You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

8 Zest for Progress


Z Peal of artnership

FILIPINO 8
Ikatatlong Markahan- Modyul 8:
Kontemporaryong Panitikan:Mga Bantas,
Baybay at Mag-kaugnay na Pangungusap

Pangalan: _____________________________________
Baitang/Seksyon:_______________________________
Paaralan: _____________________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Angel P. Aying


Editor: Lindo O. Adasa Jr.
Tagasuri: Adela S. Luang
Maricel B. Jarapan
Tagaguhit / Tagakuha ng Larawan: _____________________
Tagalapat: Peter Alavanza
Tagapamahala: Felix Romy A. Triambulo, CESO V
Oliver B. Talaoc, Ed. D
Ella Grace M. Tagupa, Ed
Jephone P. Yorong, Ed.
Lindon A. Adasa Jr.
Alamin
Ang modyul na ito ay nagpapamalas ng pag-unawa sa mag-
aaral tungkol sa wastong paggamit ng gramatika sa pagsulat ng talata o
salasay.

Pagkatapos mong isagawa ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


 Nagagamit ang kahusayang gramatikal (may tamang bantas, baybay,
magkaugnay na pangungusap/talata sa pagsulat ng isang suring
pelikula).F8WG-IIIg-h-33

Balikan ____
5

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot sa mga tanong. ( 1 puntos bawat
tanong)

1.) Anong elemento ng pelikula ang nagpapakita sa mahusay na anggulo ng


camera ?
A. Cinematography C. Diyalogo
B. Tema D. Tauhan
2. Ang pamagat ng pelikula ang unang mapapansin ng mga manonood. Lahat
ay kahalagahan ng pelikula maliban sa isa.
A. Simbolong ng detalye sa pelikula.
B. Naghahatid ng mensahe sa manonood.
C. Nahahatak ng pansin sa mga manonood.
D. Nagbibigay kalungkutan sa mga manood.
3. Alin sa ibaba ang hindi kabilang sa elemento ng pelikula?
A. Tema B. Tauhan C. Cematography D. Camera
4. Anong bahagi sa pelikula ang nagsaalang-alang sa tunog at musika ng
pelikula ?
A. Cinematography C. Diyalogo
B. Tema D. Aspektong Teknikal
5. Ano ang tawag sa linya ng mga tauhan sa kwento ng pelikula?
A. Cinematography C. Diyalogo
B. Tema D. Aspektong Teknikal

Nasagot mo ba nang tama ang mga tanong ? Huwag kang mag-alala.


Halina’t tuklasin natin.
Aralin Kontemporaryong Panitikan: Mga Bantas ,
4 Baybay at Magkaugnay na pangungusap

Tuklasin
Basahin ang bahagi ng Iskrip na hango sa dokumentaryong
pelikulang Manoro (The Aeta Teacher) ni Brillante Mendoza na pinarangalan ng
CineAwenir Award noong 2006 sa Turin Film Festival at itinanghal na Best Picture
at Best Director ng Cinemalaya sa nasabi ring taon.
Eksena 5—Simula ng isang malayong paglalakad
( Sa paglalakad ng mag-ama ay nasalubong nila ang isang
sasakyanan kung saan naroon ang mga Koreano, binati nila ang isa’t isa.)
Koreano: ( pinatutungkulan ang am ani Jonalyn): “Yu nid to fill-up
Aplikey-shen form fo your job:…(ibig sabihin ay kailangan nitong
magpasa ng aplikasyon para sa trabaho).
( Nagpasalamat ang mga ito.)
Mang Edgar: Jonalyn, tulungan mo akong maigi kung paano nagbasa at
magsulat.
Jonalyn: O sige, para makaboto ka.
Mang Edgar: Jonalyn, tulungan mo akong maigi kung paano magbasa at
magsulat.
Jonalyn : O sige, para makaboto ka.
Mang Edgar: Huwag na, hindi na mahalaga ‘yon pagsasayang lang ng oras
‘yan, narinig mo naman ang Koreano, kelangan ko na magfill-up ng
aplikasyon.
( Sinimulan ng mag-ama ang mahabang paglalakad upang hanapin
ang kanilang Apo Bisen.)
(Sa paglalakad ng mag-ama ay mautunghayan ang iba’t ibang eksena,
ang kariktan at kagandahan ng mga kabundukan na tila humihiyaw ng
kinabukasan ng mga kabundukan na tila humihiyaw ng
kinabukasan…nakasalubong nila ang tiyuhing mag-uuling na tinatanong
niya kung pinag-aralan ba ang kanyang itinuturo. Kumaripas sa pagtakbo
si Jonalyn ng dumaan sila sa sementeryo. Samantala sa isang bahagi ng
bundok nakita nila isang napakalawak at napakalaking apoy dulot ng
kaingin.)
Jonalyn: Sa ginawa nilang ‘yan ay inaagawan nila ng tahanan ang mga ibon.
(Malungkot ang mukha.)

