You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

I. Layunin sa pagkatuto:
a. Naiuugnay ang lipunang kinabibilangan ng Kompositor sa paglikha ng awitin.
b. Natatalakay ang mga karanasan at kaisipan ayon sa napakinggang awit.
c. Napapahalagahan ang awitin para sa lipunan.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Sa Pananaw na Sosyolohikal
Sanggunian: Darayo (Batayang Aklat sa Wika at Panitikan) Baitang 8
Pahina 424-427.
Kagamitan: Mp3 player, Tsart ng awit na Dakilang Lahi

III. Pamaraan:
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain
(Pagbati)
Magandang Umaga sa Lahat! Magandang Umaga Po. Bb. Chona.
Magsiupo lahat. Salamat po maam.

B. Balik Aral
Ano Ang Tinalakay natin Kahapon? Ang tinalakay natin hahapun ay tungkol
sa Pagsulat ng Kredo

Magaling!
Ano ang isang kredo? Isang kasanayan sa pagsulat na
naglalahad ng pangako ng isang
mahalagang paksa.

C. Pagganyak
1. Iparinig sa mga mag-aaral ang
awitin na “ Hari ng Tondo) ni Gloc 9 ( Nakikinig ang mga mag-aaral.)
2. Maaring muling ipaawit ito sa mga
mag-aaral.
3. Bilang panimula, gawing gabay na
tanong ang sumusunod:
a. Tungkol saan ang awit?
b. Sino ang posibleng nagsasalita
sa awit?
c. Ilarawan ang mga pangyayari o
sitwasyon sa awit?
d. Sa iyong palagay, sino ang
tinutokoy na : Hri ng Tondo?
Ipaliwanag.
4. Iproseso ang mga sagot ng mga
mag-aaral at ipakilala ang awit.
5. Maaring bigyan din sila ng
kaalaman tungkol sa gumawa ng
awit na si Gloc 9.

D. Presentasyon
1. Mula sa mga naibabahaging
kaalaman, himayin ang mensahe ng
awit sa pamamagitan ng graphic
organizer.
Ano ang Mensahe
ng awit?

Ano-ano ang mga detalyeng nakapaloob sa


awit?

Ano-anong bahagi ng awit ang magpapatunay at


susuporta sa mga tinutukoy na detalye at ideya?

Sosyolohikal

Sa pananaw na sosyolohikal, pinalalawak nito


ang pananaw o pagtingin sa pagsusuri ng isang
akda. Bukod sa kasiningan at katangian ng akda,
ang kaligirang panlipunan at pangkasanayan ay
higit ding pinagtutuunang suriin. Kung gayon,
pinatotohanan lamang na ang kultura ay hindi
maihihiwalay sa lipunan. Ang akda ay nilikha ng
awtor/manunulat na nabubuhay sa panahong
humuhubog sa pagkatao nito. Maglagayon, sa
pagsusuri isinasama rin ang lipunang
kinabibilangan ng awtor gaya ng pamahalaan,
simbahan, pamilya, paaralan, media, at iba pa.

E. Pagsasanay
(Pangkatang gawain)

F. Paglalahat
1. Ano ang naramdaman mo nang
mapakinggan ang awitin? Bakit ito
ang iyong naramdaman?
2. Ano ang mensahe ng awit ?
IV. Pagtataya
Panuto: Iugnay ang lipunang
kinabibilangan ng kompositor sa
paglikha niya ng awiting “ Hari ng
Tondo”. Paano makatutuong ang
awiting ito sa lipunan? Gamitin ang
Diagram.

Pamahalaan Pamilya

Paaralan Media

V. Kasunduan
Pakinggan at unawaing mabuti ang
awit na pinamagatang “Upuan” ni
Gloc-9.

You might also like