You are on page 1of 6

Filipino 5

Ikatlong Markahan
Modyul 2 para sa Sariling Pagkatuto
Paggamit ng Pang -abay sa
Paglalarawan
( Uri ng Pang-abay: Pang-abay na
Pamaraan, Panlunan, Pamanahon )
ARALIN
Basahin ang usapan ng magkakaibigan.
Annie: Nabasa mo ba sa dyaryo ang nangyari sa mga Pilipino seamen?
Lloyd: Hindi ko nabasa, narinig ko sa radyo.
Dahan-dahang lumubog ang barko nila.
Hinigop silang pababa ng kung ano.
Annie: Taimtim silang nagdasal.
Erika: Nasagip sila kahapon.
Makakauwi na sila sa Biyernes.
Lloyd: Dalawang oras ang hinintay nila bago tumalon sa tubig. Kasi kapitan at mga
opisyales sila ng barko.
Erika: Ganoon talaga kapag opisyal ng barko, hindi basta maiiwan ang barko
sa gitna ng dagat.
Annie: Parang alam na alam mo ito.
Erika:Napanood ko kasi ang Titanic kaya nagkaroon ako ng ideya.
Annie: Salamat sa Diyos at naligtas sila. Iba talaga ang nagagawa ng panalangin.
Mga Tanong:
1. Ano ang pinag-uusapan ng mga bata? _______________________________
2. Paano nalaman ni Lloyd ang nangyari? ______________________________
3. Anong magandang katangian ang ipinakita ng mga bata? ________________
4. Bakit nagpasalamat si Annie? ______________________________________
5. Tama bang magkaroon ng kaalaman sa nangyayari sa ating
kapaligiran?______Bakit?_______________________________________ Pansinin ang
mga nakaitim na salita sa usapan.
Taimtim silang nagdasal.
Ang salitang taimtim ay Pang-abay na Pamaraan.
Sumasagot ito sa tanong na Paano.
Nasagip sila kahapon.
Makakauwi na sila sa Biyernes.
Kahapon at Biyernes ay Pang-abay na Pamanahon.
Sumasagot sa tanong na Kailan.

Hindi mo basta maiiwan ang iyong barko sa gitna ng dagat.


Sa gitna ng dagat ay Pang-abay na Panlunan.
Sumasagot sa tanong na Saan.
Ang pang-abay ay mga salitang naglalarawan ng pang-uri, pandiwa o kapwa
pang-abay.
Ito ay may tatlong uri.
1.Pang-abay na pamaraan-naglalarawan kung paano isinagawa ang kilos.Ito’y sumasagot
sa tanong na paano.
2. Pang-abay na panlunan- nagsasabi ng lugar na pinagyarihan ng kilos.
Ito’y sumasagot sa tanong na saan.
3. Pang-abay na pamanahon- nagsasabi kung kalian nangyari ang kilos.
Ito’y sumasagot sa tanong na kalian.

MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1
Panuto: Piliin ang Pang-abay na Pamanahon na angkop gamitin sa pangungusap.
Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
1. Ginagawa ko ang aking mga takdang-aralin_____ .
A. tuwing madaling-araw C. kahapon
B. bukas D. mamaya

2. Nagkaroon ng palatuntunan ang kanilang samahan____ .


A. sa Lunes C. sa darating na araw
B. sa susunod na buwan D. kahaponng umaga

3. Dadalawin ko si Felina sa ospital ____ .


A. kanina C. kahapon
B. samakalawa D. kagabi
4. Kami ay nagdarasal ng aming pamilya_____ .
A. oras-oras C. gabi-gabi
B. buwan-buwan D. maya’t maya

5. Uunlad din ang inyong pamayanan_____ .


A. sa kasalukuyan C. sa darating na panahon
B. noong isang Linggo D. kaninang madaling araw

Pagsasanay 2
Panuto: Piliin at isulat sa patlang ang titik ng Pang-abay na Panlunan na angkop gamitin sa
pangungusap.
1. Madaling-araw pa lamang nang lisanin nina Alfredo ang ____ ng kabundukan.
A. paanan B. ilalim C. loob D. silong

2. Magtatakipsilim na nang marating nila ang ____ ng bundok.


A. ulo B. ilalim C. loob D. tuktok
3. ____ ng bundok sila inabot ng pananghalian.
A. Sa sulok C. Sa kailaliman
B. Sa malayo D. Sa kalagitnaan

4. Sa ngayon ay pababa na sila _____ ng bundok.


A. sa malayo C. sa ilalim
B. sa malapit D. sa kabilang gilid
5. Mararating nila ang bayan ____ ng bundok bukas ng madaling araw. A.
sa loob B. sa ilalim C. sa kabila D. sa butas
B.

Pagsasanay 3
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na Pang-abay na Pamaraan upang mabuo
ang talataan. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
A. masaya B. tahimik C. malungkot
D. malalim E. nagmamadaling

1. Si Dina ay _______ na nakaupo sa may bintana. Nag-iisip siya nang


2.______ habang 3.______ na nakatanaw sa malayo. Maya-maya ay 4._____ siyang
napangiti. 5. Siya ay _______ bumaba ng hagdan upang salubungin ang
pinakahihintay na panauhin.

PAGLALAHAT
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang ang titik ng tamang
sagot.
A. Pamanahon B. Pamaraan C. Panlunan
D.tatlo E. kailan

1. Ang pang-abay ay may _________ uri.


2. Ang pang-abay na pamanahon ay sumasagot sa tanong na__________.
3. Gumagamit tayo ng pang-abay na ________ upang mailarawan kung paano naganap
ang isang kilos o pangyayari.
4. Gumagamit tayo ng pang-abay na _________ upang mailahad kung saan naganap
ang mga pangyayari o kilos.
5. Gumagamit tayo ng pang-abay na _________ upang mailarawan kung kailan ginawa,
ginagawa o isasagawa ang mga gawain.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat kung ang nakaitim na salita ay Pang-abay na
Pamaraan, Panlunan, o Pamanahon.
_____ 1. Siya ay bumaba ng patingkayad sa hagdan.
_____ 2. Ako ay mag-aaral sa Laguna sa susunod na pasukan.
_____ 3. Dahan-dahang kinumutan ni Nanay Celia si bunso.
_____ 4. Baka makauwi ako sa probinsiya sa makalawa.
_____ 5. Tila sisikat na ang araw bukas.
Sanggunian
A. Aklat
1. Sanayang Aklat sa Sining ng Komunikasyon sa Filipino Baitang 5, Nenita
Porciuncula Papa at Narcisa Serafico Sta. Ana,c.1995
2. Pag-unlad sa Wika at Pagbasa 5 , Erlinda M. Santiago at Emerlinda G. Cruz, c.2007

B.Pampamahalaang Publikasyon
Department of Edukasyon K to 12 Gabay Pangkurilum:
Mayo 2016 (F1PT-Iib-f-6)
Dep Ed Most Essential Learning Competencies (F1PT-Iib-f-6)

You might also like