___
5

Pamprosesong Tanong
PANUTO: Piliin ang titik na tamang sagot sa tanong. Isulat sa patlang ang
tamang titik.

______1.“Sa ginawa nilang ‘yan ay inaagawan nila ng tahanan ang mga


ibon.” Ano ang katangian ipinakita ni Jonalyn ?
A. Makatao B. Makakalikasan
C. Makadiyos D. Matakutin

______ 2. Bakit dapat tularan ang pagpapahalaga sa kalikasan?


A. Para maipakita ang pagmamahal sa kalikasan.
B. Upang mapanatili ang kagandahan ng kalikasan.
C. Upang dumami ang mga ibon.
D. Para manatiling berdi ang kalikasan.

______ 3. “Hinahanap ng mag-ama ang lolo ni Jonalyn sa kabundukan.” Alin


ang inilarawan sa pangungusap?
A. Mapagmahal B. Mapagmalasakit
C. Matakutin D. Mabait

______ 4. Sino ang sumulat sa dokumentaryong pelikula?


A. Brillante Mendoza B. Robert Mendoza
C. Britney Mendoza D. Ronei Mendez

______ 5. Ano ang maidudulot kapag ganitong pelikula ang mapanood ng


mga kabataan?
A. Nagbigay ng inspirasyon sa pag-aalaga ng kalikasan.
B. Nagdudulot ng mga pag-unawa sa pangyayari sa kapaligiran.
C. Nagturo ng mga magandang pananaw sa pamilya at
kapaligiran.
D. Nagbigay ng paraan sa pagmamahal sa pamilya.
___
5

Gawain 1: Pagsusuring Gramatika:


Panuto: Piliin ang titik na tamang sagot sa tanong. Isulat sa patlang ang
tamang titik.

______1. Sa ginawa nilang ‘yan ay inaagawan nila ng tahanan ang mga ibon.
Ano ang bantas ang ginamit sa panungusap ?
A. Kudlit B. Tuldok C. Panipi D. A at B

______2. “Yu nid to fill-up Aplikey-shen form for your job:…” Ano-anong mga
salita ang mali ang baybay?
A. Yu nid at Aplikey-shen B. Fill-up
C. Your Job D. Form For

______3. O sige, para makaboto ka. Ano ang bantas na ginagamit sa


pangungusap?
A. Kuwit at Panipi B. Kuwit at Tuldok
C. Panaklong at Tuldok D. Panipi at Tuldok

______ 4. “Samantala sa isang bahagi ng bundok nakita nila isang


napakalawak at napakalaking apoy dulot ng kaingin.” Anong pang-ugnay na
salita ang ginagamit sa pangungusap?
A. Nakita B. Samantala at At C. Bahagi at ng D. Kaingin

_______5. O sige, para makaboto ka? Anong pang-ugnay ang ginagamit sa


pangungusap?
A. O B. Para C. Sige D. Makaboto

Suriin
Halina’t sumuri!
Ano ang mga dapat isaalang-alang para sa pagbuo ng mahusay at
mabisang iskrip ng pelikula? Kayo ba’y nakaransan na sa pagsulat ng iskrip?
Dapat isaalang-alang ang paggamit ng bantas, baybay at pagkakaugnay ng
pangungusap.
Alam kong pamilyar ito sa inyo. Ano ba ang bantas? Ang bantas ay ay
mga simbolo na tumutulong sa tama at wastong pagkakaintindi ng mga
teksto. Sa ibaba ay matutuklasan mo ang iba’t ibang bansa na ginagamit sa
pagbuo ng iskrip at iba pang panitikang Pilipino.

