You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

City of Tagaytay
City College of Tagaytay

BANGHAY ARALIN PARA SA PAKITANG TURO


FILIPINO VII
Setyembre 08, 2018
I. Layunin
1. Naipaliliwanag ang kaisipang iparating ng napakinggang awitin
2. Nakabubuo ng sariling pananaw tungkol sa napapanahong isyu batay sa
napakinggang awitin
3. Nakapapakinig nang masusi at may layuning tuklasin ang aral ng awit
II. Nilalaman
A. Paksa: Hari ng Tondo ni Gloc-9
B. Sanggunian: Panitikang Filipino 7
C. Kagamitan: Video Clip ng Hari ng Tondo, Laptop, Aktibiti kard, Cartolina,
Marker.
III. Pamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin

Tumayo ang lahat para sa ating Ama, maraming salamat po sa araw na ito na
panalangin ___________, ibinigay niyo sa aming lahat. Gabayan po niyo
pangunahan mo. kami sa araw na ito pati na rin po ang aming
pamilya na naiwan sa aming tahanan. Buksan
mo po ang aming kaisipan upang makakuha ng
sapat na kaalaman. Bigyan mo po ng lakas sa
araw na ito ang aming guro. Ito po ay samo’t
dalangin naming sa pangalan ni Hesus. Amen.

2. Pagbati

Magandang umaga sa inyong lahat. Magandang umaga rin po G. Pelaez

3. Pagpapanatili ng kalinisan ng
klase

Bago kayo tuluyang umupo, isaayos (Pagsasa-ayos ng mga mag-aaral sa hanay ng


muna ang hanay ng mga upuan at mga upuan at pagpulot sa mga nakakalat na
pulutin ang mga nakakalat na basura)
basura

4. Pagtatala ng liban sa klase

_________, may liban ba sa klase Ikinalulugod ko pong sabihin sa inyo na


ngayon araw? walang liban sa klase ngayon araw.
B. Pagbabalik-aral

Kahapon ay tinalakay natin ang buhay


ni Aristotle Pollisco.

__________, Sino si Aristotle Pollisco “Si Aristotle Pollisco o mas kilala sa pangalang
GLOC-9 ay hinahangaan sa larangan ng
pagsulat ng awit at mabilis na pagsasalita.

Tama! ___________, ano ang “Karaniwang paksa ng awitin ni GLOC-9 ang


karaniwang paksa ng awitin ni GLOC- isyung panlipunan”
9?

Magaling! Natutuwa ako at kayo ay


nakinig sa ating talakayan kahapon.
Ngayon umaga ay magtatalakay tayo
ng panibagong aralin.

C. Pagganyak

Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan


ng matatalinhagang salita mula sa
pagpipilian. Gamitin sa pangungusap
ang orihinal na salita batay sa
kahulugan na galing sa pagpipilian.

1. Bahid 1. A. Marka o Dungis


2. Taliwas 2. F. Pagtanggi
3. Umusbong 3. C. Lumago
4. Kitilin 4. E. Patayin
5. Gumagapos 5. D. Natatali
6. Pinatatamasa 6. G. Pinararamdam
7. Halimuyak 7. B. Bango

Mga Pagpipilian
A. Marka o Dungis
B. Bango
C. Lumago
D. Natatali
E. Patayin
F. Pagtanggi
G. Pinararamdam

D. Paglalahad/Pagtatalakay ng Aralin

Pagpapanood ng video clip ng Hari ng (Ang mga mag-aaral ay matamang makikinig


Tondo ni Gloc-9 at magtatala ng mahahalagang detalye na
maririnig sa awit)
1. Pagsagot sa mga katanungan

A. Ano ang mensahe ng awit? “Ang mensahe ng awit ay tungkol sa buhay ni


Asiong Salonga bilang hari ng tondo”

Kahanga-hanga! Ang lugar na


kinamulatan ng isang tao ay
malaki ang nagiging
impluwensiya sa pagbuo ng
kanya pagkatao. Namulat si
Asiong Salongga sa mundo
kung saan ang malalakas ang
naghahari

B. Sa inyong palagay, sino ang “Sa aking palagay, ang nagbibigay ng mensahe
nagbibigay ng mensahe sa awit? sa awit ay ang mga mamamayan na kasama ni
Asiong sa Tondo”

Magaling!

C. Ipaliwanag ang ugnayan ng “Ang tagpuan ng awit sa Tondo Maynila.


tagpuan at mensahe na Inilalarawan sa awit ang Maynila bilang
inilalahad ng awit. mapayapang lugar ngunit sa likod nito, hindi
napapansin ang mga pangyayari at krimen”

Mahusay! Ang Tagpuan ng awit


ay ang Tondo Maynila.

