas) Guro, sa aking palagay, ang salitang aagawin
Magsaliksik ang nagpapahayag ng kilos na hindi pa
Maghakot nasismulan.
Umunlad

Nais ko na kayo naman ang magbigay ng


aspektong panghinaharap para sa mga
salitang ito.

(Aspektong Panghinaharap)
Magsasaliksik
Tama! Napakahusay! Magbigay pa ng Maghahakot
iba pang mga halimbawa. Uunlad

Tunay nga na napakahusay ng aking


mga estudyante! Bigyan niyo ang inyong mga yumuko – yuyuko
sarili ng excellent clap! anihin – aanihin
pagtanimin – pagtatanimin
3. Paglalahat
Ano an gating napag-aralan ngayong
araw na ito?

Tama! Ibigay ang tatlong aspekto ng


pandiwa. Guro, ang pinagaralan po natin ay patungkol
sa mga aspekto ng pandiwa.

Ang una pong aspekto ng pandiwa ay ang


aspektong pangnakaraan o perpektibo,
Magaling! Lubos niyo ngang sumunod naman po ang aspektong
naunawaan ang ating aralin para sa araw na pangkasalukuyan o imperpektibo, at ang
ito. Palakpakan niyo ang inyong mga sarili! panghuli ay ang aspektong panghinaharap o
kontemplatibo.
4. Paglalapat
Mayroon ako ritong graphic
organizer na naglalaman ng mga salita na
nagpapahayag tungkol sa ating tinalakay.
Nais kong kayo ang sasagot sa mga ito at
pagkatapos ay kinakailangang gumawa kayo
ng makabuluhang pangungusap mula sa mga
salitang iyon. Malinaw ba?

Kontemplatibo
Imperpektibo
Perpektibo
A

Opo, guro nag-abot

inakyat

binuksan

Kontemplatibo
Perpektibo
Imperpektibo
A

mag-aabot
nag-aabot
nag-abot

aakyat
inaakyat
inakyat

bubuksan
binubuksan
binuksan

5. Pagpapahalaga
May natutunan ba kayo sa araw na
ito?

Muli, bakit mahalaga ang paggamit ng


aspekto ng pandiwa?

Opo, guro!

Tama! Palakpakan ninyong muli ang


inyong mga sarili! Mahalaga po ito sapagkat ang mga aspekto
ng pandiwa ay nagagamit natin sa pang araw-
araw nating pakikipag usap.

IV. Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang aspekto ng pandiwa na may salungguhit. Isulat sa patlang ang P, I, o K
kung saan:
P = Aspektong Pangnakaraan/Perpektibo
I = Aspektong Pangkasalukuyan/Imperpektibo; at
K = Aspektong Panghinaharap/Kontemplatibo

______1. Ang mga magsasaka ay nagtatanim ng palay.


______2. Hiniram ni Emily ang aklat ko.
______3. Maglalaro kame ng chess mamayang hapon.
______4. Iinom ako ng gamot para gumaling ako.
______5. Si ate Minda ang naglinis ng kusina.
______6. Hinahatid kami ni Kuya Ronnie sa paaralan tuwing may pasok.
______7. Kakain ba kayo ng tinapay?
______8. Sino ang sumagot ng telepono?
______9. May naisip ka na bang plano?
______10. Tahimik na nagbabasa ang mga mag-aaral.

Mga kasagutan:
1. I 5. P 8. P
2. P 6. I 9. P
3. K 7. K 10. I
4. K

V. Takdang Aralin
Sumalat sa isang buong papel ng 20 salita na nagpapahayag o naglalarawan sa tatlong
aspekto ng pandiwa.

You might also like