Mga Bantas

1. Gitling o hyphen
a. Sa inuulit na salita
hal. ano-ano, ilan-ilan, iba-iba
suntok-suntukin, wasak-wasak, nagkawasak-wasak
b. Inaasahang Pantig na tunog
hal. tiktak, ding-dong, plip-plap
c. Paghihiwalay ng katinig at patinig
hal. mag-aaral, mag-isa, pa-Dapitan, maka-Filipino, pa-cute,
maki-computer
d. Pinabigat na pantig
hal. gab-i – ang kahulugan ay matandang gabi
lig-in – ang kahulugan ay pagiging alanganin
lang-ap – ang kahulugan ay pag-inom ng Mabuti
e. Bagong Tambalan
hal. lipat-bahay, bigyang-buhay, bagong-salita
f. Iwasan ang paggamit ng “bigyan”
hal. bigyang-pansin – tamang salita pansinin
bigyang-pugay – tamang salita nagpugay
bigyang-parangal – tamang salita parangalan
g. Tambalan ang “Punongkahoy” – walang pagbabagong maganap
hal. puno + ng at kahoy = punongkahoy
bunton +ng at hininga =buntonghininga
h. Pagsulat ng Oras
hal. ika-12 ng umaga, ika-8 ng umaga
i. Kasunod ng “De” – nangangahulugan ng “sa pamamagitan ng” mula
sa salitang Espanyol
hal. de-kolor, de-mano, de-bola, de-lata, de-bote
j. Kasunod ng “Di”
hal. di-mahapayang-gatang, di-mahipo, di-maitulak-kabigin
2. Tuldok o period ( . ) – ginagamit sa katapusan ng panungusap
Hal. Umaakyat ang pusa sa puno upang hulihin ang ibon.

3. Pananong o Question Mark ( ? )


a. Sa pangungusap na patanong – hal. Ano ang pangalan mo?
b. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag-aalinlangan sa
diwa ng pangungusap - hal. Si Manuel Roxas ang ikalawang ( ? )
pangulo ng Republika ng Pilipinas.

4. Padamdam o Interjection ( ! ) – ginagamit sa huling bahagi ng salita,


parirala at pangungusap na nagsasaad ng matinding
damdamin.
Hal. Mabuhay ang Pilipino!
Naku! Ahas!

5. Kuwit o Comma ( , ) – gamit ng kuwit


a. pagsulat ng kompletong adres – hal. Watson Building, 1610 J.P.
Laurel Street, San Miguel, Maynila
b. dulo ng pambungad – hal. Mahal kong Ana,
c. pagsulat ng petsa – hal. Mayo 11, 2018
d. paghihiwalay ng salita – hal. Bibigyang-pansin ng kanyang
administration ang pabahay, edukasyon, pagkain at
seguridad ng bansa
6. Tutuldok o Colon ( : )
a. huling bating pambungad – hal. Mahal na Senador Dela Cruz:
b. pagsulat ng oras – hal. ika- 4:00 n.u.
c. pagbibigay ng halimbawa – Mga dumalo: Punong Komisyuner,
Director IV, mga Puno ng Sangay
7. Tutuldok – kuwit O Semicolon ( ; )ginagamit sa pagitan ng malayang
sugnay ng mahabang tambalang pangungusap na walang
pangatnig na ginagamit.
Hal. Sa pag-upo sa katungkulan ng bagong pangulo, unang inaasam
ng karaniwang mamamayan ang pag-angat.

8. Panipi O Quotation Mark ( “ “)


a. kulungin ang tuwirang sinasabi ng nagsasalita
hal. “Mahal kita Ana,”bulong ni Ben.
b. kulungin ang pamagat ng isang artikulo o kwento
hal. Isa sa akda ni S.P. Bisa ay ang “Ulan.”

9. Panaklong o Parenthesis ( ) – ginagamit sa pambukod sa salita o mga


salitang hindi direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap
hal. Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng
Noli Me Tangere.
Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa bansang Turkey ay
humigit kumulang sa labindalawang libong (12,000)katao.

10. Tutuldok- tutuldok o Elipsis ( …. ) - nagpapahiwatig na kusang ibitin


ng nagsasalita ang karugtong ng nais sabihin.
Hal. Pinagtibayng pangulong Arroy…
Kung ikaw’y maliligo sa tubig ay aagap upang…

11.Kudlit O Apostrophe ( ‘ ) – ginagamit na panghalili ang kudlit sa isang


titik na kinakaltas.
Hal. Siya’t ikaw ay may dalang pagkain.
Ako’y mamamasyal sa dalampasigan.

12. Gatlang ( - )
a. ipakita ang sakop na bilang, petsa, oras
hal. 1991-1998 Oktubre 5-9
b. ipakita ang walang tiyak na petsa kung hanggang kalian, subalit
alam kung kalian nagsimula
hal. (1997- ) (1965- )

Naalala mo rin ba kung paano magbaybay sa Filipino? Ito muli nating


pag-aralan upang mabisa natin magagamit sa pagsuri ng mga pelikulang
napapanood sa sinehan at telebisyon.