D. Ilarawan ang mga pangyayari o “Sa unang bahagi ng awit inilalarawan ang
sitwasyon sa awit. buhay ng mga tao sa Tondo”

Tumpak! Sa unang bahagi ng


awitin pinakilala ang tagpuan
ng awit at ang buhay ng tao sa
Tondo bilang isang mundo takot
sa pagsiwalat ng katotohanan
dahil sa mga taong mapang-
abuso sa kapangyarihan.

Susunod na pangyayari, Sa ikalawang bahagi ng awit inilalarawan kung


_______, Ilahad mo. paano naganap ang pagtugis kay Asiong
Salonga at kung paano siya namatay.

Tama! Kung mapapanood niyo


ang pagsasapelikula ng buhay ni
Asiong Salongga na inilalahad
ng awitin, nagwakas ang
paghahari ni Asiong sa Tondo
nang dahil sa kanyang kaibigan
si Ernesto Reyes.

E. May pangyayari ba sa “Ang nagaganap na operasyon ng pamahalaan


kasalukuyan na binanggit sa na Oplan Tokhang ay pinakamalapit na
awit? Magbigay ng halimbawa. halimbawa ng kasulukuyang isyu na mai-
uugnay sa awit.

Kahanga-hanga!

E. Pangkatang Gawain

Upang mabatid ko kung talagang


nakinig kayo sa ating talakayan,
magkakaroon kayo ng pangkatang
gawain. Ngunit bago kayo magsimula
naririto muna ang pamantayan sa
pagmamarka ng inyong gawain.

Rubriks ng pagmamarka

Pangkatang Gawain

Unang Pangkat:

Mula sa napakinggang awitin, ilahad


ang mensahe ng awit at iugnay ito sa
napapanahong isyu sa bansa. Gamitin
ang estratehiyang: Sosyodrama. Para
sa paghahanda, tapusin ang pagpaplano
sa loob ng limang (5) minuto at ang
presentasyon sa loob ng tatlong (3)
minuto.

Ikalawang Pangkat:

Mula sa napakinggang awitin, ilahad


ang mensahe ng awit at iugnay ito sa
napapanahong isyu sa bansa. Gamitin
ang estratehiyang: Tableau. Para sa
paghahanda, tapusin ang pagpaplano sa
loob ng limang (5) minuto at ang
presentasyon sa loob ng tatlong (3)
minuto.

Ikatlong Pangkat

Mula sa napanood na pagtatanghal ng


una at ikalawang pangkat, magbigay ng
ebalwasyon. Gamitin ang
Estratehiyang: Meet the press. Para sa
paghahanda, tapusin ang pagpaplano sa
loob ng limang (5) minuto at ang
presentasyon sa loob ng tatlong (3)
minuto.

F. Paglalahad ng Bawat Pangkat

Unang Pangkat

Ikalawang Pangkat

Ikatlong Pangkat

Ika-apat na Pangkat

G. Pagbibigay ng Fidbak

Magbibigay ang guro ng puna at


komento sa isinagawang
pagtatanghal ng bawat pangkat.
H. Paglalapat

1. Ipaliwanag: “Kahit sa patalim


kumapit, isang tuka isang kahig”
2. Ipaliwanag: “Ngunit takot ang
dilang sabihin ang lahat animo’y
kagat-kagat”
3. Ipaliwanag: “Ngunit nang dumating
ang araw na gusto na niyang
talikuran ay huli na ang lahat at sa
kamay ng kaibigan ipinasok ang
tingga”

I. Paglalahat

1. Sa inyong palagay, Tama ba na


gumawa ng masama para sa
ikabubuti ng mas nakararami?
Ipaliwanag.

J. Pagtataya

Panuto: Punan ang kahulugan sa bahagi ng


kanta.

1._____________

Kahit sa 2.________ kumapit. Isang tuka isang


3.__________. Ang mga kamay na may
4._________ ng galit. Kasama sa buhay na
minana isang maling akala na ang 5._______
kung minsan ay tama.

IV. Takdang Aralin

Pakinggan ang iba pang awitin ni Aristotle Pollisco. Paghambingin ang awit sa
pamamagitan ng Ven Diagram.

Hari ng Tondo
Pagkakatulad Iba pang Awit

Inihanda ni:

JOHN DAVID T. PELAEZ

You might also like