MGA ALITUNTUNIN SA PAGBAYBAY NA PAGSULAT

1.Pagbigkas na Pagbaybay – dapat pa letra at hindi papantig


a. Salita pormal
Hal. aso = [ ey-es-o ] kotse = [key-o-ti-es-i]
b. Pantig
Hal. ay = [ ey-way ]
c. Daglat
Hal. Gng. ( Ginang) = [ kapital dzi – en – ar ]
d. Akronim
Hal. DNHS = Dakak National High School [ di-en-eh-is ]
2. Pagsulat na Pagbaybay
a. Kung ano ang bigkas ang siyang sulat at kung anong sulat ang siyang
basa
Hal. dyanitor = janitor pormal = formal
b. Ang dagdag na walong letra: C, F , J, N, Q, V, X, Z ay ginagamit sa
mga:
Hal. Tao = Nino, Carlo, John
Lugar = lupa, Quezon City, Zamboanga
c. Salitang katutubo sa Pilipinas
Hal. Mosque = (pook na dalanginan ng Muslim
Hadji = (lalaking Muslim na nakarating sa Mecca
3. Panumbas sa mga Hiram na Salita
a. Panumbas sa Filipino sa salitang banyaga
Hal. attitude = saloobin wholesale = pakyawan
b. Panumbas sa Ingles at Kastila na unang preperensya ang hiram na
Kastila
Hal. check = cheque = tseke liquid = liquido = likido
c. Salitang hiram na walang pagbabago
Hal. reporter soprano memorandum
d. Hiram na walang pagbabago ang mga simbolong pang-agham
Hal. Ag = Silver Mg = Mercury

Ano ang batayan na magkaugnay ang mga pangungusap sa iskrip ng


pelikula o sa isang panitikang Pilipino? Ang paggamit ng mga pang-ugnay.
Magaling! Alam mo ba kung ano-ano ang mga ito at paggamit sa mga salita?
Hayan sa ibaba ang maging gabay mo.

MGA HALIMBAWANG PANG-UGNAY

1. Pagdaragdag – at, ulit, pagkatapos, bukod, ano pa


2. Paghahambing – pero, sa kabilang banda, subalit, gayon man
3. Pagpapatunay – kung saan, dahil sa , para sa, tunay na, sa katunayan
4. Pagpapakita ng Oras – kaagad, pagkatapos, sa lalong madaling panahon,
sa wakas, noon
5. Pag-uulit – sa madaling salita, gaya ng sinabi ko, tandaan
6. Pagpapakita ng pagkakasunud-sunod – una, pangalawa, pangatlo, a,b, c
7. Pagbibigay halimbawa – halimbawa, sa ganitong klase, sa ganitong
pagkakataon
8. Pagbubuod o pagbibigay ng kongklusyon – sa madaling salita, bilang
resulta, kaya naman, sa pagbubuod

GAWAIN
____
25

Gawain 2: Bantasan Mo!


Panuto: Basahing mabuti ang talata. Salungguhitan ang angkop na bantas
ang mga pahayag na matatagpuan sa loob ng panaklong. Isulat sa patlang
ang sagot.( 1 puntos bawat patlang)

Ipinagmamalaki Kong Magiging Guro Ako

Masayang nagkita(1)__ (- / ?) kita ang magpipinsan upang dumalo sa


pista sa kanilang probinsiya. Nagkumustahan sila habang nagkakatuwaan
sa pananghalian(2)___(, / .)
(3)__(; /”)Kayu Daniel (4 )___ (, / .) anong kurso ang kukunin mo sa
kolehiyo (5)___( ? / !)” ang tanong ng sampong taong gulang na si Eula.
(6)__ (“ / : )Accounting (7)__ (. / ,) (8)__ (“ / !)ang sagot ni Daniel (9)__ (,
/ .)
“ Wow (10)__ (? / !)ang galling mo siguro sa matematika(11)__ (“ / :)
Kuya Daniel(12) ___ (. / ,)“Ano naman ang kursong kukunin mo(13)__ (? /
!)Kuya Nestor (14)___(? /!)” ang tanong naman ni Ronnel sa isa pang pinsan
na katulad ni Daniel ay nagtapos ng hayskul noong Marso.
(15)___( “ / ”)Magiging titser ako,(16) ___(“ / ?) ang may pagmamalaking
sagot ni Nestor (17) ___( . /,) (18 )___(“ / ?) Akala ko gusto mong maging
inhenyero (19)___(? /.)” ang pagtataka ni Daneil.
(20)___ ( “ / : )Nais ko, pero mas gusto kung magturo(21)__ (“ / :) Isa
akong iskolar sa ilalimng 1,000 Teachers Program(22)___ (. /,) Ipinatupad ito
ng Philipine Bussines for Education (PBEd) (23)___ (, / ”) isang organisasyon
ng mga lider sa negosyo na nagtataguyod ng reporma sa edekasyon. Ako (24)
__ (“ / ‘ )y maglilingkod sa ating Inang Bayan sa oras ng makapagtapos at
hindi ko hayaang maging biktima rin ng (25)___ ( “ / : )brain drain” sa bansa.
____
5

Gawain 3: Suri-suri!
Panuto: Suriin ang mga salita o parirala sa ibaba kung aling ang
ginagamit ng alituntunin sa pagbaybay. Isulat sa patlang ang titik sa
pagpipiliang sagot. (1 puntos bawat bilang)

A. Pagbigkas na Pagbaybay
B. Pagsulat na Pagbaybay
C. Panumbas sa mga Hiram na Salita

______ 1. Brain drain


______ 2. PBED
______ 3. Kuya Daniel
______ 4. negosyo
______ 5. Lider

Pagyamanin
____
5

Panuto: Gumawa ng maikling talata, isaalang-alang ang tamang bantas,


baybay, at pagkakaugnay ng mga pangungusap sa iyong susulating sagot.(
1 puntos)
1. “Namatay si Ana noong Mayo 15, 1920.” Ano bantas ang ginamit sa petsa
ng kapanganakan?
A. Tuldok B. Kuwit C. Panipi D. Gatlang

2. “Malaki ang pagkabagsak ng ekonomiya ng bansa sa pagdanas ng COVID.


Sa kabilang banda gumawa ng paraan ang pamahalaan para solusyunan ang
kahirapan.” Anong pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap?
A. Sa kabilang banda C. Paraan
B. Malaki D. Pagkabagsak

3. “Patuloy na ugaliin ang social distancing para sa kaligtasan ng lahat.” Alin


sa mga salita ang pang-ugnay?
A. Patuloy na C. Lahat
B. Para sa D. Salita
4. “Dyanitor ang trabahong napasukan ni Ruel sa Ayala Center Mall.” Alin
sa paraan ng pagbaybay napabilang ang salitang may salungguhit?
A. Pagbigkas na Pagbaybay B. Pagsulat na Pagbaybay
C. Panumbas sa mga Hiram na Salita D. Pagsulat ayon sa bigkas

5. “Nagpaturok ng vaccine si Betsi ngayon 8:00 ng umaga.” Anong bantas ang


ginamit sa pagsulat ng oras?
A. Tutuldok-kuwit B. Tutuldok
C. Kudlit D. Gatlang

Isaisip ___
5

Sa modyul na ito, natutuhan ko ang paggamit ng ___________________,


__________________________________,at ________________________________.

Napalalim ang kaalaman at nagagamit ang mga gramatikal


natatalakay sa aralin upang __________________________________________
________________________________________________________________________.

Makabubuo ng isang mahusay na pagsusuri sa


pelikula kung _____________________________________.

Ang kahusayang gramatikal ________________________


______________________________________________________.

____
Tayahin 10

I. Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang
bilang.(1puntos bawat bilang)
___1.) “ Mahal kong Lea___” Alin sa mga bantas ang angkop na gamitin sa
pangungusap?
A. ; B. , C. : D. “
___2.) Ano ang gagamitin bantas sa pagsulat ng oras?
A. Panipi B. Kolon C. Kuwit D.Gitling
___3.) “Akala ko gusto mong maging inhenyero.” Ang pagtataka ni Daniel.
Ano-ano ang mga bantas na ginamit sa pangungusap?
A. Kuwit at Panipi C. Panipi at tuldok
B. Tuldok at Kuwit D. Tulduk-tuldukan at Kolon

___4.) Talamak ang brain drain sa bansang Pilipinas ngayon dahil sa


mababang sahod na maibigay ng pamahalaan. Samantala sa ibang
bansang maunlad ay nagsasahod ng mataas kaya nagbunga sa
pagkahina ng ekonomiya ng Pilipinas. Paano nakakaugnay ang mga
pangungusap sa itaas?
A. Dahil sa paggamit ng tambalang pangungusap.
B. Dahil sa mga bantas na ginamit sa talata.
C. Dahil sa mga salitang pang-ugnay na higit nagpapaliwanag sa talata.
D. Dahil sa nagpapahayag ito na kaisipan.
___5.) “Ang reporter sa GMA ay pumanaw dahil sa sakit na Covid.” Ang
salitang may salungguhit, alin sa mga alintuntunin sa pagbaybay ang
ginamit?
A. Pagbigkas na Pagbaybay
B. Pagsulat na Pagbaybay
C. Panumbas sa mga Hiram na Salita
D. A and B

II. Panuto: Isulat ang Tatay kung ang pangungusap ay magkaugnay


,gumamit ng wastong bantas at baybay.Isulat naman ng Nanay kung hindi
magkaugnay, mali ang bantas at baybay.

______________ 6.) Ang pandemya ay nagdudulot ng pagbabago sa lahat ng tao


bata man o matanda kaya nagdudulot ito ng malawakang
depresyon at pagkagutom.
______________ 7.) Nagkaloob ng gantimpala ang may-ari ng pitaka!
______________ 8.) Lumaking bastardo ang anak ni Ana dahil sa walang ama.
Gayon pa man siya nagsusumikap upang mapakain at
mapa-aral ang anak.
_______________ 9.) Maraming namatay, sa pandemya ngayong taong 2019-
2020.
_______________10.) Nahirang na director ang ama ni Beth sa isang
Unibersidad kaya malaking pasalamat ng kaniyang
pamilya sa biyayang natanggap.
____
Karagdagang Gawain 20

Ikaw ay isang kabataang naatasang maging kabahagi ng MTRCB o


Movie ang Television Review and Classification Board. Gumawa ng rebyu ng
isang pelikulang Pilipinong napalabas sa mga sinehan mula sa taong 2019-
2020. Gamitin ang teknikal na kasanayang iyong natutuhan sa aralin. Sa
huli ay ibigay mo ang iyong kaisipan, pananaw, at saloobin tungkol sa
sinuring pelikula. (20 puntos)
RUBRIK SA PAGSURI NG PELIKULA

Pamantayan 5 Aking Puntos

1. Ang sinuring pelikula ay batay sa paksang 5 puntos


hinihingi.

2. Makatotohanan kompleto sa aspektong teknikal 5 puntos


ang sinuring pelikula.

3. Naipahayag nang malinaw ang kaisipan, 5 puntos


pananaw, at saloobin tungkol sa kabuoan ng
pelikula.

4. Naipakita ang kahusayang gramatikal sa 5 puntos


pagsulat.

Kabuoang Puntos 20 puntos

Gawain 2:
Bantasan Mo!
Susi Pagwawasto 1. – 14. ?
2. . 15. “
3. “ 16. “
Tuklasin: Gawain 1: 4. , 17. .
Balikan Pamproseso Pagsusuring 5. ? 18. “
Gawain
ng Tanong: Gramatika 6. “ 20 “
1.A 3: Suri-
1. B 7. , 21. “
1. D suri
2.D 2. A 8. ” 22. .
3. B 2. A
3.D 9. . 23. , 1. A
4. A 3. B 10. ! 24. ‘
4.D 2. C
5. C 4. B
5.C
11. “ 25. “ 3. B
5. B 12. . 4. C
13. , 5. B
Pagyamanin Tayahin:
1. B I. II
2. A 1. B 1.Tatay
3. B
2. B 2. Nanay
4. B
5. A 3. C 3. Tatay
4. C 4. Nanay
5. C 5. Tatay.

Isaisip:
1. mga bantas, alituntunin sa pagbaybay at halimbawang pang-
ugnay na mga salita.
2. mahasa ang kakayahan sa pagsulat ng panitikan at pagsuri ng
pelikula.
3. kung puno ka ng kaalamang tungkol sa pagbuo ng isang pelikula
mula sa elemento, tema, anggulo ng kamera at iba pa.
4. ang kukumpleto sa kaalaman dapat taglayin sa pagsusuri ng isang
pelikula.

Sanggunian:
Ailene Baisa-Julian, Mary Grace G. del Rosario, Nestor S. Lontoc, Alma M. Dayag
(2014).Pinagyamang Pluma 8. PHOENIX Publishing House., pp.433-442; pp.458-460
https://www.Pukaksak, slideshare.net
https://www.Christen Joy Ignacio, slideshare.net
https://www.Brainly.ph
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belong to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why?
A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
Upon whose bosom snow has lain;
And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,
sand, because it was then that I But only God can make a tree.
CARRIED YOU!

You might also like